Share

CHAPTER 13

Auteur: NORWEINA
last update Dernière mise à jour: 2025-08-01 10:59:13
Walang pinagkaiba si Derek sa kanilang ama na maraming babae, minana niya ang pagkasutil at pagkawalanghiya ng ama. Napailing nalang si Cindy at hindi na siya pinansin. Dumeretso lang siyang maglakad sa hallway at nakita niyang maraming lasing na kalalakihan. At pinapanood ng mga ito ang kalaswaan ng kapatid na nasa sofa, nakikipagtalik sa babae niya.

Naupo nalang sa may counter si Cindy at um-order ng cocktail. Huli namang dumating ang kaibigang si Maricel.

"Na-traffic ako."

Tiningnan siya ni Cindy at nagtanong, "Traffic lang ba talaga?"

Sumagot si Maricel, "Ano pa ba?"

Umirap si Cindy at inabot ang kwelyo nito. "Magpunas ka nga muna ng bibig bago ka magsinungaling."

Kitang-kita pa ang bakas ng nude pink lipstick sa kanyang kwelyo. Halatang-halata na galing lang siya sa lalaking kinahuhumalingan niya. At ngayon, sasabihin niyang na-traffic siya?

Walang maniniwala.

Napakamot sa ilong si Maricel at agad binago ang usapan, "Kamusta na pala kayo ni Casper Graham?"

Nakatukod sa baba si Cin
NORWEINA

Update ulit ako toms. seeyou!

| J'aime
Continuez à lire ce livre gratuitement
Scanner le code pour télécharger l'application
Chapitre verrouillé

Latest chapter

  • The It Girl Flirting with the Ruthless Attorney   CHAPTER 15

    Pagkauwi ni Cindy sa bahay, hindi pa man siya nakakaupo ay tumawag na agad si Maricel.“May pagtitipon ng mga mayayamang pamilya sa grand hotel bukas ng gabi. Pinapaalala ng nanay mo na siguraduhin mong makakarating ka sa oras.”Binuksan ni Cindy ang gripo at naghugas ng kamay. “Malapit nang mamatay si Dad, tapos ganyan pa rin ang iniintindi niya?”Sagot ni Maricel, “Tanungin mo ang nanay mo.”Hindi talaga maiintindihan ng mga taong tulad nila ang takbo ng pag-iisip ng mga mayayaman.Ang nanay ni Cindy, si Francesca, ay isang tipikal na donyang mayaman noong dekada nobenta. Sabihin mo nang may estilo siya, medyo. Sabihin mo ring wala siyang utak, hindi rin naman totoo. Wala itong kakayahang kumayod pero one hundred percent na magaling pagdating sa pakikisalamuha.May nagsasabi sa mga sosyal na lupon sa bayan na si Francesca ay isinilang para suportahan ng mga lalaki. Simple lang ang mga pangarap at layunin niya sa buha na kaya niyang kontrolin ang mga lalaki, at sa pamamagitan ng mga

  • The It Girl Flirting with the Ruthless Attorney   CHAPTER 14

    Binuhusan ni Tyler ng tubig ang baso at iniabot ito kay Cindy na nakabusangot ang mukha. Mabilis siyang humila ng upuan at naupo sa harap nito nang seryoso.“Hindi ko alam kung dapat bang sabihing masuwerte ka o malas. Mas gusto ko pang sabihing masuwerte ka! Ilang beses ka na bang napadpad dito ngayong linggo? Tatlong beses na yata. Pero ang malas mo pa rin! Sa bawat pagkakataon, may humahabol sa’yo at kami ang laging sumasalo.”“Sa totoo lang, parang ikaw na ang naging mascot ng grupo namin. Yung mga nakakakilala sa’yo, alam nilang malas ka. Pero yung iba, iniisip na ginagamit mo lang ang koneksyon natin bilang kaklase para bigyan ako ng magandang record.”Tiningnan siya ng masama ng babae, “Tyler, alam mo ba kung bakit hindi kita gusto?”“Bakit?”“Kasi ang ingay ng bunganga mo.”Hindi nagpaapekto si Tyler, pinagtawanan niya pa ito, “Sabihin mo na lang kung gusto mong sampalin ako para makabawi ka naman.”“Kapag hindi tinanggap ni Casper ang kaso mo, at namatay ang tatay mo, sigurad

  • The It Girl Flirting with the Ruthless Attorney   CHAPTER 13

    Walang pinagkaiba si Derek sa kanilang ama na maraming babae, minana niya ang pagkasutil at pagkawalanghiya ng ama. Napailing nalang si Cindy at hindi na siya pinansin. Dumeretso lang siyang maglakad sa hallway at nakita niyang maraming lasing na kalalakihan. At pinapanood ng mga ito ang kalaswaan ng kapatid na nasa sofa, nakikipagtalik sa babae niya.Naupo nalang sa may counter si Cindy at um-order ng cocktail. Huli namang dumating ang kaibigang si Maricel."Na-traffic ako."Tiningnan siya ni Cindy at nagtanong, "Traffic lang ba talaga?"Sumagot si Maricel, "Ano pa ba?"Umirap si Cindy at inabot ang kwelyo nito. "Magpunas ka nga muna ng bibig bago ka magsinungaling."Kitang-kita pa ang bakas ng nude pink lipstick sa kanyang kwelyo. Halatang-halata na galing lang siya sa lalaking kinahuhumalingan niya. At ngayon, sasabihin niyang na-traffic siya?Walang maniniwala.Napakamot sa ilong si Maricel at agad binago ang usapan, "Kamusta na pala kayo ni Casper Graham?"Nakatukod sa baba si Cin

  • The It Girl Flirting with the Ruthless Attorney   CHAPTER 12

    “Kulang nalang maghubad ka sa harapan ko.” Sita ni Casper.“Hindi naman, gusto ko lang na mas madali para sayo na makita ang view.” Mas naging mapanukso ang postura ni Cindy.Hindi sumagot si Casper, bagkus ay napasinghal nalang. Habang lumilibot si Casper sa paligid ni Cindy, napansin niya ang kahon ng pagkain sa harapan nito.“Heto oh. Pinaglutuan kita ng almusal. At huwag kang mag-alala, wala ‘yang gayuma.” Inunahan na siya ni Cindy, dahil alam na nitong aakusahan na siya ng lalaki. “I don’t need a love potion dahil alam kong hulog na hulog ka naman sa’kin.”“Tsk baliw. Ikaw magluluto? Seryoso ka?” Sarkastikong tanong ni Casper. Tiningnan niya ang pagkain na may kasamang pangdidiri.“Nakakamangha diba? Ikaw lang yung unang taong pinaglutuan ko.” Nakangising sabi ni Cindy.Dahil hindi ginalaw ng lalaki ang pagkain, si Cindy na ang mismong nagbukas ng pagkain. “Huwag ka ng maarte, Casper. Actually, pasalamat ko ito sa pagtulong mo sa’kin.”Napairap si Casper, “Kailan ba kita tinulunga

  • The It Girl Flirting with the Ruthless Attorney   CHAPTER 11

    Pagkapasok ni Casper sa sasakyan, agad niyang sinabi kay Secretary Mark ang destinasyon. Biglang bumukas ang pinto sa kabilang gilid. Pumasok si Cindy, mukhang pagod. Bago pa makapag-react si Casper, hinila ni Cindy ang kanyang kurbata at mariing hinalikan ito sa labi. Sinubukan ni Casper na umiwas, pero hinawakan ni Cindy ang kwelyo ng kanyang damit, kaya hindi siya halos makagalaw. Nanlaki ang mata ni Secretary Mark habang nakatingin sa likuran. Tama nga ang sinabi ni Marcus—walang lalaking hindi kayang makuha ni Cindy. Ito ang laban ng isang makulit na demonyita at isang kawawang lalaki. Isang tulad ni Casper Graham na parang matandang walang emosyon laban sa isang dinosaur. Hindi mo masasabi kung sino ang talagang mananaig. Si Cindy ang naunang kumilos, hinawakan ang kwelyo ni Casper at idinikit siya sa dibdib nito. Nang sumandal siya sa pinto ng sasakyan, pinindot niya ang bintana pababa. At sunod-sunod na nag-flash ang mga camera kasabay ng mga sigNang makita ng media ang m

  • The It Girl Flirting with the Ruthless Attorney   CHAPTER 10

    Ang unang lokasyon ng shooting para sa variety show na sinalihan ni Cindy Mendez ay sa mismong club ni Marcus. Si Marcus ay isang kilalang playboy. Lahat ng klase ng high-end na lugar, napasok na niya. Hindi lang siya nakikisawsaw, kundi pati negosyo ng iba, kinukuha niya rin. Ang talino niya sa negosyo ay ginagamit niya sa pagsasamantala sa kahinaan ng tao. Gagawin niya ang kahit anong gusto ng mga lalaki at babae. Labag sa batas? Hindi ‘yon kasama sa sistema niya. Lalo pa’t nandiyan si Casper, at pagsunod sa batas ang number one rule niya. Nakapamewang si Cindy habang nakatingin kay Marcus na nakatayo sa tapat niya, halatang masama ang loob. Naka-cotton shirt si Marcus habang nakakalokong tumingin sa kanya. Nakita niyang mukhang bad trip si Cindy, kaya lalo siyang natuwa. "Siguradong hindi mo gusto na makita ako." Huminga nang malalim si Cindy at ipinikit ang kanyang mga mata. Isa siyang diwata at hindi dapat tumitingin sa maruruming bagay."Pinag-uusapan ng lahat kung paano ka ti

Plus de chapitres
Découvrez et lisez de bons romans gratuitement
Accédez gratuitement à un grand nombre de bons romans sur GoodNovel. Téléchargez les livres que vous aimez et lisez où et quand vous voulez.
Lisez des livres gratuitement sur l'APP
Scanner le code pour lire sur l'application
DMCA.com Protection Status