"Ayaw ko na! Busog na busog na ako ih," angal ko kay Rexier dahil pinipilit niya pa rin na ipasubo sa'kin ang pagkain.
Busog na ako, full na full na ang tyan ko. Sa dinami-dami ba naman na pinakain niya sa'kin, parang puputok na ang tiyan ko sa kabusugan. "No, kailangan mong kumain ng madami, paano na lang kung gutom pa pala si baby? Paano kung gusto niya pa palang kumain? Kawawa naman siya," seryoso niyang sabi saka tinaliman ako ng tingin. "Ang oa mo naman! Fetus pa lang 'to, Rexier. Ayaw ko ng kumain, busog na ako. Kung gusto mo, ikaw na lang kumain diyan, bigay mo na sa'kin ang vitamins ko, manonood pa'ko ng k-drama mamaya," inis na utos ko sa kanya. Wala na talaga akong pake kahit na boss ko pa siya, naiinis ako sa tuwing nakikita ko ang pagmumukha niya minsan, minsan naman ay gusto ko na lang siya yakapin at sakalin. "Ok, fine!" Malakas siyang napabuntong-hininga na parang sumusuko na saka inilapag ang tray sa mesa. Kinuha niya ang vitamins na iniwan ng nurse saka binigay ito sa'kin kasama na ang isang basong tubig. "Here, take this. Dahan-dahan lang sa pag-inom!" Singhal niya sa'kin. Hindi ko na napigilan na sapakin ang mukha niya, tumabingi tuloy ang ulo niya dahil sa sapak ko. Naiinis na kasi talaga ako sa pagiging oa niya, kahit sa pag-inom ko ng tubig ay ikakagalit niya pa kung hindi ako mag-iingat. Naiintindihan ko naman kung bakit over reacting siya, dahil na rin siguro sa nag-aalala siya sa anak namin pero super naman ata sa over reacting ang pinapakita niya. "What the fu-" Sinapak ko siya ulit pero mahina lang. "Huwag kang magmumura!" Banta ko sa kanya. Pinanlakihan ko siya ng mata saka dinuro. Para naman siyang tuta na tumango saka tinikom ang bibig. Napangisi na lang ako sa naging kilos niya. "Ganyan nga, porket na boss kita sisinghalan mo na ako! Tandaan mo, ako ang nagdadala sa sinapupunan ko ang magiging anak mo para makuha mo ang mana mo," banta ko nanaman sa kanya. "Yeah, yeah. I know. Manood ka muna, maliligo lang ako sandali, mag-iingat ka! Huwag kang aalis ng kama nang walang umaalalay sayo! Mahirap na at baka madulas ka nanaman!" Umirap nanaman ako sa hangin, ayan nanaman siya sa pagiging oa niya. Tumango-tango lang ako saka tinaboy siya. Kinuha niya ang towel sa may closet saka pumasok sa cr. Ini-on ko naman ang tv saka nanood ng k-drama hanggang sa maya-maya lang ay nakaramdam na ako ng gutom. Napapaisip ako na ang sarap kumain ng chichirya saka isawsaw sa bagoong. Timing naman at lumabas na sa cr si Rexier, basa ang buhok at tanging towel lang sa ibaba na nakapalupot sa bewang niya ang tanging saplot niya. Mukhang nag-iba na ata ang cravings ko ngayon. Napalunok ako sa sarili kong laway, pinagmasdan ko ang tiyan niya na may 8 abs, nakaka-hot din tignan dahil basa dahil sa tubig na tumutulo sa buhok niya. "Naglalaway ka, punasan mo," natatawa niyang sabi bago pumasok sa walk in closet niya saka nagbihis. Naglalaway? Kinapa ko ang bibig ko, wala namang tumulong laway. Sinungaling! Ilang minuto lang ay lumabas na siya na ngayon ay nakabihis na. Ewan ko ba sa sarili ko pero nakaramdam ako ng dismaya at lungkot ng makita ko siyang nakadamit na. Ang landi ko lang talaga siguro kaya ganoon. "Rexier," tawag ko sa kanya saka pinatay ang tv. "Yes?" Lumapit siya sa'kin saka umupo sa gilid ng kama. "Bilhan mo 'ko chips saka bagoong," hindi sweet ang boses ko at hindi tunog nagmamakaawa at pa cute. Tunog boss na nag-uutos ang tono ko. "Wow lady, may I remind you, asawa kita sa papel at may kasunduan lang tayo. You have no right din to order me around, I'm still your boss." "Kung ayaw mong bumili edi 'wag, dami mo pang sinasabi...SIR," diniin ko talaga ang katagang Sir. Napahilamos siya sa mukha niya, mukhang problemado. Napabuntong-hininga siya pagkatapos. "Ok fine eto na bibili na!" "Wag na! Napipilitan ka lang ih!" Singhal ko sa kanya. Sa ikalawang beses ay bumuntong-hininga siya ulit. Nginitian niya ako pero mukhang peke rin naman. "Eto na po bibili na mahal na prinsesa," mahinhin niyang sabi. Hindi ako umiik, inirapan ko lang siya. Para naman siyang batang nagdadabog na naglakad paalis sa kwarto. "The fuck! Sino ba talaga ang boss sa'min? Ako or that fucking lady?! Saka bakit sunod-sunuran ako? Grrrr! Fuck this life!" Huling rinig ko sa kanya bago tuluyan siyang makaalis sa silid. Ini-on ko ulit ang tv saka pinagpatuloy ang pinapanood ko. Ilang minuto pa ang hinintay ko bago makauwi si Rexier na may bitbit na pinabili ko. "Happy?" Sarkastiko niyang sabi nang mailahad niya sa'kin ang paper bag. Malawak akong napangiti, sa sobrang lawak ay parang nasa langit na ang ngiti ko. Yes! Kanina pa talaga ako nagugutom! Tumawag siya ng katulong saka sinabi rito na ihanda ang bagoong at chips ko. Chips! Nang mahanda ay nilamon ko agad 'yun. Si Rexier naman ay parang nasusuka sa harapan ko. "Talagang may sikmura ka para kainin yan? Hindi ba 'yan weird ang lasa?" Diring-diri niyang sabi habang nakangiwi. Masayng tumango ko. "Ang sarap kaya, try mo." Naglahad ako sa kanya ng chips na may bagoong pero mas mabilis pa sa alas kwatro na umiling siya. "No thanks, I'm full." Nagkibit-balikat lang ako saka pinagpatuloy ulit ang kinakain ko. "Ngapala, Rexier. Pagkatapos ba ng 2years ay magdi-divorce na tayo hindi ba? Paano ang anak ko? Sino ang mag-aalalaga sa kanya?" Tanong ko. "Hindi ba't ilalayo mo na siya sa'kin?" Natigilan siya sandali bago sumagot. "I'll be marrying someone, someone who's not a maid." "Oh," tanging nasabi ko. Ang kaninang ngiti ko ay biglang nabura sa sinabi niya. Tama nga naman, mas mabuting hindi maid ang asawa niya. Hindi niya na kailangan itago sa iba na kasal siya, sa lagay kasi naman ay pilit niyang walang makakaalam na kasal kami maliban sa pamilya at kaibigan niya, ayaw niya atang mapahiya. Na masabihang, ang asawa niya ay isang maid lamang.Hinawakan niya ang batok ko at mas inilapit ang mukha ko sa kanya. Nagpapalitan kami ng laway, bawat kagat niya sa labi ko ay nagbibigay sa akin ng kakaibang init - kakaibang damdamin na matagal ko ng inaasam na maramdaman muli.Dala na rin ng emosyon, hindi ko na malayan na nasa kandungan na pala niya ako. Doon lamang ako natauhan ng maramdaman ko ang kamay niya na pumasok sa loob ng aking damit at sinapo ang ang mayayamang hinaharap. Napadilat ako, tinignan ko ang kama. Mahimbing pa rin na natutulog sila Alex at Zulan."H-huwag d-dito," nahihirapang saad ko. Dalang-dala ako sa sarap na nararamdaman ko sa pahimas niya sa aking malambot na hinaharap. Natigilan siya sa paghimas sa akin nang marinig ang sinabi ko. Kumunot ang noo niya, animo'y nagtataka kung bakit bawal dito. Humihingal na napasandal ako sa kanyang leeg at bumulong doon. "May bata akong kasama at si Zulan, nasa kama." Bulong ko sa kanya, bumaling naman ang kanyang tingin doon at nakita ang dalawang lalaking mahimbi
Naglalakad ako pauwi nang biglang may humablot sa braso ko, magpa-panic na sana ako pero umatras ang panic ko nang makilala kung sino ang humablot sa akin. “Zulan…” Payak na saad ko.Karga-karga niya si Alex sa kanyang bisig, nakayakap naman si Alex sa kanyang leeg- hindi yakap, kundi sakal. Ang taba-taba kasi nang bata, mukhang buong buhay niya puro kain lang ang ginagawa. Gusto ko rin sana na maging ganito ka taba sila Pyreia at Pyxier kaso nga lang mga pihikan sa pagkain ang kambal na ‘yun, manang-mana sa kanilang ama. “Bakit kayo na rito sa labas? Hindi ba’t ang utos ko sayo ay bantayan mo si Alex,” naiinis na turan ko sa kanya. Tinignan ko siya mula ulo hanggang paa. “Bakit mo kinakarga si Alex!! Ang tahi mo!” Nafu-frustrate kong singhal sa kanya.Mukhang maaga ata akong tatanda ngayon nang dahil lang kay Zulan. Ang tanda-tanda niya na pero kailangan pang pagsabihan, nagmumukha tuloy akong nanay niya.Nanlaki ang mga mata niya animo’y ngayon lang na-realize ang lahat. Agad niya
No choose ako ngayon kundi sa sofa matulog, maliit lang kasi ang kama, kasya lang para sa pandalawahang tao. Naghugas muna ako ng plato bago dumako sa sofa at doon na higa. Dahil na rin sa kaantukan at pagod ay agad akong nakatulog.Nagising na lamang ako nang makarinig ng mga lagabo. Nang idilat ko ang aking mga mata, bumungad sa akin ang nag-aaway na sina, Zulan at Alex.“Huwag kang lapit ng lapit sa akin! Nagluluto ‘yung tao ih.” Naiinis na turan ni Zulan sa batang nakayakap sa kanyang mga paa. “B-but y-your my father,” nauutal na saad ni Alex habang parang pusang nakayapos sa lalaki.“Hindi ako ang tatay mo, kamukha lang niya ako,” nagagalit niyang saad. Pilit niyang tinataboy ang batang lalaki na parang lintang nakayakap sa kanyang paa.Umiling-iling ang bata. “N-no-“ “T*ngina naman oh, wala nga akong babaeng tinira buong buhay ko kaya paano ako magkakaanak?” Hindi ko alam kung sarili niya ba ang kinakausap niya o ang batang nakayapos dito.Namumungay at tamlay ang awrang tuma
Tinigil ko muna ang niluluto ko at malungkot na nilapitan ang batang umiiyak na ngayon. Umupo ako sa tabi niya at niyakap siya. Nang mayakap siya, agad na lumakas ang kanyang hagulgol sa aking mga bisig. Isinubsob ko ang mukha niya sa dibdib ko, at roon siya umiyak, binuhos niya ang lahat ng kanyang mga hinanakit at lungkot doon. Kawawang bata. Kung sino man ang ama niya, siguradong makakatikim talaga sa akin ng sampal. Nagbuntis-buntis ng babae tapos hindi naman kayang alagaan at mahalin ng maayos ang anak niya. Hinimash-himas ko ang ulo niya at ang kanyang likuran para kumalma siya.Iyak lamang siya ng iyak sa bisig ko, at hinayaan ko naman ito. Hindi niya deserved ang makaramdam ng ganito sa murang edad. Tansya ko ay nasa limang taon pa lamang si Alex. Kaedaran lang nila Pyxier at Pyreia. Speaking of Pyxier, gising na kaya siya? Kumusta na kaya sila ng kanyang kakambal? Sinabi ba ni Rexier na iniwan ko sila?Kahit kalian hindi ko pinadama kila Pyreia at Pyxier na walang na
Nagsuot ako ng jacket at cap, baka kasi mangyari nanaman ang nangyari nung nasa gas station kami. Baka ay may makakakilala sa akin at kaladkarin ako, hindi magdadalawang isip ang mga taong hablutin ako, mga bulag sa pera na ibibigay ni Rexier. Ilang oras lang ako nawala, may pa tv at balita na siyang ginawa na para bang nakidnap nanaman ako. Bakit niya baa ko hinahanap? Dapat maging masaya na lamang siya dahil wala na ako sa tabi niya, puwede niya nang landiin ang asawa niya nang hindi ako inaalala. Pero habang iniisip ko na nagkabalikan si Xyle at Rexier, na nagiging masayang pamilya sila kasama ang kambal ko, parang may kutsilyong tumagos sa aking puso. Ang sakit isipin.Una kaming pumunta ni Alex sa groceries. Kailangan may stock kami ng pagkain sa bahay, kailangan ko rin ng gatas at diaper para kay baby Alex. Sa kung sino man ang ama niya, napakatanga niya dahil hindi niya man lang inilista kung ano ang mga brand na ginagamit na hiyang sa bata at mas lalong hindi niya inilista
Dahil sa layo ng beyahe, nakatulog sa bisig ko ang batang si Alex. At dahil nakatulog naman na ako kanina, hindi na ako nakaramdam ng antok, nanatili lamang ang paningin ko sa labas ng bintana, pinagmamasdan ang mga gusali at punong aming nadadaanan.Napapangiti na lamang ako sa tuwing naririnig ko ang mumunting hilik ng bata sa aking bisig, ang ulo niya ang nakasandal sa dibdib ko habang nakayakap siya sa tiyan ko. Nakaramdam tuloy ako ng pangungulila, lalong-lalo na sa anak kong sila Pyxier at Pyreia, sa tuwing tinitignan ko si Alex, naaalala ko ang munti kong mga anak. Siguro ay ibinigay talaga sa akin nga Diyos si Alex dahil alam niya kung gaano ako mangungulila habang malayo ako sa mga anak ko. Ibinigay niya sa akin si Alex para kahit papaano ay maibsan ang lungkot at pangungulila ko. Tinapik-tapik ko ang likod niya, hinihili para mas lalo itong lamunin ng antok. Huminto ang bus sa isang gas station. May mga pumasok naman na naglalako ng mani at ibat-ibang mga pagkain. Bumili