Share

CHAPTER 07

KINAHAPUNAN ay maaga ulit siyang bumangon. Inilabas niya lang ang kulay pula niyang bralette at itim na blazer na siyang uniform nila tuwing Friday. Naglabas lang din siya ng maong short shorts at pagkatapos ay naligo na.

Wala siyang masyadong tulog gawa nang pag-aalala sa Mama niya. Hindi kasi ito lumabas ng kuwarto nito at hindi rin kumain. Nang sinilip niya naman ito kanina ay tulala na naman.

Wala na talagang pag-asa ang Mama niya, masyado na yatang baliw at bulag sa Papa niya.

Ang Tita Rosa niya naman sobrang iskandalosa. Walang pinipiling lugar basta maipahiya lang nito ang Mama niya at seyempre damay siya.

"Ayoko na talaga sa earth!" Inis na naligo na lang siya ng mabilis.

Hinilod niya ang mala-labanos niyang katawan. Shinampoo ang buhok niyang nangungulot na dahil sa stressed niya sa pamilya. Saka nagbabad sa ilalam ng shower. Ilang minuto pa ang tinagal niya sa banyo saka siya natapos at lumabas.

Hindi niya na bin-lower ang buhok niya dahil matutuyo rin naman 'yon sa tricy
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status