LOGINAt nang marinig ko ang salitang deduction, bigla kong naalaala ang sinabi ni Victor noong nakaraang araw—ang patakaran na one-fourth.Hindi pala iyon basta isang salita o ideya lang na binitiwan sa ere.Isa pala itong pormal at seryosong plano para sa akin.May estruktura. May malinaw na sistema.Parang gusto kong maiyak habang nakatitig sa mga nakasulat sa papel.Hindi dahil sa nasasaktan ako.Kundi dahil… sa kauna-unahang pagkakataon sa buong buhay ko, may mga taong nagplano at nag-isip para sa hinaharap ko na hindi nag-iiwan ng linyang “bahala ka na sa buhay mo.”Bandang hapon, dumating si Gavin.Hindi man siya naging maingay sa kanyang pagpasok, pero kitang-kita sa kanyang mukha ang matinding pagod.’Yung klase ng pagod na hindi nagmumula sa simpleng puyat, kundi sa matinding stress at pagsusuri sa mga datos.Nakita ko siya sa sala habang hawak ang kanyang telepono, at saka siya mabilis na sumulyap kay Victor.“Na-trace ba?” agad na tanong ni Victor.Tumango si Gavin, saka pormal
Kinuha ko ang telepono, dahan-dahan akong lumapit sa kanya, at saka ko iniabot ito.Ininspeksyon niya ang missed call log.Binasa niya ang eksaktong time stamp niyon.At pagkatapos ay ibinaling niya ang kanyang matalas na tingin sa akin.“Any follow-up messages?” tanong niya.Umiling ako. “Wala po.”“Good,” sagot niya muli.Para bang lagi niyang gustong marinig na “walang masamang nangyari,” pero sa bawat segundo ay nakahanda ang buo niyang sistema kung sakaling mayroon man.Umupo siya sa isang armchair, at saka tinawag si Steven.“Security status report?” pormal niyang tanong.“Gate logs are completely clean, sir,” sagot ni Steven. “No outsider entries recorded. No unauthorized vehicles within the secondary perimeter.”Tumango si Victor, pero hindi man lang nakikitaan ng satisfaction ang kanyang mukha.Para bang alam na alam niya na ang isang banta ay hindi kailangang pisikal na pumasok sa loob para iparamdam ang panganib nito.Tumayo siya, lumapit sa mesa, at may inilagay na isang m
Ysabelle Cuevas (Ysa)Hindi ko inasahang aabot maging sa aking mga panaginip ang matinding kaba sa aking dibdib.Dahil kahit nakapikit na ako at pilit na nagpapahinga, nararamdaman ko pa rin ang tila tuluy-tuloy na pag-vibrate ng telepono sa aking palad—parang isang multong ayaw umalis at patuloy na nagpaparamdam.Pagmulat ko ng aking mga mata, ang unang bumungad sa akin ay ang napakaputing kisame ng silid, kasunod ang umuungol na tunog ng talon sa labas, at ang biglaang reyalidad na… wala pa rin sila.Wala pa rin si Gavin.Wala pa rin si Victor.Wala pa rin 'yung pormal ngunit nagbibigay-lingap na “Okay ka lang ba?” na kahit hindi naman nila sinasadyang binitiwan, ay tila nagiging isang matatag na tali sa aking dibdib.Umupo ako sa gilid ng kama, huminga nang napakalalim, at saka dahan-dahan kong kinuha ang bagong telepono sa mesa.Isang missed call pa rin.Unknown.Walang nakatatak na mensahe.Pero mayroong isang malinaw at mabigat na pakiramdam.’Yung pakiramdam na hindi ito isang
Pagkatapos ay lumabas mula sa labi niya ang pinaka-pamilyar na linya niya.“Eat first,” sabi niya. “Then think.”Sinunod ko ang utos niya.Kumain ako kahit na halos walang lasa ang pagkain sa loob ng bibig ko dahil sa dami ng iniisip.Nang matapos akong Kumain, saka ko dahan-dahang binuksan ang pouch.May panibagong telepono nga sa loob. Simple lang ang hitsura, pero malinis at bago.May nakadikit na maliit na dilaw na sticky note sa likod nito:“Only these numbers are saved. Do not add unknown contacts. — V”Parang may biglang tumama na mainit na pakiramdam sa dibdib ko habang nakatitig sa solong letrang iyon.V.Victor.Hindi ko maiwasang makaramdam ng kakaibang emosyon—na may isang taong naglalaan ng oras at effort para lang maglagay ng matatag na safety net sa buhay ko, nang hindi ipinararamdam sa akin kahit kailan na isa akong malaking pabigat o istorbo.Dumating si Victor bago mag-tanghali.Hindi siya maingay pumasok sa loob ng villa.Hindi rin siya nagpakita ng kahit anong dram
Ysabelle Cuevas (Ysa)Hindi ko na mabilang kung ilang beses akong nagising at naalimpungatan sa gitna ng magdamag.’Yung klase ng gising na hindi dahil may maingay sa paligid, kundi dahil sa sarili mong utak na ayaw tumigil sa ka-iisip at pagpukpuk ng kaba.At sa tuwing ipipikit ko ulit ang mga mata ko sa dilim, kusang bumabalik ang boses ni Lucien mula sa kabilang linya ng telepono—’yung basag at nagmamadaling “Are you safe?” na parang isang tanong pero nararamdaman mong huling-huli na ang lahat.Bumabalik din sa tainga ko ang mahinhin ngunit matalim na “Baby…” ni Mia mula sa background, at ang kasunod nitong biglaang paninikip ng dibdib ko na parang may invisible na kamay na sumasakal at humihila sa huling natitira kong hangin.Kaya nang sa wakas ay sumikat ang araw sa labas ng bintana, pakiramdam ko ay hindi man lang ako nakatulog kahit isang minuto.Pero bumangon pa rin ako.Dahil kahit pagod na pagod na ang buong katawan at sistema ko, ayoko nang bumalik sa lumang sarili ko—’yung
Hindi siya sumigaw.Hindi rin siya nagwala sa galit.Pero ang boses niya nang muli siyang magsalita ay boses na ng isang ibang tao.“Hindi ko pa sinasabing aalis ako,” malamig niyang sabi. “Pero hindi mo na ako kailanman magagawang lokohin ulit.”Nanginig ang mga labi ni Mia, saka mabilis na tumingin sa IV line sa kanyang braso, naghahanap muli ng paraan para magmukhang kawawa.Subalit mabilis na sumingit ang kalmado ngunit matalim na boses ni Gavin.“Mia,” sabi ni Gavin habang nakakrus ang mga braso. “May opisyal na records ang lugar na ’to. Visitor logs. Security footage. Call histories. Huwag mo nang gawing drama ang lahat, dahil sa sandaling ituloy namin ang pormal na beripikasyon, lalabas at lalabas ang katotohanan.”Tiningnan siya ni Mia nang matalim. “Are you threatening me?”Nagkibit-balikat si Gavin. “No. I’m simply giving you a formal warning.”Mabilis ding nagsalita si Victor, pormal at maikli: “Stop contacting Ysabelle.”Bahagyang nag-twitch ang mukha ni Mia.Isang munting







