"Sir pasensya na po pero bilin po sa amin ni Doc Gwy at Sir Nate na dito isasakay si Ma'am sa ambulansya para makasiguro." magalang na pakiusap ng nurse sa supladong si Ethan. Ayaw kasi nitong sa ambulansya kami sasakay papuntang hospital kaya tumawag ang nurse kay Doc Gwy at sa sinasabi nitong Nate para humingi ng tulong dahil matigas ang ulo ni Ethan."I can take care of my girlfriend." masungit niyang sagot sa mga ito. "Pero kasi Sir..."Matalim pa itong tumingin sa nurse bagot sinagot ang tumatawag sa kanya."The fuck Nathaniel?!" bungad nito sa kausap niya. Nagkatinginan kami ng nurse at ako na lang ang huminging dispensa sa kanila. "Sorry" senyas ko sa kanila."I can use car my brute!...I don't care about the traffic...""...Tang-ina!..""...Gago ka din! Siguraduhin niyo lang na mabilis ang pagdala niyo sa kanya sa hospital."Siguro sinasabi nung kausap niya na baka matagalan kami kapag ang sasakyan niya ang gagamitin namin. Tama nga naman kung nasa ambulansya kami pwede namang
I don't know what he and his friends did but there's no video leaked. Sabi ni Ethan nagawan na daw nila ng paraan ni Major Castillo at ng mga kaibigan niya ang tungkol sa nangyari at sila na daw ang bahala dun. Natatakot kasi akong baka makita ng mga magulang ko sa Davao ang nangyaring pambubugbog sa akin. Ayokong mag-alala sila para sa akin."Why do you have to do this, Baby? You're hurt and she has to pay for that." mahina lang ang pagkakasabi niya pero alam kung seryoso siya para dito. Andito kami ngayon ni Ethan sa presinto dahil nakiusap ang anak nung babaeng nambugbog sa akin na iurong ang demanda para sa nanay niya. Aside from that teenager who's with her that time she beat me meron pa pala itong 7 years old na kapatid.Gusto ko munang pakinggan muna ang rason ng nanay nila kung bakit siya umabot sa ganun bago ko iurong ang demanda. Kahit na sinaktan niya ako naawa pa rin ako sa mga anak niya dahil wala ng titingin sa mga ito kapag nakulong siya. Kung walang batang involved,
After what happened to me hindi na mapanatag si Ethan kaya kung wala siyang business trip most of the time sa unit niya ako nagste-stay. Kulang na lang din ilipat ko ang mga gamit ko sa unit niya dahil ayaw niya na akong pauwiin kahit halos araw araw na kaming magkasama.Umuwi lang ako sa apartment nung graduation ko dahil pumunta ang mga magulang ko dito but sad to say hindi sila nagkita ni Ethan dahil may emergency ang branch nila sa US at hindi pwedeng magpadala lang siya ng representative doon.Pero sabi niya pagbalik niya galing Singapore pupunta kaming Davao para makilala niya ang parents ko at ipapakilala niya din daw ako sa daddy niya. Talking about his dad, ang sabi niya sa akin unti-unti na dawng naayos ang relasyon nilang mag-ama. He's not pressured now as he was before dahil hindi naman daw siya pini-pressure ng daddy niya. Hinahayaan lang daw siya nitong e-manage sa paraang alam niya ang ibang negosyo nila. Isa na lang daw ang hinahawakan nito ngayon. Yong hotel na mina
I woke up the next day alone in bed. I was wearing his white shirt with his white boxer shorts. I was so tired last night that I fell asleep after our love making. Hindi ko man lang namalayan ang pag-alis niya kaninang madaling araw. Nakaramdam ako ng kaunting disappointment dahil hindi man lang ako nakapagpaalam sa kanya kanina.He told me last night if ever I change my mind I can stay here in his unit but I'm already decided to go back to my apartment. Lalo akong malulungkot dito sa unit niya kasi mami-miss ko lang siya.Inayos ko muna ang kama saka ako bumaba para maligo. Parang binagyo ito sa sobrang gulo dahil sa ginawa namin kagabi. Bigla tuloy akong pinamulahan ng mukha dahil sa aking naalala. Pagkatapos kung ayusin, nilagay ko pa sa mga labahin ang mga ngakalat naming damit bago nagpasyang maligo. But before I could go to the washroom I noticed the note left on the bedside table. Handwritten by him. That's so sweet of my Ethan Roe. He really never failed to let me feel how mu
"Oh Zia anong tinutunganga mo dyan? Bilisan mo na, maraming customer ngayon. Palibhasa kasi nasanay na walang trabaho. Naku! Hindi uubra sa akin yan ngayon." Kanina pa nagtatatalak si Tita Daisy pagdating ko. Dati ko nang napansin na mainit ang ulo niya sa akin pero lalo ata ngayon na alam niyang wala si Ethan dito. Sinamahan pa ng dalawa niyang alaga na wala na atang ginawa kundi ang bwesitin ako. Wala din kasi si Mica ngayon dahil off niya. Kahapong nandito si Mica muntik pa silang mag-away ni Rose dahil sa pagpaparinig nito sa akin."Ano na Zia? Bilisan mo! Anong petsa na oh?""Opo, Madam." Tipid kong sagot sa kanya habang inaayos ang uniporme ko. Madam ang tawag ko sa kanya dahil ayaw niyang tinatawag ko siyang Tita dahil hindi daw kami close. Natagalan ako dahil sa uniporme ko hindi ako komportable dahil sobrang iksi at sobrang hapit sa akin pero wala akong magagawa dahil lahat naman kami ganito ang suot kapag ganitong dito ako naka-assign sa baba."Hay naku Tita Daisy, ngayon
I don't know what happened pero sana bukas maayos na ang lahat sa atin. Please kung may problema ka man sa akin sana sabihin mo. I miss you so bad Baby. Hihintayin ko ang pagbabalik mo. I love you so much Roe. Please come home...My tears kept falling while I was remembering the last message I sent to him before that night happened. I felt it already. I knew there' s something wrong between us. I am just in denial.Hindi naman siya ganun sa akin. Siya pa ang palaging nauunang bumati sa akin ng good morning at kahit sa gabi hinihintay niya pa ako kahit late na akong umuuwi galing sa trabaho.Muli na namang nag-uunahan ang mga luha sa pagtakas sa aking mga mata. Hindi ko alam kung hanggang kailan ako magiging ganito? Sa tuwing nag-iisa ako at naaalala ko ang mga nangyari sa amin nasasakta pa rin ako.Kahit na sobrang sakit ang pinagsasabi niya nung gabing yon sa akin umaasa pa rin ako hahabulin niya ako. Gusto kong marinig sa kanya na babalikan niya ako gaya ng pangako niya pero wala.
"Thank you for flying with us." nakangiting bati ko sa mga pasaherong palabas ng eroplano. Sa di kalayuan nakikita ko na ang seryosong mukha ng anak ko kasama ang Papa Gaston niya. Laking pasalamat ko na sa buong byahe ay hindi tinupak si Dalton. Palibhasa kasama niya si Gaston at alam nito paano utuin ang suplado kong anak. It's the first time after ten long years na makakatuntong si Dalton dito sa Pilipinas kaya din siguro tahimik ito. Sa flight kanina, kung hindi sila nanood ng movie ni Papa Gaston niya ay naglalaro lang ito sa ipad niya. Sabagay, hindi naman talaga pasaway na bata si Dalton. He's a quiet type of kid, he prefer sitting alone and playing by himself kesa sa makipag kaibigan at makipaglaro sa ibang bata.At his age I can say that his more mature than the other kids. Siguro dahil madalas niyang nakakausap ay mas nakakatanda sa kanya kaya ganun siya.Kapag may flight ako sila lang ni Gaston ang naiiwan sa bahay kaya kabisadong kabisado na nito ang ugali ni Dalton. Ma
"Nice to finally see you again, Zia."I smiled softly at him.Pinili ko mang lumayo noon at manirahan sa amerika pero may mga taong kailanman ay hindi ko malilimutan at isa na doon ang taong nasa harapan ko ngayon. Hindi ko man siya kaano ano pero naging malapit ako sa kanya noon at tin-rato niya akong parang isang anak. Bakas ko ang kasiyahan sa mukha niya. Ilang taon man ang lumipas nararamdaman ko pa rin na walang nagbago sa kanya. I can still feel the sincerity in him. That genuine friendship that I found in him."I'm happy that you are back, anak." My tears teared up from what I heard. He still hadn't changed. Anak pa rin pala ang turing niya sa akin hanggang ngayon. I could still remember how he helped me that day I fainted. Nung gabing pinilit ko ang aking sariling makipag dinner sa kanya kahit masama ang pakiramdam ko.I could still remember how he listened to me when I cried pouring my heart out to him about what happened to me and my boyfriend back then. Ang masaya sana n