(Ysabella’s POV)
Maaga akong dumating sa opisina ng araw na iyon. Ang lamig ng air conditioning ay parang nakakadagdag sa tensyon na hindi ko maintindihan. Tulad ng dati, diretso ako sa desk ko para ayusin ang mga dokumentong kailangan ng CEO. Isang normal na araw lang ito, Bella, pinilit kong kumbinsihin ang sarili habang hinahanda ang mga papeles. Ngunit pagdaan ko sa harap ng opisina ni Sir Zachariel, napansin kong bahagyang nakabukas ang pinto. Sa kabila ng kaunting siwang, rinig na rinig ko ang mabibigat na boses ng mga kalalakihan. Hindi ko mapigilang sumilip. May tatlong lalaki sa loob, lahat ay naka-suot ng dark suits. Ang kanilang postura at presensya ay parang nagbibigay ng bigat sa buong silid, pero hindi ko sila kilala. Ang isa ay may malaking peklat sa pisngi, ang isa naman ay kalbo at mukhang seryoso, habang ang huli ay tila mas bata pero may nakakatakot na aura sa kanyang mga mata. Nakatayo si Sir Zachariel sa likod ng kanyang mesa, ang postura niya ay matigas ngunit relaxed—parang may kapangyarihan siyang hindi kayang hamunin. “Hindi ito dapat umabot sa ganito,” sabi ng isa sa mga lalaki. “Nagsisimula nang magduda ang ibang tao. Hindi maganda para sa negosyo.” “Kung may nagdududa, trabaho niyo iyon para patahimikin sila,” malamig na sagot ni Sir Zachariel, ang boses niya ay puno ng awtoridad. Hindi ko maintindihan ang pinag-uusapan nila, pero ramdam ko ang bigat ng bawat salitang binibitawan nila. Hindi ito tungkol sa negosyo ng Montenegro Industries—ibang klaseng usapan ito. “Sir Zachariel,” mahinang sambit ko, na pilit pinapalakas ang loob ko habang kumakatok ng bahagya. Agad na tumigil ang usapan sa loob. Lahat ng mata ay tumingin sa akin, kasama na ang tatlong bisita. Halos hindi ako makagalaw sa bigat ng kanilang mga tingin. Ang kalbong lalaki ay tila nagulat, ngunit ang mas bata ay ngumiti nang bahagya—isang ngiti na hindi mo gugustuhing makita. “Ms. Fuentes,” malamig na bati ni Sir Zachariel, ang mga mata niya ay seryosong nakatingin sa akin. “Ano ang kailangan mo?” “Ah, Sir, dadalhin ko lang po itong mga papeles na kailangan niyo para sa meeting mamaya…” Lumapit ako at nilapag ang folder sa mesa niya. Ramdam ko ang bawat hakbang ko, at parang tumigil ang oras habang nararamdaman ko ang mga tingin ng mga bisita niya sa likod ko. “Salamat. Bumalik ka na sa desk mo,” maikli niyang utos. Hindi na ako nagtagal at agad akong lumabas ng opisina. Pagkaupo ko sa desk, hindi ko maiwasang mag-isip tungkol sa tatlong lalaking iyon. Sino sila? At bakit ang bigat ng usapan nila? Bakit parang may hindi ako dapat malaman? bulong ko sa sarili habang tahimik na pinipilit kalmahin ang kabog ng puso ko. Ang presensya ng mga bisita ay hindi ordinaryo—at sigurado akong hindi rin sila ordinaryong kaibigan ng CEO. Hindi ko inaasahan na ang araw na ito ay magiging ganito ka-stress. Akala ko, matapos kong iabot ang mga papeles kay Sir Zachariel, matatapos na ang kaba ko. Pero mali ako. Habang nagta-type ako ng mga memo sa desk ko, naramdaman ko ang biglang pagbukas ng pinto ng opisina ni Sir. Lumingon ako, at nakita ko ang tatlong bisita niya na palabas. Ngunit sa halip na dumiretso sa elevator, tumigil ang isa sa kanila—yung lalaking mas bata—at tumingin sa direksyon ko. “Hi there, beautiful,” bati niya, ang ngiti niya ay parang pilit ngunit nakakatakot. Lumapit siya sa desk ko na parang walang balak umalis agad. Hindi ko alam kung paano ako magre-react. Tumayo ako nang bahagya bilang respeto, ngunit naramdaman kong parang napako ang mga paa ko sa sahig. “Ah, hello po…” maingat kong sagot, pilit kong pinapakalma ang sarili. “Teka, ikaw ang secretary ni Zach, ‘di ba?” tanong niya habang sumandal sa gilid ng desk ko. Ang kanyang boses ay malambing ngunit puno ng something na hindi ko maipaliwanag. Clingy. Parang may halong biro ngunit may halong panggigigil. “Opo, ako nga po,” maikli kong sagot habang pilit iniwasan ang kanyang titig. “Ang suwerte naman ni Zach. Ang ganda pala ng secretary niya.” Tumawa siya nang bahagya, ngunit parang may halong intensyon sa tono niya. Ang init ng tingin niya ay nagbigay ng kilabot sa akin. “Sir, may kailangan po ba kayo?” tanong ko, sinusubukang gawing pormal ang usapan para matapos na ito. “Wala naman, gusto lang kitang makilala,” sagot niya habang bahagyang yumuko at tinitigan ako nang mas malapit. Napaatras ako ng bahagya, ngunit hindi ko magawang umalis dahil nasa harap niya ang desk ko. “Sayang naman, kung wala ka pang trabaho, baka gusto mong sumama sa akin. Kahit coffee lang,” dagdag niya, ang ngiti niya ay parang alam niyang hindi siya tatanggihan. “Pasensya na po, Sir, marami pa po akong kailangang tapusin.” Pinilit kong gawing matatag ang boses ko kahit ramdam ko ang kaba sa dibdib ko. Narinig ko ang biglang pagbukas ng pinto mula sa opisina ni Sir Zachariel. Lahat kami ay napatingin sa kanya. Ang presensya niya ay parang malamig na hangin na pumuno sa buong silid. “Marcus,” malamig niyang tawag sa lalaki. “Let’s go.” Napailing ang lalaki at tumayo nang diretso, pero bago siya umalis, sinulyapan niya ako at ngumiti. “Next time, Ms. Secretary.” Hindi ko alam kung ano ang mas matindi—ang takot na naramdaman ko dahil kay Marcus o ang kakaibang tensyon nang magtama ang tingin namin ni Sir Zachariel. Tila may hindi siya nagustuhan sa nakita niya, ngunit nanatiling tahimik ito habang pinapanood ang tatlong lalaki na lumabas ng opisina. Pagkaalis nila, napahinga ako nang malalim at halos mapaupo sa pagod. Bakit parang hindi normal ang mga araw ko dito? tanong ko sa sarili habang sinusubukang kalmahin ang mabilis na tibok ng puso ko. Ngunit isang bagay ang malinaw—hindi ko gustong maulit ang ganoong tagpo, lalo na kung kasama ang mga bisita ni Sir Zachariel. (Zachariel’s POV) Nakatayo ako sa likod ng pinto ng opisina habang pinapanood si Marcus na nagiging masyadong palakaibigan—hindi, masyado siyang mapangahas—sa harap ni Ysabella. Ang bawat galaw niya, bawat salita niya, ay nagdulot ng matinding inis sa akin na hindi ko maipaliwanag. Marcus, you idiot. “Marcus,” malamig kong tawag, binasag ang usapan nila. Agad siyang tumingin sa akin, habang si Ysabella naman ay halatang nagulat sa presensya ko. Ang mga mata niya ay mabilis na umiwas mula sa akin. Habang papalapit si Marcus sa akin, hindi ko maiwasang sumimangot. Hindi niya napansin ang lamig ng tingin ko, ngunit alam kong naramdaman niya ito nang magsalita ako. “Let’s go,” maikli kong sabi. Ngunit sa bawat hakbang namin palayo, ramdam kong bumibigat ang galit ko. Hindi ko gustong pinapakialaman ni Marcus ang mga bagay na wala siyang karapatang galawin—lalo na si Ysabella. Pagdating sa elevator, hindi ko na napigilan ang sarili ko. Huminto ako at humarap sa kanya. “Anong iniisip mo kanina?” malamig kong tanong, ang boses ko ay may halong banta. “Relax, Zach,” sagot niya habang tumatawa nang bahagya. “Wala akong ginagawa. Naghaharutan lang kami ng secretary mo.” Hindi ko napigilan ang pag-igting ng panga ko. “She’s not someone you can ‘play’ with, Marcus.” Nagtaas siya ng kilay, parang nagtataka. “Wow, defensive ka naman. Don’t tell me she’s special?” Hindi ako sumagot. Sa halip, inilapit ko ang mukha ko sa kanya, sapat na malapit para maramdaman niya ang bigat ng bawat salita ko. “I don’t care what you think, but stay away from her. Understood?” Nakikita ko ang bahagyang takot na sumilay sa mga mata niya, kahit pilit niyang tinatago ito. Sa huli, tumango siya at umiwas ng tingin. “Okay, fine. Chill, Boss.” Habang umaandar ang elevator pababa, tahimik lang akong nakatingin sa harap, pero sa loob ko, hindi maalis ang imahe ni Ysabella. Ang paraan ng pag-iwas niya ng tingin, ang bahagyang takot sa kanyang mga mata—hindi ko gustong makitang ganun siya dahil kay Marcus o kahit na sino. Sa ilalim ng malamig kong maskara, isang tanong ang bumabagabag sa akin: Bakit ba ganito ang reaksyon ko? Bakit parang may kakaibang halaga siya sa akin? Paglabas ng elevator, binalik ko ang focus ko sa mas mahalagang bagay—ang operasyon namin ngayong gabi. Ngunit alam kong sa likod ng lahat ng iyon, nandoon pa rin ang imahe ni Ysabella, pilit sumisiksik sa isipan ko. (Ysabella’s POV) Pagkaalis ng tatlong lalaki kasama si Sir Zachariel, bumalik sa tahimik ang opisina. Ramdam ko pa rin ang tensyon mula sa mga nangyari kanina, pero pilit kong pinaluwag ang dibdib ko. Napatingin ako sa paligid, parang sinusubukang burahin ang kakaibang presensya na iniwan nila. Napaupo ako sa desk ko at inabot ang isang tasa ng tubig mula sa drawer. Ininom ko ito nang marahan, sinusubukang kalmahin ang sarili. Pero sa kabila ng lahat, hindi ko maiwasang mapangiti. Ang weird talaga ng araw na ‘to, bulong ko sa sarili. Hindi dahil sa presensya ng mga bisita o sa tila kakaibang mundo na dala nila. Pero dahil sa paraan ng pagpasok ni Sir Zachariel kanina. Ang lamig ng presensya niya, ang paraan ng pagbigkas niya ng pangalan ng isang lalaki—“Marcus”—na parang babasagin sa galit. Hindi ko maalis sa isip ko kung paano niya ako tinignan. Hindi ako sigurado kung ako lang ang nakapansin, pero may kakaiba sa titig niya noong sandaling iyon. Para bang...may proteksiyon. Napailing ako, pilit na sinasaway ang sarili. Ano ba, Bella? Nagpapantasya ka na naman. Binalik ko ang tingin ko sa monitor at tinuloy ang trabaho, pero hindi maalis sa isipan ko ang nangyari. Kung tutuusin, dapat ay natatakot ako sa nangyari kanina—lalo na sa mga bisita. Pero bakit parang hindi iyon ang naiwan sa akin? Sa halip, mas tumatak ang presensya ni Sir Zachariel. Nagbuntong-hininga ako at tiningnan ang oras. Aba, mag-aalas-dose na pala, napangiti ulit ako, pero this time, may halong pagtataka. Ano bang meron sa boss ko at hindi ko siya maalis sa isip? Hinawakan ko ang mga papeles sa mesa ko at muling bumalik sa trabaho. Ngunit kahit anong pilit kong mag-focus, isang bagay ang sigurado—iba talaga ang epekto ng CEO na iyon sa akin.(Ysabella’s POV)Nasa hallway ako, palapit sa study room ni Sir para ibigay ang pagkain nang biglang bumukas ang pinto.Siya.Zachariel.Nakahinto, hingal. Para bang may pinagsisigawang damdamin sa loob niya.Napatingin siya sa kamay ko. Sa pulso.At sa oras na nakita niya ang tattoo ko—parang biglang nawala ang kulay sa mukha niya.“H-hindi... pwede ‘to...” bulong niya.“Ano pong ibig sabihin nito?” tanong ko, mahina.Pero hindi siya sumagot.Lumapit siya.Hinawakan ang pulso ko.“At anong pangalan ng tatay mo, Ysabella?” tanong niya. Buo. Matigas.Hindi ako agad nakasagot.“Hindi ko po alam. Wala po akong record sa birth certificate. Laging sinasabi ng lola ko na ‘confidential’ raw. Pinanganak ako sa private na ospital. Walang history. Wala rin akong inaalaalang mukha niya.”Nanlaki ang mata niya.Parang may pinagtugmang piraso sa puzzle.
Chapter 12(Ysabella’s POV)“Anong ibig niyang sabihin?” tanong ko, mahina.Si Sir ay tahimik lang. Tumingin siya sa akin, pero alam kong may bagay na ayaw pa niyang bitawan.Tumalikod siya, tinawagan ang isa sa mga tauhan niya. “Dalhin si Celeste sa safe zone. Siguraduhing buhay siya. Pero bantayan ng doble.”Bago siya sumakay sa sasakyan, lumingon siya sa akin. “Tayo na. Malayo pa tayo sa katapusan.”---Ilang oras ang lumipas...Nasa loob kami ng main office. Si Karleen ay nagpapahinga sa guest room. Ako naman, tahimik na naglalagay ng yelo sa galos sa braso ni Sir Zachariel.“Salamat,” sabi niya, hindi lumilingon.Tahimik.“Anong ibig niyang sabihin?” tanong ko muli. “Yung sinabi ni Celeste kanina... tungkol sa’kin?”Hindi agad siya sumagot.Pero pagkatapos ng ilang minuto, tumingin siya sa akin—at sa wakas, nagsalita.“May isang bagay na matagal ko
Chapter 11 – “Minsan, ang Kalaban... Kilala Mo”(Ysabella’s POV)Ang lakas ng tibok ng puso ko habang binabaybay namin ang kalsadang papunta sa tinutukoy na abandonadong factory.Wala akong baril. Wala akong bala.Ang tanging dala ko lang... ang tapang na pilit kong binubuo para sa kapatid ko.“Nandito lang sa unahan,” sabi ni Sir habang mahigpit ang hawak sa manibela. Ang tinig niya’y mababa, kontrolado, pero ramdam ko ang tensyon sa bawat galaw niya.“Anong plano?” tanong ko.Tumingin siya sa akin saglit. “Simple lang—kuha natin si Karleen. At kung nandun si Celeste... tapusin na.”Hindi ako sumagot. Inabot niya ang isang maliit na communication earpiece at flashlight. Nilagay ko agad sa tenga ko, sabay sunod sa kanya.Tahimik ang paligid ng lumang factory. Sirang mga bintana, kalawangin ang pinto. May halong alikabok at dugo ang amoy sa paligid.Tahimik naming binuksan ang pinto.(Z
Chapter 10 – “Kapag Tahimik ang Mundo, Doon Nagsisimula ang Gulo”(Ysabella’s POV to start, then shifts)(Ysabella’s POV)Umaga.Sa unang pagkakataon mula nang tumira ako sa bahay na ito, ibang klaseng katahimikan ang naramdaman ko. Hindi nakakabinging lamig—kundi isang uri ng kapayapaan. Maingat, marupok, pero naroon.Nasa kusina ako, nagtitimpla ng kape. Mula sa gilid ng mata ko, nakita kong bumaba si Sir Zachariel—suot ang itim niyang robe, bahagyang magulo ang buhok, pero may ngiti sa labi na hindi ko pa nakita sa kanya dati.“Good morning,” sabi niya habang tumabi sa akin.“Good morning din po,” tugon ko, sabay abot ng tasa ng kape.Tahimik kaming umupo sa lamesa. Wala masyadong usapan, pero para bang sapat na ang presensya naming dalawa para buuin ang umaga.Tumitig siya sa akin. “Kanina pa kita pinagmamasdan. Hindi ko pa rin maintindihan kung paano mo napasok ang mundong ‘to.”Napatingin
Chapter 9 – “Alin sa Inyo ang Totoo?”(Zachariel’s POV to start, then shifts)(Zachariel’s POV)Tahimik ang sala, pero ang tunog ng tibok ng puso ko ay parang bomba—bawat segundo, sumisigaw.Si Celeste, nakatayo sa harap ko, hawak ang bawat alaala na pilit kong nilimot. At si Ysabella… tahimik sa gilid ko, tila handang umalis kung iyon ang kailangan.At ako?Ako ang dahilan kung bakit pareho silang nasasaktan.Huminga ako nang malalim. Tiningnan ko si Celeste.“Celeste…” paunang tawag ko, mababa pero matatag, “ikaw ang bahagi ng nakaraan ko.”Nanigas ang panga niya, pero hindi siya nagsalita.“Hindi kita kailanman kinalimutan,” tuloy ko. “Pero hindi ibig sabihin nun ay babalikan ko lahat ng sakit na iniwan natin sa isa’t isa.”Nanlaki ang mata niya. “So, ito na? ‘Yun na lang ‘yon?”Umiling ako. “Ikaw ang dahilan kung bakit natuto akong maging matigas. Pero siya—” sabay lingon
Chapter 8 – “Ang Babaeng Bumalik Mula sa Nakaraan”(Ysabella’s POV)Tahimik ang buong bahay. Kahit na maraming ginagawa sa opisina ni Sir Zachariel, may bahagi sa akin na hindi mapakali—parang may paparating na hindi ko maipaliwanag. Mula pa kanina, ramdam ko na ang bigat sa hangin.Habang nililigpit ko ang mga papeles sa sala, biglang may kumatok sa main door.Tatlong beses. Sunod-sunod. Hindi malakas, pero matigas. Determinado.Nagdalawang-isip akong buksan. “Huwag kang aalis kahit sino pa ang kumatok,” sabi ni Sir kanina. Pero baka emergency. Baka isa sa mga tauhan niya.Dahan-dahan akong lumapit. Tiningnan ko muna sa peephole.Isang babae.Maputi, matangkad, may suot na dark green trench coat at shades kahit maliwanag. Nakaayos ang buhok niya na parang may appointment sa TV studio. Pero ang pinakanakakabahala?Ang kumpiyansa sa katawan niya. Parang alam niyang may karapatan siyang narito.