Share

The Mafia Boss Wrath 3

“Simulan ang araw ng masaya at itaboy ang malas!” Maligayang saad ni Avyanna, hinawi niya ang kurtina sa kaniyang bintana. Dahilan para masilayan niya ang nagtataasang mga building.

Napangiti siyang muli. Ngayon ang araw niya bilang secretary sa pinaka kilalang kumpanya sa bansa. Nalaman niya lang kahapon na siya'y nakapasa bilang secretary ng binatang Huxley. Pero hindi siya ganoon kasaya dahil nag-away sila ng kaniyang kasintahan. Matapos niyang sabihin na siya'y isa ng Secretary sa kilalang kumpanya sa bansa ay bigla na lamang nagalit ang kaniyang nobyo sa kaniya.

Ngunit alam naman niya na magiging maayos din naman sila. Palilipasin niya muna ang ilang araw bago muling kausapin ang nobyo. Alam niya rin na hindi siya kayang tiisin ng nobyong si Harold Chan isang modelo.

NAKA suot ng sleeveless blouse si Avyanna habang nakasuot ng three inches na heels. Napaka ganda niyang tignan, kahit sa simpleng make-up lang nito. Maamo ang kaniyang mukha, ka akit- akit ang kaniyang mapulang labi. Nagtungo siya sa dining area upang sabayan ang kaniyang magulang na mag almusal.

Naupo siya sa bakanteng upuan matapos niyang gawaran ng tig-iisang halik sa pisngi si Arman at Elena. “Good Morning' Mom, Dad.” Iginala niya ang paningin sa palibot ng dining room upang hanapin ang kaniyang kakambal. “Mom, where's my twin?” tanong niya sa kaniyang ina.

Nagkibit balikat ang kaniyang ina. Maski kasi ang mga ito ay hindi alam kung nasaan ang kakambal niya. “ Hindi umuwi kagabi, I think nag hangout sila ng mga kaibigan niya.” Tumango siya bago nagsimulang kumain ng sandwich.

“Sweetie, final na ba ang desisyon mo?” tukoy ng Dad niya sa trabaho niya ngayon.

Ngunit siya. “Yes, dad. Sa katunayan nga, ang sarap sa feeling na magiging secretary ako ng ibang kumpanya. ” Aniya.

Malalim na napabuntong hininga si Arman. “Hindi na talaga kita mapipigilan?” tanong muli ng ama. Natawa siya.

“Dad, hindi naman ako stay in sa kumpanya. Uuwi ako dito kapag tapos na ang trabaho,” paliwanag niya.

Napailing si Arman. “Alright, let's eat.”

Matapos siyang kumain ay nagpaalam na siya sa mga ito na papasok na sa trabaho. Kahit hindi pa man siya tapos mag-almusal. Dismayado siya sa kaniyang sarili, dahil first day niya pa lamang sa pagiging secretary ay mukhang mahuhuli pa siya sa trabaho.

Thirty minutes na lamang kasi ay mali-late na siya. Nagdasal naman siya na huwag sana siya maipit sa traffic. Siya muli ang nagmamaneho ng kotse nya patungo sa kumpanya. Laking tuwa niya lang dahil hindi siya naipit sa traffic. Kaya nakapunta kaagad siya sa kumpanya ng binatang si Vernon. Ang buong akala niya ay siya ang mauuna sa offit ng binata. Ngunit nadismaya siya nang makita ang kaniyang boss na prenteng nakaupo sa swivel chair.

“Good Morning, Sir.” Aniya.

Tinignan siya ng binata ngunit saglit lang iyon. At muli itong bumaling sa folder na hawak nito. “ Two minutes late, Miss Scott.”

Kinabahan siya. Ito na nga. Ito na nga ang kinatatakutan niya pagdating sa trabaho. Mukhang mararanasan na niya ang pagsesermon ng kaniyang amo sa tana ng kaniyang buhay.

“I’m sorry, sir. Na traffic po kasi ako,” pagsisinungaling niya. Kahit na ang totoo ay sakto naman ang pagdating niya. Pero dahil boss niya ito ay hindi na niya kumprontahin na siya'y hindi naman late.

“Go to your cubicle. Nando'n na ang mga files na kailangang mong trabahuin,” saad ng binata sa kaniya.

Tumango siya. “Okay sir, good morning again.”.

Tulad ng utos ng binata ay nagtungo na siya sa kaniyang cubicle para tignan ang mga nilalaman ng folder. Hindi naman siya nahirapang hanapin ang cubicle niya dahil may nakalagay naman na pangalan sa upuan. At isa pa nasa gilid lamang ang cubicle niya malapit sa main office ni Vernon.

Umikot ang buong oras niya sa mga files na need niyang aralin. Aminado siya na talagang nangangapa pa siya sa trabaho niya bilang secretary.

“Fighting,” pagkausap niya sa sarili.

Binasa niya din ang mga schedule nito. Laking pasasalamat niya dahil walang masyadong meeting ang boss niya.

Nang matapos siya ay nilapitan siya ng co-officemate niya at kinausap.

“ Kailangan mo ng tulong?” tanong nito sa kaniya. Napansin kasi ng co-officemate niya na maraming nakatambak na files sa table niya kaya ito lumapit upang mag magandang loob sa kaniya.

Ngumiti siya. “ Hindi na siguro. Lahat tayo may kaniya-kaniyang ginagawa,” sambit niya. “Pati first day of work ko kaya dapat maging masipag ako,” dugtong pa niya.

“Asus, sigurado ka ba? Kaunti lang naman ang ginagawa ko, pati gusto rin kita kausapin,” natawa siya dahil sa sinabi ng ka officemate niya.

“Kayo ko na talaga ito. Pati pwede naman tayo maging magkaibigan since wala pa akong ka kilala dito. May I know your name?” tanong nya rito.

“Ako si Thea, bago rin ako dito. Siguro mag one month na ako dito,” tumigil ito sa pagsasalita bago nilibot ang paningin sa paligid. “Ayun!” sinundan niya ng tingin ang tinuturo nang nagpakilalang Thea.

Nakita niya ang tatlong co-officemate niya na abala sa pagkukuwentuhan. Napailing siya bago tinignan ang katabi niya. “Anong meron sa kanila?” taka niyang tanong dito.

“Iyan ‘yung tatlong feeling boss dito sa kumpanya,” bulong nito sa kaniya. Nagpatango-tango siya, sa totoo lang ay wala siyang paki-alam kung may ganoong tao sa kumpanya. Ang gusto niya kasi ay magtrabaho lamang ng mapayapa.

“ At alam mo ba? Tinaguriang bully iyan dito sa office natin. Kaya hangga't maaari iwasan mo sila kung ayaw mong ikaw ang maging next target nila,” paalala pa nito sa kaniya.

“Akala ko sa mga school lang nangyayari ang mga pambu-bully. Pati rin pala sa ganitong trabaho ay may mga bully pa rin,” saad niya habang nagbubuklat ng mga files.

“Hala! Si boss papunta dito,” anito. Inilapag niya ang files na hawak niya at tumayo. Maski ang mga co- officemate niya ay tumayo upang magbigay galang sa binatang CEO.

Nanatili silang nakatayo. “ Ano kaya ang kailangan ni Sir?” bulong ng katabi niya. Nagkibit balikat siya dahil hindi naman niya alam.

Siyaka lamang napagtanto ni Avyanna na kailangan siya ang mangunang mag-asikaso sa binatang CEO kaya dali-dali siyang lumapit dito.

“Sir, may kailangan po ba kayo?” tanong niya ng makalapit siya sa binata.

Walang emosyon siya nitong tinignan. Napaisip si Avyanna. Kakilala niya pala lamang sa CEO ng kumpanya. At napansin niya na hindi ngumingiti ito, para bang pasan na nito ang lahat ng problema ng mga tao.

“Ipalipat mo ang table mo sa office ko. Call the other staff and tell them what I said,” Anito sa kaniya.

Tumango siya kaagad. “Copy, Sir. May kailangan pa po ba kayo?” tanong niya.

“Wala na, in two ours dapat nasa office ko na ang table mo at ang mga gamit mo Miss Scott,” tumango siyang muli.

“ Back to work everyone,” utos ni Vernon sa mga staff niya. Tumalikod ito at muling bumalik sa office nito. Sinunod din naman ni Avyanna ang utos ni Vernon. Tumawag siya ng maglilipat ng table niya sa office ng Boss niya.

Lumapit sa kaniya si Thea. “Ang pogi ni Sir 'no? Pero? Tama ba ‘yong narinig ko? Isa kang Scott?” usisang tanong sa kaniya nito.

Tumango siya. “ Oo, isa akong Scott. Bakit mo naman natanong?” Aniya.

Namaywang ito sa kaniyang harapan. Na animo'y kaaway siya nito. “Bakit?” taka niyang tanong.

“Ikaw ba si Ariana Scott?” tanong nito sa kaniya. Kaagad siyang umiling, malamang kakambal niya ang tinutukoy nito. Lagi siyang napagkakamalang si Ariana ang kanyang niya. Kung sa bagay, magkahawig magkahawig talaga sila. Kahit sa hugis ng katawan ay hindi nagkakalayo. Pero may pagkaka-iba silang dalawa. Kung si Ariana ay isang malditang babae kabaliktaran naman nito ang pag-uugali ni Avyanna.

“ Avyanna Scott ang pangalan ko. Si Ariana Scott ang kakambal ko,” paliwanag niya.

Nagpatango-tango ito. “ Pasensya na, pero magkamukha kasi kayo. Close ba kayo ng kakambal mo?” tanong nito sa kaniya. Hindi siya kaagad makapagsalita. Hindi niya kasi gusto ipaalam sa publiko ang hindi pagkakasundo nilang dalawa ni Ariana. Kahit hindi sila magkasundo ng kakambal niya ay hindi niya maatim na ipagsabi ang ugali ni Ariana sa ibang tao.

“Avyanna,” pagtawag nito sa kaniya. Siyaka lamang siya natauhan ng mahina siyang tapikin nito sa balikat.

“Ah, Close naman kami. Bakit mo naman natanong?” Aniya dito.

“Wala lang, nakikita ko lang kasi sa I*******m ang bawat post ng kakambal mo. Famous kaya ang kakambal mo sa I*******m,” saad nito. Napaisip siya, wala kasi siyang I*******m account kaya hindi niya alam kung ano ang mga pino-post ng kakambal niya.

“Ganoon ba? Sige na, mamaya na lang tayo mag-usap. Aasikasuhin ko muna ang paglilipat ng gamit ko,” pagpapaalam niya rito. Naalala kasi niya na oras pa para ng trabaho. Kaya iniwan niya muna ang co- office mate niya sa cubicle nito.

___

Lunch Break na nang matapos ang paglilipat ng gamit ni Avyanna sa office ni Boss nila. Nagtataka siya sapagkat maaari naman siyang makihalubilo sa mga co- officemate niya ay pinalipat pa siya ng puwesto.

Nasa cafeteria siya kasama ang bago niyang kaibigang si Thea. Malawak ang cafeteria ng kumpanya, kaya malaya silang nakakakilos. Habang nag-uusap sila ni Thea ay napatigil sila nang lumapit ang tatlong ka-trabaho nila sa kanilang table. Ito ang mga babaeng tinutukoy ni Thea sa kaniya. Na kailangan raw iwasan dahil sa masamang ugali ng mga ito.

“Thea, ipakilala mo naman ako sa new friend mo. Na Secretary ni Sir.”

“A-ah, Avyanna. Ito pala si Karen,” turo ni Thea sa kaniya sa babaeng nakasuot ng malaking hikaw. Ito naman ang kaibigan ni Karen, sina Hazel at Che.”

Nginitian niya ang tatlo. “Nice to meet you. Ako nga pala si Avyanna,” pagpapakilala niya sa mga ito. Nakatanggap naman siya ng pekeng ngiti sa tatlo.

“ Nice to meet you huh. Bagay kayo magsama ni Thea, parehas kayong mga hampaslupa,” saad ng nagngangalang Karen. Bumuntong hininga siya.

“Sasabay ba kayong kumain sa ‘min” pag-iiba niya sa usapan. Hindi na lamang niya pinansin ang mga masasamang tingin ng mga ito sa kaniya. Wala siyang kaalam-alam kung bakit ganoon ang trato ng mga ito sa kaniya. Samantalang ngayon pa lamang sila nagkakilala, mabuti na nga lang dahil nakilala niya si Thea. Kahit papaano ay may kaibigan na siya sa office.

Umalis ang mga ito sa table nila nang hindi na siya muling nagsalita pa. Nagpatuloy siyang kumain dahil matatapos na ang oras ng kaunti pa lamang ang nakakain niya.

“Sabi ko sa ‘yo, eh. Mga masasama ugali ng mga iyon. Laging naghahanap ng makakaaway para maging center of attraction,” asar na sambit ni Thea. Natawa siya dahil naiinis na ito sa tatlo. Saglit pa lamang niya nakilala ito ay magaan na ang loob niya dito. Siguro dahil madaldal ito at pala-kaibigan.

“Hayaan mo na sila,” sambit niya dito. “ Lalamig na ang pagkain,” dugtong pa niya.

Akmang iinom na sana siya ng tubig nang muling magsalita ang kasama niya. “Nasaan pala si Sir? Di ba dapat, kasama ka no'n?” takang tanong nito sa kaniya.

“Maski ako hindi ko alam kung saan pumunta ang boss natin. Pina- cancel nga ni Sir Huxley ang meeting niya sa isang kliyente,” saad niya. Hindi naman nagtanong si Avyanna kung saan pupunta ito kaya maski siya ay walang clue kung saan nagpunta ang boss nila.

“Alam mo, ang weird ni Sir Vernon. Mas weird pa siya sa namayapang CEO ng kumpanya.”

“Ang daldal mo talaga, malay mo. Talagang may importanteng inaasikaso lang si Sir. Kaya hindi na nasabi kung saan siya pupunta at ano ang gagawin niya,” paliwanag ni Avyanna.

Gusto na niya talagang lantakan ang pagkain niya sa harapan niya. Nagugutom na siya dahil sandwich lang naman ang kinain niya sa bahay nila. Hindi siya makakain nang maayos dahil sa kasama niya. Na hindi nagsasawa magsalita.

Komen (1)
goodnovel comment avatar
Ms.Ivymadrama
oh. I really tell na it's have a great stories.....️...️...️
LIHAT SEMUA KOMENTAR

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status