Salamat po sa pagbasa. Pwede niyo po akng i-add sa efbi: Rye Writes. Pa-follow na rin sa aking profile at add niyo na rin po itong book sa inyong library. Salamat.
Jared's POVPakiramdam ko ay naligaw ako matapos ang sandaling iyon. Alam kong ayaw ko nang dagdagan pa ang iniisip ni Colleen, pero hindi ko mapigilan. Pasalamat na lang ako na hindi niya binigyan ng ibang kahulugan ang pag-iyak ko sa harap niya. Minsan, nararamdaman kong mahina ako. Sino bang lalaki ang iiyak dahil sa isang babae? Wala masyado, hindi ba? Pero siguro, ‘yong mga nagmamahal nang totoo, sila rin ang pinakamasasaktan. Sobrang tragic talaga.Ngayon, habang iniisip ko ang asawa ko, pinipilit kong maging matatag para sa anak namin. Hindi ko alam kung ano ang mangyayari kapag talagang iniwan na kami ni Colleen… Paano ko nga ba magagampanan nang tama ang pagiging ama sa aming anak na babae? Nangako ako na ipagmamalaki niya ako palagi, pero paano ko magagawa iyon kung wala na si Colleen sa tabi namin?“Jared…” narinig kong tawag sa akin ni Ate Ingrid. Nang tingnan ko siya, nakita ko ang pag-aalala sa kanyang mga mata. “Pasensya ka na kung tinawag pa kita rito. Alam ko ang pina
Colleen's POVHindi kailanman naging masaya para sa akin ang mga weekend. Hindi, hanggang sa mga nakaraang linggo na kasama ko ang aking pamilya. Tuwing Sabado, sinisiguro ni Jared na magkakasama kami rito sa bahay, at para bang nadaragdagan ang buhay ko tuwing nangyayari 'yon. Ganito ko siya nararamdaman kahit pa alam kong mahina na ang aking katawan. Gayunpaman, masaya ako, labis na masaya.“Hi, wifey…” bati ni Jared habang umupo siya sa tabi ko. Anim na buwan na ang ipinagbubuntis ko at kagagaling lang namin sa check-up. Ayos naman ang aming baby kahit medyo mababa ang timbang, sabi ni Dr. Chin ay normal lang iyon, lalo na sa kondisyon ko. Ngunit wala naman akong dapat na ipag-alala dahil malusog naman ang aming anak. 'Yun ay sapat na para sa akin, para sa amin ni Jared.Kita ko kay Jared ang kasabikan, ngunit ramdam ko rin ang takot niya. Alam niya na sa ikapitong buwan ay dadaan ako sa cesarean, at walang katiyakan kung ano ang mangyayari pagkatapos. Pilit kong pinapakita na mata
Jared“Hi, Colleen!!!” Masayang bati ni Ate Ingrid sa asawa ko, at gaya ng inaasahan, sinalubong din siya ni Colleen ng parehong sigla at tuwa.“Ingrid,” sagot niya habang tinanggap ang halik na ibinigay ng kapatid ko. Inimbitahan ko sina Mommy at Ate ngayong araw. Sabado kasi at napagpasyahan kong gawing espesyal ang bawat Sabado ni Colleen, isang araw na puno ng alaala kasama ang mga taong mahal niya.“Hi, anak,” bati naman ni Mommy. Ewan ko ba, pero tuwing magkikita kami, laging may bakas ng lungkot sa mga mata niya. Siguro ay dala na rin ng sitwasyon namin kaya alam kong kailangan ko ring kausapin siya tungkol doon. Ayokong mag-alala pa siya tungkol sa amin.“Hello, Mom. Salamat sa pagpunta,” sabi ko na may kasamang sinserong ngiti. Pagkatapos ay naupo siya sa tabi ni Colleen. Sumunod din ako matapos kong ayusin ang iniihaw sa grill.“Wow, Kuya Jared! Ang saya nito!” sigaw ni Marcus pagdating nila. Tinulungan niya si Diane sa pagtulak ng wheelchair ni Uncle Rick. Si Mama Lucy nama
Colleen's POVGusto kong umiyak sa mismong sandaling 'yon habang ikinukuwento niya sa akin ang nangyari dalawang taon na ang nakalilipas. Noon pala'y may mabigat siyang pinagdaraanan, pero wala man lang akong nagawa para tulungan siya. Nagalit pa ako nang hindi ko alam na pareho pala kaming hirap sa sitwasyon namin ng mga panahong iyon.Ramdam ko ang tapat na paghingi niya ng tawad. Lalo na nang banggitin niya ang mga salitang iyon bago ako tuluyang nilamon ng antok. Hindi ko iyon inaasahan, pero ramdam kong mula sa puso ang bawat salitang binigkas niya.Gusto raw niya akong manatili. Gusto raw niya akong makasama, ako at ang anak namin. Pilit kong pinigilan ang luha ko. Ayokong malaman niyang gising pa ako at narinig ko ang lahat ng sinabi niya. Oo, totoo ‘yong mga sinabi niya, pero ayoko rin na maramdaman niyang pabigat siya sa akin. Marahil iyon ang paraan niya para gumaan kahit kaunti ang bigat sa dibdib niya.Tatlong araw na ang nakakalipas mula noon, pero sa tuwing titingnan ko s
Jared's POVNapakasaya ni Colleen nang malaman naming babae ang magiging anak namin. Matagal na niyang ipinagdarasal ‘yon at gaya ng sabi niya, sinagot nga raw ng Diyos ang dasal niya. Pero bakit hindi na lang ‘yon ang ipagdasal niya, na gumaling siya?Hindi naman ako pihikan pagdating sa kasarian ng anak. Para sa akin, basta’t ligtas silang mag-ina, sapat na ‘yon. Hindi lang sapat, mas higit pa. Walang katumbas ang pasasalamat ko kung pareho silang magiging maayos.Habang lumilipas ang mga araw, unti-unti akong nilamon ng takot. Hindi para sa sarili ko, kundi para sa kanya. Nakikita ko kung gaano siya nahihirapan. Kung pwede ko lang sanang akuin ang sakit na nararamdaman niya, matagal ko na sanang ginawa. Pero bakit ganun? Parang ang Diyos ay hindi patas. Bakit Siya pumipili ng kagaya ni Colleen para pahirapan? O baka naman... sakim Siya. Gusto Niyang mapasakanya si Colleen dahil siya ang isa sa pinakabusilak niyang nilikha.Ayokong isisi sa Kanya ang lahat. Alam kong may pagkukulang
Colleen's POV"Kumusta ka na?" muling tanong ni Dra. Chin sa akin. Hindi ko alam kung dapat ko bang sabihin sa kanya kung ano talaga ang nararamdaman ko lalo na ngayong kasama ko si Jared. Ayokong mag-alala siya para sa akin, pero hindi ko rin mapigilang mag-alala para sa baby namin."Gusto kong sabihin na okay lang ako," sagot ko sa wakas. Pareho silang tumingin sa akin, si Dra. Chin at si Jared na halatang may pag-aalala sa mga mata nila. "Pero nitong mga nakaraang araw, parang may lungkot na bigla na lang sumisiksik sa puso ko. Ngayon lang ako nakaramdam ng ganito, ng awa para sa sarili ko. Maapektuhan ba nito ang baby namin?" dagdag ko pa habang hinigpitan ni Jared ang pagkakahawak sa kamay ko.Tumingin ako sa kanya at nakita kong may lungkot rin sa mga mata niya, tila naaawa rin siya sa akin. Hindi ko na kinaya ang damdaming ‘yon kaya inilihis ko ang tingin at sa halip ay tinitigan ko na lang si Dra. Chin, na mukhang ramdam din ang bigat ng pinagdaraanan ko."Normal lang ‘yan, Co