Elaine's Point of View
Nang lingunin ko kung saan nagmula ang boses ay nakita ko si Kaizer na nakapamaywang sa harap namin habang ang mga mata niya ay nanggagalaiti sa galit. Kaagad kong tinulak si Tyron upang tumayo at magpaliwanag sa kanya.
“Mali ang iniisip mo, Kai,” sambit ko. Akmang magpapaliwanag sana si Tyron nang bigla siyang sapakin nang malakas ni Kaizer dahilan upang mapabagsak ito sa sahig.
Ano ba ang ginagawa niya?
“Ano'ng mali sa nakita ko, Elaine? Niyayakap ka ng gagong lalaki na ito. Ang kapal ng mukha mo, Tyron, pati si Elaine ay balak mong landiin. Wala ka na bang makuhang flings sa Desire Island?” asik ni Kaizer. Napasapo naman ako sa noo dahil sa inis habang tinutulungang tumayo si Tyron dahil masyadong napalakas ang sapak ni Kaizer. Bakit ba kasi napakainitin ng ulo ng mga lalaking Montemayor na ito?
“Manahimik ka na, Kai. Please lang, p'wede bang hayaan mo muna akong magpaliwanag!” wik
Third Person's Point of ViewMaagang bumangon si Louis. Nais niya kasing ipagluto ng agahan ang dalaga dahil alam niyang napagod ito sa ginawa nila kagabi kaya't nais niyang makasalo ito bago siya magtungo sa mansion ni Sirius.Sa kabilang banda naman ay dahan-dahang bumangon si Elaine sa kama nila. Masyadong namamaga ang bandang ibaba niya. Mabuti na lamang ay wala na sa tabi niya si Louis. Siguradong mahihiya siya rito dahil nakakatawa ang itsura ng mukha niya sa tuwing pinipilit niya maglakad.Pumunta si Elaine sa palikuran na nasa loob lamang ng silid nina ni Louis. Nagsimula siyang mag-shower upang maging fresh pa rin siya sa paningin ng binata.Nang matapos siya ay bumaba siya papunta sa cooking room upang magluto sana ng pagkain niya nang makita niya ang binata na naka-apron habang nagluluto ng pancake.Kaagad niya itong niyapos ng yakap mula sa likod na ikinalingon nito sa kanya. “Are your legs fine now?” tanong ni Louis na ikin
Elaine's Point of View“Ano, iha. Ayos ka pa ba riyan?” tanong ni Mommy Hacel. Nauna na kasi siyang bumaba sa sasakyan dahil hanggang ngayon ay nasusuka pa rin ako dahil sa hilo. Hindi ko kinaya ang pagda-drive niya nang mabilis, halos malagutan na ako ng hininga dahil sa kaba.Narito kami ngayon sa harap ng isang malaking mansion. Ang sabi kasi niya ay susunduin muna namin ang dalawang makakasama namin na sina Sandra at Lexy kaya't nagtungo kami sa Reverence Street kung saan ito nakatira.“A...a-yos lang po ako,” nauutal na wika ko bago tuluyang alisin ang seatbelt upang makababa na rin ako.“Naku, iha. Siguradong matutuwa ang dalawa na 'yon kapag nakita ka. Hindi kasi sila nakapunta sa party dahil busy sila sa kani-kanilang trabaho,” sambit ni Mommy Hacel nang makababa na ako sa sasakyan. Sa susunod talaga ay ako na mismo ang pipigil sa kanya na hawakan ang susi ng mga sasakyan.Nakatatakot pala siyang ma
Elaine's Point of ViewWalang tigil pa rin ang mga luha ko sa pagbagsak mula sa mga mata ko. Sinubukan kong tumayo upang patayin ang shower dahil para na akong basang sisiw. Basang-basa na kasi ang damit ko dahil kanina pa ako nababasa ng tubig mula sa shower.Sa totoo lang, ang sinabi ni Louis ang pinakamasakit na salita na narinig ko sa buong buhay ko. Sanay na kasi akong masabihan na pangit sa dati kong school dahil napakarami kong tigyawat at hindi lang iyon, dahil sa suot ko na para na akong nerd.Nagsimula na akong magpalit ng damit. Kung patuloy akong magmumukmok ay siguradong magtataka sina Itay kung bakit ang tagal kong bumaba at baka makita pa nila na namumugto ang mga mata ko dahil sa pag-iyak. Marahil ay ako lamang talaga ang may gusto kay Louis. Kung alam ko lang na ginawa niya lang ang lahat ng mga surpresa niya, eh 'di sana, pinigilan ko man lang ang sarili ko na mahulog sa kanya. Sino ba naman kasing babae ang hindi mahuhulog kapag ginawan ng eff
Elaine's Point of ViewPagkayari kong patayin ang tawag ay dali-dali akong nagpunta sa closet room dahil naalala ko ang sinabi ni Mommy Hacel na nandoon daw ang mga damit na sinisigurado raw niya na kailangan ko.Binuksan ko ang pinto at tumambad sa akin ang cabinet na magkakakonekta na pumapaikot sa buong silid. Katabi lang nito ang silid namin ni Louis na ngayon ay kaniya na lang.Hindi ko alam kung ano ang uunahin ko, ngunit una kong binuksan kung ano ang mas malapit sa akin.Nagsimula na akong maghanap ng maisusuot na damit. Ayaw kong mapahiya sa party na pupuntahan namin lalo na at nandoon si Louis at posibleng may ka-partner siyang ibang babae. At hindi lang iyon, nakakahiya naman kay Kaizer kung hindi man lang ako mag-aayos.Mabuti na lamang ay naisipan ni Mommy Hacel na maglagay ng isang closet room na may iba't ibang uri ng damit. Ang sabi kasi niya ay para hindi na ako bumili ng mga damit sa tuwing may okasyon kaya't naisipan niyang magpa
Elaine's Point of ViewHindi ko alam pero bigla na lang namayani ang katahimikan sa loob ng sasakyan. Itatanong ko sana kay Kaizer kung ano ang problema, ngunit napatigil ako nang biglang magsalita ang driver, “Malapit na po tayo,” wika niya. Sari-saring emosyon ang naramdaman ko dahil ilang minuto na lang ay makikita ko na si Louis.Ano kaya ang magiging reaksyon niya sa oras na makita niya kami ni Kaizer na magka-partner sa party? Makararamdam kaya siya ng kahit kaunting selos? Ngunit sa lagay namin ngayon ay malabong mangyari ang bagay na iyon.“K...K-ai, ayos ka lang ba? Kanina ka pa kasi hindi nagsasalita,” nauutal na tanong ko. Sa wakas ay nakahanap na rin ako ng tiyempo upang magsalita, kanina pa kasi siya nakatalikod sa akin kung kaya't nag-aalala tuloy ako na baka may nasabi akong masama na ikinasama ng loob niya.“Yeah, I'm fine. Don't mind me,” tipid na sagot niya na ikinanganga ko. Hirap na hirap akong mag-i
Elaine's Point of ViewHindi ko alam pero sinubukan kong tumayo upang pumasok sa loob dabul siguradong hinihintay na ako ni Kaizer ngunit, sobrang sakit ng mga paa ko kung kaya't wala akong nagawa kundi maupo na lang sa harap ng mga halaman at umiyak nang umiyak.Ano bang nagawa kong mali upang itrato ako ng ganito ni Louis?Ang hindi ko lubos na matanggap ay kung paano niya ako sabihan ng masasakit na salita na para bang wala kaming pinagsamahan na dalawa ngunit, bakit gano'n hindi man lang ako makaramdam ng galit sa kanya?Nagulat ako ng may marinig akong pamilyar na boses mula sa likod, halatang galit na galit na ito sa kausap niya sa cellphone dahil nanginginig na ang boses nito sa inis.“As I told you, dad. I don't want to marry Leverah, she is definitely not my type,” wika ni Tyron, hanggang ngayon ay hindi niya pa 'rin napapansin na magkatalikod lang kami sa isa't isa habang nasa gitna namin ang isang maliit na pa-square na kinal
Elaine's Point of ViewNagising ako nang maramdaman kong may dumampi sa balat ko na malamig na bimpo. Agad akong napadilat ng mata upang tingnan kung sino ang kasama ko.Ang huling natandaan ko lang ay nasa bisig ako ni Kaizer habang palabas na kami ng venue sa Desire Island. Kung tama ang hinala ko ay narito ako sa mansion niya. Naalala ko rin ang nasabi ko kay Louis, siguradong nainis siya sa winika ko, pero ano'ng magagawa ko? Masyado akong nadala sa mga ginawa niya sa akin kaya't nasabi ko ang bagay na iyon.Nang idilat ko ang mata ko ay nakita ko si Kaizer na dahan-dahang pinupunasan ang pisngi ko ng bimpo. Seryoso lamang siyang nakatingin dito, pero nang makita niyang idinilat ko ang mga mata ko ay sumilay ang ngiti sa labi niya.“Mabuti naman at gising ka na, Ely,” sambit ni Kaizer. Hindi ko alam ang isasagot ko dahil parang naputol ang dila ko dahil sa hiya. Masyado ko siyang binibigyan ng sakit sa ulo. Nakita ko ang black eye niya sa
Third Person's Point of View“Louis, baby. Hayaan mo na ang babaeng 'yon,” sambit ni Penelope. Hinawakan niya sa braso si Louis, ngunit nagulat siya nang bigla siya nitong itulak nang malakas na ikinatumba niya sa sahig.“How dare you!” singhal niya sa binata. Binigyan lamang siya nito ng masamang tingin bago siya tuluyang tapunan ng pera.“Get out of my sight, I don't like whores,” wika ni Louis. Agad naman nanlaki ang mga mata ni Penelope sa galit. Bago siya tumayo upang harapin ang binata ay pinulot niya muna ang mga pera na itinapon nito sa kanya.“Aba't napakakapal mo naman para sabihin sa akin ang bagay na 'yan!” sigaw ni Penelope. Akmang sasampalin niya si Louis nang bigla itong harangin ng binata gamit ang kanang kamay niya.“Do you really think that a whore like you can lay her hand on my face?” nakangising tanong ni Louis. Ang akala niya siguro ay hindi mahahalata ng binata na ni