Share

CHAPTER 54

Mabilis na isinarado ni Wayne ang folder na kaniyang binabasa ng gabing ‘yon. Mabilis niya rin na binatuhan nang tingin ang suot niyang itim na wristwatch, at doon ay nakita niya na malapit nang mag-alas-siyete ng gabi.

Tumayo siya, aabutin na sana ang itim na coat na nakasabit sa kaniyang swivel chair nang biglang pumasok sa opisina niya si Brent na hindi man lang kumatok.

“Oh? Aalis ka na agad?” tanong ni Brent sa kaniya, may bitbit pa ito na halos limang puting folder kung saan ay doon napagawi ang mabilis na tingin ni Wayne.

Kasalukuyan lang siya na nasa kaniyang firm ng mga sandaling ‘yon. Ang sabi niya ay hindi siya papasok sa opisina dahil nga nagkasakit siya noong gabi… ngunit dahil na-boring siya sa kaniyang bahay lalo na at wala naman doon si Leigh, kaya pumasok na rin siya noong tanghali pagkatapos na kumain nilang dalawa ng lunch.

Sobrang bilis nga lang talaga na kumain ni Leigh, kung hindi nagkakamali si Wayne ay halos nakalimang subo lang ito at talagang umalis
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status