Share

The Legal Bride Revenge
The Legal Bride Revenge
Author: Jhen08

Chapter 1

"Are you sure iha na kaya mong gawin ito? ... alam mo naman na may nakaraan kayo nung lalaking yun" tumingin ako sa kaniya habang pilit na pinalalakas ang aking sarili.

"Tama ho kayo. ngunit, hindi habang buhay magtatago na lamang ako sa anino ng iba para lang makaganti sa kanila. lalo't hindi ko pa nakukuha yung ebidensya sa totoong pum*tay sa ama niya.

"You know what, kung hindi lamang kita nakita noon na nag aagaw buhay siguro nagtagumpay sila sa kanilang balak at tuluyang matabunan mga kasinungalingan at kawalang hiya*n ng pamilya Fierros na yan" yumakap siya sakin para ipadama na nariyan lamang siya para sa akin.

"Kaya nga ho buo ang aking pasasalamat. dahil kung hindi sa inyo walang gwen na nabubuhay sa mundong ito" wiping her tears.

"Sige na ...sige na iha magbihis kana at may appointment tayong pupuntahan" tumayo naman siya habang ako inaayos ang aking sarili.

FORD FIERROS POV

"H-hon nakikiusap ako sayo oh ...nakikiusap ako na sa akin ka maniwala"

"Ano pa bang gusto mong paniwalaan ko sa mga kasinungaling mo gwen?! alam mo itinuri ka ng aking dad na parang isang tunay na anak! ...pero, anong ginawa mo? ...gwen! pinat*y mo siya ng walang awa!"

"M-maniwala ka hon-n ...wala akong alam sa mga ibinibintang nila sakin" nakaluhod habang umiiyak na nagmamakaawa.

"A-alam mo tama nga sila, para lang kaming nagpalaki ng isang krimin*l sa bahay na ito! hindi ko alam gwen kung saan ako nagkulang o kung saan nagkulang ang aking dad para wakasan ang kaniyang buhay!" lumuhod muli si gwen para magmakaawa.

"B-bitaw! ...simula ngayon wala na akong kilalang gwen. wala na akong kilalang krimin*l na tulad mo!" tuluyang bumitaw sa pagkakakapit si gwen habang tinitignan ang aking pag alis.

"Fooooooooord! ...wala akong kasalanan!" sigaw nito habang patuloy lamang ako sa paglalakad.

"Sinabi ko naman sayo ford na walang magandang maidudulot yang babaeng dinala at pinakasalan mo! tignan mo ngayon ano nangyari? nawala ang aking asawa at na iyong ama!" bungad ng aking mom nung maka uwi ako sa bahay matapos kong kitain si gwen.

"M-mom ... nakasisiguro ba kayong kasalanan talaga ni gwen lahat ng ito? baka nga tama siya na sinet up lamang siya para akuin ang hindi naman niya talaga kasalanan" nakayuko lamang ako ng mga oras na yun habang hawak hawak ang ibibigay ko sanang regalo na kwintas para sa aming unang anibersaryo bilang mag asawa.

"Ford, no need to be confused! we have evidence na magpapatunay na siya ang pumat*y kay tito!" ibinigay ni sophia sakin ang isang video na naglalaman daw ng katibayan laban sa aking asawa.

"Just watch it my son"

Bumuntong hininga ako at parang hindi ko yata kayang panoorin ang kinalap daw na ebidensya ni sophia. siguro lumipas ang limang minuto ng simulan kong I-play ito at base sa video medyo malabo ang kuha at kita din na si gwen ang may hawak na b*ril habang nakatutok sa ama kong nagmamaka-awa na huwag siyang pat*yin.

"Nakikiusap ako sayo iha-a ...iha please wag mong gawin ito. nakik-"

Isang malakas na put*k ng bala ang tumama at tumagos sa dibdib ng aking ama saka ko na ito inistop.

"See walang iba kundi si gwen ang babae sa kuha ng isang testigo" saad ulit ni sophia habang nakahawak sa aking balikat.

"Ngunit hindi malinaw na siya si gwen. sop-"

"Huwag mong sabihing pati ang ebidensyang ito ford pasisinungalingan mo ng dahil lang sa gwen na iyan?! maawa ka naman sa sinapit ni tito na walang kalaban laban"

Sa sinabing iyon ni sophia hindi ko na alam pa kung ano pa ba ang aking paniniwalaan. andaming gumugulo sa aking kaispan na para bang ilang minuto lang sasabog ito.

"Please-e leave me alone ... gusto kong makapag isip" tumayo naman ito habang ako naman humiga.

"Kung hindi ka padin nainiwala sa binigay kong katibayang ito, ask the witness and not that, pati na rin yung matalik na kaibigan ni gwen na si patricia"

Iyan ang sinabi sa akin ni sophia bago pa man ito umalis. narinig ko naman pagsarado ng pinto at ako naman walang tigil sa pagtulo ang aking mga luha.

Hundi ko kase matanggap na sa lahat ng tao bakit siya pa?

Bakit ang pinaka mamahal ko pa ang tatapos sa buhay ng isa din sa pinakamamahal kong tao sa mundo?

Para na akong mabab*liw kakaisip sa mga nangyari na hindi ko alam kung sino sa kanila nagsasabi ng katotohanan.

Saturday Morning

Pinulong ang lahat sa kasong pagpat*y sa aking dad at kabilang sa mga ito ay ang tauhan ni dad ni si mang luigi kasama pa pati ang kaibigan ni gwen na si patricia.

Sa kabilang banda naman naroroon naman ang ina at ama ni gwen sa ta i niya para damayan ito. kasama at katabi ko naman ang aking mom at si sophia beside me.

"As we start this case, nais ko lamang bumati sa inyo ng magandang umaga"

[a/n: i don't know kung ganito yung scenario sa husgado. but, dahil ano lang naman ito story pagbigyan na charrrr]

"Magandang umaga din ho Judge Castillo"

Nagsipag tahimik na lahat habang ako at ni gwen nagtitinginan. bakas sa mga mata nito ang takot at sinasabi din na tulungan ko siya at pa iwalaan base sa aking nakikita sa mga mata niya na maluha luha pa.

[a/n: pasingit po, while waiting for another chapter sa istoryang ito maaari niyo din pong basahin ang "completed story ko na [MISTAKES] dito din po sagroup na ito. maraming salamat]

"Ngayon, tinatawag ko ng pansin ang akusado na si mrs. Fierros" tumayo naman saka lumapit si gwen upang magbigay ng maikling paliwanag ukol sa ibinibintang sa kaniya.

"M-magandang um-maga po sa inyong lahat na naririto" nauutal nitong sabi habang nakaharap sa aming lahat.

"Mabul*k ka sa kulung*n babaeng krimin*l!"

Ilan lamang iyan sa mga isinisigaw ng mga tao rito kasali na pati mga malalapit na trabahador ni dad. naisin ko mang lapitan siya at damayan ngunit sinasabi ng aking isip na huwag dahil siya ang may s*la.

"Pwede ho bang tumahimik na muna ang lahat? pantay pantay po tayo rito and kailangan natin mapakinggan ang kaniyang panig" saad ng mababang hukuman sumunod naman ang lahat habang ako nararamdaman ko na pagbagsak ng aking mga luha.

Muling inasalita ng husgado si gwen habang siya naman napabuntong hininga at muling humarap sa akin. nagpatuloy ito sa pagsasalita at lagi niyalang sinasabi na wala siyang alam sa mga pangyayari kung bakit raw siya naroroon.

"Sinungaling!"

Sigaw ng isa daw sa mga witness. galit na galit ito habang wala padding tigil sa bangayan ang magkabilang panig. nagalit na ang husgado kaya naman pinabalik si gwen sa kaniyang upuan habang isa isa namang tinawag ang mga sinasabing witness sa nangayri.

"Nakasisiguro po akong si ms. Gwen yun dahil yung suot niya katulad ng babaeng bum*ril kay sir"

"So, you based all of your opinion ng dahil lang sa suot niya noong araw na yun?" sabat naman ng kampo ni gwen.

"Per-" pinutol na ang kaniyang sasabihin dahil hindi valid ang mga rason niya at isa pa wala siya sa pinangyarihan. bali nung natagpuan na lamang sila na nakahigang magkasama. marahil yun ang pinagbasehan nila yung sa video at yung actual.

Sumunod naman si mang luigi habang kita sa kaniyang mga mata yung kaba . nagsalita na ito at hindi ako makapaniwala sa mga isinawalat niya.

"Totoo po ang lahat dahil nasa paligid lamang ako nung mga panahong nagkita sila ni ms. Gwen. inutusan po kase ako ni sir na bumili ng makakain para sa anak ko habang hinihintay matapos ang pag uusap nila. pero ..pero nung bumalik ako nakita kong nakatutok ang b*ril sa aking amo at yung taong may hawak nun walamg iba kundi si ms. Gwen"

Nagulat ang lahat sa mga isiniwalat ni mang Luigi habang nakaturo ito sa babaeng aking tinatangi. parang umusok ang aking ulo sa galit at pilit na pinipigil ang aking sarili.

"M-mang Lui! ...a-ano ho bang pinagsasabi niyo? Oo, aaminin kong nakipagkita ako kay dad [dad ni ford] dahil may sasabihin daw ito sa aking importante pero, maniwala ho kayo ...ford! ... hindi ko alam ...wala na akong alam sa nangayri basta ang alam ko nag uusap lamang kami at bigla na lamang ako nahilo"

Yan lamamg ang paliwanag ni gwen sa paratang na iinupukaw sa kaniya ni mang lui. pinahunto na lahat at pinaakyat sa taas si patricia na siyang magpapatunay daw sa lahat.

Aaminin ko, umaasa ako na mali talaga ang bintang sa aking asawa at umaasa din na sana walang kinalaman talaga dito ang nasasakdal kong minamahal.

Nagkatinginan ang dalawa si gwen at patricia habang ang luha nito'y wala pading tigil kakatagos. naisin ko man talagang damayan siya sa oras na ito pero wala, lahat ng ebidensya sinasabing siya.

"Bago pa po naganap ang pagpasl*ng sa ama ni ford, nagkausap, i mean, kinausap ako ni gwen kung san ba pwedeng makabili ng b*ril"

"Pat!? ...anong sinasabi m-mo? ni minsan wala akong sinabi sayo ng ganyan! " pagsabat ni gwen ngunit pinigilan siyang magsalita ng hukuman at pinatuloy sa paglathala si patricia.

"Ipagpatuloy muna" sabi pa nito.

"B-bes ...alam ko at alam mo kung anong sinasabi ko. gusto man kitang kampihan ngunit, iba na ito. nakapat*y ka. nagyon, paano ako makakatulog kung magsisinungaking ako at pagtatakpan kita?"

"P-at ...pat gumising ka nga! sabihin mo sa kanila na walang katotohanan mga sinasabi mo! ...sabihin mo nga tinakot ka ba nila? Magkano ba ibinayad nila sayo?!"

Umiuyak na noon si gwen at hindi ko na alam pa kung ano pwede kong maramdaman sa mga naririnig ko mula sa kanila. sobrang sakit na ng utak ko pati itong puso ko dahil sa nato-torn ako sa dalawang importante sa aking buhay.

"Mrs. Gwen Fierros or shoud i say, ms. Hernandez [surname sa pagkadalaga ni gwen] lahat ng ebidensya including this video itinuturong ikaw tapos itatanggi mo pa? don't you have conscience?" sabi ng aming abogado.

"Mawalang galang na po mababang hukuman, para yatang hindi alam ng abugadong ito na hindi tama ang kaniyang inaasal sa husgadong ito. tila yata sinisindak ang nasas*kdal" sabat naman ng abogado [libreng abogado]

"Your honor! It's our right to question the accusations!" ulit ng aming abogado.

"Please, calm yourselves. nandito tayo para malaman ang katotohanan hundi para magbangayan!" iniutos muli ng husgado na muling pagsalitaai si patricia.

"Your honor ...lahat po ng aking sinabi totoo. bestfriend man at itinuturing man naming parang tunany na magkapatid kami ni gwen. ngunit, hindi ko ho maaatim na pagtakpan at pasinungalingan ang katotohannan ng dahil lang po sa malapit kami sa isa'g isa" nagbunyi ang lahat habang ako nakaupo lamang at hindi matanggap ang mga narinig ko't nalaman sa araw na ito.

"P-pat ...pat ano bang ginawa ko para ganitihon mo?!" umiiyak na sigaw ni gwen habang iniutos ng hukuman na ipa-arest* siya.

"You deserved that!"

Isang malakas na s*mpal ang sumalubong sa magkabilang pisngi ni gwen na gawa ni sophia. sa ilang segundo lang sumunod naman ang aking mom ngunit sa pangalawa nitong attempt. pinigilanko na.

"Don't waste your time sa taong krimin*l!"

After kong masabi yun biglang may kumurot sa aking dibdib at mabilis na nagsipagpatakan ang aking mga luha.

"Kahit ngayon lang ford ...kahit ngayon lang ako naman paniwalaan mo" sab inito habang nakapos*s siya.

"Paniwalaan? ...sapat na sakin mga ebidensyang narinig at nakita ko gwen. sobra mo akong binigo sa totoo lang. sana naman magkaroon ka naman ng kahit konting konsensya at kahihiyan diayn sa iyong katawan!" nakatalikod lamang ako habang sinasabi mga iyon dahil ayokong makita siya.

"Ganiyan ba talaga kababa tingin mo sakin? simula una hanggang ngayon paninidigan kong wala akong kasalanan. alam mo sinabi ko sa aking sarili bago pa man mangayri itong hearing? ...umasa akong sa huli kakampihan mo ako ford. ngayon, kung iyan ang iyong pinaniniwalaan wala na akong magagawa pa. Salamat nalang sa lahat"

Matapos sabihin lahat ng iyon ni gwen muling bumagsak ang mga pinipigilan kong luha. Ang sakit sobra na ganito ang kinahantunagn ng aming pag iibigan.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status