(Zachariel’s POV)
Habang humihigop ako ng kape, naramdaman ko ang bahagyang pagluwag ng mabigat na pakiramdam sa dibdib ko. Hindi ko alam kung dahil ba sa mainit na inumin, sa simpleng pagkain, o sa presensyang tahimik pero consistent ni Ysabella. Tahimik lang siyang nag-aayos ng mga ginamit niya sa pagluluto, maingat na parang ayaw makalikha ng kahit anong kaluskos. Nakakainis isipin—na kahit sa kalagayan kong ito, na sa dami ng problema at sakit ng ulo, siya ang naiisip kong lapitan. Siya, na halos wala namang ideya sa totoong mundo ko. Pero narito siya. Walang tanong. Walang reklamo. "Ysabella," tawag ko sa kanya, medyo mas malumanay kaysa kanina. Tumigil siya sa ginagawa at lumingon. "Yes, Sir?" "Alam mo bang ikaw lang ang tumawid sa lugar na 'to nang hindi ako nagdalawang-isip?" Nakita kong kumunot ang noo niya, halatang nagtataka. "Po?" "Never mind," sagot ko agad. Mas pinili kong huwag ipaliwanag. Hindi pa oras. Tumayo ako at lumapit sa malaking salamin malapit sa pinto ng kusina. Doon ko nakita ang sarili kong itsura—maputla, pagod, parang may dinadalang hindi alam kung saan ilalagay. Naisip ko, paano kung nalaman ni Ysabella ang lahat ng tinatago ko? Yung totoo kong trabaho, yung mga dugo sa kamay ko, yung gulo na hindi niya pa kailanman masusukat? Muli akong tumingin sa kanya. Tahimik pa rin siya, parang naghihintay ng susunod na utos. Pero sa likod ng katahimikang iyon, alam kong may tanong siya. Marami. "Sabihin mo nga," tanong ko habang pabalik sa upuan. "Bakit ka pumunta kahit hindi ko ipinaliwanag?" Nagkibit-balikat siya, pero hindi tumingin sa akin. "Wala naman pong mawawala kung susubukan kong tumulong. At... parang kailangan niyo po talaga ng kasama." Napangisi ako. Maliit. Halos hindi halata. Pero naramdaman ko. "Delikado akong tao, Ysabella. Hindi ka ba natatakot?" Huminto siya sa ginagawa niya at dahan-dahang lumapit, hawak ang isang tasa ng tubig na inihain niya para sa akin. Maingat niya itong inilagay sa harap ko bago tumingin sa mga mata ko. "Sir, matagal na po akong natatakot sa inyo. Pero hindi naman po ibig sabihin nun ay iiwan ko na kayo." Tahimik. Walang masyadong salita, pero biglang naging mas mabigat ang hangin sa pagitan namin. May init, may pag-aalinlangan, pero higit sa lahat—may kapwa kaming hindi maipaliwanag na pagkaunawa. Tumingin ako sa tasa ng tubig at napabuntong-hininga. Baka nga, sa mundong puno ng kasinungalingan, si Ysabella lang ang totoo. (Ysabella’s POV) Habang iniaabot ko kay Sir Zachariel ang mainit na sabaw na niluto ko para sa kanya, ramdam kong sinusundan niya ako ng tingin. Hindi man siya nagsasalita, dama ko ang bigat ng kanyang mga mata—parang may binabasa sa akin na hindi ko alam. Medyo napayuko ako, nagkunwaring abala sa paghahain ng kutsara’t baso sa mesa. Pero sa loob-loob ko, nagtatanong ako: Bakit ganyan siya tumingin? “Upo ka,” marahan niyang utos, pero hindi na ito katulad ng mga dati niyang salitang puno ng lamig. May kakaibang lambing sa boses niya, na halos hindi ko inaasahang marinig mula sa isang tulad niya. Umupo ako sa gilid, hindi pa rin mapakali. Pinagmamasdan ko siya habang dahan-dahan niyang iniinom ang sabaw. Tahimik siya, pero ang mga mata niya—tila hindi ako nilulubayan. “Bakit ganyan po kayo tumingin, Sir?” hindi ko napigilang tanungin, pilit na inililihis ang tingin sa kanya. Bahagya siyang ngumiti. Hindi ako sigurado kung totoo ba iyon o pilit lang, pero sa mga mata niya, may kapirasong sigla. “Hindi ko rin alam,” sagot niya. “Siguro kasi... hindi ko akalaing may makikitang kagandahan sa gitna ng sakit ng ulo.” Napakurap ako, hindi sigurado kung narinig ko ba nang tama ang sinabi niya. Ako ba ang tinutukoy niya? “Sir, baka po may lagnat na kayo,” biro ko, pilit na pinapagaan ang sitwasyon. Ngumisi siya nang kaunti, at sa unang pagkakataon simula nang dumating ako, nakita ko ang isang ibang Zachariel—hindi ang mabagsik na boss o ang misteryosong lalaking puno ng lihim, kundi isang taong, sa sandaling ito, ay nauubos at nagpapakatotoo. “Hindi ko alam kung anong meron sa’yo, Ysabella,” sabi niya, sabay sandal sa upuan. “Pero sa dami ng taong kilala ko, ikaw lang ang hindi natakot sa akin at hindi ko kayang sukatin.” Napatingin ako sa kanya. Hindi ko alam kung anong sasabihin. Sa kabila ng kaba, may kung anong kilig na hindi ko maipaliwanag. Hindi ko alam kung ito ay simula ng isang gulo—o simula ng isang bagay na hindi na namin mababawi. (Zachariel’s POV) Napalunok ako habang pinagmamasdan siya. Simple lang ang suot niya, wala siyang makeup, pero sa bawat kilos niya, may angking ganda at tapang na hindi ko maipaliwanag. Damn it, bulong ko sa isip. Bakit ngayon pa kita napansin nang ganito? Hindi ko alam kung ito ba ay dahil sa kahinaan ko ngayon, o kung matagal ko na talagang tinitingnan si Ysabella, pero ngayon ko lang pinayagan ang sarili kong umamin. At sa gitna ng katahimikan ng kusina, isa lang ang sigurado ko— Delikado ito. Pero hindi ko kayang itigil. Tahimik. Nakaupo lang siya sa harap ko, maingat pa ring nagmamasid, marahil iniisip kung kailan ako muling sasabog o kung ano ang susunod kong ipapagawa. Pero ang hindi niya alam—hindi trabaho ang iniisip ko ngayon. Ikaw. Ikaw lang, Ysabella. Ang simpleng ayos mo, ang paraan mong hawakan ang baso, ang mahinhin mong boses na may halong kaba... Lahat ng ito’y nagsimulang sumiksik sa utak ko, hindi na mabura. Tila ba bawat kilos mo ay may epekto sa akin, at kahit anong iwas, kahit anong pigil—huli na. Tumayo ako, hindi sigurado kung ano ang plano kong gawin, pero may hinihila sa akin. Mabigat sa dibdib, pero magaan sa hakbang. Lumapit ako sa kanya. Napatingin siya agad, halatang nagulat, pero hindi umatras. “Sir?” mahina niyang tanong. Marupok. Maingat. Hindi ako sumagot. Pinagmasdan ko ang mga mata niyang tila may tanong. Pero hindi ko kayang ipaliwanag. Hindi ko na kayang labanan. Hinawakan ko ang gilid ng kanyang mukha, marahan. Ramdam kong napasinghap siya, nanlaki ang mata. At bago pa siya makatanggi, bago pa siya makapagsalita— Hinila ko siya papalapit. At hinalikan ko siya. Walang paunang salita. Walang paliwanag. Isang halik na may halong pagkalito, pagnanasa, at pagod. Isang halik na matagal ko na sigurong gustong ibigay, pero ngayon lang ako naging sapat na mahina—or sapat na totoo—para gawin ito. Sandali siyang nanatiling matigas. Hindi gumagalaw. Pero hindi siya umatras. At sa gitna ng katahimikan, naramdaman ko ang marahang pagtugon niya—isang pag-amin na kahit siya, naguguluhan din. (Ysabella’s POV) Parang tumigil ang oras. Hindi ako makagalaw. Hindi ko alam kung dapat ba akong lumayo o hayaang mangyari ang lahat. Pero sa mga kamay niyang nakahawak sa pisngi ko, may init na tila gustong ipagtanggol ako sa buong mundo. Sa labi niyang nakadikit sa akin, may lungkot, may pagod, may damdaming pilit ikinukubli. At sa halik na iyon... may katotohanan. Nang humiwalay siya, pareho kaming hindi makatingin sa isa’t isa. Parehong natulala. “Sir...” mahina kong sambit. Tumingin siya sa akin, seryoso, pero hindi na mabangis. Hindi na si Zachariel na kinatatakutan ng marami. Isa siyang lalaking nauubos, at sa isang saglit, ako ang naging pahinga niya. “Hindi ko na kayang itago, Ysabella,” mahinang sabi niya. “Alam kong hindi ito dapat... pero hindi ko na kaya.” Tahimik ako. Pinipilit intindihin ang lahat. Pero sa puso ko—may kumakaba. At kahit alam kong delikado ito... ...hindi ko rin alam kung kaya ko pang lumayo. (Zachariel’s POV) Pagkahiwalay ng labi ko sa kanya, doon ko lang muling naramdaman ang bigat ng katotohanan. Para akong binuhusan ng malamig na tubig—hindi dahil nagsisisi ako sa ginawa ko, kundi dahil sa takot na baka nasira ko na ang lahat. Anong ginawa ko? Bakit ko siya hinalikan? Mabilis akong umiwas ng tingin, pinilit kontrolin ang sarili ko. Hindi ako puwedeng magpadala sa ganito. Lalo na sa kanya. “Sorry,” mahina kong sabi, halos pabulong. Hindi ko siya matingnan. Ayokong makita kung nasaktan ko siya, kung nabigla siya, o kung may hinanakit sa mata niya. Tumahimik ang buong paligid. Kahit ang tunog ng hangin mula sa bintana, tila natahimik din. Naghintay ako sa sagot niya, pero sabay sa kaba, narinig ko ang marahang tinig niya. “Ayos lang po, Sir.” Isang simpleng tugon, pero may bigat. Walang galit. Walang sumbat. At sa pagitan ng mga salitang iyon, naramdaman ko ang isang bagay na hindi ko inaasahan—pag-unawa. Napapikit ako. Gusto kong magsalita, gusto kong ipaliwanag ang sarili ko. Pero paano ko ipapaliwanag ang isang bagay na ni ako, hindi ko rin lubos maintindihan? Hindi ko siya nililingon, pero naririnig ko ang marahang paghinga niya sa likod ko. Hindi siya umalis. Hindi siya tumakbo. At iyon ang mas lalong gumulo sa isip ko. (Ysabella’s POV) Hindi ako nagalit. Nagulat, oo. Nagtaka. Kinabahan. Pero habang pinagmamasdan ko siyang lumayo, hindi galit ang naramdaman ko—kundi lungkot. Para sa kanya. Sa bigat na dinadala niya. Sa gulong nasa loob niya na tila kahit siya, hindi na alam kung paano takasan. Hindi ko alam kung bakit niya ako hinalikan. Hindi ko rin alam kung bakit hindi ko siya sinampal, o tinalikuran. Ang alam ko lang, sa halik na iyon, may bahaging parang humihingi siya ng tulong—hindi lang ng pahinga, kundi ng koneksyon. Kaya noong narinig ko ang “Sorry,” alam kong hindi lang iyon para sa halik. Marahil para sa lahat ng damdaming pilit niyang ikinukubli. Kaya ako sumagot ng “Ayos lang po, Sir.” Dahil ayokong dagdagan ang bigat niya. Ayokong iwan siyang muli sa dilim na pilit niyang nilalabanan. At kahit hindi ko alam kung saan patungo ang lahat ng ito… Handa akong manatili. Tahimik pa rin siya, nakatayo sa gilid ng mesa, hindi pa rin lumilingon sa akin. Kita ko sa likod ng balikat niya ang tensyon—parang may digmaang nagaganap sa loob niya na hindi niya masabing buo. Pero kailangan niyang kumain. Kahit hindi para sa akin, kahit wala sa mood—kailangan niya pa ring alagaan ang sarili niya. Kaya kahit may kaba pa rin sa dibdib ko, nagsalita ako. “Kumain na po kayo, Sir,” mahina pero mahinahon kong sabi. Parang bumalik siya sa realidad. Dahan-dahang humarap siya sa akin, may bahid pa ng pagkalito sa mga mata. Saglit siyang tumingin, saka tumango. Walang sinabi, pero sapat na ang kilos na iyon para malaman kong narinig niya ako. Umupo siya sa mesa at muling tumikim ng pasta. Tahimik. Mabagal. Pero sa bawat subo, parang unti-unting humuhupa ang bigat sa hangin. Ako naman, nakatayo pa rin sa gilid, hindi alam kung mananatili ba ako o lalabas na ng kusina. Pero nang marinig ko ang mahinang, halos hindi marinig na salita niya, natigilan ako. “Salamat.” Isang salitang mahirap marinig mula sa isang tulad niya. Pero ngayong sinabi niya iyon… parang may kung anong nabura sa pagitan naming dalawa—isang pader, o isang takot, o baka pareho. At sa saglit na iyon, kahit wala pang kasiguraduhan, alam kong may bago nang simula. T o b e c o n t i n u e d...(Ysabella’s POV)Nasa hallway ako, palapit sa study room ni Sir para ibigay ang pagkain nang biglang bumukas ang pinto.Siya.Zachariel.Nakahinto, hingal. Para bang may pinagsisigawang damdamin sa loob niya.Napatingin siya sa kamay ko. Sa pulso.At sa oras na nakita niya ang tattoo ko—parang biglang nawala ang kulay sa mukha niya.“H-hindi... pwede ‘to...” bulong niya.“Ano pong ibig sabihin nito?” tanong ko, mahina.Pero hindi siya sumagot.Lumapit siya.Hinawakan ang pulso ko.“At anong pangalan ng tatay mo, Ysabella?” tanong niya. Buo. Matigas.Hindi ako agad nakasagot.“Hindi ko po alam. Wala po akong record sa birth certificate. Laging sinasabi ng lola ko na ‘confidential’ raw. Pinanganak ako sa private na ospital. Walang history. Wala rin akong inaalaalang mukha niya.”Nanlaki ang mata niya.Parang may pinagtugmang piraso sa puzzle.
Chapter 12(Ysabella’s POV)“Anong ibig niyang sabihin?” tanong ko, mahina.Si Sir ay tahimik lang. Tumingin siya sa akin, pero alam kong may bagay na ayaw pa niyang bitawan.Tumalikod siya, tinawagan ang isa sa mga tauhan niya. “Dalhin si Celeste sa safe zone. Siguraduhing buhay siya. Pero bantayan ng doble.”Bago siya sumakay sa sasakyan, lumingon siya sa akin. “Tayo na. Malayo pa tayo sa katapusan.”---Ilang oras ang lumipas...Nasa loob kami ng main office. Si Karleen ay nagpapahinga sa guest room. Ako naman, tahimik na naglalagay ng yelo sa galos sa braso ni Sir Zachariel.“Salamat,” sabi niya, hindi lumilingon.Tahimik.“Anong ibig niyang sabihin?” tanong ko muli. “Yung sinabi ni Celeste kanina... tungkol sa’kin?”Hindi agad siya sumagot.Pero pagkatapos ng ilang minuto, tumingin siya sa akin—at sa wakas, nagsalita.“May isang bagay na matagal ko
Chapter 11 – “Minsan, ang Kalaban... Kilala Mo”(Ysabella’s POV)Ang lakas ng tibok ng puso ko habang binabaybay namin ang kalsadang papunta sa tinutukoy na abandonadong factory.Wala akong baril. Wala akong bala.Ang tanging dala ko lang... ang tapang na pilit kong binubuo para sa kapatid ko.“Nandito lang sa unahan,” sabi ni Sir habang mahigpit ang hawak sa manibela. Ang tinig niya’y mababa, kontrolado, pero ramdam ko ang tensyon sa bawat galaw niya.“Anong plano?” tanong ko.Tumingin siya sa akin saglit. “Simple lang—kuha natin si Karleen. At kung nandun si Celeste... tapusin na.”Hindi ako sumagot. Inabot niya ang isang maliit na communication earpiece at flashlight. Nilagay ko agad sa tenga ko, sabay sunod sa kanya.Tahimik ang paligid ng lumang factory. Sirang mga bintana, kalawangin ang pinto. May halong alikabok at dugo ang amoy sa paligid.Tahimik naming binuksan ang pinto.(Z
Chapter 10 – “Kapag Tahimik ang Mundo, Doon Nagsisimula ang Gulo”(Ysabella’s POV to start, then shifts)(Ysabella’s POV)Umaga.Sa unang pagkakataon mula nang tumira ako sa bahay na ito, ibang klaseng katahimikan ang naramdaman ko. Hindi nakakabinging lamig—kundi isang uri ng kapayapaan. Maingat, marupok, pero naroon.Nasa kusina ako, nagtitimpla ng kape. Mula sa gilid ng mata ko, nakita kong bumaba si Sir Zachariel—suot ang itim niyang robe, bahagyang magulo ang buhok, pero may ngiti sa labi na hindi ko pa nakita sa kanya dati.“Good morning,” sabi niya habang tumabi sa akin.“Good morning din po,” tugon ko, sabay abot ng tasa ng kape.Tahimik kaming umupo sa lamesa. Wala masyadong usapan, pero para bang sapat na ang presensya naming dalawa para buuin ang umaga.Tumitig siya sa akin. “Kanina pa kita pinagmamasdan. Hindi ko pa rin maintindihan kung paano mo napasok ang mundong ‘to.”Napatingin
Chapter 9 – “Alin sa Inyo ang Totoo?”(Zachariel’s POV to start, then shifts)(Zachariel’s POV)Tahimik ang sala, pero ang tunog ng tibok ng puso ko ay parang bomba—bawat segundo, sumisigaw.Si Celeste, nakatayo sa harap ko, hawak ang bawat alaala na pilit kong nilimot. At si Ysabella… tahimik sa gilid ko, tila handang umalis kung iyon ang kailangan.At ako?Ako ang dahilan kung bakit pareho silang nasasaktan.Huminga ako nang malalim. Tiningnan ko si Celeste.“Celeste…” paunang tawag ko, mababa pero matatag, “ikaw ang bahagi ng nakaraan ko.”Nanigas ang panga niya, pero hindi siya nagsalita.“Hindi kita kailanman kinalimutan,” tuloy ko. “Pero hindi ibig sabihin nun ay babalikan ko lahat ng sakit na iniwan natin sa isa’t isa.”Nanlaki ang mata niya. “So, ito na? ‘Yun na lang ‘yon?”Umiling ako. “Ikaw ang dahilan kung bakit natuto akong maging matigas. Pero siya—” sabay lingon
Chapter 8 – “Ang Babaeng Bumalik Mula sa Nakaraan”(Ysabella’s POV)Tahimik ang buong bahay. Kahit na maraming ginagawa sa opisina ni Sir Zachariel, may bahagi sa akin na hindi mapakali—parang may paparating na hindi ko maipaliwanag. Mula pa kanina, ramdam ko na ang bigat sa hangin.Habang nililigpit ko ang mga papeles sa sala, biglang may kumatok sa main door.Tatlong beses. Sunod-sunod. Hindi malakas, pero matigas. Determinado.Nagdalawang-isip akong buksan. “Huwag kang aalis kahit sino pa ang kumatok,” sabi ni Sir kanina. Pero baka emergency. Baka isa sa mga tauhan niya.Dahan-dahan akong lumapit. Tiningnan ko muna sa peephole.Isang babae.Maputi, matangkad, may suot na dark green trench coat at shades kahit maliwanag. Nakaayos ang buhok niya na parang may appointment sa TV studio. Pero ang pinakanakakabahala?Ang kumpiyansa sa katawan niya. Parang alam niyang may karapatan siyang narito.