Share

CHAPTER 12

"X-XANDER s-saan ba tayo pupunta?"

Nakadalawang ulit na siyang tanong rito kung saan nga ba sila pupunta, ngunit tulad kanina, tahimik lang si Xander.

Noong hawakan nito ang pulsuhan niya at ilabas siya mula sa Club-V ay naging tahimik lang ito, at mukhang may malalim na iniisip. Hindi na rin siya nito hinayaang bumalik pa sa pagsasayaw hanggang sa ito na rin ang nagpaalam upang umalis na sila.

Hindi niya alam kung saan ba siya dadalhin ni Xander pero panatag naman siya na wala itong gagawing masama sa kaniya. At least, that's what she felt right now. Hindi naman kasi ito mukhang sanggano tulad ng tatlong nangharang sa kaniya.

Habang sakay ng jeep ay hindi niya ito maiwasang hindi titigan. Paminsan-minsan ay pinatutunog nito ang mga daliri sa kamay, at umiigting ang panga dahil sa galit. Bagamat kalmado ito sa tuwing mapapatingin sa kaniya, hindi niya pa rin maiwasang isipin na baka apektado rin ito sa nangyari sa kaniya. Na baka, may kung anong tumatakbo sa isipan nito ngayon. O bak
Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP
Komen (2)
goodnovel comment avatar
Paupau
thank you... happy reading
goodnovel comment avatar
Corazon
ang ganda po,,, maraming salamat po
LIHAT SEMUA KOMENTAR

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status