Share

V

MAAGANG nagising si Melody, hindi natuloy ang plano nilang lakad kami na mag-swimming. Bigla na lamang kasi ang pagsama ng panahon at umulan ng malakas na hindi nila inaasahan.

Kaya heto at umaga siyang nagising sa kaniyang silid, iniisip niya kung gising na rin ba si Zandra at Zander, tingin niya hindi pa.

Kagabi kasi nang matulog na siya nag-iingay pa ang dalawa at panay pa ang tiktok. Kapwa bloggers ang mga kaibigan niyang 'to, ang source of income nila, kaya nga kahit hindi man siya bigyan ng pera ng parents nya nagagawa niya pa rin sumama dahil mapera naman ang kambal at madalas libre naman siya ni Zandra.

Kahit anak siya ni Don Hugo Enriquez, galante pa rin ang mga kaibigan nya sa kanya at pinagpapasalamat niya naman ng sobra iyon.

Nagpasyang bumangon si Melody, para puntahan ang mga ito.

Kahit naman papano may alam siya sa paghahanda ng pagkain nila, lalo na sa agahan. Pwedi niyang pagsilbihan ang mga ito kung nagpapahinga pa, hindi rin naman kasi biro ang trabahong hilig ng dalawa. Sa editing pa lang ng video, patay na ang oras mo't ubos na ang energy.

Pasipol-sipol pa si Melody habang nagpriprito ng itlog at ham para sa kanilang tatlong magkakaibigan. Matutuwa ang mga 'to kapag nalaman nilang nag-abala siyang maghanda para sa kanila.

Mabilis lang naman ang gagawin niya at halos ang lahat ng 'yon makikita naman sa kusina nila sa villa na 'yon.

Ang bilin sa kaniya ni Zandra bago sila nagpahinga itutuloy nila ang naudlot na lakad nagdaang gabi. Fortunately, their plan didn't work out, they had a chance to take rest. Hindi naman nadismaya ang dalawa.

Melody looked at her cellphone, to check if her family had a message. She just noticed that there was no signal. Tsaka niya naalala, ang bilin sa kanila ng van driver na sumundo sa kanila sa airport wala anga palang signal ang lugar na 'to kung mayroon man sa piling bahagi lang.

Magpapasama na lang siya mamaya sa dalawa para maghanap kung saan ba pweding makalanghap para ma-i-text ang pamilya niya. She didn't want them to worry about her, kung magkataon her daddy will be decide to follow her lang. Ayaw niyang mangyari 'yon. Masisira lang ang bakasyon na matagal niya nang inaasam-asam sa sarili.

For her it's her freedom. Ngayon lang siya naging malaya at hindi niya ipagpapalit ang kalayaan na iyon.

"Goodmorning, Oddy. Ang aga mo yata," ani sa kaniya ni Zandra.

Hinalikan siya nito sa pisngi, halos tapos na rin siya sa ginagawa niya nang lumabas ito.

"Goodmorning, Zan. Where is Zander? Tulog pa ba siya?"

"Tulog pa. Inumaga na kagabi 'yon sa pag-edit ng content namin. Kamusta tulog mo?"

"Okay naman ako. Medyo namahay lang, pero dahil sa puyat nakatulog din naman agad."

Binigyan nya ng sariling pinggan at baso si Zandra. It's a big previledge for her na mapagsilbihan ang mga 'to. Minsan lang naman siya magsilbi sa mga taong nasa paligid niya at isa na si Zandra at si Zander sa mga taong 'to.

Malaki kasi ang nagiging papel ng mga ito sa buhay niya, lalo na ang dalaga na naging dahilan kung bakit siya napayagang magbakasyon na hindi man lang siya nahirapan magpaalam. Unfortunately, na-mi-miss niya na rin naman ang kapatid niyang si Sonata. Nasa naman nasa maayos lang ito d'on sa bahay nila.

Marami na siyang i-kwe-kwento dito, kahit bata pa si Sonata alam niyang pinapakinggan siya nito ng mabuti kahit na hindi man iyon makakapagbigay sa kaniya ng mga advices.

"KAMUSTA ang mga bisita?" ito ang tanong ni Elijah sa kanang kamay niyang si Fernan. Nasa baba lang siya ng villa kung saan naroon ang mga bisita niya kasama si Melody. Plano niyang magpakita ngayon sa dalaga. Matutuwa ito kapag ginawa niya 'yon sigurado siya.

Melody known her as Elijah, pinangako nya rin sa sariling kahit kailan hindi nito malalaman ang tungkol sa tunay niyang pagkatao. Paniningil lang ang intensyon niya sa nag-iisang dalaga ng mga Enriquez at hindi siya mahihirapan kapag ginawa niya na ang bagay na 'yon. Kilala niya ang katulad nito, kaunting pa-cute lang bibigay agad ito. Lalo pa't nalaman niya mula mismo sa mapagkakatiwalaang source ng pamilya nito na matagal na siyang hinahangaan ni Melody.

Surprisingly, at nangyari 'yon mas lalo lang siyang hindi mahihirapan kapag ganoon. Mapapadali ang intensyon nya sa buhay ng mga ito ipaparamdam niya kay Don Hugo kung paano mawalan ng mga taong mahal sa buhay. Ito lang ang sadya niya, si Melody lang at wala ng iba pa.

Mahal ni Hugo ang anak nito, kapag ito ang nawala katulad na lamang ng mga magulang niya mas doble ang sakit na mararamdaman nito.

"Pababa na ang mga guest."

Napalingon si Nikolai sa may bukana ng lounge area ng villa. Mas napaaga yata kaysa sa inaasahan niya ang pagdating ng mga bisitang kanina niya pa hinihintay.

Inayos nya ang itim na sumbrero nya ganoon din ang itim na salamin na suot niya. Pinaghandaan niya ang araw na 'to hindi pwedi mabalewala.

"Ang lawak pala talaga ng Villa," manghang bulalas ng isa sa mga kaibigan ni Melody. Nakilala ko na ito mula sa portfolio ni Melody Enriquez.

Muling binalik ni Nikolai ang tingin kay Fernan. Hindi dapat mahalata ng dalagang interesado siya sa babae, masisira lang ang lahat ng plano niya kapag nagkataon. Kahit pa sabihing hindi naman siya interesado rito. Gaya nga ng sinabi niya sa sarili niya, paghihiganti lang ang habol niya kay Melody.

"Nasaan sila?" Narinig niyang tanong sa likuran niya, hindi niya alam kung boses pa ito ni Melody o ng kaibigan nitong babaeng kasama niya.

"They are here!"

Tumayo si Nikolai nang sabihin ito ng isa sa mga katiwala niya. Dahan-dahan siyang tumingin sa gawi ng mga bisita.

"I'm glad you to meet Mr. Elijah Perez." Pagpapakilala ng katiwala nila sa mga ito.

Nilahad ni Nikolai ang kamay niya sa harap ng kaibigan ni Melody, sinadya niya iyon dahil sa likod ng salamin niya kitang-kita niya kung paano siya tignan ng dalaga.

"Hi. I'm Zandra, this is my brother Zander and my friend Melody," pagpapakilala naman nito sa dalawa.

Sa pagkakataong 'yon, sa harap ni Melody niya ang palad niya kasabay ang pagtanggal ng salamin sa kaniyang mga mata.

"Glad to meet you, Ms. Melody Enriquez."

"N-nice to meet you, Mr. Elijah Perez."

Huli na ang naging pasya ni Nikolai para bawiin ang kamay niya sa harap ni Melody tinanggap na ito ng dalaga. Ang unang pagkakataong naglapat ang mga kamay nilang dalawa kasabay ang mga matang nakatitig sa isa't isa.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status