Parang hindi ako makahinga habang nakatitig kay Father Ian, ang pari na kaptid ng yumao kong ama. Ang tiyuhin ko na nagpalaki at kumupkop sa akin nang maulila ako. Ang lalaking naging sandalan at naging tagapagtanggol ko. Pero ngayon, siya na mismo ang nagtutulak sa akin sa kapahamakan.
Nanlaki ang mga mata ko sa gulat, at sunod-sunod na napalunok sa kaba.
“U-Uncle, seryoso ka ba? Please tell me this is a joke? Hindi... mo naman magagawa iyan sa akin, hindi ba?”
Umiikot pa rin sa utak ko yung sinabi niya. Hindi ko na alam kung nagpa-panic lang ako o kung bangungot talaga ang lahat ng ito.
“This is final, Thalina...” sabi niya habang tumayo mula sa desk niya. “You’re marrying Evander Noctez. Hindi ka pwedeng tumanggi dahil naayos na ang lahat. That’s it.”
I felt the sting in my chest, but I was too tired to cry again. I’d spent all night in tears, and by now, I was drained. Wala nang luha. Wala na akong lakas para umiyak.
“Mali ito, Uncle,” mahina kong sabi. “Ikaw ang nagturo sa’kin na magdasal. Na lumayo sa tukso. Na huwag magtiwala sa lalaking puro kasamaan ang ginagawa at idinudulot sa mga tao. Ilang taon mo akong iningatan sa lahat. Tapos ngayon, ipapakasal mo ako sa taong... sa isang demonyo?”
“Tahimik ka, Thalina! Hindi mo alam ang sinasabi mo!” singhal niya habang lumalapit.
Napaatras ako nang bahagya.
“Hindi tayo ang humuhusga sa kasalanan ng mga tao. Ang Diyos lang ang may karapatang gawin ’yon. Kung gugustuhin Niyang patawarin si Evander, that’s up to Him. Maybe he’s not as bad as you think. Subukan mo muna siyang kilalanin. Hindi tayo pwede basta makinig lang sa mga sabi-sabi tungkol sa kanya.”
Halos wala na akong masabi. Isang mahinang hingal lang ang lumabas sa bibig ko.
“Maghanda ka na. Two weeks from now ay ikakasal ka sa kanya.”
“What?!” napalakas ang boses ko. “Uncle, this isn’t the life I wanted! Ang sabi mo noon gusto mong maging doctor ako. Hindi ganito ang pangarap nating dalawa. Anong nangyari?”
“Plans change, Thalina,” deadpan na sagot niya. Wala man lang remorse sa mukha niya. Bumalik siya sa desk niya at naghalukay ng mga papel, parang wala lang nangyari.
“Umalis ka na. May mga taong naghihintay. Marami pa akong kailangang ilapit sa Diyos.”
Hindi siya tumingin, pero alam kong ramdam niyang hindi pa ako umaalis.
“Gusto mong iligtas ’yung mga tao sa labas, pero ’yung kaluluwa ng pamangkin mo okay lang sayong itapon? Talagang ipapamigay mo ako sa demonyong Evander na iyon?”
Hindi ko alam kung saan ko kinuha ’yung lakas ng loob na sabihin ’yon. Pero naramdaman ko na kailangan ko na siyang labanan.
“Father Ian...” tuloy ko, nanginginig ang boses ko. “Palagi mong sinasabi na sundin ang kalooban ng Diyos. So ngayon, tanungin kita... ito ba talaga ang gusto Niya na mangyari sa akin?”
Bigla siyang natahimik. Inalis niya ang salamin niya, at tinitigang mabuti ang mukha ko.
Tapos bigla siyang napabuntong-hininga. Tumayo siya, nilapitan ako, at nilagay ang dalawang kamay niya sa balikat ko. Pero ’yung ngiti sa mukha niya ay ’yon ang kinilabutan ako.
“Hindi dahil sa Diyos kaya ka ipapakasal kay Evander. Gagawin mo ’yon dahil may utang ako sa kanya.”
Parang may bumagsak sa dibdib ko.
“U-Utang?” tanong ko, hindi makapaniwala.
Tumango siya. “Malaki ang utang ng simbahan, Thalina. Seven hundred thousand pesos. Si Evander lang ang willing tumulong... kapalit mo.”
“Paano naging kapalit ako?!”
“Simple lang. Wala nang pera ang mga tao. Hindi na sila nagbibigay ng tithes. Tapos pinapasara na ng gobyerno ang simbahan. Foreclosure. Pero kung magpapakasal ka sa kanya, babayaran ni Evander ang lahat.”
Naintindihan ko na ’yung point niya. Pero hindi pa rin sapat ’yon para ipamigay ako.
“Pwede akong magtrabaho, Uncle. Sa factory, kahit saan. Makakatulong ako. Hindi mo ako kailangan ipakasal sa lalaking iyon para isalba ang simbahan.”
Tiningnan ko siya nang may nagmamakaawa na itsura sa mukha, hoping na baka pakinggan niya ako. Pero...
“This is not up for discussion. You’re marrying Evander. Period.”
Tinalikuran niya ako. Naiwan akong tulala.
Ilang saglit lang, bumalik siya. May hawak na folder at ballpen. Inabot niya sa’kin.
“Sign this.”
“Ano po ito?”
“Tingnan mo na lang.”
Binuklat ko ’yung dokumento. At nung nakita ko ’yung huling page, parang naputol ang hininga ko.
“Uncle, kontrata ito...”
“Exactly. Pinirmahan ko na on your behalf. Pero ’yung last part, kailangan ikaw mismo. Nakasaad doon na hindi ka puwedeng humiwalay sa kanya hangga’t hindi ka namamatay. Hindi ko pinirmahan ’yon kasi hindi naman ako ang ikakasal.”
Parang hindi pa rin ako makapaniwala. Ilang araw lang ang nakaraan, nage-exam ako para sa medical school. Ngayon ay bigla akong ibinenta sa pinaka-mapanganib na lalake sa lungsod.
“Hinding-hindi ako papakasal kay Evander Noctez!” pinilit kong patigasin ang boses ko. Pero to be honest, nanginginig na talaga ako.
Tahimik lang si Father Ian. Pero ’yung tingin niya, parang sinasabi nang wala akong choice.
“Tatakas ako. Pupunta ako sa ibang lugar. Hindi mo na ako makikita,” banta ko, desperado.
Napangisi siya. “Wala kang mapupuntahan, Thalina. Kahit saan ka pa magtago, babalik at babalik ka rin. Dito ka lumaki. Sa simbahan ka nabibilang.”
Doon ko na talaga naramdaman. Tapos na. Parang sinarhan na ako ng mundo. Hindi ganong kasal ang pinangarap ko. Mas lalong hindi sa lalaking iyon.
Nagsimula nang tumunog ang kampana mula sa malayo. Tumayo na siya at inayos ang suot niyang robe.
“Paalis na ako, Thalina. Pupunta na ako sa misa. Punasan mo na ’yang luha mo. Ayokong may makakita sa’yo na parang sinaktan kita.”
Iniwan niya ako sa opisina habang naglalakad palayo, ’yung laylayan ng damit niya sumasayad sa sahig.
Akala ko two weeks pa. Pero parang three days lang ang lumipas. At heto na ako ngayon. Nakasuot ng puting wedding gown, dalawang kamay nakahawak sa bouquet, at mabagal ang bawat hakbang ko papunta sa altar.
At nando’n... si Evander Noctez. Ang lalaking hindi ko pa nakikilala kahit kailan.
Nakangiti siya. ’Yung ngiti na parang... ngiti ng demonyo. Nakaabang. Nakabukas ang mga braso niya, parang hinihintay akong sakmalin.
“Lord... iligtas mo ako,” bulong ko.
Pero deep down... alam kong walang makakarinig.
“I see you like them…”Napalingon ako bigla sa boses na iyon."E-Evander!" Halos mabitawan ko na ’yung Bible sa sobrang gulat. Napakapit ako sa kuwintas na suot ko, gusto ko sana itong alisin, pero huli na. Nahuli na niya ako.“H-Hindi ko narinig na pumasok ka,” sabi ko habang humarap sa kanya. Nagtama ang tingin namin, at doon ko lang napansin na may bitbit siyang tray sa dalawang kamay.“Gumawa ako ng breakfast para sa’yo,” sabi niya sabay upo sa kama. “Sana magustuhan mo. Matagal na rin akong hindi nagluluto, pero don’t worry, may konting tulong naman ako from the chef.”Tumawa siya nang mahina, pero ako, kabado. Sigurado akong may mali dito.Akala ko pangit ang hitsura ng food, pero nang binuksan niya ’yung takip ay natulala ako. Kumalat agad ’yung amoy ng omelet at sausage sa buong kwarto. At sa hindi ko inaasahan, kumalam ang sikmura ko.“Sige na, tikman mo,” aya niya.Umiling ako nang bahagya.“Wala akong dahilan para lasunin ka, Thalina. Asawa kita,” dagdag niya, at ewan ko ku
Wala na ang mga bisita sa kasal. Naiwan akong mag-isa, kasama ang lalaking kinatatakutan ko.Tahimik na inutusan ni Evander ang mga stewards na dalhin ang gamit ko sa master bedroom. Nang binuhat na ng dalawang babaeng halos kaedad ko ang mga bag ko, agad ko silang pinigilan.Alam kong halos kasing edad ko lang sila, pero kahit gusto nilang tumanggi, hindi nila kayang bastusin ang bagong asawa ni Evander kung ayaw nilang mapahamak.“Are we going to to be in the same room?” tanong ko kay Evander, ramdam ang kaba sa dibdib ko.Natawa siya sa tanong ko. Pati mga stewards, pilit na lang pinipigilan ang ngiti nila. Tahimik silang nakatingin sa akin, halatang aliw na aliw.“Ang ibig kong sabihin... matutulog ba talaga tayo sa iisang kwarto?” ulit ko, this time mas seryoso.Napansin ni Evander na hindi ako nagbibiro.“Siyempre,” sagot niya. “Mag-asawa na tayo. Normal lang sa mag-asawa na matulog sa isang kwarto.”“Hindi!” Napalakas ang boses ko. Alam kong nakaka-offend 'yon, at kahit hindi n
Ako lang yata ang hindi nage-enjoy sa sariling kasal.Punong-puno ng makukulay na ilaw ang buong hall, at sa bawat mesa, may kandilang nakasindi. It was beautiful. It was loud. It was nothing like me. Pakiramdam ko ay hindi ako belong sa kanila. Daig ko pa ang isang bisita.Hindi ako nararapat dito.“Tonight is a special night! Eat and drink to your fill!” sigaw ni Evander Noctez habang nakatayo sa gitna ng crowd na parang hari sa sariling palasyo. Ngayon lang ata siya nakita ng lahat na ngumiti nang ganun.Nakaupo lang ako sa gilid, tahimik na pinapanood siya habang iniisip kung anong klaseng buhay ang naghihintay sa akin sa piling ng isang ganung klaseng lalaki.Tumatawa siya na parang demonyo. Napa-irap na lang ako. Pero kahit ganoon, lahat yata ng tao rito ay gustong-gusto siya. Ako lang ang hindi.Pero aminado ako na ang gwapo niya. Peste. Bakit ba may ganitong lalaki? Yung sama ng ugali, pero ang lakas ng dating? Hindi ko mapigilan ang sarili ko. Laging napapatingin ako sa kanya
Parang hindi ako makahinga habang nakatitig kay Father Ian, ang pari na kaptid ng yumao kong ama. Ang tiyuhin ko na nagpalaki at kumupkop sa akin nang maulila ako. Ang lalaking naging sandalan at naging tagapagtanggol ko. Pero ngayon, siya na mismo ang nagtutulak sa akin sa kapahamakan.Nanlaki ang mga mata ko sa gulat, at sunod-sunod na napalunok sa kaba.“U-Uncle, seryoso ka ba? Please tell me this is a joke? Hindi... mo naman magagawa iyan sa akin, hindi ba?”Umiikot pa rin sa utak ko yung sinabi niya. Hindi ko na alam kung nagpa-panic lang ako o kung bangungot talaga ang lahat ng ito.“This is final, Thalina...” sabi niya habang tumayo mula sa desk niya. “You’re marrying Evander Noctez. Hindi ka pwedeng tumanggi dahil naayos na ang lahat. That’s it.”I felt the sting in my chest, but I was too tired to cry again. I’d spent all night in tears, and by now, I was drained. Wala nang luha. Wala na akong lakas para umiyak.“Mali ito, Uncle,” mahina kong sabi. “Ikaw ang nagturo sa’kin na