Share

Chapter 99

Penulis: Sky_1431
last update Terakhir Diperbarui: 2025-11-21 23:02:19

Tahimik ang lounge, tanging malumanay na classical music mula sa hall ang bumabalot sa paligid. Natutulog na si Alliyah sa sofa, nakabalot sa maliit na blanket. At si Gray ay nakaupo sa tabi niya, binabantayan bawat hinga, bawat galaw.

Sa kabilang dulo ng silid, nakatayo si Rio, nakasandal sa frame ng pinto, arms crossed. Hindi siya nagsasalita, pero nararamdaman ni Gray ang paraan ng pag-obserba niya—hindi tulad ng isang guard, kundi tulad ng isang predator na sinusuri ang bawat hakbang ng posibleng kalaban.

Kanina lang, binanggit nito ang pangalang hindi dapat mabanggit.

Gray.

Pero pinatay niya ang tensiyon nang magsinungaling nang mahinahon.

You're mistaken.

Kung naniwala ito? Hindi. Hindi man niya sabihin, ramdam ni Gray ang bigat ng pagdududa.

Pero ngayon, wala na iyon sa listahan niya ng problema.

Dahil may mas malaki.

Mas mabigat.

Sa labas ng hall, may biglang nag-shift ng tunog. Parang huminto ang musika saglit, parang may nagpatahimik sa speaker system. Hindi iyon normal. Hin
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Bab Terkunci

Bab terbaru

  • The Mafia's Marked Nanny   Chapter 149

    Siklab ang ilaw sa kisame—hindi sapat para magbigay-liwanag, ngunit sapat para hindi ka makatulog. Iyon ang unang bagay na napansin ni Rio sa ikalawang araw ng paghihintay. Hindi na siya sigurado kung araw pa ba o gabi na. Dito sa ilalim ng bundok, pantay-pantay ang oras, mabagal, malagkit, at sinasadya ang bawat segundo.Wala pa ring anino ni Gray.Hindi na mabilang ni Rio kung ilang beses siyang huminga nang malalim para pigilan ang sarili na sumigaw. Ang hangin ay malamig at may amoy ng bakal at lumang bato. Ang sahig ay magaspang, sapat para ipaalala sa katawan na gising pa ito kahit gustong bumigay. Nakagapos ang mga kamay niya sa likod—hindi masikip, ngunit sapat para hindi makagalaw nang maayos. Ang bawat maliit na kilos ay may kapalit na kirot, parang paalala na may mga matang nakabantay.Sa ilang metro ang layo, nakaupo si Theo, bahagyang nakayuko, may benda ang tagiliran na basa na sa dugo. Hindi ito bagong sugat—pinabayaan nilang manatiling bukas, pinahiran lang ng kaunting

  • The Mafia's Marked Nanny   Chapter 148

    Hindi agad napansin ni Sven ang pagbabago sa paligid—dahil ang kagubatan ay bihasa sa panlilinlang. Ngunit may mga senyas na hindi kailanman nagkakamali para sa isang taong matagal nang nabubuhay sa anino ng digmaan: ang biglang pagkawala ng mga insekto, ang bigat ng hangin na parang pinipigil ang paghinga, at ang pakiramdam na may sumusukat sa bawat hakbang mo.Hindi siya nagkakamali.“Collin,” mahinang sabi ni Sven, halos hindi gumagalaw ang labi. “Parang may mali.”Sa unahan, bahagyang huminto si Collin. Pawis na pawis ang batok niya, hindi dahil sa init kundi dahil sa tensyon. Matagal na silang naglalakad papunta sa kung nasaan sina Rio at Theo.“Hindi lang isa,” sagot ni Collin. “Tatlo, hindi. Higit pa.”Hindi na sila tumatakbo. Ang pagtakbo ay senyas ng takot. At ang takot ay inaabangan ng mga manghuhuli. Sa halip, naglakad sila nang mas mabagal, mas maingat, parang dalawang aninong pilit inaangkin ang lupa.Isang putok.Hindi tumama.“Sniper,” bulong ni Collin.“Ayaw nilang mar

  • The Mafia's Marked Nanny   Chapter 147

    Tahimik ang silid sa loob ng ilang segundo matapos sumenyas sa dalawang kasamahan si Alliyah ang kamay niya. Isang uri ng katahimikan na hindi likas—parang hinihila ang hangin palabas ng dibdib, parang may nag-aabang ng unang pagkakamali.“Pabagsakin sila. Iyong sakto lang na mabubuhay pa sila ng tatlong araw. Kapag hindi nagpakita si Gray sa loob ng tatlong araw, saka sila patayin.”Hindi sigaw ang utos. Hindi rin galit. Isa lang itong pahayag na binitiwan nang sanay, parang matagal nang alam ang mangyayari pagkatapos.Sa magkabilang gilid niya, gumalaw ang dalawa niyang kasama.Sabay.Eksakto.Parang salamin ng isa’t isa ang kilos—isang hakbang pasulong, sabay ang pag-angat ng armas, sabay ang pagtutok.Hindi umatras si Alliyah.Hindi rin siya nagkubli.Nanatili siyang nakatayo sa gitna ng liwanag, tuwid ang tindig, nakataas ang baba, ang mga mata’y hindi kumukurap habang pinagmamasdan sina Rio at Theo.Hindi siya kalahok sa laban.Isa siyang manonood.Isang hukom.“Get ready!” siga

  • The Mafia's Marked Nanny   Chapter 146

    Nanatiling bukas ang bakal na pinto sa likuran nina Rio at Theo, ngunit tila wala nang saysay ang daan palabas. Ang hangin sa loob ng silid ay mabigat, parang bawat paghinga ay may kasamang alaala at kasinungalingang matagal nang itinago.Nakatayo si Alliyah sa gitna ng liwanag. Hindi na siya ang batang huling nakita ni Rio—ang batang nakatago sa likuran ni Gray, ang batang umiiyak sa tuwing sumasabog ang putok ng baril.Tumanda siya. Humaba ang tindig. Tumalim ang mga mata. Ngunit kahit anong pagbabago ang idinulot ng sampung taon. Ganito na katapang at puno ng galit ang batang minsang kinarga niya sa kanyang mga bisig habang tumatakbo ito palabas sa paguhong compound ni Zayed.“Anong ibig mong sabihin?” paos na tanong ni Rio, halos hindi niya marinig ang sariling boses.Bahagyang ngumiti si Alliyah. Hindi iyon masaya. Hindi rin panunuya. Isa iyong ngiting sanay nang maghintay ng tamang sandali.“Pinaniwala ka lang nila na patay na siya,” sagot niya, diretso ang tingin kay Rio.Paran

  • The Mafia's Marked Nanny   Chapter 145

    Tahimik ang loob ng silid, ngunit hindi iyon katahimikang payapa. Ito ang katahimikang bago pumutok ang baril. Bago gumuho ang isang mundo. Bago maglaban ang dalawang paniniwalang parehong hinubog ng dugo at kasinungalingan.Nakatayo si Rio sa mismong bungad ng liwanag, mabigat ang baril sa kamay, mabigat ang hininga sa dibdib. Sa harap niya—sa gitna ng malawak ngunit malamig na chamber na puno ng bakal, monitor, at mga simbolong matagal nang tinatakasan ng mundo—nakatayo ang isang babaeng kilalang-kilala niya kahit imposible dapat.“Alliyah...” Marahang lumabas ang pangalan mula sa labi niya, parang dasal na matagal nang kinimkim.Ang batang limang taon lang noon ay ganito na ang pinagbago. Hindi lang sa edad, kundi pati na rin sa awra nito, na para bang hindi siya labinglimang taong bata. Ang mga mata nito ay puno ng galit at mukhang iyon ang dahilan kung bakit parang trentahin na ito.Tumayo si Alliyah sa ilalim ng ilaw, diretso ang tindig, walang bakas ng pag-aalinlangan. Mas mata

  • The Mafia's Marked Nanny   Chapter 144

    Mas bumigat ang hangin habang palalim nang palalim ang pasilyong binabagtas nina Rio at Theo. Ang liwanag na dati’y dilaw at mahina ay unti-unting nagiging malamlam na puti—artipisyal, kontrolado, at malinaw na hindi basta naiwan lang ng panahon.Bawat hakbang pababa ay may kasamang mahinang ugong. Hindi iyon hangin. Hindi rin makina na luma.Aktibo ang lugar.“Distance check,” bulong ni Theo habang nakapwesto ang baril sa harap. “Ayon sa mapa ni Briane, dapat may central chamber sa loob ng isang daang metro.”“Copy,” sagot ni Rio. “Tahimik lang.”Sa comms, ramdam ang tensyon kahit walang nagsasalita. Sina Juliet at Briane ay sabay na nagmo-monitor ng bawat signal spike, bawat anomalya sa camera feed. Sina Collin at Sven ay nananatiling nakaabang, handang gumalaw sa isang utos lang.“May nararamdaman ka ba?” tanong ni Theo, halos pabulong.“Meron,” sagot ni Rio. “Parang pamilyar.”Hindi niya na kailangang ipaliwanag.May mga lugar na kahit hindi mo pa napupuntahan ay parang kilala ka

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status