Share

Chapter 3

Author: noowege
last update publish date: 2026-04-08 06:55:48

“Hindi ka spesyal, kung iyon ang iniisip mo. Wala lang akong maisip na kunin para gawin ang trabahong iyon. Since may utang ang ama mo sa'kin, maybe it's a good idea that you play that part instead,” ani Hector nang matulala siya.

Napakurap kurap siya at napalunok. Kung ganoon, iyon ang naisip nitong ibang paraan maliban sa makipag-s*x sa kaniya.

Napaisip siya. Bayolente si Hector sa kama. Hindi niya alam kung masasabayan niya ang istamina ng lalaki.

“Where are you going?” Biglang tanong ni Hector nang tumayo siya at akmang tatanggalin ang swero sa braso niya.

“Papasok...” medyo alanganin pa ang sagot niya.

May lamig sa mga mata ng binata. “Did I told you to go?”

Agad siyang kinabahan. Mali ba ang sagot niya?

Natigilan siya nang tumayo ito at nilapitan siya. Kinuwelyuhan siya nito upang patakan siya ng mababaw na halik sa labi. Namimilog ang mata niya nang magsalubong ang mga tingin nilang dalawa.

“Galingan mo ang pag-arte bilang fiancee ko,” paanas na sabi nito sa kaniya bago siya padarag na binitiwan.

Muntik pa siyang matumba sa ginawa ng lalaki.

Parang may bikig na bumara sa lalamunan niya. Naramdaman niya ang kirot sa dibdib. Bakit ba pakiramdam niya para lamang siyang disposable na bagay na gagamitin kapag kailangan at itatapon kapag di na kailangan?

Ganoon lang ba ang purpose niya sa mundong ito? Ang ipanganak na ganito?

Anong magagawa niya? Mahirap siya, may kaya at makapangyarihan si Hector.

Wala siyang ni katiting na pag-asang makatakas sa lalaki.

Nang umalis si Hector, saka nagsipag-unahang tumulo ang luha niya sa mga mata. Agad niyang pinahid iyon pero patuloy pa rin na pumapatak.

“Ayos lang 'yan. Kaya mo 'yan, Elena. Kapag nabayaran mo na ang utang ng Papa mo. Mamumuhay na ulit kayo ng payapa. Makakalimutan mo rin ito.” cheer niya sa sarili niya.

Walang ibang magpapalakas ng loob niya kundi ang sarili niya lang din. Para ito lahat sa Papa niya. Iyon na lang ang natatanging bagay na pinagkukuhanan niya ng lakas.

......

Dumating ang personal shopper ni Hector.

“Sasama ka sa sa'kin. Mamimili tayo ng gamit mo.” Pormal na sabi ng babaeng nasa edad 30. Halatang matagal na itong nagtatrabaho kay Hector.

Maliban sa pagiging personal shopper ni Hector ay ito rin ang inatasan ng lalaki na mag-o-orient sa kaniya sa mga gagawin niya.

“Basahin mo ang lahat ng ito. Kailangan mong malaman ang background ng pamilya ng mga Falcon. Pag-aralan mo ang lahat ng gusto at hindi gusto ni Hector... and this...” At may nilapag pa na isang folder ang babae matapos ang mahabang paliwanag.

Nang buksan niya ay nagulat siya nang makita ang laman ng folder. Isa iyong profile. Profile ng babaeng kamukha niya.

“Si Farah Fernandez, siya ang ex ni Sir Hector. Siya na ngayon ang step mother ni Hector dahil pinakasalan ng babaeng iyan si Don Antonio Falcon, ang ama ni Hector,” paliwanag ng babae.

Ang babae ay matanda lang ng isang taon sa kaniya. Hindi kaya't mahal pa rin ni Hector si Farah? Galit ito sa babae kaya't siya ang napagbuntunan ng galit nito dahil magkamukha sila ni Farah?

Dahil sa nakita, parang nasagot lahat ng agam-agam niya sa dibdib.

Isa lang ang masakit. Siya ang naiipit... dahil siya ang sumasalo ng lahat ng pasakit na iyon.

.....

Nagtungo sila sa mga sikat at mamahaling brands ng mga damit, alahas, at sapatos. Lahat ng binili nila ay gagamitin para sa pagpapanggap niya.

Lahat ng iyon ay para sa trabaho niya.

Pagod na pagod na nagtungo siya sa hospital na kinaroroonan ng ama niya. Mapait siyang napangiti nang makita ang nakaratay na ama sa hospital bed.

“Good evening, Papa,” bati niya sa natutulog na ama.

Ang tanging nakayanan niyang bilhin ay ang nag-iisang cup noodles. Iyon na lamang ang gagawin niyang hapunan ngayon.

“Naglakad lang ako, Papa. Nakakangalay sa binti.” Muntik pa siyang mapaiyak buti na lang napigilan niya. “Buti na lang lumaki akong malakas ang mga buto kaya kinaya ko iyong nilakad ko.”

Nilakipan niya pa iyon ng tawa. Bente na lang ang laman ng pitaka niya. Kahit kailangan niyang magpanggap na fiancee ni Hector, kailangan niya rin magtrabaho para sa iba pang gastusin ng Papa niya.

Covered na ng masungit niyang tiyahin na si Olivia ang ibang expenses sa hospital. Kahit papaano'y nagpapasalamat siya doon. Kahit araw araw siyang binubulyawan ng Tiyahin niya, ayos lang. Maka-survive lang sila ng ama niya.

“Kain tayo Papa,” tinaas niya pa ang cup noodles at tumawa.

Nang sumubo siya, di na niya napigilang umiyak. Nanginginig ang kamay niya at agad pinahid ang luha sa pisngi.

“Kapag gumaling ka na, kakain tayo sa restaurant. Kaya magpagaling ka. Pag-iipunan ko iyon.” Ngumiti siya sa ama kahit may luha pa sa mga mata.

.....

Hindi na makilala ni Elena ang sarili sa harap ng salamin matapos siyang ayusan ng kinuha ni Hector na make-up artist.

Suot niya ay night dress na manipis at cream colored above the knee. Pinaresan iyon ng heels na katerno ng damit niya.

Monday ng gabi. Ito ang gabi na haharap sila ni Hector sa pamilya nito. Ito ang gabi na ipapakilala siya ni Hector bilang fiancee nito.

Napabuntong hininga siya.

“Kailangan na na'tin lumabas. Naghihintay na si Sir sa baba. Hindi pwedeng magtagal.” seryoso ang boses ng lalaking tauhan ni Hector.

Lahat ng tauhan ni Hector ay may sukbit na armas. Ang mga tauhan na ito ay well trained, karamihan ay assassin under ng Falcon empire. Malalaki ang katawan na alam mong sa isang pitik lang ay kayang pumaslang ng kahit na sinong gusto nitong paslangin.

High end ang security ng Mansyon ni Hector. Hindi basta basta natatakasan.

Kinakabahan na tumango siya sa lalaking may malaking pangangatawan.

Agad siyang sumunod dito at ilang beses na napalunok. Nanlalambot ang binti niya habang naglalakad palabas ng silid.

Nasa may hagdan na siya pababa nang matanaw ang matangkad at naka-tuxedo na lalaki na naghihintay sa baba.

Malapad ang balikat, may maawtoridad na tindig, kalakip niyon ang kadiliman sa awra nito kahit nakatalikod.

Si Hector.

Nang humarap ito at nakita siya ay bahagyang umawang ang bibig nito habang pinagmamasdan siyang pababa ng hagdan.

Kalaunan ay napaiwas ng tingin si Hector.

“Let's go,” anito at naunang maglakad ni hindi siya hinintay.

Napilitan siyang bilisan ang lakad para masundan agad ito.

Continue to read this book for free
Scan code to download App
Comments (1)
goodnovel comment avatar
8514anysia
tulaley b Hector??? hehehe
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • The Mafia Boss Obsession    Chapter 39

    Napadapa si Luigi nang dumapo ang malakas na suntok mula kay Kunred. Balak niyang umalis sa condo niya kinaumagahan. Inagahan niya at bandang 3 AM siya nagbalot bago nagtungo sa pinto ng kaniyang condo. Iniisip niyang hindi malalaman nina Esmael na nandoon si Elena oras na umalis siya sa condo. Balak niyang lumayo at hindi na magpapakita pa. Napagsabihan niya na si Elena. Nalaman na nito ang lahat tungkol kina Kunred at sa kapatid nitong si Esmael. Ikinuwento niya ang lahat sa babae sa pamamagitan ng sulat na iniwan niya. Kaya lang saktong paglabas niya ng condo niya at nai-lock ang pinto niya'y sumalubong sa paningin niya si Kunred. Mala demonyo ang ngiti nito at bigla na lang siyang binatukan. Nawalan siya ng malay. Mabuti na lang at na-lock niya ang condo bago siya binatukan ni Kunred. Nandoon kay Elena ang key card, iniwan niya kaya ayos lang. Masubuksan nito ang pinto at makakauwi ng ligtas.At nang magising siya ay natagpuan niya ang sarili sa isang madilim na silid. Ang lamp

  • The Mafia Boss Obsession    Chapter 38

    “E-Elena...” nanginginig ang boses ng lalaki. Nakita niya rin ang balisa sa mga mata nito habang nakatingin sa kaniya.Medyo pumayat si Luigi ngayon at mukhang stress na stress din. Aaminin niyang nagalit siya sa ginawa ni Luigi noong magpanggap ito bilang asawa niya. Hindi dapat ginawa ni Luigi iyon at dapat na hinayaan man lang siya nitong magdesisyon para sa sarili niya. Kaya lang kahit papaano ay nagpapasalamat siya rito dahil talagang totoo itong nag-alala sa kaniya. “P-Pwede ba akong pumasok?” anito sa nanginginig na boses.Panay ang tingin nito sa kaliwa't kanan. Parang may kinatatakutan ang lalaki. Alanganin siyang tumango. Nagtataka siya sa mga ikinikilos nito sa mga oras na ito pero iniisip niyang mas mabuti nga'ng sa loob na sila mag-usap sa ngayon upang mas maayos silang magkaharap.Nagtimpla siya ng juice para kay Luigi. Halos hindi makainom ng maayos si Luigi. Nanginginig ang kamay nito habang hawak ang baso ng juice.“Anong problema, Luigi?” aniya na may pagtataka sa

  • The Mafia Boss Obsession    Chapter 37

    Nakagat ni Elena ang ibabang labi nang maglakad siya papasok sa mamahaling restaurant. Linggo ngayon ay nakasanayan na nilang magtungo sa restaurant na ‘yon. Kahit walang okasyon ay kumakain sila sa labas. “I-Ikaw na lang ang pumili,” aniya at binaba ang menu.Sinulyapan siya ni Hector. “Okay.”Nang dumating ang pagkain nila ay nagulat pa siya dahil lahat ng nandoon ay ang in-order niya noong nakaraan. Lahat ay naalala nito. Kahit ang inumin naalala nito.“Any problem?” usisa nito. Tila kanina pa siya nito pinagmamasdan. Napapansin nito kahit ang kakarumpot na reaksyon sa mukha niya. Umiling siya. “Wala.”Aside from that. Hector usually does his work at home. Nandoon ang lalaki sa tuwing kailangan niya ng tulong kahit na hindi niya naman iyon hinihingi. Ayaw niyang isturbuhin ito sa trabaho pero hindi niya mapigilan ito kapag gusto nitong makialam sa ginagawa niya sa garden.“Still have some stuff for your garden? May kailangan na bang bilhin?” ani Hector habang inaayos ang pot ng

  • The Mafia Boss Obsession    Chapter 36

    Kung ang ibang babae ay alahas, bags at kung anu-anong mamahaling bagay ang hinihingi. Si Elena ay iba. Imbes na mga iyon ay pataba sa halaman at mga pesticides ang binili nito. “She's really weird,” naibulong ni Hector habang nakatanaw kay Elena sa baba na maagang gumagawa ng mga pot kung saan pagtatamnan nito ng petchay at kung anu-ano pang gulay.He thought that Elena and Farah have the same taste and hobbies, that's fond of expensive things is a common dinaminator of all girls. Kaya binibigay niya ang mga gusto ng babae base sa mga nakasanayan niyang gusto at hinihingi ni Farah noon. But now he realizes that Farah and Elena are not the same person. They share the same face but not the personality. But think about it, he prefers this side of Elena. Tinapos niya kaagad ang meeting through his laptop. Kinuha niya ang phone at tinawagan ang secretary na isulat lahat ng napag-usapan at ire-review niya mamaya.Inilihis niya ang sleeve ng suot niyang dress shirt pataas tsaka siya umal

  • The Mafia Boss Obsession    Chapter 35

    Hindi umuwi si Hector sa gabing iyon. Pero nagpadala ito ng mensahe sa butler at pinapaalalahanan siyang kumain ng mabuti at huwag magpalipas ng gutom. Nagpadala rin si Hector ng strawberry cake kinabukasan. Ayaw niya sanang tikman. Ayaw niyang isipin ni Hector na nagi-enjoy siya kasama ito. Kaya kung maari ay iignorahin niya ang mga pagpapa-sweet ng lalaki. Kailangang maghirap ito sa pakikisama sa kaniya. “Hindi niyo po kakainin ngayon, Ma'am? Ilalagay ko na lang po sa ref,” ani katulong na siyang tumanggap sa pinadala ni Hector na cake.“Oo, ayoko.” Tapos ay tinalikuran niya na ang katulong. Kaya lang na-tempt siya nang dumating ang tanghali. Ang ganda kasi talaga tingnan ng strawberry cake. Feeling niya ay mukhang masarap iyon lalo pa at personalized iyon mula sa mamahalin at kilalang brand.Sinulyapan niya ang kusina. Tapos ay nagtungo naman siya sa sala. Siniguro niya munang walang tao bago niya lantakin ang cake sa ref. Dahan dahan niyang inilagay ang cake sa center island n

  • The Mafia Boss Obsession    Chapter 34

    Pinagmasdan ni Elena ang kisame ng silid. Inaasikaso siya ng staff ng isang kilalang derma clinic. Pinapa-laser ni Hector ang mga peklat niya na ito rin ang may gawa. Binubura nito ang mga ibedensiya ng pagiging bayolente nito. “Pambihira,” anas niya at nagbitiw ng sarkastikong ngiti.Kalakip niyon ay pait sa mga mata niya. Wala siyang ibang magawa kundi ang sumunod sa lahat ng gustong gawin ni Hector. Pakiramdam niya'y inaalisan na siya ng lalaki ng karapatang magreklamo at mabuhay ng ayon sa gusto niya.Naiinis siya sa bawat araw na nangyayari ang ganito. Ngunit kailangan niyang tiisin. Mananatili siya roon hanggang sa mapabagsak niya si Hector. “Ma’am? May sinasabi po kayo?”Natauhan siya nang magsalita ang staff ng clinic. Ngumiti siya rito at umiling. Saka nagpatuloy ito sa ginagawa. Isang buwan nang hinahatid siya ni Hector sa parehong derma. Sa paulit ulit niya roon ay malaki na rin ang naging improvement ng skin niya. Pakiramdam niya'y mas malaki pa ang maintenance niya ka

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status