Share

Kabanata 29.1

Kasama si Nathan at ang ilan sa mga bodyguards ay maaga kami na tumungo sa opisina ni Colton Mijares. Hindi alam ni Aldrick ang pagpunta namin dito. Kahapon ay mukhang may problema sa kanila dahil nakita ko ang malalim na pag-iisip niya matapos na sagutin ang tawag mula kay Queen Isabel.

Alam ko na marami rin na inaasikaso si Aldrick kaya ayaw ko na siyang gambalain pa at dumagdag pa sa mga problema niya.

Pagpasok pa lang sa Designers Unlimited lobby ay muli na naman kami na pinagtinginan ng mga empleyado at bisita. Kagaya ng una namin na pagpunta rito, full security entourage na naman ang inihanda ni Nathan.

Agad kami na dumiretso sa executive elevator at nagtungo sa executive floor kung saan naroon ang opisina ni Colton.

Kumakabog man ang dibdib ko sa kaba ay namumuo pa rin ang galit sa puso ko nang muli ko na maalala ang mga pagbabanta ni Yulence kahapon. Kaya kahit hindi ako sigurado sa mangyayari ngayon ay matapang ko na haharapin si Colton Mijares. Hindi ako papayag na pagtu
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status