Share

VI

"IYONG kamay ko, miss."

Bigla ang ginawang pagbitiw ni Melody at hindi niya namalayang natagalan ang paghawak niya sa kamay ng lalaking kaharap niya na walang iba kung hindi si Elijah Perez. Inaasahan niya rin naman ang paghaharap nilang dalawa pero ang hindi niya akalain ay ang mapaaga ito.

"How's your stay?" tanong ng inaakala niyang si Elijah sa kanilang magkakaibigan. Hindi ito nakatingin sa kaniya kun 'di sa dalawa niyang kasamang nasa tabi niya.

Hindi pa rin halos makapaniwala si Melody sa pagkakataong 'tong hindi niya ito inaasahan ng lubos.

"Okay na okay naman, Mr. Perez. Masaya naman kami lalo na ang kaibigan naming si Melody." Tumingin sa gawi niya ang dalawang kaibigan niya, may panunudyo sa mga mata nito. Umiwas na lang siya ng tingin dito at baka isipin agad ni Elijah na gustong-gusto niya ito.

"Enjoy yourselves, guys. Salamat sa pagbisita. Welcome in Villa Camino."

Sinundan ng tingin ni Melody si Elijah habang magalang itong nagpaalam sa kanilang tatlo.

"Hey. Hey. Hey. Nakita mo lang si Elijah, parang nakalimutan mo na kami ha."

"Hindi ko akalain magiging ganito kaaga. Ang buong akala ko matatagalan pa ang pagkikita namin, Zandra."

Nakangiting sabi ni Melody sa mga kaibigan niya.

"Oh, tama na muna iyan. Halika muna at kumain na tayo. Nagugutom na ako e."

Tumalima naman si Melody at sinamahan ang mga kaibigan niya. Kahit na ano ang gawin niya hindi na mawala sa isip niya si Elijah.

Mukhang hinintay pa yata siya nito kasama ang dalawang kasama nito.

Natanong niya sa isip niya kung magkikita pa ba silang dalawa? Pero sana naman, aniya. Hindi pweding hindi rin lalo pa't may bahagi na ng pagkatao niya ang lalong mas nahulog dito.

"Kumain na tayo." Akay ni Melody sa dalawa.

Pagkatapos nilang kumain balak nyang yayain ang mga taong mamili sa isang maliit na souvenirs shop na nakita nila ni Zandra kahapon sa voucher.

"Saan plano mamaya?" tanong agad ni Zander nang makaupo na silang dalawa ni Zandra.

"Mamimili na ba tayo pasalubong?"

"Ang bilis naman. Baka pwedi sa mga susunod na araw na lang, Friend? May limang araw pa naman tayo dito hindi ba?"

"Naisip ko lang kasi e. Para diretso pamamasyal na rin."

"We can make pasyal naman eh."

"Iniisip mo na baka magkita kayo ulit ni Elijah?" may panunuksong aniya sa kaniya ni Zander.

Hindi na umimik pa si Melody, masaya niyang pinagmamasdan kung saan kanina lumabas si Elijah. Sayang at nakalimutan niya ang mga kantang ginawa niya para sa lalaki. Sana pala naibigay niya na ito rito, ngayon mangangapa na naman siya kung magkikita pa ba silang dalawa.

Binaba niya ang tingin sa kaniyang kamay. How she wish na muling mahahawakan ang kamay nito. Kanina hindi niya pweding ikaila na naramdaman niya ang ilang boltahe ng kuryenteng nanalaytay sa katawan nya ng mahawakan ang kamay ng lalaki sa unang pagkakataon.

'At sana hindi ito maging huling pagkakataon,' bulong ni Melody sa sarili.

'Magkikita pa tayo, Elijah. Naniniwala ako."

×××××××××××××

NATIGILAN si Nikolai sa paglalakad. Hindi niya alam pero kung may ano'ng pwersa ang biglang pumigil sa kaniya at ginustong bumalik sa kung saan naroon si Melody at ang mga kasama nito.

Inaasahan niya naman kanina ang tagpong mayroon silang dalawa. Nabigla lang siya sa emosyong pinakita ng dalaga sa harap niya. Ang inosente at ang simpleng dalaga lang ni Melody, malayong-malayo sa iniisip niya.

He's expecting that she is brat and stubborn kind of a lady. Pero nagkamali siya, dahil mukhang mabait ang dalaga.

Baka hindi lang ito nagmana sa mga magulang nito, pero hindi nito mababago na isa pa rin itong Enriquez na kailangan niyang paghigantihan.

Nagtagis ang bagang ni Nikolai nang maisip ang angkang pinagmulan ni Melody.

'It would not change, isa ka pa ring Enriquez at hindi mababago iyon.'

Nagtuloy-tuloy sa paglalakad si Nikolai, walang panahon para isipin niya pa ito.

Kung magkikita man sila ulit, walang problema he can still act normal sa harap ng dalaga. Alam niyang iba ang sadya niya rito, pero hindi pa iyon ang oras para iparamdam niya sa dalaga na malaki ang interes nya rito.

Nagpasya siyang unti-untiin ang lahat at walang dahilan para madaliin niya ang planong mayroon siya.

Bigla niya na lamang naalala ang ilang araw na nalalabi ng mga ito dito sa Isla.

Nakakasa na rin naman ang mga plano niya para hindi masayang ang lahat. Hinanda niya ang malaking party dito sa Villa Camino at d'on mas magkakaroon ng mga sandaling makakasama niya si Melody, ang sandaling sinadya niya hindi katulad kanina nang matigilan siya dahil sa hindi inaasahang pagtama ng mga mata nilang dalawa.

Napailing-iling na lamang si Nikolai sa sarili.

"Fernan, ihanda mo ang yate." Utos ni Nikolai kay Fernan.

"Yes, boss." Tumalima naman ito nang magpaalam sa kaniya.

Aalamin niya kung saan ang tungo ngayon ni Melody, buo na ang pasya niya ngayon na masolo ito malayo sa mga kaibigan nito. Kailangan niyang kilalanin ang dalaga sa abot ng makakaya niya, hindi pweding hindi mangyari 'yon ngayon.

Hindi na siya makakapaghintay pa, sa emosyon ng mga mata nito kanina nabasa niyang interesado sa kaniya si Melody, habang may oras siya he will grant this opportunity, babalewalain nya na lang ang lahat ng mga naisip niya kanina.

Hindi niya na kailangan mag-alangan pa, kung may panahon naman siyang gawin ang lahat ng 'to ngayon.

Pinahanda niya ang pagmamay-ari niyang yate kay Fernan. D'on magkakaroon sila ng mas matagal na sandali ni Melody kung magagawa niyang mapapayag ito sa binabalak niya ngayon.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status