Share

IV

CHAPTER FOUR - KANTA

"MAGANDA BA?" tanong ni Melody sa kaibigan niyang si Zandra tungkol sa kantang sinusulat nyang sa 'yo lamang ang pamagat nito.

Ito ang isa sa mga plano niyang ibigay kay Elijah. Binasa naman ito ng malakas ni Zandra, wala pa siyang tunog dito dahil kanina niya lang naisip ito habang nasa sasakyan sila papunta sa Villa.

Refrain

Matagal na kitang pinagmamasdan, mula sa malayo sa '

iyo ay nakatingin.

Araw-araw nagmamasid, naghihintay makita ka lang kahit saglit.

Hindi naman ako nangangamba na baka balewala sa 'yo ang pag-ibig ko sinta.

Sa iyo lamang iaalay, sa 'yo lamang ibibigay.

Sa iyo lamang magmamahal, ikaw lamang ang iibigin.

"Ano pa ba sa tingin mo, Ody? Hindi lang siya maganda kung hindi napakaganda!" natatawa nitong sambit sa kaniya. Napangiti si Melody.

Sapat na sa kaniya ang sinabi ni Zandra para hindi niya ibigay kay Elijah 'yon. Wala nang mas karapat-dapat sa mga komposisyon nya kung hindi si Elijah lang.

"Wala ka pa ring kupas, Ody. Ang swerte ni Elijah at free mo lang itong ibibigay sa kaniya, sigurado akong kapag sa iba 'yan malaking pera na iyan," dugtong pa sa kaniya.

Tama si Zandra, pero hindi niya kailanman naiisip 'yon. Ang gusto niya lang si Elijah. Kaya lang naman siya nakakapagsulat dahil dito, ito ang inspirasyon nya.

"Maiwan muna kita, Ody. Pupuntahan ko lang si Zander para makapaghanda sa night swimming natin."

"Go ahead. Dito lang ako, tatapusin ko lang 'to."

"You did a great job, Melody. Huwag kang mag-iisip na pangit ang gawa mo, you're a real gem in music industry. I trust you."

Sinundan ng tingin ni Melody si Zandra, malaking bagay sa kaniya ang tiwala nito. Hindi lang siya basta binobola nito, alam niyang nagsasabi ito ng totoo.

Muli niyang kinuha ang gitara niya at nagsimulang maglapat ng tunog sa ginagawa niyang kanta para kay Elijah.

'Ako na siguro ang pinakamasayang tao kapag tinanggap mo 'to, Elijah. Sana lang tanggapin mo. Pero hindi ako susuko kung sakali hindi mo magustuhan, hindi ako mapapagod na gawan ka kahit gaano pa karami hanggang sa magustuhan mo na,' aniya ni Melody.

Matindi ang kagustuhan niyang tanggapin 'to ng lalaki, kaya nga heto at nandito siya sa Isla kung saan ito naroon kahit hindi niya alam kung magkikita ba sila sa ilang araw na pagbabakasyon nila rito.

Sa 'yo lamang ibibigay, sa iyo lamang iaalay.

Ngiti ko ay para sa 'yo, bawat sandali'y ikaw lang ang hangad.

Umaasang magkikita, hindi mapapagod na dumating.

Mamahalin mo rin... ako, iibigin din katulad ng damdamin ko.

Hindi ako susuko, sa 'yo lamang tataya. Ikaw lamang.

Napangiti si Melody nang sa twina buo niyang hinimig ang kantang ginawa niya.

Nasiyahan ang puso niya, dahil tulad ng sinabi ni Zandra magugustuhan ito ni Elijah.

'Sa iyo lamang, Elijah. Ikaw lamang ang mamahalin ko. Pangako.'

Tinabi niya ang gitara niya't muling lumabas sa terasa ng silid niya.

'Sa iyo lamang maghihintay, pag-ibig ko'y sa 'yo lamang iaalay...' paghimig niya sa tuwina habang malayang pinaglakbay ang mga mata sa buong maliwanag na paligid na naabot ng tanaw niya.

~

MULA sa kung saan nakatayo si Elijah, kitang-kita niya ang dalagang si Melody Enriquez.

Nasa harap lang ito ng sarili niyang silid sa resort kung saan niya sinadyang d'on ito dalhin.

Gusto nyang natatanaw lang ang pansamantalang tinitirhan nito.

"Swerte mo lang at Enriquez ka, Melody!" aniya sa sarili.

Sa gandang taglay ng dalaga hindi nakaligtas ang atraksyon na naramdaman niya para dito.

Sinuot niya ang sumbrerong itim at lumabas sa silid niya. Hindi niya kailangang magtagal d'on marami pa siyang kailangang gawin lalo na sa basement kung saan nanunuluyan ang grupo ni Melody.

Nandon ang totoo niyang mundo tungkol sa kaniyang trabaho.

Hindi niya pweding balewalain ang lahat dahil lang sa isang Enriquez na nasa teritoryo niya.

Maswerte pa rin ito at hindi niya pinag-iisapang galawin ang dalaga kahit anak ito ni Don Hugo.

May mga kailangan pa siyang patunayan at kahit na sabihin sa kaniya ng tiyuhin niyang ang ama nito ang may kagagawan ng lahat hindi pa rin sapat 'yon para paghigantihan ito.

Aalamin niya ang lahat, may tama siyang proseso at iyon ang tinuro sa kaniya ng mommy niya.

Kahit gaano pa kalaki ang pagkakataon at kapangyarihan nila, hindi pweding ilagay sa kamay ang batas niya sa walang sapat na pruweba.

Palalampasin niya ngayon ang isang Enriquez na tulad ni Melody, pero kapag dumating na ang lahat ng mga kailangan niya sa lahat ng kasagutan na mayroon siya tungkol sa pagkamatay ng kaniyang pamilya siya mismo ang sisingil sa dalagang anak ni Hugo Enriquez.

Iyon ang pangako ni Nikolai sa sarili.

Natigilan sa pagmumuni-muni si Melody sa labas ng Terasa ng silid niya nang makaramdam siya ng kakaibang panlalamig.

Maganda naman ang panahon pero tila manuot ang lamig sa kaniyang kalamnan.

Binaba niya ang tingin sa katapat na mga munting villa sa itaas ng palapag kung nasaan siya ngayon.

May isang lalaking nahagip ng tingin niya, hindi niya nakita ang mukha nito dahil sa sumbrerong itim na suot nito. Sinundan niya ito ng tingin hanggang sa makapasok sa entrance ng villa kung saan sila pumasok kanina kasama ang mga kaibigan niya.

Napakibit-balikat na lamang siyang pumasok sa loob. Kung ano-ano na lamang ang iniisip niya. Dahil na rin siguro 'to kay Elijah. Ang mabuti pa pupuntahan niya na lamang ang mga kaibigan niya sa sariling mga silid nito at may balak nga silang mag-swimming ngayong gabi.

Handa na siyang isuot ang two piece niyang kulay itim na patago niyang binili mula sa Papa Hugo niya. Hindi nito magugustuhan kapag nalaman nitong mayroon siya nito sa gamit niya. Kaya nga noong nag-eempake siya, sadya niya itong binigay muna kay Zandra para ito ang magdala sa gamit nito.

'This is for you, Elijah. I'm irresistible at kapag makita mo akong nakaganito alam kong hindi mo ako matatanggihan kahit na ano pa ang gawin mo, Elijah.' Bulong sa hangin ni Melody, sumilay sa labi niya ang nakahandang pampaakit na ngiti para sa binatang sadya niya.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status