Share

Chapter 4

Author: cute_cassie
last update Last Updated: 2025-01-10 08:10:26

(Ysabella’s POV)

Pagkatapos kong tapusin ang mga papeles na kailangang ipasa kay Sir Zachariel, napagdesisyunan kong bumaba muna sa may common area ng opisina para magpahangin. Medyo nakakakulong na kasi ang pakiramdam ko sa cubicle ko matapos ang tensyon kanina.

Pagdating ko sa may lounge area, agad akong nakaramdam ng kakaibang aura. Tumigil ang usapan ng ilang empleyado nang makita nila ako. Yung tipong parang napatingin sila sa akin nang sabay-sabay.

“Uy, andyan na si Miss Universe natin!” biglang bulalas ng isang lalaki mula sa accounting department. Natatawa akong ngumiti at bahagyang napailing.

“Good morning po,” bati ko nang magalang, pilit na tinatago ang hiya. Pero sa totoo lang, medyo nakaka-awkward ang ganitong atensyon.

“Grabe, Ysabella, parang hindi ka tumatanda! Ganda-ganda mo pa rin!” sabi naman ng isang babaeng staff mula sa HR. Ngumiti ako sa kanya, kahit pakiramdam ko’y nag-init na ang pisngi ko.

“Ah, ma’am, kaka-apply ko lang po dito last week,” natatawang sagot ko. “Hindi pa po ako matagal.”

“Talaga? Eh paano, parang matagal ka na naming kilala!” sabat ng isa pang lalaki mula sa sales team. “Ang gaan mo kasi kasama, tapos ang ganda mo pa.”

“Sir, baka sumakit po ang ulo ko sa papuri niyo,” biro ko, sabay tawa. Pero ang totoo, hindi ko alam kung saan ko ilalagay ang sarili ko.

“Ano bang sikreto mo, Ysabella?” tanong naman ng isa. “Pati ba sa tubig na iniinom mo, may halo ng ganda?”

Napatawa ako. “Wala po akong sikreto. Tubig lang talaga at tulog,” sagot ko. Pero ang totoo, gusto ko nang makalabas ng lounge. Nakakahiya na talaga!

“Teka, mga ‘tol,” sabat naman ng isang lalaki na medyo paloko ang tingin. “Kaya siguro fresh na fresh si Ysabella kasi inspired ‘yan. Ano, Ysabella? May nagpapakilig ba sa’yo?”

Bigla akong napamaang. “Ha? Wala po!” mabilis kong sagot, sabay tawa.

“Ah, hindi daw, pero bakit ang pula ng mukha? Ayieee!” sabay-sabay silang nagkantiyawan.

“Grabe naman po kayo!” pilit kong tanggi, pero hindi ko mapigilan ang pagngiti. Paano ba naman kasi, ang lakas nilang mang-asar.

“Hayaan niyo na si Ysabella,” sabi naman ng isa, kunwari’y tumutulong sa akin pero halata namang nambibiro din. “Baka naman si Boss Zachariel ang dahilan ng blooming na ‘yan.”

Bigla akong napatigil. Ang saya-saya pa ng mukha ko kanina, pero nang marinig ko iyon, parang nanigas ako sa kinatatayuan ko.

“Uy, kita mo ‘yon? Napatigil!” sigaw ng isa. Lalo pa silang nagkantiyawan.

“Ano ba kayo? Grabe kayo mang-asar!” sagot ko habang pilit na tinatawanan ang usapan. Pero sa loob-loob ko, hindi ko maiwasang mag-isip. Ang obvious ba masyado?

Sa gitna ng tawanan, bigla namang bumukas ang elevator. Tumahimik ang lahat, at kasabay ng pagbukas ng pinto ay ang paglabas ni Sir Zachariel. Lahat ng mga mata ay biglang napunta sa kanya.

“Good morning, Sir!” sabay-sabay nilang bati. Pero ako? Parang gusto kong magtago sa ilalim ng mesa.

Tumango lang siya bilang sagot, at sandali siyang tumingin sa akin bago dumiretso sa opisina niya. Parang walang nangyari. Pero bakit parang may bigat ang tingin na iyon?

Pagkaalis niya, nagpatuloy ang bulungan sa paligid. Pero ako? Tumayo na ako, dala ang folder ng mga papeles, at bumalik sa desk ko. Ayoko nang marinig ang kahit ano pa. Pero sa totoo lang, hindi ko maiwasang tanungin ang sarili ko—may dahilan ba para bigyan nila ng kulay ang lahat ng ito?

Bakit nga ba iba ang nararamdaman ko kapag si Sir Zachariel ang pinag-uusapan?

Pagbalik ko sa desk ko matapos ang biruan sa lounge, sinubukan kong mag-focus sa mga trabaho. Pero parang ang hirap. Parang naririnig ko pa rin ang kantiyawan kanina, lalo na ang tungkol kay Sir Zachariel. Napailing ako, pilit na tinatanggal sa isip ang lahat ng iyon.

Ipinatong ko ang mga papeles sa mesa at huminga nang malalim. Focus, Ysabella. Trabaho lang. Wala kang ibang iisipin.

Pero bago pa ako makapagsimula, biglang sumulpot si Sir Zachariel sa harap ko.

“Miss Ysabella,” malamig at malalim niyang tawag sa akin.

Halos maipit ang hininga ko. Agad akong tumayo, halos mabangga pa ang upuan ko. “S-Sir! Good morning po!”

Hindi siya sumagot. Tinitigan niya lang ako, at para bang sinisiyasat niya ako mula ulo hanggang paa. Napalunok ako. Oh no. Galit ba siya? May nagawa ba akong mali?

“Sumunod ka sa akin,” malamig niyang sabi, at agad siyang tumalikod pabalik sa opisina niya.

Hindi ko alam kung bakit, pero ramdam ko ang kaba na bumalot sa buong katawan ko. Habang sinusundan ko siya, ang tunog ng mga hakbang ko ay parang dagundong sa tahimik na hallway. Paulit-ulit kong iniisip kung ano ang posibleng dahilan kung bakit niya ako pinatawag.

“Okay ka lang, Ysabella,” pabulong kong sabi sa sarili. Pero kahit anong pilit kong magpakalma, parang hindi gumagana.

Pagdating namin sa pintuan ng opisina niya, binuksan niya ito nang walang sabi. Tumigil siya sandali at tumingin sa akin. “Pasok,” maiksi niyang utos.

Agad akong sumunod at tumayo malapit sa mesa niya. Napansin kong tahimik ang buong silid, tanging pagkaluskos ng air conditioner ang naririnig. Pinilit kong magmukhang kalmado kahit ramdam ko ang bilis ng tibok ng puso ko.

“Umupo ka,” dagdag niya habang umupo siya sa swivel chair niya.

Sinunod ko ang sinabi niya at marahan akong naupo sa upuan sa harap ng mesa niya. Pilit kong iniwas ang tingin sa kanya, pero nararamdaman ko ang mabigat niyang titig sa akin.

Sandaling katahimikan ang bumalot sa amin. Ano kaya ang sasabihin niya? Papagalitan kaya ako? O baka may reklamo siya sa trabaho ko? Sunod-sunod na tanong ang gumugulo sa isip ko, pero hindi ko magawang magsalita.

“Ilang linggo ka pa lang dito, Ysabella,” biglang sabi niya, basag sa katahimikan. Ang boses niya’y malalim at malamig, na tila may halong kakaibang bigat.

Tumango ako, pilit na ngumiti nang mahina. “Opo, Sir.”

“Tingin mo, kaya mo bang magtagal sa posisyon mo bilang secretary ko?” tanong niya, diretso ang tingin sa akin.

Napalunok ako. Hindi ko alam kung paano siya sasagutin. Sa kabila ng tanong niya, naramdaman ko ang tila hamon sa boses niya. Bakit parang sinusubok niya ako?

“Opo, Sir. Kaya ko po,” sagot ko nang may kaba, pero sinigurado kong buo ang boses ko.

Saglit siyang tumingin sa akin, bago bahagyang tumango. “Good. Dahil hindi madali ang trabaho mo.”

Sa loob ng ilang minuto, nag-usap kami tungkol sa bagong tasks na kailangan kong gawin. Pero kahit nagtatrabaho na kami, hindi pa rin mawala ang tensyon sa pagitan namin. Ramdam ko ang kakaibang presensya niya—yung tipong parang kayang bumalot ng buong silid.

Habang nagsasalita siya, hindi ko maiwasang mapansin ang lalim ng boses niya, ang paraan ng pagbagsak ng mga salita niya, at ang pagkakaupo niya na tila may hawak siyang kapangyarihan sa lahat ng oras.

Focus, Ysabella! Trabaho lang to! paalala ko sa sarili ko.

Pagkatapos ng mahabang diskusyon, tumayo siya at tumingin sa akin. “’Yan muna ang asikasuhin mo. Bumalik ka kapag tapos na.”

Tumango ako at mabilis na lumabas ng opisina. Pero habang naglalakad pabalik sa mesa ko, hindi ko maiwasang maramdaman ang kakaibang kabog sa dibdib ko.

Ano ba talaga ang epekto ng boss na ito sa akin?

(Zachariel’s POV)

Ang gabi ang tanging panahon na kaya kong takasan ang bigat ng responsibilidad. Mula sa papel ng pagiging CEO hanggang sa mas madilim kong mundo bilang pinuno ng mafia, wala akong ibang hangad kundi kahit saglit na kalayaan. Kaya naman, matapos ang nakakapagod na araw sa opisina, dumiretso ako sa paborito kong bar.

Pagpasok ko pa lang, agad akong sinalubong ng pamilyar na amoy ng alak at usok. Malamlam ang ilaw, at ang musika’y sapat lang para hindi mangibabaw sa ingay ng mga tao. Ang lugar na ito ay naging takbuhan ko sa tuwing gusto kong magtago—kung saan walang nakakakilala sa akin bilang Zachariel Montenegro.

Tumango ako sa bartender at umupo sa pinaka-dulo ng counter. “Isang bourbon,” maiksi kong sabi. Agad namang kumilos ang bartender, sanay na sa paborito kong inumin.

Habang hinihintay ang order ko, inikot ko ang paningin ko sa paligid. Mga mukha ng iba’t ibang tao ang bumungad sa akin—may mga naghahalakhakan, may mga nagbubulungan sa dilim, at may ilang tahimik na nagmamasid lang tulad ko.

Agad kong napansin ang isang babae sa kabilang dulo ng bar. Mestisang morena, mahaba ang buhok, at suot ang isang pulang damit na masyadong maikli para maging disente. Ang kanyang mga mata ay nagtataglay ng malisyang tila sinasadyang ipakita sa akin. Napangisi ako. Mukhang nahanap ko na ang target ko ngayong gabi.

Pagkabigay ng bartender ng alak ko, tumayo ako at diretsong lumapit sa kanya. Hindi na kailangan ng pasakalye. Ganoon ang laro sa lugar na ito—walang personalan, walang tanungan.

“Mind if I join you?” tanong ko, ang boses ko’y mababa at puno ng kumpiyansa.

Tumingin siya sa akin, at isang mapang-akit na ngiti ang sagot niya. “Go ahead,” sagot niya, sabay tingin mula ulo hanggang paa. Alam kong sinusukat niya ako, pero sanay na ako sa ganitong laro.

Nag-usap kami saglit, pero wala na sa akin ang sinasabi niya. Ang totoo, wala akong pakialam. Ang habol ko lang ay ang mawala ang tensyon sa dibdib ko, ang maibsan ang pagod, kahit saglit lang.

“Wanna get out of here?” bulong ko sa kanya matapos ang ilang minuto. Tumingin siya sa akin at ngumiti ng pilyo. “Your place or mine?” tanong niya.

“Yours,” sagot ko, malamig at diretso.

Paglabas namin ng bar, ramdam ko ang bigat ng gabi. Pero sa totoo lang, kahit pa nasa bisig ko ang babaeng ito, hindi ko maiwasang isipin ang ibang bagay—mga bagay na hindi ko dapat iniisip.

Habang nakasakay kami sa sasakyan, biglang pumasok sa isip ko ang secretary kong si Ysabella. Ang tahimik niyang ganda, ang paraan ng kanyang kilos, at ang mga titig niya na tila hindi alam kung paano ako basahin.

Napailing ako. Ano ba itong iniisip ko? Isa lang siyang empleyado. Pilit kong nilabanan ang pag-usbong ng ideya, at ibinalik ko ang atensyon ko sa babaeng katabi ko.

Pero kahit anong pilit kong gawin, hindi maalis sa isip ko si Ysabella. At sa pagkakataong iyon, napagtanto ko—hindi lang siya basta empleyado. Siya ang tanging tao na nagtataglay ng kapangyarihang guluhin ang kontrolado kong mundo.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • The Mafia Boss and His Muse   Chapter 13

    (Ysabella’s POV)Nasa hallway ako, palapit sa study room ni Sir para ibigay ang pagkain nang biglang bumukas ang pinto.Siya.Zachariel.Nakahinto, hingal. Para bang may pinagsisigawang damdamin sa loob niya.Napatingin siya sa kamay ko. Sa pulso.At sa oras na nakita niya ang tattoo ko—parang biglang nawala ang kulay sa mukha niya.“H-hindi... pwede ‘to...” bulong niya.“Ano pong ibig sabihin nito?” tanong ko, mahina.Pero hindi siya sumagot.Lumapit siya.Hinawakan ang pulso ko.“At anong pangalan ng tatay mo, Ysabella?” tanong niya. Buo. Matigas.Hindi ako agad nakasagot.“Hindi ko po alam. Wala po akong record sa birth certificate. Laging sinasabi ng lola ko na ‘confidential’ raw. Pinanganak ako sa private na ospital. Walang history. Wala rin akong inaalaalang mukha niya.”Nanlaki ang mata niya.Parang may pinagtugmang piraso sa puzzle.

  • The Mafia Boss and His Muse   Chapter 12

    Chapter 12(Ysabella’s POV)“Anong ibig niyang sabihin?” tanong ko, mahina.Si Sir ay tahimik lang. Tumingin siya sa akin, pero alam kong may bagay na ayaw pa niyang bitawan.Tumalikod siya, tinawagan ang isa sa mga tauhan niya. “Dalhin si Celeste sa safe zone. Siguraduhing buhay siya. Pero bantayan ng doble.”Bago siya sumakay sa sasakyan, lumingon siya sa akin. “Tayo na. Malayo pa tayo sa katapusan.”---Ilang oras ang lumipas...Nasa loob kami ng main office. Si Karleen ay nagpapahinga sa guest room. Ako naman, tahimik na naglalagay ng yelo sa galos sa braso ni Sir Zachariel.“Salamat,” sabi niya, hindi lumilingon.Tahimik.“Anong ibig niyang sabihin?” tanong ko muli. “Yung sinabi ni Celeste kanina... tungkol sa’kin?”Hindi agad siya sumagot.Pero pagkatapos ng ilang minuto, tumingin siya sa akin—at sa wakas, nagsalita.“May isang bagay na matagal ko

  • The Mafia Boss and His Muse   Chapter 11

    Chapter 11 – “Minsan, ang Kalaban... Kilala Mo”(Ysabella’s POV)Ang lakas ng tibok ng puso ko habang binabaybay namin ang kalsadang papunta sa tinutukoy na abandonadong factory.Wala akong baril. Wala akong bala.Ang tanging dala ko lang... ang tapang na pilit kong binubuo para sa kapatid ko.“Nandito lang sa unahan,” sabi ni Sir habang mahigpit ang hawak sa manibela. Ang tinig niya’y mababa, kontrolado, pero ramdam ko ang tensyon sa bawat galaw niya.“Anong plano?” tanong ko.Tumingin siya sa akin saglit. “Simple lang—kuha natin si Karleen. At kung nandun si Celeste... tapusin na.”Hindi ako sumagot. Inabot niya ang isang maliit na communication earpiece at flashlight. Nilagay ko agad sa tenga ko, sabay sunod sa kanya.Tahimik ang paligid ng lumang factory. Sirang mga bintana, kalawangin ang pinto. May halong alikabok at dugo ang amoy sa paligid.Tahimik naming binuksan ang pinto.(Z

  • The Mafia Boss and His Muse   Chapter 10

    Chapter 10 – “Kapag Tahimik ang Mundo, Doon Nagsisimula ang Gulo”(Ysabella’s POV to start, then shifts)(Ysabella’s POV)Umaga.Sa unang pagkakataon mula nang tumira ako sa bahay na ito, ibang klaseng katahimikan ang naramdaman ko. Hindi nakakabinging lamig—kundi isang uri ng kapayapaan. Maingat, marupok, pero naroon.Nasa kusina ako, nagtitimpla ng kape. Mula sa gilid ng mata ko, nakita kong bumaba si Sir Zachariel—suot ang itim niyang robe, bahagyang magulo ang buhok, pero may ngiti sa labi na hindi ko pa nakita sa kanya dati.“Good morning,” sabi niya habang tumabi sa akin.“Good morning din po,” tugon ko, sabay abot ng tasa ng kape.Tahimik kaming umupo sa lamesa. Wala masyadong usapan, pero para bang sapat na ang presensya naming dalawa para buuin ang umaga.Tumitig siya sa akin. “Kanina pa kita pinagmamasdan. Hindi ko pa rin maintindihan kung paano mo napasok ang mundong ‘to.”Napatingin

  • The Mafia Boss and His Muse   Chapter 9

    Chapter 9 – “Alin sa Inyo ang Totoo?”(Zachariel’s POV to start, then shifts)(Zachariel’s POV)Tahimik ang sala, pero ang tunog ng tibok ng puso ko ay parang bomba—bawat segundo, sumisigaw.Si Celeste, nakatayo sa harap ko, hawak ang bawat alaala na pilit kong nilimot. At si Ysabella… tahimik sa gilid ko, tila handang umalis kung iyon ang kailangan.At ako?Ako ang dahilan kung bakit pareho silang nasasaktan.Huminga ako nang malalim. Tiningnan ko si Celeste.“Celeste…” paunang tawag ko, mababa pero matatag, “ikaw ang bahagi ng nakaraan ko.”Nanigas ang panga niya, pero hindi siya nagsalita.“Hindi kita kailanman kinalimutan,” tuloy ko. “Pero hindi ibig sabihin nun ay babalikan ko lahat ng sakit na iniwan natin sa isa’t isa.”Nanlaki ang mata niya. “So, ito na? ‘Yun na lang ‘yon?”Umiling ako. “Ikaw ang dahilan kung bakit natuto akong maging matigas. Pero siya—” sabay lingon

  • The Mafia Boss and His Muse   Chapter 8

    Chapter 8 – “Ang Babaeng Bumalik Mula sa Nakaraan”(Ysabella’s POV)Tahimik ang buong bahay. Kahit na maraming ginagawa sa opisina ni Sir Zachariel, may bahagi sa akin na hindi mapakali—parang may paparating na hindi ko maipaliwanag. Mula pa kanina, ramdam ko na ang bigat sa hangin.Habang nililigpit ko ang mga papeles sa sala, biglang may kumatok sa main door.Tatlong beses. Sunod-sunod. Hindi malakas, pero matigas. Determinado.Nagdalawang-isip akong buksan. “Huwag kang aalis kahit sino pa ang kumatok,” sabi ni Sir kanina. Pero baka emergency. Baka isa sa mga tauhan niya.Dahan-dahan akong lumapit. Tiningnan ko muna sa peephole.Isang babae.Maputi, matangkad, may suot na dark green trench coat at shades kahit maliwanag. Nakaayos ang buhok niya na parang may appointment sa TV studio. Pero ang pinakanakakabahala?Ang kumpiyansa sa katawan niya. Parang alam niyang may karapatan siyang narito.

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status