Pagkatapos ng pag-uusap ng magkapatid kanina ay nagbibiyahe na sila ngayon upang bisitahin ang ina nila na reyna. Parehas na tahimik ang magkapatid habang nasa sasakyan. Ito ang unang pagkakataon na mabibisita ni Colton ang kan’yang ina buhat nang kusa ito na sumuko kay Prinsipe Akiro at nakulong. Marami na ang nangyari sa mga nakalipas na araw matapos iyon at hindi alam ni Colton kung alam na ba ni Reyna Isabel ang ilan pa na kaganapan sa buhay nila. “She knows what happened to you, Colton. She knows everything that happened.” Ang mga salita na iyon ni Aldrick ang sumagot sa mga tanong niya sa kan’yang isipan. Sumulyap siya sa kapatid na seryoso na nakamasid lamang din sa kan’ya. “Hindi mo na dapat pa na sinabi ang mga bagay na iyon. HIndi na dapat pa niya na nalaman tutal ay nalagpasan na natin iyon.” “I need to let her know that you almost lost your life saving me. She needs to know how good of a son and a brother you are to me. Nang bumalik ako sa Pilipinas para sa plano na iyo
Maaga na nakabihis at nakahanda si Colton ngayon araw. Kailangan niya na bumalik sa palasyo ng mga Altamirano upang makita at makasama ang kan’yang mag-iina. Hirap na hirap siya kagabi lalo pa at ito ang unang beses na muli sila na nagkahiwa-hiwalay. Kung puwede nga lamang na bitbitin na niya kagabi ang kan’yang mag-iina para makasama niya rito sa palasyo ng Laureus ay ginawa na niya. Pero alam ni Colton na lalo lamang iyon na magiging dahilan para ayawan siya ng hari, kaya nagtiis na lamang siya. May bahid ng katotohanan ang sinabi ni Colton sa kapatid na si Prinsipe Aldrick na kapag hindi umubra ang kan’yang plano sa hari ay kikidnapin niya ang kan’yang mag-iina. Totoo na gagawin niya iyon kapag hindi niya nakumbinsi ang mga magulang ni Atasha at kung sakali na patuloy sila na paghiwalayin ng mga magulang nito. Alam niya na mali pero wala na siyang iba na pagpipilian. He needs his family beside him. “Colton, are you ready?” tawag sa kan’ya ni Aldrick mula sa pintuan. Hindi na siy
Ilang araw nang hindi kinikibo ni Prinsesa Atasha ang kan’yang mga magulang. Hanggang ngayon ay masama ang loob niya sa kan'yang ama na hari dahil sa mga sinabi at ipinakita nito kay Colton. At nadamay na rin ang kan’yang ina na reyna sa inis at sama ng loob na nararamdaman niya dahil pakiramdam ng prinsesa ay hindi siya tinulungan ng ina upang maipagtanggol ang kasintahan. Hindi rin nagugustuhan ni Prinsesa Atasha ang ilang araw na nila na pagkakalayo ni Colton. Kahit na sabihin pa na araw-araw naman sila na binibisita ng kasintahan niya ay iba pa rin ang magkasama sila hanggang sa pagtulog. Maybe the only consolation she has is that pinapayagan ng kan’yang magulang, ng kan’yang ama to be exact si Colton na magpabalik-balik sa palasyo. Ilang araw na nagpupunta si Colton sa palasyo at maghapon na makikipaglaro at sasamahan sila hanggang sa bago maghapunan kung saan ay babalik na naman siya sa palasyo ng mga Laureus. Princes Atasha doesn’t want that set-up, pero wala siya na magawa.
“Hanggang kailan mo ba na balak na tiisin ang prinsesa, Alfonso? Hanggang kailan mo na balak pahirapan si Colton? At hanggang kailan mo balak na paghiwa-hiwalayin ang pamilya ni Atasha?” Ito ang pigil na pigil na galit na tanong ng reyna sa kan’yang asawa. Kasalukuyan na nasa study hall ang mag-asawa upang pirmahan ang ilang dokumento nang maalala ng reyna na kausapin ang asawa patungkol sa problema ng prinsesa. “Hindi ko tinitiis ang prinsesa at hindi ko rin sila pinapahiran. Ang aking ginagawa ay upang masukat kung hanggang saan aabot ang katatagan ni Colton Mijares para sa pagmamahal niya sa ating anak. Sinisigurado ko na hindi siya kagaya ng ibang lumaki sa mayaman na pamilya na panay paglalaro lamang sa babae ang alam.” “Hindi pa ba sapat ang mga napatunayan ni Colton lalo na nang pagtaguan siya ni Atasha? Hindi pa ba sapat na patuloy niya na hinanap si Atasha nang mawala ang anak mo? Ipapaalala ko lang sa’yo na ang ating prinsesa na si Atasha ang lumayo at nagtago rito sa Geno
Maaga na papunta ngayon si Colton Mijares sa palasyo ng mga Altamirano. Ipinatawag siya ni Haring Alfonso at ngayon ang araw na nakatakda nila na pag-uusap. Kasama niya si Elon dahil ang kan’yang kapatid na si Prinsipe Aldrick ay may pagpupulong na pupuntahan. Hindi na gaya sa una nila na paghaharap ay wala na ang kaba na nararamdaman si Colton. Ang nasa isip niya ngayon ay ito na ang pagkakataon niya upang mapatunayan ang kan’yang sarili sa ama ni Atasha. At nais niya na magtagumpay sa pagkakataon na ito. Habang nasa sasakyan ay panay ang isip ni Colton kung ano ang nais na sabihin sa kan’ya ng hari at kung ano ang mga posible na maitugon niya. Isa lamang ang sigurado siya, isang tumataginting na hindi ang isasagot niya oras na hilingin sa kan’ya ng ama ni Atasha na hiwalayan ang prinsesa. Nang makapasok ang sasakyan sa malawak na lupain ng palasyo ng mga Altamirano ay naghanda na si Colton. Hindi niya rin sigurado kung alam ng prinsesa ang pagdating niya ngayon o hindi. Ang sabi l
Masaya ako ngayon na natanggap na ng pamilya ko si Colton. Akala ko talaga na magkakaproblema pa kami sa mga magulang ko. Kaya labis ang tuwa na nararamdaman ko nang maging maayos na ang lahat. Kahapon ay nanatili pa rin si Colton sa palasyo ng Laureus kahit na naging maayos na ang lahat sa pagitan nila ng aking ama. Kinailangan niya na muna na mamalagi roon upang makasama ang kapatid niya na si Prinsipe Aldrick at pormal na makapagpaalam kay Haring Alarick. Ngayon ang araw na muli siya na babalik sa aming palasyo. Dahil ilang araw din namin siya na hindi nakasama at nagkakasya na lamang kami sa mga pagtawag sa telepono ay sabik na sabik na ako na muli siya na makita. Iba pa rin ang halos buong araw ko siya na nakakakasama at nakikita simula pagmulat ko hanggang sa aking pagtulog. At sa sobrang pagkasabik namin ng kambal sa pagbabalik niya ay rito namin sa hardin naisipan na hintayin siya. Masaya na naglalaro ang dalawang bata habang ako naman ay nakamasid lang. Hinihintay namin a
“Ex-girlfriend?! That woman is your ex-girlfriend? Isang babae sa nakaraan mo na hindi mo man lang naisipan na banggitin sa akin?” Ito ang nanggagalaiti ko na bungad kay Colton nang mapag-isa kami sa silid ko. Ang kambal ay kasalukuyan na nasa playroom kasama ng kanilang mga yaya. Simula kanina pa ay nagtitimpi na ako ng aking inis kaya ngayon nang makapasok kami sa kuwarto ay sumambulat na ang kanina ko pa na pinipigil na galit. Galit kay Colton at higit sa lahat ay galit sa maarte na babae na iyon. “Love, let me explain, okay? Ano ba ang ikinagagalit mo? At bakit ka ba sumisigaw? Puwede huwag ka na nga muna na sumigaw dahil baka isipin ng mga magulang mo na nag-aaway tayo.” Naguguluhan na tanong sa akin ni Colton na lalo lamang nagpasalubong ng kanina ko pa salubong na salubong na kilay. “Nag-aaway talaga tayo! And I don’t care kung marinig tayo ng hari at ng reyna dahil nagagalit ako ngayon.” “Love, huminahon ka nga muna at sabihin mo sa akin kung ano ba talaga ang ikinagagalit
Hindi maipinta ang pagmumukha ni Prinsesa Atasha habang kasama ang mga anak na kambal sa hardin. Kanina pa sila na naririto na mag-iina ngunit hanggang ngayon ay wala ang anino ni Colton. Umalis si Colton dahil muli ay isinama ni Prinsipe Akiro at hindi niya malaman kung saan na naman pupunta ang dalawa na iyon. Lalo na ayaw niya na pinapasama ang nobyo sa kan'yang kapatid dahil baka muli ay magkita na naman si Colton at ang Tiffany na iyon. Nagngingitngit na ang kalooban ni Atasha dahil kanina pang umaga umalis ang dalawa. Ang kan’yang mga anak naman ay hindi alintana ang inis ng ina dahil hindi magkamayaw sa paghahabulan sa hardin. “Simangot na simangot na naman ang mgandang prinsesa.” Ang kanina na hindi maipinta na mukha ni Prinsesa Atasha ay agad na napalitan ngayon ng malapad na ngiti nang marinig ang boses na iyon na nagsalita. Mabilis na tumayo ang prinsesa at sinalubong ng yakap ang lalaki na tumawag sa kan’ya. “Prinsipe Aldrick!” Bakas na bakas ang galak sa mukha ng pri