Share

Chapter 23

Author: R.Y.E.
last update Last Updated: 2025-05-30 20:52:32
Colleen's POV

“Sabay na tayong kumain, simula ngayon.”

Napalingon ako sa kanya, gulat na gulat. Ano na namang kababalaghan ‘to? Anong meron at bigla siyang ganyan?

“Bakit? Ayaw mo ba?” tanong niya, nakakunot ang noo.

“Hindi naman sa ganon. Nagulat lang ako.”

“Bakit ka nagulat?” At talagang nagtanong pa!

“Bakit ka bigla na lang gustong makisabay kumain?” tanong ko pabalik. “Hindi ka ba natatakot na baka hindi mo malunok ‘yung pagkain mo sa tuwing titingin ka sa akin?”

Napangiwi siya, halatang nalito. “Saan galing ‘yan?”

“Eh kasi naman, mula’t mula pa lang, parang ayaw mo na akong makita. Galit ka na agad sa ‘kin.”

“Sinabi ko ba ‘yon?”

“Hindi mo man sinabi, pero ‘yon ang pinapakita mo.” Hindi naman siguro masamang maging totoo.

Hindi na siya sumagot kaya naman pinagpatuloy ko na ang pagkain. Pilit na binabalewala ang biglaang atensyon niya. Kung anuman ang pumasok sa isip niya’t bigla siyang naging ganito, wala akong pakialam. Baka nasiraan lang siya ng bait sandali.

Tahimik kami sandali
R.Y.E.

Lumalapit na si Jared ah...

| 9
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • The Love That Passed (Tagalog)   Chapter 79- The End

    Jared's POV“Hindi pa rin maganda ang kondisyon niya. Ayokong bigyan ka ng maling pag-asa, Jared. Kailangan mong maging handa… sa kahit anong oras.” Seryoso ang tinig ni Dr. Gerard habang nagsasalita, at ramdam ko ang bigat ng bawat salitang lumalabas sa bibig niya.Nanigas ako sa kinatatayuan ko. Lumingon ako kay Colleen—at doon ako tuluyang natigilan. Gising siya.Nakatingin siya sa akin.Hindi ko nakita ang lungkot, hindi galit, hindi takot.Kahit may tubo pa sa bibig niya, ramdam kong nakangiti siya sa pamamagitan ng mga mata niya. Parang sinasabi ng titig niyang iyon na naririnig kita, Jared.Siguro nga, matagal na niya kaming naririnig—ako at si baby Corrine.“Pero, gising na siya, Doc,” mahina kong sabi, halos pabulong. “Hindi ba puwedeng gawin na natin ang operasyon?”Umiling si Dr. Gerard.“Mahina na ang katawan niya. Hindi kakayanin ng sistema niya ang operasyon.”Bumuntong-hininga siya bago nagpatuloy.“Oo, gising siya. Pero hindi ibig sabihin ay ligtas na siya. Ang operasy

  • The Love That Passed (Tagalog)   Chapter 78

    Jared's POV Alam ko ang kalagayan ng asawa ko, pero ayaw tanggapin ng isip at puso ko ang katotohanan. Paulit-ulit kong sinasabi sa sarili ko na may pag-asa pa—kahit gaano kaliit, pipiliin kong kumapit. Hindi ako susuko sa asawa ko. Hindi ko hahayaan na mawala sa akin ang pinakamagandang bagay na nangyari sa buhay ko. Oo, siya iyon. Ang pinakamagandang biyayang ibinigay sa akin ng Diyos. At sa bawat araw na nakikita ko siyang nakahiga sa kama ng ospital, parang unti-unti rin akong namamatay. Buong oras, siya lang ang laman ng isip ko. Kaya nang makita ko ang anak naming si Corrine, tila binalot ako ng guilt. Na-realize kong napabayaan ko siya nang hindi ko namamalayan. Ang sakit sa dibdib ko nang maisip iyon—parang tinusok ako ng libong karayom. Pero nang hawakan ni Corrine ang hinlalaki ko, may kung anong kumislot sa puso ko. Siguro ganon din ang naramdaman ni Colleen noong nalaman niyang buntis siya. Marahil iyon ang dahilan kung bakit hindi siya pumayag noon na ipa-abort ang ba

  • The Love That Passed (Tagalog)   Chapter 77

    Third Person’s POVTahimik na nakaupo si Jared sa gilid ng kama habang pinagmamasdan si Colleen—nakahiga pa rin, hindi gumagalaw, walang kamalay-malay. Mahigit isang buwan na simula nang mahulog si Colleen sa coma, at tatlong linggo na rin mula nang magising si Jared.Araw-araw, pareho ang tanawin—ang katahimikan ng kuwarto, ang mahinang tunog ng makinang tumutulong huminga sa asawa niya, at ang mga ilaw na tila nanlilimahid na sa pagod.Araw-araw, nasasaktan siya.Araw-araw, parang pinuputol ng gunting ang bawat ugat sa puso niya habang tinitingnan ang babaeng minsan ay palaging nakangiti, tumatawa, at nagmamahal sa kanya nang buong-buo.Miss na miss niya ang tinig ni Colleen, ang init ng mga yakap nito, at ang mga salitang “I love you” na dati ay palaging nagpapalakas sa kanya.Ngayon, tanging mga alaala na lang ang kasama niya—at ang pag-asang, baka bukas, magising na siya.*** Flashback ***Matapos siyang kumalma noong araw na iyon, marahan siyang kinausap ni Ingrid.“Jared… kailan

  • The Love That Passed (Tagalog)   Chapter 76

    Third Person’s POV “Colleeeeen!” sigaw ni Jared nang may halong pagdadalamhati at kaba. Mabilis na lumapit sina Ingrid at Claire sa kanya, parehong nanginginig at umiiyak. “Jared…” humahagulhol si Claire habang pinipigilan ang hikbi. “Gising ka na rin, anak,” dagdag niya, sabay haplos sa braso ng lalaki. Pagmulat ni Jared, agad niyang iginala ang mga mata. “Si Colleen? Nasaan ang asawa ko?” tanong niya agad, halos hindi makahinga sa pagkabigla. Hindi niya ininda ang sakit sa katawan at pilit na bumangon, kaya’t napasugod sina Ingrid at Claire upang pigilan siya. “Jared, sandali lang! Huwag kang gagalaw nang bigla—” pero hindi siya nakinig. Lumapit siya sa kama sa tabi niya, at doon… napahinto siya. Parang gumuho ang mundo ni Jared nang makita si Colleen—nakahiga, maputla, at may tubo sa bibig. Para bang binuhusan siya ng malamig na tubig habang pinagmamasdan ang babaeng pinakamamahal niya. “Anong nangyari?” tinig ni Jared na paos at nanginginig. “Bakit ganito siya?” Tumulo ang lu

  • The Love That Passed (Tagalog)   Chapter 75

    Jared’s POV Labis akong nagpapasalamat na na-admit si Colleen sa ospital. Sa ganitong paraan, mas nakakahinga ako nang konti—hindi ko kailangang magkunwaring kalmado habang iniisip kung napapansin ba niya kung bakit ako umaalis araw-araw. Alam kong nitong mga nakaraang araw, may bumabagabag sa kanya. Madalas ko siyang mahuling nakatulala, tila may mabigat na iniisip, at sa tuwing gano’n, hindi ko maiwasang mag-alala. Kailangan kong umalis ng bahay araw-araw, halos sa parehong oras, para mapaniwala si Derrick na palagi akong nasa opisina. Ginagawa ko iyon para mailayo ang pansin niya sa pamilya ko—lalo na kay Colleen. Kapag naisipan niyang gumanti sa akin sa pamamagitan ng pananakit sa kanila… hindi ko alam kung mapipigilan ko ang sarili kong patayin siya. Hindi ko hahayaang masaktan pa si Colleen, lalo na ngayong malapit na siyang manganak. Limitado na nga ang oras naming magkasama, tapos pati iyon ay tatangkain pa nilang sirain? Si Stacey ang nagbigay sa akin ng impormasyon tungkol

  • The Love That Passed (Tagalog)   Chapter 74

    Colleen’s POV Kinailangan kong manatili sa ospital dahil nakatakda na ang aking cesarean operation sa loob ng isang linggo. Noong una pa lang na sinabi iyon ni Jared sa akin, nakahinga ako nang maluwag. Alam ko na ang katawan ko, at ramdam kong nahihirapan na ako. Ayaw ko sanang manatili rito—hindi ako komportable sa amoy ng disinfectant, sa malamig na hangin ng aircon, at sa paulit-ulit na tunog ng mga makina. Pero hindi ko kayang isugal ang kaligtasan ng anak namin dahil lang sa takot ko. Minsan, umaalis si Jared ng bahay. Ang sabi niya, titingnan daw muna niya ang opisina o may bibilhin lang. Kahit naniniwala ako sa mga sinasabi niya, may maliit pa ring parte sa puso ko na nagdududa. Paano kung may ginagawa siyang ayaw niyang ipaalam sa akin? Paano kung delikado iyon? Hindi ko alam kung kakayanin ko pa kung may mangyari sa kanya. Siya at ang anak namin ang nagbibigay ng lakas sa akin ngayon—at ang pag-iisip na baka masaktan siya, ay parang suntok sa dibdib. Katulad ngayon, ang sa

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status