“I see you like them…”
Napalingon ako bigla sa boses na iyon.
"E-Evander!" Halos mabitawan ko na ’yung Bible sa sobrang gulat. Napakapit ako sa kuwintas na suot ko, gusto ko sana itong alisin, pero huli na. Nahuli na niya ako.
“H-Hindi ko narinig na pumasok ka,” sabi ko habang humarap sa kanya. Nagtama ang tingin namin, at doon ko lang napansin na may bitbit siyang tray sa dalawang kamay.
“Gumawa ako ng breakfast para sa’yo,” sabi niya sabay upo sa kama. “Sana magustuhan mo. Matagal na rin akong hindi nagluluto, pero don’t worry, may konting tulong naman ako from the chef.”
Tumawa siya nang mahina, pero ako, kabado. Sigurado akong may mali dito.
Akala ko pangit ang hitsura ng food, pero nang binuksan niya ’yung takip ay natulala ako. Kumalat agad ’yung amoy ng omelet at sausage sa buong kwarto. At sa hindi ko inaasahan, kumalam ang sikmura ko.
“Sige na, tikman mo,” aya niya.
Umiling ako nang bahagya.
“Wala akong dahilan para lasunin ka, Thalina. Asawa kita,” dagdag niya, at ewan ko kung bakit pero parang may kung anong tinamaan sa loob ko.
Kaya sinubukan kong tikman. Mula sa isang subo, naubos ko na lahat. Tahimik lang siyang nanonood habang kumakain ako, tapos inabot niya ’yung tubig galing sa tray. Tinanggap ko, uminom ako nang sagad, tapos inabot ko ulit pabalik sa kanya.
“Thank you,” sabi ko, at sa unang pagkakataon, napangiti ako nang totoo. Buong puso.
“There it is,” he said, his eyes lighting up with something I couldn’t quite read. He leaned in just a little, his voice dropping low steady. “That smile... that’s the first crack in your walls, Thalina. And I’m going to tear the rest down.”
Napatitig ako sa kanya. Tulala. Hindi ko alam kung matatakot ba ako o matutunaw.
**
Parang nakuha na ni Evander ang gusto niya. Simula nung napangiti niya ako, bigla na lang siyang lumayo, na parang yun lang talaga ang pakay niya. Hindi lang siya misteryoso, hindi mo rin siya mabasa. Hindi ko tuloy alam kung anong intensyon niya sa’kin.
Was this all just a game to him?
‘Yun ang paulit-ulit na tanong sa isip ko habang nakaupo ako sa balcony ng kwarto namin. Isa ‘yon sa iilang lugar sa mansyon na nakakahanap ako ng katahimikan.
Hindi ako mapakali sa kaiisip. Mas lalong lumala nung na-realize kong simula pa lang pala ‘yun ng kung anumang klaseng relasyon meron kami.
Napabuntong-hininga ako, pero kahit anong gawin kong paghinga, hindi rin naman napapawi ‘yung kaba at gulo sa dibdib ko.
Napagod na rin ako sa kakatingin sa tanawin ng bundok sa tapat ng kagubatan. Nakakabagot. At sa isang iglap, pumasok sa isip ko na baka oras na para maglibot.
“Surely may interesting na parte ‘tong mansion na ‘to,” bulong ko habang tumayo ako at inayos ang suot kong dress.
“Baka may library. Or archive.” Curious talaga ako. Nakakasawa na rin kasi ang buong araw na wala akong ginagawa kundi maghintay na bumalik si Evander na lalapitan lang ako na may ngiting parang may tinatago at presensyang nakakagulo ng isip.
Bumilis ang lakad ko pababa ng hagdan. May mga guwardyang nakita ako sa mga sulok ng hallway, pero yumuko lang sila at hinayaan akong dumaan.
Asawa ako ni Evander. May karapatan akong pumunta kahit saan sa loob ng mansion na ito.
Pero kahit ganon, ramdam ko pa rin ang tanong sa mga mata ng tao rito. Marami sa kanila ang nagtataka kung paano ang isang babaeng tahimik at relihiyosa tulad ko, napunta sa isang lalaking tulad ni Evander.
Alam nilang malapit ako sa Diyos. Ilang beses na rin nila akong nakitang nagdarasal. At palagi kong suot ang krus sa leeg ko. Pero kahit ilang dasal pa, parang hindi ko kayang ipagdasal ang katotohanang ‘to.
Napadpad ako sa isang hallway na medyo madilim. Sarado ang mga bintana sa taas, kaya walang kahit anong sinag ng araw ang pumapasok. Hindi ko pa nakitang may pumunta sa lugar na ‘to, maliban kay Evander at sa ilan sa mga tauhan niya.
At dahil dun, mas lalo akong na-curious.
“Tingnan natin kung anong meron dito,” sabi ko sa sarili ko. Isang tulak lang, bumukas ang wooden door at pumasok ako sa loob.
Una, wala akong nakita kundi anino. Gusto ko nang umalis… pero may napansin akong switch sa gilid. Pinindot ko ito.
“Diyos ko…” napaatras ako agad nang lumiwanag ang buong kwarto.
Mga baril. Iba’t ibang klase. Iba’t ibang laki.
Nanigas ako. Buong kwarto pala ay punong-puno ng armas, gold bars, limpak na pera, at mga screen sa bawat sulok ng room.
At bago pa ako makakilos, biglang bumusina ang alarm, malakas at nakakabingi. Nag-flash ang pulang ilaw sa buong paligid.
Nataranta ako.
“Paano ka nakapasok dito?”
Boses ‘yon ni Evander. Galing sa likuran ko. Napaigtad ako.
Dalawang guwardya ang sumugod agad, takot na takot ang mga mukha nila nung makita nilang andun na ang boss nila.
“Mga inutil! Isa lang ang trabaho niyo!” galit na galit na sinunggaban ni Evander ang mga kwelyo nila.
Hindi ko na alam kung ano ang uunahin kong katakutan, yung alarm, yung mga baril sa harap ko, o yung galit na galit kong asawa.
Binitiwan niya rin ang mga tauhan niya sa huli, at halos mag-unahan ang mga ito sa pagtakbo palabas.
Tahimik na isinara ni Evander ang pinto. Nang tuluyang sumara ito, huminto rin ang alarm. Nawala na ang pula sa ilaw. Pero hindi rin nawala ang kaba sa dibdib ko.
Nakatingin lang ako, natigilan pa rin habang pilit kong nilulunok ang laway ko.
Pulang-pula ang mga mata ni Evander sa galit, pero sa kabila nun ay may bakas ng pag-aalala.
“I… I’m sorry,” mahinang sambit ko.
“Hindi ka dapat nandito, Thalina,” bulong niya, mababa ang boses pero ramdam ang tensyon. “This place is not for you.”
Naghugot siya ng kamay sa bulsa niya, pero bigla siyang natigilan. Wala ang susi.
Siya lang dapat ang may hawak nun.
Tumingin siya sa pinto, at doon niya nakita na nasa keyhole ang susi.
Nakalimutan niyang i-lock ang pinto kagabi.
“My fault," bulong niya, sabay yakap sa nanginginig kong katawan at dinala ako sa isang sulok ng kwarto.
Pero kahit yakap niya na ako, hindi ko pa rin maiwasang mapatingin sa mga baril.
“B-Bakit kailangan mo ng ganito karaming armas? At yung mga pera? Hindi mo ba... pwedeng ilagay sa banko?” Hindi ko man kayang bilangin lahat ng pera, pero siguradong milyon-milyon na ‘yon.
“That’s none of your business," malamig na sabi niya.
Pero hindi ko na napigilan ang sarili ko.
“Lahat ng ginagawa mo, may pakialam ako, Evander! Asawa mo ako!”
Nagulat siya at tinitigan lang ako.
Luminga ako ulit sa paligid, at dun ko napansin yung mga screen, may live footage ng iba’t ibang parte ng mansion, pati simbahan… at ilang buildings sa siyudad.
“Minamanmanan mo ako?” iritado kong tanong.
Pero walang bahid ng pagsisisi sa mukha niya.
“Kung tulad mo ako, maiintindihan mo. I was born in violence, Thalina. And the only way to survive is to stay violent. This is me,” sabi niya, sabay turo sa mga armas sa paligid.
Napabuntong-hininga ako. “Pero pwede ka namang magbago. Laging may chance para magsisi.”
Napailing siya. “Hindi ba ‘yang Bible mo may sinasabi rin tungkol sa pagpatay ng kalaban?”
"Oo. Pero kung inutusan lang ng Diyos, at para sa katarungan!”
Tumawa siya. “Well, let’s just say God commanded me too... na patayin ang mga kalaban ko bago nila ako mapatay. This is a different world. At ayokong mamatay. Kaya kailangan kong pumatay, or else ako ang mamamatay.”
Parang may humampas sa dibdib ko sa sobrang lamig at lalim ng sagot niya.
Hindi na ako nakasagot. Tahimik lang akong tumitig sa kanya.
“I think we should go." Hinawakan niya ang kamay ko.
Pero bago pa kami makagalaw, biglang may isang screen na dating patay ang biglang nag-on.
Napahinto si Evander. Napatingin din ako.
“Uncle?" Nanlaki ang mga mata ko nang makita siya sa screen, kausap ang isang lalaking naka-itim na suit.
"Father Ian Corvella..." galit na bulong ni Evander, kasabay ng pag-ipit ng kamao. “That treacherous priest. How dare he meet to my enemy?”
Evanser suddenly stopped speaking to me. Even his evergreen smiledisappeared and he mostly stayed away from me.
Iniisip ba niyang may kinalaman ako sa ginawa ng tiyuhin ko?
Napalunok ako nang bigla siyang sumeryoso at muling humarap sa akin.
“Marami akong kaaway na tao, Thalina. Lahat sila ay gustong patayin ako at kunin ang lahat ng pinaghirapan ko," malamig na sabi ni Evander. “At sana... hindi ako nagpakasal sa isa sa kanila.”
“I see you like them…”Napalingon ako bigla sa boses na iyon."E-Evander!" Halos mabitawan ko na ’yung Bible sa sobrang gulat. Napakapit ako sa kuwintas na suot ko, gusto ko sana itong alisin, pero huli na. Nahuli na niya ako.“H-Hindi ko narinig na pumasok ka,” sabi ko habang humarap sa kanya. Nagtama ang tingin namin, at doon ko lang napansin na may bitbit siyang tray sa dalawang kamay.“Gumawa ako ng breakfast para sa’yo,” sabi niya sabay upo sa kama. “Sana magustuhan mo. Matagal na rin akong hindi nagluluto, pero don’t worry, may konting tulong naman ako from the chef.”Tumawa siya nang mahina, pero ako, kabado. Sigurado akong may mali dito.Akala ko pangit ang hitsura ng food, pero nang binuksan niya ’yung takip ay natulala ako. Kumalat agad ’yung amoy ng omelet at sausage sa buong kwarto. At sa hindi ko inaasahan, kumalam ang sikmura ko.“Sige na, tikman mo,” aya niya.Umiling ako nang bahagya.“Wala akong dahilan para lasunin ka, Thalina. Asawa kita,” dagdag niya, at ewan ko ku
Wala na ang mga bisita sa kasal. Naiwan akong mag-isa, kasama ang lalaking kinatatakutan ko.Tahimik na inutusan ni Evander ang mga stewards na dalhin ang gamit ko sa master bedroom. Nang binuhat na ng dalawang babaeng halos kaedad ko ang mga bag ko, agad ko silang pinigilan.Alam kong halos kasing edad ko lang sila, pero kahit gusto nilang tumanggi, hindi nila kayang bastusin ang bagong asawa ni Evander kung ayaw nilang mapahamak.“Are we going to to be in the same room?” tanong ko kay Evander, ramdam ang kaba sa dibdib ko.Natawa siya sa tanong ko. Pati mga stewards, pilit na lang pinipigilan ang ngiti nila. Tahimik silang nakatingin sa akin, halatang aliw na aliw.“Ang ibig kong sabihin... matutulog ba talaga tayo sa iisang kwarto?” ulit ko, this time mas seryoso.Napansin ni Evander na hindi ako nagbibiro.“Siyempre,” sagot niya. “Mag-asawa na tayo. Normal lang sa mag-asawa na matulog sa isang kwarto.”“Hindi!” Napalakas ang boses ko. Alam kong nakaka-offend 'yon, at kahit hindi n
Ako lang yata ang hindi nage-enjoy sa sariling kasal.Punong-puno ng makukulay na ilaw ang buong hall, at sa bawat mesa, may kandilang nakasindi. It was beautiful. It was loud. It was nothing like me. Pakiramdam ko ay hindi ako belong sa kanila. Daig ko pa ang isang bisita.Hindi ako nararapat dito.“Tonight is a special night! Eat and drink to your fill!” sigaw ni Evander Noctez habang nakatayo sa gitna ng crowd na parang hari sa sariling palasyo. Ngayon lang ata siya nakita ng lahat na ngumiti nang ganun.Nakaupo lang ako sa gilid, tahimik na pinapanood siya habang iniisip kung anong klaseng buhay ang naghihintay sa akin sa piling ng isang ganung klaseng lalaki.Tumatawa siya na parang demonyo. Napa-irap na lang ako. Pero kahit ganoon, lahat yata ng tao rito ay gustong-gusto siya. Ako lang ang hindi.Pero aminado ako na ang gwapo niya. Peste. Bakit ba may ganitong lalaki? Yung sama ng ugali, pero ang lakas ng dating? Hindi ko mapigilan ang sarili ko. Laging napapatingin ako sa kanya
Parang hindi ako makahinga habang nakatitig kay Father Ian, ang pari na kaptid ng yumao kong ama. Ang tiyuhin ko na nagpalaki at kumupkop sa akin nang maulila ako. Ang lalaking naging sandalan at naging tagapagtanggol ko. Pero ngayon, siya na mismo ang nagtutulak sa akin sa kapahamakan.Nanlaki ang mga mata ko sa gulat, at sunod-sunod na napalunok sa kaba.“U-Uncle, seryoso ka ba? Please tell me this is a joke? Hindi... mo naman magagawa iyan sa akin, hindi ba?”Umiikot pa rin sa utak ko yung sinabi niya. Hindi ko na alam kung nagpa-panic lang ako o kung bangungot talaga ang lahat ng ito.“This is final, Thalina...” sabi niya habang tumayo mula sa desk niya. “You’re marrying Evander Noctez. Hindi ka pwedeng tumanggi dahil naayos na ang lahat. That’s it.”I felt the sting in my chest, but I was too tired to cry again. I’d spent all night in tears, and by now, I was drained. Wala nang luha. Wala na akong lakas para umiyak.“Mali ito, Uncle,” mahina kong sabi. “Ikaw ang nagturo sa’kin na