Share

VIII

ISANG malaking ngiti ang pinagkaloob ni Melody sa kaniyang sarili.

Hindi niya lubos na inakalang makakatanggap siya ng isang imbitasyon mula kay Elijah. Inaasahan naman niyang magkikita silang dalawa pero iyong iimbitahan siya nito para sa isang hapunan kasama nito ay hindi naging sakop ng imahinasyon ng dalaga. Pakiramdam niya panaginip lang ang lahat ng 'to.

Hindi niya pa nagawang magpaalam sa dalawa niyang kaibigan, tsaka niya lang siguro sasabihin kapag iyon paalis na siya. Baka kasi magduda na naman ang mga ito at mag-isip na naman ng mali.

'Bahala na! Mapagkakatiwalaan ko naman siguro si Elijah. Hindi niya naman siguro ako pababayaan. May reputasyon siya rito hindi niya ipagpapalit iyon sa isang katulad ko lang.'

I mean! Hindi lang naman ako basta lang, may ibibigay naman ako kung tungkol sa estado ng buhay nila ang pag-uusapan.

Hindi man nila ganoon kasing yaman sina Elijah tulad na lamang ng lahat na napag-alaman niya tungkol sa binata, kahit papano marangyang buh
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status