MasukTila naging isang parusa kay Reina ang halos apat na oras na lumipas. Hindi niya akalaing aabot siya sa ganito, dahil sa buong buhay niya ang tanging pinakamabigat na binuhat niya ay ang kaniyang designer bag. Pero ngayon? Pakiramdam niya, unti-unting nangangalay ang kaniyang likod dahil kanina pa siya pabalik-balik sa pagbuhat ng mga folder mula sa madilim at maalikabok na storage room sa dulo ng hallway.
Dagdagan pa ng paltos sa kaniyang paa dahil sa suot niyang flat shoes na parang sumisingil ‘ata ng utang sa sobrang kirot, at wala man lang siyang magawa kundi ang tiisin. Kahit lagyan niya pa ng band aid, wala pa ring maitutulong. Pasalamat na lang talaga siya at walang heels ang kaniyang sinuot. “Gosh. Bakit kasi nauso pa ‘tong Excel? Sino nag-imbento nito, pasampal isa lang,” nayayamot na bulong ni Reina sa sarili habang mariing nag-ta-type sa mga pyesa ng kaniyang lumang computer. Halos nasa seventy percent pa lang ang natapos niya sa pag-encode. Napapaubo pa siya minsan sabay bahing dahil maalikabok ang ibang lumang folder. Kumakapit na rin sa kupas niyang blazer ang ibang dumi. Nagsimula nang mamula ang balat ni Reina dahil sa matinding kating kanina niya pa iniinda dahil sa nararamdaman niyang init at pawis. Kahit centralized aircon ang buong building ng Monteverde, pero parang hindi pa rin umabot ang malamig na hangin sa siksikang cubicle ng mga intern. “Psst, Olaso.” Napahinto sa pag-type si Reina nang mayro’ng tumatawag sa kaniya. Napatingin siya sa gilid nang makitang lumapit si Karen na may dalang iced coffe. Napasulyap pa ito sa kaniyang monitor at bahagyang nangiwi bago inilapag sa maliit niyang table ang dala. “Hindi ka pa tapos? Naku, alas-onse y medya na. Kaunting minuto na lang. Maya-maya lalabas na si Sir Enzo sa lungga niya para mag-check ng mga output,” bulong ni Karen, na parang nagbibigay ng isang babala. Napasimangot siya. “Ang dami naman kasi nito, Ate Karen. Dalawa lang kamay ko, hindi apat. Kahit siya siguro ‘di matapos ‘to ng apat na oras,” bagsak ang balikat niyang reklamo bago itinuloy ang ginagawa. “Atsaka, hindi naman sa hindi ko alam kung paano gawin ‘to, pero may part kasi na ang gulo ng pagkakalagay kaya hindi ko ‘agad ma-gets. Kailangan ko pang hulaan kung letter O ba o zero ‘yong nakalagay. Anong akala nila sa akin, manghuhula ako?” “Ganyan talaga kapag na-assign ka sa Department na ‘to. Bawat minuto, importante. Nag-a-apply sa floor na ‘to ang time is gold. Lahat dapat mabilis, lahat high-pressure. Dapat marunong ka rin maging independent, because everyone here is busy,” payo nito sabay inom sa dalang kape. Payo nito, kulang na lang ay tapikin nito ang balikat niya. “Lalo na ngayon, mas triple ang busy ng mga empleyado rito dahil may malaking pitching ang team bukas sa mismong harap ng Board of Directors at mismong CEO—si Don Vincenzo Monteverde. Kapag hindi ma-approve ‘yong propose budget na para sa eco-housing project na binuo ni Sir Enzo, baka matanggal siya sa trabaho. Kaya mainit ulo no’n kanina, mas lalong naging halimaw.” Napahinto ang mga daliri ni Reina sa ibabaw ng keyboard. Eco-housing project? Naalala niya bigla ang narinig niya kay Lolo Vincenzo noong nakaraang linggo habang naghahapunan sila sa mansyon. Kung tama ang pagkakaalala niya, nabanggit nito ang isang ambisyoso ngunit magastong projecrt na pino-propose ng isang department na siguradong ikakalugi ng kanilang kompanya. Hindi niya inaasahang ito pala ang tinutukoy ng lolo niya na siyang mismong kinaka-stress ng masungit niyang supervisor ngayon. Kung alam mo lang Alvendo, na isang sabi ko lang kay lolo ay pwedeng ma i-approve o ma-reject ang proposal mo. Kaya dapat maging mabait ka sa akin, usal niya sa kaniyang isipan at sa loob-loob niya tila siya ay nanalo. Pero napasimangot siya nang biglang maalala na wala pala siyang kapangyarihan ngayon. Isa lang siyang no-body sa paningin nila lahat. Eksaktong eleven forty, bumukas ang glass door ng opisina ni Sir Enzo. May hawak-hawak itong manipis na folder pagkalabas, walang kahit anong bakas ng emosyon ang mukha nito. Mas seryoso rin ito ngayon kaysa kaninang umaga. Ramdam ang malamig at mabigat na presensya nito sa buong floor, na akala mo'y ito na ang huli nilang sintensya. Ang kaninang nagbubulungang empleyado tungkol kung saan sila mag-lu-lunch ay bigla na lang tumahimik at nagpanggap na may ginagawa sa kanilang monitor, kahit kanina pa nila tapos ang lahat ng dapat tapusin. Maliban sa kaniya. Diretsong tumungo si Enzo sa maliit na cubicle ni Reina. Bawat yabag nito ay tila hatol. Mas lalo ring lumalakas ang kabog ng kaniyang dibdib. Parang kanina lang ay nagrereklamo pa siya at wag ng tapusin ang pag-encode, ngunit ngayon ay parang gusto niya nalang tumakbo at magtago dahil sa takot. Huminto ito sa likod mismo ni Reina, at mas lalong ramdam niya ang lumakas na awra nito. Kita niya ang nakakaawang tingin ng mga taong nakatingin sa kaniya. Nakikisimpatya dahil siya ang bunot ngayon ng kanilang masungit na boss. "Where's the spreadsheet, Ms. Olaso?" malamig na tanong nito, ang boses ay mababa ngunit may diin ang bawat salita at alam niyang rinig pa rin hanggang katabing cubicle. Humarap si Reina at ipinaskil ang matamis na ngiti habang pilit na hindi matakot. "Ahm, Sir Enzo, tapos na po ang physical archiving at alphabetizing sa storage room. Pero 'yong encoding po sa Excel, nasa eighty five percent palang po ako. Medyo marami po kasing correction sa ibang lumang data, tapos—" "I explicitly said before lunch, Ms. Olaso," putol ni Enzo sa kaniyang sasabihin. Walang bakas ng kahit anong consideration sa mukha. Tiningnan nito ang mamahaling wristwatch bago ibinalik sa kaniya. Nakipag-eye-to-eye sa kaniya. "It's already eleven forty-eight. For a professional, lunch means twelve noon. At base sa nakikita ko, hindi mo matatapos lahat ng 'yan within twelve minutes." Naramdaman ni Reina ang pamilyar na init na umakyat sa kaniyang pisngi. "For your information, sir. Ginawa ko naman po ang lahat para matapos lahat nang pinapagawa mo on time. Kung tutuusin, tatayo lang ako para pumunta ng stockroom sa hallway. Kahit pumunta ng CR ay hindi ko na ginawa. Kung sana maayos ang pagkakasulat ng mga data, sa—" "I don't pay you to give me excuses, Ms. Olaso! Actually, the company pays you, but that's not the point here," sarkastikong wika ni Enzo at bahagyang sumandal sa cubicle at tila isang model. "What I need is completed outputs, not repeated complaints. Kung sa ganito kaliit na task ay hindi mo matapos bago ang deadline, paano pa kita mapagkakatiwalaan sa totoong project documentations?" "Insulto po ba 'yan, sir?" hindi mapigilang tanong ni Reina, bakas sa tono niyang nasasaktan. She wants to explode right now. Lumaki siya sa mundong pinupuri siya ng mga taong nakapaligid sa kaniya. Kaya ang tawagin siya ng ganito ni Enzo ay isang sampal sa kaniyang buong pagkatao. Kumunot ang noo ni Enzo, hindi inaasahang matapang siyang sagutin ng isang bagong intern sa harap mismo ng mga empleyado. "It's consider reality check, Ms. Olaso. However, if speaking the truth feels like an insult to you, you maybe accustomed to an environment that demands excessive caution in very statement. Pero nandito ka sa totoong mundo, walang space ang pagiging prinsesa rito."Prinsesa? Legit na natamaan siya sa salitang 'yon. Gusto niyang tumayo at ipamukha ritong siya ang prinsesa ng building na 'to pero pinili niyang huminga ng malalim at pakalmahin ang sarili. Hindi ito ang tamang oras para patulan 'to. "Mamayang ala-una, may darating na mga kliyente mula sa isang supplier," tuloy ni Enzo na tila walang pakialam kung ano man ang nararamdaman ni Reina. "I want you to report to Conference Room B. Ensure coffee is prepared for them before the meeting begins. Kaya siguraduhin mong tapos na ang pinapagawa ko sa 'yo bago mag-ala-una. No more excuses," puno ng awtoridad nitong sabi. Tumalikod na ito at naglakad pabalik sa opisina. "Arghh! Napakahalimaw talaga! Madapa ka sana!" pasigaw na bulong ni Reina at marahas na p-um-indot sa keyboard ng computer.Isang nakakainsulto at malakas na tawa ang biglang pinakawalan ni Matthew mula sa kanyang kinaroroonan. "Unbelievable, Engr. Alvendo. You call this preparation for the Chairman? A one-billion-peso mistake? Or is this your way of pocketing the extra money?""Shut up, Matthew," matalim ang bawat salitang utos ni Enzo. Humigpit ang pag-iting ng panga nito, pinipigilan ang nabubuong emosyon. Ang tahimik na si Natasha ay mabilis na tumayo at pumagitna bago itinaas ang mga kamay bago itinuro kay Reina na tahimik na nakatingin sa kanila habang kinakabahan. "Sorry to interrup, gentleman. Pero hindi dapat si Engr. Alvendo ang sinisisi, dahil ang intern na 'yan ang huling humawak ng files kahapon! Siya rin ang nag-print at nagbigay sa inyo ng folders! Kaya sobrang linaw na sinadya o naging pabaya siya sa kaniyang task para masira ang presentation na 'to!"Lumakas ang bulungan sa boardroom nang marinig ang mahabang salaysay ni Natasha. Lahat ng mga mata ay nalipat sa direksyon ni Reina.Matindi
Mararamdaman kaagad ang mabigat ang dapya ng hangin pagkapasok sa loob ng Execiutive Boardroom. Ang malaking silid ay napapalibutan ng floor-to-ceiling glass windows, kitang-kita ang malaking syudad. Sa gitna ay may isang mahabang oval table na gawa sa mamahaling polished mahogany, kung saan nakaupo na ang member ng Board of Directors. Sa dulo ng table, prenteng nakaupo si Don Vincenzo Monteverde. May suot itong lapel pin na ginto sa kaniyang black tailored suit, habang nakapatong ang dalawang kamay sa kaniyang gintong cane. Seryoso itong nakatingin sa unahan kung nasaan makikita ang malaking projector, habang matyagang naghihintay na magsimula ang presentation.Sa tabi ng projector screen, nakatayo si Enzo Alvarado. Nakasuot ito ng kanyang pinakamagandang black suit, bagaman halata ang kaunting puyat sa ilalim ng kanyang mga mata. Subalit wala kahit na anong bakas ng kaba sa mukha. Sa gilid naman ng pinto, nakatayo si Reina habang hawak ang kape at notebook. Nanginginig ang mga dalir
Kanina pa nakatayo at nagtatago si Natasha sa likod ng malaking photocopying machine, pilit isiniksik ang sarili upang 'di siya makita. Kanina pa siya roon, naghihintay na umalis si Enzo at naghahanap ng pagkakataong makausap si Reina. Nanggagalaiti ang kanyang dibdib sa matinding galit at inggit. kakapasok niya palang kanina pagkatpos ng lunch break ng narinig na niya ang tsismis sa buong floor na dinala ni Enzo si Reina sa labas para ilibre ng tanghalian, isang bagay na hindi kailanman ginawa ng lalaki sa kahit kanino sa kanila! “Isang malandi at hampas lupang babae lang siya! Pero kapal ng mukha para dumikit kay Enzo!” gigil na bulong ni Natasha sa sarili habang nakakuyom ang kanyang mga kamay na may bagong dikit lang na nail extension. “Bakit ba siya ang binibigyan ng pansin ni Enzo? Bakit siya ang pinapahawak ng pinakamahalagang file para sa presentation bukas?Gano'n ba kalaki ang tiwala niya sa bruhang 'yan?!” Nang makitang tuluyang pumasok si Reina sa rest room, mabilis na lum
Halos mag-alas otso na ng gabi, nakapatay na rin ang mga ilaw sa mga cubicle, subalit nananatili pa ring nakabukas ang monitor ni Reina. May nagmumula ring ilaw mula sa nakabukas na p***o ng opisina ni Enzo sa dulo ng hallway. Pagod na pagod at halos pumikit na ang mga mata ni Reina habang nakatutok sa liwanag ng computer monitor. Sa loob ng ilang araw, wala siyang ibang ginawa kundi ang mag-type, mag-compute, at mag-recheck ng libo-libong figures para sa gaganaping Executive Budget Presentation para sa Eco-Housing Project. Alam niyang dito nakasalalay ang lahat, kung kaya hanggang maaari, sa abot ng kaniyang makakaya ay kaniyang tinutulungan si Enzo. Maging ito ay halos gano'n din ang ginagawa. Minsan hindi niya rin masisisi kung bakit ang bilis nitong magalit, hindi lang sa ibang empleyado, maging sa kaniya. At dahil siya naatasang mag-encode ng final financial data, hawak niya ang pinaka-crucial na bahagi ng project kaya isang pagkakamali niya lang, magsisimula ulit sa umpisa. H
Huminto sila sa isang makitid, siksikan, maingay, at pipitsuging karenderya. Malapit lang ito sa Monteverde tower ngunit ni minsan ay 'di niya man lang binigyang pansin ang eskenetang 'to. Sa labas may kay tarpauling nakasabit na may pangalang Tatiy's Manukan. Gawa rin sa lumang kahoy ang pundasyon. Nangingitim na rin dahil sa usok at paglipas ng panahon.What is this place? Napaatras siya, hindi niya inaasahang dito sila kakain. Sa rami ng pwedeng pagdadalhan, bakit dito pa? Hindi siya pamilyar sa lugar, at kahit kailan hindi pa siya nakaapak dito."May problema ba, Olaso?" tanong ni Enzo nang mapansin ang pag-atras niya."H-huh? W-wala, sir." Kumulo ang kalamnan niya sa nakikita. Hindi niya alam kong dahil ba sa gutom o dahil sa takot."Ito na ang pinakamurang kainan. Bukod do'n, malinis at masarap din sila magluto rito. Kaya 'wag kang mag-alala," nanunuksong hirit nito habang naghahanap na ng pwede nilang mauupuan. "Alisin mo 'yang pagkakunot ng noo mo, Olaso. Baka iisipin ng may-
Masama pa rin ang loob ni Reina dahil sa kaganapan kanina habang sa matapos niyang linisan ang madilim at puno ng alikabok na storage room. Nangangati na rin ang katawan niya, at malagkit dahil sa pawis. Sa tanang buhay niya, ngayon lang siya nakaranas na maglinis ng ganito. Yes, she was definitely cleaning her room, but it wasn't this messy. "Ganito ba talaga sila rito mag-trato ng intern nila? Saan ang hustisya?" galit na usal niya, pabagsak na inilapag nag isang malaking lagayan ng mga dokumento. Sa tantiya niya ay mga report 'yon. "At isa pa, ang yabang ng Castro na 'yon. Pero kaharap si lolo, akala mo tuta kung magpa-cute at magsalita. Mas halimaw pa pala. Nasa loob talaga ang kulo." Pagod siyang umupo sa kupas na upuan sa pagod at pananakit ng kaniyang paa. Plano niyang mag-stay muna ro'n ng ilang minuto pa upang makapagpahinga. Pinangpunas niya na lang ang wipes na dala para mabasan ang lagkit ng katawan, at mawala ang alikabok na kumapit. Napahikab siya pagkatapos at napapik
Eight-thirty na ng gabi ng tingnan ni Reina ang orasan. Maliban sa nakakasilaw na liwanag mulay sa monitor niya, lahat ng mga malalaking ilaw sa buong floor ng department ay nakapatay na. Ang abala at maingay na opisina ay nababalutan na ngayon ng matinding katahimikan. Tanging ugong na lang ng cen
Dahil sa pagmamadali at inis, hindi na nag-abala pang kumain ng lunch si Reina. Itinutok niya na ang kaniyang buong isang oras sa pag-e-encode sa lintek na Excel. Mabilis ang bawat galaw ng daliri niya na tila nakikipaghabulan sa oras. Tinitiis ang pananakit ng balikat at gutom para matapos lang it
Bahagyang siyang napalunok. Hindi niya alam kung paalala ba ang sinasabi nito o isang babala. Halimaw? Galit sa mayayaman? Napataas ang isang kilay niya sa isip. Buong buhay niya, lahat ng managers ng kompanya nila ay yumuyuko sa tuwing dadaan sila ng lolo niya. Sino ang lalaking ‘to para katakutan
Kung mayro’ng natutunan si Riena sa loob ng dalawampu’t tatlong taon, iyon ay ang katotohanang iba ang magiging trato sa ‘yo ng isang tao kapag alam nilang may nakadikit na yaman sa dulo ng pangalan mo.Kapag naglalakad siya sa isang mamahaling mall, kusang bumubukas ang mga glass door ng store. Ka







