Ako lang yata ang hindi nage-enjoy sa sariling kasal.
Punong-puno ng makukulay na ilaw ang buong hall, at sa bawat mesa, may kandilang nakasindi. It was beautiful. It was loud. It was nothing like me. Pakiramdam ko ay hindi ako belong sa kanila. Daig ko pa ang isang bisita.
Hindi ako nararapat dito.
“Tonight is a special night! Eat and drink to your fill!” sigaw ni Evander Noctez habang nakatayo sa gitna ng crowd na parang hari sa sariling palasyo. Ngayon lang ata siya nakita ng lahat na ngumiti nang ganun.
Nakaupo lang ako sa gilid, tahimik na pinapanood siya habang iniisip kung anong klaseng buhay ang naghihintay sa akin sa piling ng isang ganung klaseng lalaki.
Tumatawa siya na parang demonyo. Napa-irap na lang ako. Pero kahit ganoon, lahat yata ng tao rito ay gustong-gusto siya. Ako lang ang hindi.
Pero aminado ako na ang gwapo niya. Peste. Bakit ba may ganitong lalaki? Yung sama ng ugali, pero ang lakas ng dating? Hindi ko mapigilan ang sarili ko. Laging napapatingin ako sa kanya. Parang may mali agad ako sa panunumpa ko, eh bagong kasal pa lang kami.
Wala kasing nagsabi sa akin na ganito pala siya. Oo, sinabihan akong mafia boss siya, ruthless, walang kinatatakutan. Pero walang nagsabi na matangkad pala siya, matipuno, mapuputi ang mata na may piercing na asul, at meron siyang ngiting kayang bumutas ng kaluluwa.
Ni hindi nga siya ma-imagine ng kahit sino na magpakasal.
“Kung anuman yung sinabi nung matandang pari para mapilit si Evander na magpakasal, mukhang matindi,” sabi ng isang bisita sa kabilang mesa.
“Baka nagdasal siya nang todo, tapos binago ng Diyos ang puso ni Evander,” biro pa ng kasama niya, sabay tawa silang dalawa.
“Ewan ko lang kung paano mabubuhay ang dalawang ‘yan. Ang isa ay lumaki sa salita ng Diyos, at ang isa naman ay lumaki sa dahas. Parang apoy at yelo,” sabat ng isa, habang umiinom ng wine at nakatitig sa akin.
Kahit malayo pa ay halata raw na inosente ako. Samantalang si Evander Noctez? Isang ruthless na mafia boss na naabot ang tugatog ng kriminal na mundo bago pa mag-26.
Tatlong taon na siyang nasa tuktok. Lahat ng nagtangkang pabagsakin siya, hindi umabot ng buhay. Sabi nga ng iba, pati ang demonyo ay takot sa kanya. Siya raw ang may hawak ng gabi at imposibleng hulaan ang kilos.
“No one is permitted to be sad tonight!” sigaw niya, habang may malaking tabako sa pagitan ng mga ngipin.
Karamihan ay tila nakahinga nang maluwag. Kung masaya si Evander, ibig sabihin, walang papatayin ngayong gabi.
“More wine! More wine!” utos niya, at agad namang sumunod ang mga tagasilbi.
Napuno ng iba’t ibang klase ng tao ang hall. Pero wala ni isa na simpleng nilalang, maliban sa akin. The place was packed with powerful, flashy people. Models. Young female CEOs. Celebrities I’d only ever seen in magazines.
“Bakit ako? Bakit ako ang pinili niya kung may ganito siyang mga babae sa paligid?” tanong ko sa sarili ko habang pinagmamasdan ang mga babaeng halos dumidikit na sa asawa ko.
Sumasayaw siya kasama ang ilan sa kanila, parang wala lang kahit sobrang revealing na ng suot nila at kung paano nila siya hinihipo. Obvious na hindi hadlang sa kanya ang kasal. Patuloy pa rin ang kabastusan, isa pa sa mga dahilan kung bakit kilala siya sa buong siyudad.
Hanggang sa nagsawa siya sa pagsasayaw at biglang lumapit sa akin.
Pagkakita ko sa kanyang papalapit, agad akong umayos ng upo at umiwas ng tingin. Bigla akong kinabahan, pero pilit kong pinanatiling kalmado ang itsura ko.
“Hello, wifey,” aniya, sabay akbay sa leeg ko. Napangiwi ako.
“Ang tahimik mo ngayong gabi. Wedding night natin ito, dapat nage-enjoy tayo!” Tumawa siya, pero ang sagot ko lang ay isang simpleng iling.
“Don’t tell me you’re going to be boring. You’ve heard of Evander Noctez, haven’t you? I’m the life of every damn party!” malakas niyang pahayag.
May mga narinig akong sumigaw pa ng “Wooo!” sa likod.
“We should dance, Thina!”
Naiinis na ako. “Thalina ang pangalan ko,” pagkorek ko. Sariling asawa niya ay hindi man lang inalam ang pangalan.
He smirked. “What kind of name is that? Thalina? Sounds like a fairy... so beautiful.”
Tinawanan pa niya ang pangalan ko, at kahit gusto kong mainis ay hindi ko na lang pinakita. I was hurt, but I kept my face blank. No one here would see me crack.
“Come on, let’s go shake our bodies. Show me some moves!” Hinila niya ako paakyat pero hindi ako tumayo.
“Pagod ako.” Ayokong sabihin ang totoo na ayokong sumayaw dahil galit ako sa kanya. I hated him. I didn’t want to dance. I didn’t even want to sit next to him.
Surprisingly, he didn’t push. He let me be, though it was clear he didn’t like my mood.
“Guess I’ll just watch everyone else have fun then,” aniya, sabay hithit ng tabako.
Pagbuga niya ng usok ay agad akong umubo. Pinapaypayan ko ang hangin sa harap ko.
“Hindi ka pa nakapagsmoke ever?” tanong niya, medyo nakataas ang kilay.
Hindi ako sumagot. Hindi ko na kailangan.
“Nagsimula ako magyosi nung sampung taon ako,” yabang niya, na lalo lang nagpainit ng ulo ko.
Kadiri. Lalo ko siyang kinamuhian.
“Handa ka na ba mamaya, Thalina? Matagal ko nang iniipon ito para sa gabi natin. Sabi ng uncle mo, virgin ka raw. Pero feeling ko ilusyon lang ng pari ‘yon.”
Napatingin ako sa kanya, diretsong tingin at walang emosyon. Pero halatang nashock siya.
“Wait… virgin ka talaga?” tanong niya, gulat na gulat.
Hindi pa ako sumasagot pero parang nakuha na niya agad ang sagot.
“Goodness gracious!” gulat niyang bulong. “Little saint Thalina,” pang-aasar pa niya.
Wala ni isa sa mga sinasabi niya ang natawa ako. Wala akong pake kung magaling siyang magsalita o kung anong tingin niya sa akin. Ayoko sa kanya.
Hindi ko na siya tiningnan. Pero siya ay patuloy pa rin ang titig sa akin, parang sinusuri ang buong pagkatao ko.
Bigla siyang yumuko at bumulong, “I’m bored. Come kiss me…”
At bago pa ako makapalag, hinila niya ako palapit at tinangkang halikan.
“Bitawan mo ako!” sigaw ko.
Pak!
Isang malakas na sampal ang sumunod.
Tumahimik ang buong hall. Nagulat ang lahat. Tumigil ang tugtog. Lahat nakatingin.
Nakatitig siya sa akin habang hinihimas ang pisngi niyang namula. Nanginginig ang dibdib ko. Hindi ko alam kung anong gagawin niya. Takot na takot ako.
Pero imbes na magalit ay bigla siyang tumawa. Isang malalim, parang baliw na tawa.
Pagkatapos nun ay yumuko siya, at sa boses na ako lang ang makakarinig, bumulong siya. “This is going to be fun, Thalina. I always did like breaking things."
“I see you like them…”Napalingon ako bigla sa boses na iyon."E-Evander!" Halos mabitawan ko na ’yung Bible sa sobrang gulat. Napakapit ako sa kuwintas na suot ko, gusto ko sana itong alisin, pero huli na. Nahuli na niya ako.“H-Hindi ko narinig na pumasok ka,” sabi ko habang humarap sa kanya. Nagtama ang tingin namin, at doon ko lang napansin na may bitbit siyang tray sa dalawang kamay.“Gumawa ako ng breakfast para sa’yo,” sabi niya sabay upo sa kama. “Sana magustuhan mo. Matagal na rin akong hindi nagluluto, pero don’t worry, may konting tulong naman ako from the chef.”Tumawa siya nang mahina, pero ako, kabado. Sigurado akong may mali dito.Akala ko pangit ang hitsura ng food, pero nang binuksan niya ’yung takip ay natulala ako. Kumalat agad ’yung amoy ng omelet at sausage sa buong kwarto. At sa hindi ko inaasahan, kumalam ang sikmura ko.“Sige na, tikman mo,” aya niya.Umiling ako nang bahagya.“Wala akong dahilan para lasunin ka, Thalina. Asawa kita,” dagdag niya, at ewan ko ku
Wala na ang mga bisita sa kasal. Naiwan akong mag-isa, kasama ang lalaking kinatatakutan ko.Tahimik na inutusan ni Evander ang mga stewards na dalhin ang gamit ko sa master bedroom. Nang binuhat na ng dalawang babaeng halos kaedad ko ang mga bag ko, agad ko silang pinigilan.Alam kong halos kasing edad ko lang sila, pero kahit gusto nilang tumanggi, hindi nila kayang bastusin ang bagong asawa ni Evander kung ayaw nilang mapahamak.“Are we going to to be in the same room?” tanong ko kay Evander, ramdam ang kaba sa dibdib ko.Natawa siya sa tanong ko. Pati mga stewards, pilit na lang pinipigilan ang ngiti nila. Tahimik silang nakatingin sa akin, halatang aliw na aliw.“Ang ibig kong sabihin... matutulog ba talaga tayo sa iisang kwarto?” ulit ko, this time mas seryoso.Napansin ni Evander na hindi ako nagbibiro.“Siyempre,” sagot niya. “Mag-asawa na tayo. Normal lang sa mag-asawa na matulog sa isang kwarto.”“Hindi!” Napalakas ang boses ko. Alam kong nakaka-offend 'yon, at kahit hindi n
Ako lang yata ang hindi nage-enjoy sa sariling kasal.Punong-puno ng makukulay na ilaw ang buong hall, at sa bawat mesa, may kandilang nakasindi. It was beautiful. It was loud. It was nothing like me. Pakiramdam ko ay hindi ako belong sa kanila. Daig ko pa ang isang bisita.Hindi ako nararapat dito.“Tonight is a special night! Eat and drink to your fill!” sigaw ni Evander Noctez habang nakatayo sa gitna ng crowd na parang hari sa sariling palasyo. Ngayon lang ata siya nakita ng lahat na ngumiti nang ganun.Nakaupo lang ako sa gilid, tahimik na pinapanood siya habang iniisip kung anong klaseng buhay ang naghihintay sa akin sa piling ng isang ganung klaseng lalaki.Tumatawa siya na parang demonyo. Napa-irap na lang ako. Pero kahit ganoon, lahat yata ng tao rito ay gustong-gusto siya. Ako lang ang hindi.Pero aminado ako na ang gwapo niya. Peste. Bakit ba may ganitong lalaki? Yung sama ng ugali, pero ang lakas ng dating? Hindi ko mapigilan ang sarili ko. Laging napapatingin ako sa kanya
Parang hindi ako makahinga habang nakatitig kay Father Ian, ang pari na kaptid ng yumao kong ama. Ang tiyuhin ko na nagpalaki at kumupkop sa akin nang maulila ako. Ang lalaking naging sandalan at naging tagapagtanggol ko. Pero ngayon, siya na mismo ang nagtutulak sa akin sa kapahamakan.Nanlaki ang mga mata ko sa gulat, at sunod-sunod na napalunok sa kaba.“U-Uncle, seryoso ka ba? Please tell me this is a joke? Hindi... mo naman magagawa iyan sa akin, hindi ba?”Umiikot pa rin sa utak ko yung sinabi niya. Hindi ko na alam kung nagpa-panic lang ako o kung bangungot talaga ang lahat ng ito.“This is final, Thalina...” sabi niya habang tumayo mula sa desk niya. “You’re marrying Evander Noctez. Hindi ka pwedeng tumanggi dahil naayos na ang lahat. That’s it.”I felt the sting in my chest, but I was too tired to cry again. I’d spent all night in tears, and by now, I was drained. Wala nang luha. Wala na akong lakas para umiyak.“Mali ito, Uncle,” mahina kong sabi. “Ikaw ang nagturo sa’kin na