"REMEMBER, ISANG BALA LANG ANG MAYROON KA. 'WAG KANG PAPALYA!"
Sumilay ang pinong ngiti sa kaniyang labi habang tutok na tutok sa kaniyang MAS FR-F2 Sniper scope. Habang nagsasaya ang lahat sa loob ng isang eksklusibong hotel sa Baguio dahil sa mga babaeng sumasayaw sa taas ng mesa, heto siya at nasa tamang puwesto na. Naghihintay na lang ng tamang pagkakataon upang kalabitin ang gatilyo na tatapos sa buhay ng isang matanda na tinaguriang Mafia boss.
"What are you waiting for? Pull the trigger now!"
Inis na tinanggal niya ang wireless earphones na nakalagay sa kaniyang tainga. Nakakunekta 'yon kay Ace na matiyaga ring naghihintay at malamang na nakasilip din sa scope ng sniper nito mula sa isa pang hotel. Ngunit wala siyang pakialam sa inuutos ni Ace sa kaniya dahil alam niya naman ang gagawin. Isa pa, hindi naman siya kaisa sa mga ito.
Hindi siya Assasin at hindi rin miyembro ng kung ano mang puwersa na mayroon dito sa Pilipinas. Pero malaki ang utang ng matandang intsek na 'yon sa kaniya. Buhay ang kinuha nito, kaya buhay rin ang kabayaran. Malas lang nito dahil sa kaniya ito nagka-atraso, at matalik niyang kaibigan ang humahawak sa misyong ito na pilit niyang sinalihan.
Warren Chen, sixty-four years old at isang Chinese businessman. Ito rin ang may-ari ng Chen Enterprise kung saan ibinabagsak ang mga ilegal na sandata na pinapasok at inilalabas sa bansa. Kilala ito bilang Mr. Chen na laging nangunguna sa isang ilegal na subastahan na pinangungunahan ng malalaking sindigato. Ang ilegal na subastahan ay nangyayari tatlong beses sa isang taon, at ngayon nga ay gaganapin ang ikatlong subastahan dito sa Baguio.
Marami nang kinitil na buhay si Mr. Chen, mapa-bata man o matanda; may kasalanan o wala; at kahit na hindi kabilang sa pangkat ng mga alta-sosyedad. Umugong din ang balitang si Mr. Chen ang salarin sa isang plane crash kung saan nakasakay ang nasawing mag-asawang Alfonzo na pabalik na sana ng Pilipinas. At ngayon na wala na ang mag-asawang Alfonzo, pinupuntirya na ni Mr. Chen ang Alfonzo Tech na kasama sa isusubasta sa black market.
Kung sakali man na mapasakamay ni Mr. Chen ang kumpanyang iyon, magiging malawak na ang masasaklawan ng ilegal nitong gawain at mga plano. Pero...
"Iyon ay kung makakalabas ka pa ng buhay mula sa kinatatayuan mo!" Muling sumilay ang pinong ngiti sa kaniyang labi saka dahan-dahang iginagalaw ang kaniyang sniper na nakatutok kay Mr. Chen.
Naglalakad na ang target niya ngayon habang may attache case na hawak. Hinala niya ay kung hindi pera, mga ipinagbabawal na gamot ang laman no'n.
Nang huminto si Mr. Chen at akmang bubuksan ang pintuan upang lumabas ay nakakita na siya ng tamang pagkakataon...
Sandaling tumahimik ang kaniyang paligid. Kasabay ng dahan-dahang pag gapang ng pawis mula sa kaniyang noo pababa sa kaniyang sintido, ay ang mabilis at malakas na tibok ng kaniyang puso. She positioned herself.
She's ready!
Handa na siyang kalabitin ang gatilyo nang biglang may lalaking lumapit dito at sumakto pang humarang sa kaniyang puntirya.
"Fuck! Who the hell are you? Lumayas ka riyan kung ayaw mong pati ulo mo ay pasabugin ko!" Inis niyang sabi habang nakatutok pa rin ang kaniyang paningin sa nakatalikod na lalaking nakaharang kay Mr. Chen.
Pinunasan niya ang pawis na tumulo mula sa kaniyang sintido habang matiyagang naghihintay sa pag-alis ng lalaki. Nasa kabilang building siya na nakatapat sa hotel kung saan naroon si Mr. Chen, at ang iba pa nitong mga kasama na nagkakasiyahan. Pagkatapos ng gabing ito... pipilitin niya nang magbagong buhay. Pipiliting kalimutan ang malagim at masasakit na nangyari sa kaniya sa nakalipas na anim na taon.
Muli siyang sumipat sa scope ng sniper na hawak niya upang tignan ang kaniyang target. Ngunit ganoon na lang ang gulat niya ng makitang nakaharap na ngayon ang lalaking humaharang kay, Mr. Chen.
With that thick brows and a set of deep blue eyes, a prominent nose, and kissable lips... She can't help but smile alluringly. That guy... was a mistake.
Ngumiti ang lalaki habang nakaharap sa kung sino man. Pero ang ngiti nitong 'yon ay kitang-kita niya mula sa sniper scope na hawak niya na nakatutok dito. Her heart raced. She once lived for those smiles. She had to clench her fists to stop the urge to shoot him too.
But dammit! He's not her target!
Kuyom ang kamaong nakamasid lang siya sa lalaking ngayon ay naglalakad na palayo kay Mr. Chen. Nawala na sa isip niya ang kaniyang target. Kung ano ang dahilan kung bakit siya matiyagang naghihintay ng tamang pagkakataon upang kalabitin ang gatilyo, at kitilin ang buhay ng taong malaki ang naging epekto sa kaniyang pagbabago.
Hanggang sa nabulabog ang kasiyahang nagaganap sa kabilang hotel. Ang iba ay nanakbo, habang ang iba ay hindi magkandamayaw sa kasisigaw. Nagkakagulo ang mga naroon nang dahil kay Mr. Chen na ngayon ay nakahandusay na malapit sa pinto at tila wala ng buhay.
Bull's-eye!
Unti-unting nangulay pula ang kaniyang paligid nang dahil sa pagdaloy ng dugo mula sa gitna ng magkabilang mata ni Mr. Chen. Pakiramdam niya'y tumigil ang kamay ng orasan. Kasabay ng mabilis na tibok ng kaniyang puso ay ang nakabibinging katahimikan. Wala siyang ibang maramdaman kun'di ang lamig na hatid ng kawalan.
She can't breathe properly! Naninikip ang kaniyang dibdib dahil sa malagim na kaniyang nasaksihan. Isang buhay na naman ang nawala... nawala dahil sa kasakiman!
She placed her palm on her chest and whispered to herself. "Breathe... Slowly... Good job!"
Ilang beses pa siyang kumurap at bumuga ng marahas na paghinga saka napagtanto ang mga nangyayari sa paligid niya. "Fuck! Who pulled the fucking trigger?!" Nagtatagis ang bagang niyang tanong sa sarili.
Kinuha niya ulit ang wireless earphones na hinagis niya sa kung saan saka inilagay sa kaniyang tainga.
"Ace-"
"Go home..." Malamig na putol ni Ace sa kaniya mula sa kabilang linya. "We're done here. Mission accomplished."
Muli siyang nawala sa kaniyang sarili. Nanlalabo ang kaniyang paningin. At pinanginginigan ng mga kamay.
"Club-V tomorrow." Pukaw ni Ace na nagpabalik sa kaniyang diwa. "...but right now, go home my sweet."
Nagbago ang tinig nito, naging malamyos na tila humahaplos sa nanlalamig niyang katawan.
Hinamig niya ang kaniyang sarili saka baliwalang sumagot. "Okay."
Tipid na ngiti ang kusang nabuo sa kaniyang labi bago ekspertong kinalas ang bawat parte ng sniper. Isinilid niya 'yon sa itim niyang backpack at isinuot ang kulay itim niya ring hoodie bago tuluyang nilisan ang silid kung saan siya nagkukubli. Saka niya na babalatan ng buhay si Ace pag nagkita silang dalawa.
"Home huh..." She whispered.
Oo nga't nakabalik na siya sa Pilipinas pero hindi pa rin siya sigurado kung mananatili pa ba siya rito, o hindi na. Narito ang pamilya niya at dito siya lumaki. To close to her home, but she has never been home. At least, that's what she felt about.
She shook her head and threw the wireless earphones permanently.
Naaalibadbaran lang siya sa boses ni Ace na paulit-ulit na sinasabi ang salitang 'home'. Ano ba ang akala nito? Na magpapalaboy-laboy siya sa bansang ito?
She sighed and smirked...
On the contrary... Nah! Walang lugar sa mundo ang babaeng katulad niya... Especially home.
*****
©Alrights Reserved
_PAUPAU_
NAKANGITING lumabas si Cherry mula sa kuwarto nila. Nang bumaling ang paningin nito sa kaniya ay mas tumingkad pa ang ngiti nitong nakapaskil sa mapupula nitong labi."How are you my sweet?" Malambing niyang tanong kay Cherry. Limang buwan na simula ng mag undergo ito ng counseling para sa depression nito. Maganda naman ang resulta dahil sa unang tatlong buwan ay ito mismo ang nagkukusang pumunta sa clinic ni Mrs. Angelin Perez; ang nirefer ng Mama niya na therapist para kay Cherry. Sa sumunod na buwan ay si Mrs. Perez naman ang dumadalaw kay Cherry dalawang beses sa isang linggo dahil malapit na ang kabuwanan nito para sa ikalawang anak nila.Tatlong buwan bago manganak si Cherry sa una nilang anak ay muli nga silang ikinasal sa simbahan. Simple at piling mga kamag-anak at kaibigan lang ang inimbitahan nila dahil gusto nilang mapanatili ang pribadong buhay ng pamilya ni Cherry. Pagkapanganak naman nito ay lumipat na rin sila sa Sta Maria na dating bahay nila Cherry. Minadali niya a
BAGOT NA BAGOT si Cherry habang nakahilata sa kama at nakatulala sa kisame. Dalawang buwan na halos ang matuling lumipas simula noong nagpulit siyang umuwi na muna sa San Antonio. Wala na rin namang nagawa pa si Xander dahil siya na mismo ang nagpasundo sa Mama niya at kasama pa talaga nito ang echoserong si Ace.Sukat na nagpumilit daw sumama dahil gusto nitong makita ang mansyon ng mga Oxford na talaga namang pinag-uusapan ng halos lahat. Hindi niya rin naman ito masisisi, ganoon din kasi siya dati."Ate, nasa baba po si Kuya Ace." Napairap siya ng marinig ang pangalan ni Ace sa batang kasambahay na si Simang. "May dala po siyang kwek-kwek at singkamas," giit pa niti kaya napabalikwas siya ng bangon.Mag aapat na buwan na ng tiyan niya pero marami pa rin siyang cravings. Mga pagkain na hinahanap-hanap niya, pero mas madalas na si Xander ang gusto niyang makita. Simula kasi ng malaman ng Mama niya at ng Tito Roger niya na buntis siya'y pinagbawalan na muna silang magkitang dalawa.
UUWI NA AKO...Paulit-ulit niyang isinisigaw 'yon kay Xander habang walang kasawaan naman na hinihila siya nito palapit sa lalaki.Tatlong araw na siya sa mansyon ng mga Oxford at tatlong araw na rin siyang nabubusit sa pagmumukha ni Xander. Sa tuwing nakikita niya ang lalaki ay nababanas siya. Pikon na pikon siya sa mukha nito kahit wala naman itong ginagawang masama sa kaniya."I told you, kung nasaan ako... Doon ka rin," baliwalang sabi nito bago humilata sa sofa. Hanggat maaari ay ayaw niya na munang mag lagi sa kuwarto. Dahil automatic na pagkaraan ng ilang oras ay mananakit lang ang katawan niya. Napairap siya ng tignan si Xander na prenteng nakahiga sa sofa. Napakaamo ng mukha nito na akala mo'y walang masamang ginagawa. Pero brutal pagdating sa kama. Walang kapaguran ang hudyo at hindi ka talaga tatantanan hanggang hindi nanginginig ang mga hita mo!"Ayaw kitang makita... You look so ugly!" Singhal niya rito saka tinakpan ng unan ang mukha nito."If you don't want to see my
TULOG pa si Cherry ng magising si Xander dahil sa liwanag na lumalagos sa bintana ng kaniyang silid. Napangiti siya ng tignan niya ang dalaga na nahihimbing pa habang mahigpit na nakayakap sa kaniya.Maingat at dahan-dahan siyang tumayo upang hindi ito magising bago nagtungo sa closet. Kumuha lang siya roon ng puting t-shirt saka isinuot kay Cherry. Malamang na sasabunin na naman siya nito pagkagising dahil sa nasira na naman nitong underwear. Well, hindi niya naman sinasadya. Isa pa, napakanipis naman kasi ng tela ng pangloob nito kaya madaling nasisira kahit hindi niya naman higpitan ang pagkakahawak.Nang maisuot niya kay Cherry ang t-shirt ay ginawaran niya ito ng halik sa noo saka kinumutan. Saglit niya pa rin itong tinitigan, at halos sauluhin ang napakaganda nitong katawan. Binibilang ang mga markang ginawa niya sa makinis nitong balat. Hindi man ito aware sa pagbabagong nagaganap sa katawan nito'y kitang-kita niya naman. Ang bahagyang paglaki ng hinaharap nito, ang pag-umbok
Hindi niya alam kung ano ang nangyari at kung paano siya nahikayat ni Xander na sumama sa mansyon ng mga Oxford. Kaya naman hanggang ngayon habang prenteng nakaupo ang mga magulang nito at nakatitig ang kapatid nitong si Xavier sa kaniya ay tulala pa rin siya."Are you okay? Gusto mo pa ng cookies?" Sunud-sunod na tanong ni Xander sa kaniya na mukhang nag-aalala na rin sa inaakto niya. Ikaw ba naman kasi ang tila lutang at hindi makapag-isip ng maayos, ewan na lang niya kung hindi pa talaga magtaka ang mga taong nasa paligid niya."Juice?" Muling tanong ni Xander na inilingan niya lang ulit.Naramdaman niya ang kamay nitong umakbay sa balikat niya saka marahang hinilot iyon. Parang sa pamamagitan niyon ay ipinararating nitong ayos lang ang lahat at wala siyang dapat na alalahanin pa."Anyway Cherry, kailan kaya kami puwedeng magkita ng Mama mo?" Kusang umangat ang mukha niya at kunot noong napatingin sa ina ni Xander na nakangiti sa kaniya. "I want her to be my cooking partner, you kn
DALAWANG araw simula ng mag trigger ulit ang panic attack ni Cherry ay nagdesisyon siyang hindi na muna umalis sa San Antonio. Gusto niya na munang pakalmahin ang kaniyang isipan at bawasan ang pangungunsume sa lahat."Cherry, my dear kumain ka na," malambing na aya sa kaniya ng Mama niya na naiilang na sumilip sa kaniyang silid. Bagama't nakangiti ang Mama niya sa kaniya ay nararamdaman niya naman na naiilang o kinakabahan ito. Kaagad siyang bumalikwas ng bangon at nilapitan ang Mama niya. Hinalikan niya ito sa pisngi saka binati. "Morning, Ma... sorry I'm late." Aniya saka nahihikab na bumalik sa kama.Nagtataka naman ang Mama niya na nakamata lang sa kaniya. Ni hindi man lang ito natinag sa kinatatayuan nito habang nakatingin pa rin sa kaniya. Naka-ilang beses pa muna itong tumikhim habang nagtataka pa ring nakatitig sa kaniya bago nagsalita."Hindi ka ba kakain? Tanghali na anak... alas tres na nga ng hapon kung tutuusin. Hindi ka ba nagugutom?" Nag-aalalang tanong sa kaniya ng M