Share

Kabanata 7

Author: Janijestories
last update Last Updated: 2025-06-21 12:45:38

Wala akong imik. Kanina lang ay masiyahin ako saka puno ng sigla pero ngayon parang nawala ang buong enerhiya ko dahil sa sinabi ni Rexier.

Hindi ko naman kasalanan na ipinanganak ako mahirap at isang hamak na maid lang 'di ba? Ni hindi nga ako nakapagtapos ng pag-aaral, hangang high school lang ang natapos ko.

Pinagpatuloy ko ang panonood ko at binalewala ko lang sa tabi ko si Rexier na busy sa kanyang cellphone.

"Yeah, I'll be taking a leave, mom. I need to take care of my wife especially our baby inside her womb- yes mother."

Hindi ako maka-concentrate sa pinapanood ko sa tv, ang mga mata ko ay nasa screen pero ang buong diwa ko-lalo na ang tenga ko at nakikinig sa usapan ni Rexier at sa mama niya sa cellphone.

"Bakit ba kasi inasawa mo pa 'yang babaeng 'yan. Hindi man lang kayang mag-ingat para sa anak niyo, buti pa si Xyle, hindi sakit sa ulo at napaka magalang na bata. Hindi tulad ng asawa mo ngayon-"

Hindi ko na narinig ang sinabi pa ng mama ni Rexier dahil lumabas siya sa silid. Mukhang nakalimutan niya ata na naka-full volume ang cellphone niya.

Kumunot ang noo ko. Sino si Xyle? Mukhang mas gusto pa ata siya ng mama ni Rexier kaysa sa akin.

Bumaling ang tingin ko sa pinto kung saan umalis si Rexier. Kinuha ko ang cellphone ko sa tabi ko saka tinignan doon ang oras, nasa 3 o'clock na ng hapon. Gusto kong lumabas at magpahangin.

Umalis ako sa kama saka binitbit and dextrose. Walang katao-tao sa sala ng lumabas ako. Nagbikit-balikat lang ako saka pumunta sa may garden.

Naupo ako roon saka napamuni-muni sa paligid.

"Hi miss," bumaling ang tingin ko sa lalaki na tumawag sa'kin.

Ang bestfriend ni Sir Rexier.

Naglalakad siya papunta sa kinaroroon ko, nang makarating ay umupo siya sa tabi ko, medyo malayo lang sa'kin. Nakasuot siya ng black suit, mukhang naparito para sa isang business.

"Kumusta na ang buhay asawa ni Rexier?" Nakangiti niyang sabi.

Kung si sir Rexier ay parating nakabasungot ang mukha, kaibahan naman kay sir Lue, lagi siyang nakangiti at masayahang tao ang atake niya.

Binalikan ko siya ng pekeng ngiti. "Ok lang naman, masaya," napangiwi ako sa sinabi ko.

Masaya nga ba talaga? Parang mix emotion ih. Minsan mabait si Rexier, minsan naman hindi, ewan ko ba sa kanya. Mas malala pa ata siya sa red flag.

Humalakhak siya. "Hindi halata sa expression mo, miss."

"Huwag mo na akong tawaging, miss. Maid lang naman ako noh," pilit na tawa ang binigay ko sa kanya.

Alam naman ni Sir Lue na maid ako saka pinakasalan lang ng kaibigan niya para sa mana.

"Oh don't be like that, Ms. Pytricia. Hindi naman basihan ang trabaho at istado ng buhay ang pagtawag ng miss. Puwede nga bossing ang itawag ko sayo," biro niya.

Napailing na lamang ako saka napangiti na-hindi na peke na ngiti. Nakakatuwa naman palang kasama itong si Sir Lue, nakakagaan sa pakiramdam ang mga jokes niya. Si Rexier kaya? Kailan ko siya maririnig na mag-joke? Napakaseryoso niyang tao ih.

"Ang hirap maging mahirap eno? Sempre hindi mo 'yun dama. Hindi ka naman mahirap," mapait kong sabi kanya.

Umasim naman ang mukha niya, mukhang na offend sa sinabi ko.

"Yes, I'm rich pero hindi ibig sabihin nun ay hindi ko na dama ang pinagdadaan ng mga mahihirap, na-try ko na rin ang manirahan at mamuhay bilang mahirap, my mom train me."

Train? Anong ibig sabihin niya.

"My mom shoo me away. Pinatira niya ako sa isang squatter area, hindi niya ako binibigyan ng pera, and so on so far ayan lang ang puwede kong ma ikwento sayo dahil it's my privacy. By the way nabalitaan ko na muntikan na raw malaglag ang anak niyo," dugtong niya saka inalis ang isang butones sa suit niya.

"Yep, ang sama kong ina, hindi ba? Hindi man lang ako nag-iingat para sa anak ko," napatingin ako sa tiyan ko saka hinimas ito.

"Hindi naman, sadyang nagkataon lang siguro na nadulas ka. Hindi naman natin hawak ang mga mangyayari sa atin, wala tayong alam kung ano man ang haharapin natin."

Akmang ibubuka ko ang bibig ko para sumagot kay Sir Lue nang biglang lumitaw si Rexier sa harapan namin na umaapoy sa galit ang pagmumukha. Matalim ang tingin sa'kin-sa amin ni Sir Lue, nakakunot ang noo at magkadugtong ang makapal niyang kilay. Para siyang papatay ng tao, nakakuyom din ang kamao niya.

"Oh Hi there my friend," maligayang bati sa kanya ni Sir Lue pero hindi siya pinansin ni Rexier.

Napalunok ako sa sarili kong laway ng titigan ako ni Rexier gamit ang nag-aalab niyang tingin. Ako lang, sa'kin lang ang tingin niya na para bang kami lang dalawa ang narito.

"Bakit ka umalis ng silid mo na ikaw lang?! Sinabihan na kita hindi ba na huwag aalis hangga't wala kang kasama! Sana tinawagan mo na lang ang nurse mo para samahan ka!" Sigaw niya na nagpaatras sa'kin.

Mukhang nakaramdam naman ng tensyon si Sir Lue sa pagitan namin. "Bro calm down, huwag mong sigawan ang asawa mo. Maayos naman siya kaya wala na dapat ipag-aalala."

Hindi siya pinansin ni Rexier.

"Ang tigas ng ulo mo! Hindi ka talaga nakikinig sa'kin!" Dugtong niya.

Wala akong magawa kundi ang yumuko. Ang lakas kasi ng sigaw niya, halatang galit na galit siya sa ginawa ko.

"G-gusto ko lang naman magpahangin," nanginginig ang boses na sabi ko.

Bigla akong nakaramdam ng kaba sa kanya, na parang takot na ako sa kanya. Hindi ko rin napigilan ang luha ko, tumulo ito.

Akmang lalapitan at hahawakan ako ni Sir Lue pero tinaboy siya ni Rexier.

"Don't you dare touch her, Lue," malamig na sabi ni Rexier sa kanya.

"But she's crying! Ano ba Xier! Bakit mo naman siya sinisigawan, alam mo naman siguro na buntis siya at hindi tama sa buntis ang sigaw-sigawan dahil mababa ang emosyonal rate nila!" Singhal ni Sir Lue kay Rexier.

Ang kaninang galit na mukha ni Rexier ay biglang lumambot. Mukhang na realize niya ang ginawa niya.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • The Maid Who Married The Boss   Kabanata 64

    Nakatulog kaagad si Sir matapos ko siyang pakainin. Sinapo ko ulit ang kanyang noo, medyo bumaba na ang kanyang temperature. Tulad ng sabi niya, hindi ko siya iniwan. Habang natutulog siya ay binabantayan ko siya, iniiwas ko ang tingin ko sa picture frame na nasa mesa kung saan nakadikit doon ang picture nang kasal nila ni Xyle. Pareho silang nakangiti roon, halatang masayang-masaya silang dalawa na ikinasal. May parti pa rin sa akin na nasasaktan pero iniisip ko na lamang na, hindi talaga kami para sa isa't-isa ni Rexier, siguro ay mamahalin ko na lang siya ng tahimik. Pipilitin ko ang sarili kong kamuhian siya. Nang sa ganoon ay makaya kong iwasan siya. Galit ako 'di ba? Dapat ay galit ako sa kanya. Pinaikot niya lang ako, kahit pa sabihin pa nating kasal lang kami dahil sa kasunduan, hindi pa rin mapagkakaila na nagloko siya. Nakipagtalik siya habang kasal pa kami, meaning nun ay kumabit siya. Habang nagbabantay sa kanya, hindi ko namalayan na unti-unti na palang pumipikit a

  • The Maid Who Married The Boss   Kabanata 63

    Matapos ang pag-uusap namin nang anak ko ay siyang pagkaluto naman ng sopas ko. Pinatay ko ang tawag saka inihain ang mainit na sopas sa bowl saka inilagay ito sa may tray. Akmang hahakbang na ako ng may naramdaman akong bulto sa akin likuran, sa amoy at tindig pa lang nito ay alam ko na kung sino ito. "So, may anak ka na pala," bulong niya sa tenga ko. Halos matapon ko ang bitbit kong tray dahil sa sinabi niya, narinig niya ang pag-uusap namin ng anak ko? Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko, nagiging istatwa lang ako. Walang kagalaw-galaw, ramdam ko ang lakas ng tibok ng puso ko. Eto na ba? Malalaman niya na ba? "May asawa ka na pala," muli niyang saad, hindi tunog gulat ang kanyang pagkasabi bagkus ay malamig ito. Kasing lamig nang yelo. Dahil sa kaba ay napatango ako, huli ko na naisip ang naging galaw ko. Mariin akong napapikit, kailangan ka pa nagkaasawa Py??! Ih sa kanya ka lang naman ikinasal at wala ng iba pa. Buong tapang akong lumungin sa likuran ko kung

  • The Maid Who Married The Boss   Kabanata 62

    Nawalan ng ala-ala si Rexier? Kaya ba hindi niya ako nakikilala. Bumaling ang tingin ko sa lalaking mahimbing na natutulog sa kama. Kasal na siyang tao. May anak na siya, may pamilya na. Pero bakit ganoon? Imbis na kamuhian ko siya, tumitibok ang marupok kong puso. Hindi 'to puwede, hindi 'to maaari. Hindi puwede 'tong nararamdaman ko, kung ano man ito, dapat kong pigilan habang maaga pa. Umalis ako sa silid at hinayaan ang natutulog na Rexier sa loob. Bumalik ako sa sarili kong silid saka sumalampak sa kama. Doon ay biglang bumuhos ang kaninang pinipigilan kong luha, iyak ako ng iyak. Sinubsob ko ang mukha ko sa unan, iyak hanggang sa naging hagulgol ang ginawa ko. Gusto kong suntukin siya, gusto ko siyang saksakin pero hindi ko magawa, ano ba 'tong nangyayari sa'kin? Bakit ako nagiging marupok? Sinaktan ka niya ako hindi ba? Pero bakit imbis na magalit ako sa kanya, hindi ko magawa. Iyak ako ng iyak hanggang sa makatulog ako. Hindi ko namalayan na nakaidlip na p

  • The Maid Who Married The Boss   Kabanata 61

    Makalipas ang dalawang araw, hindi ko nakikita si sir o nararamdaman na lumabas siya sa kanyang silid. Nag-aalala na tuloy ako kung ano na ang nangyari sa kanya. Gusto kong pumasok sa silid niya kaso baka pagalitan niya ako at isisante kapag bigla-bigla na lang akong pumasok sa loob, ayaw ko naman na mangyari 'yun. Sumapit ang hapon, tinignan ko muli ang pinto ng silid ni sir. Naroon pa rin ang tray na may lamang pagkain sa sahig. Hindi niya ba narinig ang katok ko? Naglakad ako patungo sa pinto ng silid ni sir. Kumatok ako ulit ng tatlong beses. "Sir? Bakit hindi niyo po kinain ang hinanda ko? Ayaw niyo po ba?" Sigaw ko pero wala akong natanggap na sagot mula sa loob. Namuo na ang kaba sa dibdib ko. May masama kong kutob, ilang beses akong kumatok at tinawag si sir mula sa labas pero kahit na ano ang gawin ko, wala pa ring sagot na natatanggap ko. Pinihit ko ang pinto, hindi ito naka-lock. Kahit na nagdadalawang isip ay pumasok pa rin ako sa loob, binuksan ko ang pinto at pumas

  • The Maid Who Married The Boss   Kabanata 60

    Maaga akong nagising para magluto at maglinis. Pagkatapos kong magluto ng itlog at hotdog ay inilagay ko ang tray sa harap ng pinto ng amo ko saka kumatok ng tatlong beses bago tumalikod at umalis. Nagtungo ako sa sala para maglinis, tulad ng sabi niya, hindi ko nilinis ang buong bahay, ang nilinisan ko lang ay ang kusina at sala. Bandang alas 10 ng umaga ng matapos ako sa lahat ng mga gawain ko. Naligo ako saka sumalampak sa kama, tinawagan ko mga anak ko at kinamusta ito, maayos lang naman sila, hindi sila sakit sa ulo kay nanay at higit sa lahat hindi pasaway. Nakaramdam ako ng pagod at antok pagkatapos ng tawag. Dahil basa pa ang buhok ko ay tumayo ako saka bumaba upang libangin ang sarili para hindi makatulog. Pababa na ako ng hagdan nang bigla kong marinig ang pinto mula sa silid ng amo ko. Nilingon ko ang likuran ko, nagbabakasakali na ito na ang time na makikita ko na ang mukha ng amo ko pero ganoon na lang ang pagkadismaya ko nang wala akong matagpuan na bulto sa aking l

  • The Maid Who Married The Boss   Kabanata 59

    Umalis ako tulad ng sabi niya, mahirap na at baka alisin niya ako sa trabaho kapag hindi ko siya sinunod. Medyo may kalakihan din kasi ang sweldo ko rito, nakasaad sa papel na binigay sa akin ng babae. Nagtaka ako noong una kung bakit sobrang laki, ayun naman pala mag-isa lang ako sa napaka laking mansyon. Hindi naman puwede na maalis ako sa trabaho, may mga anak pa akong pinapakain at binubuhay. Hindi ako bumalik sa silid ko, bagkus ay nagtungo ako ulit sa kusina para kumain, nag-iwan ako ng sarili kong ulam at kanin. Kumain ako mag-isa, nakaramdam ako ng kaunting lungkot. Ang laki-laki kasi ng mesa tapos ako lang mag-isa na kumakain, at the same time rin natatakot ako ako dahil wala akong ibang marinig na mga ingay maliban sa huni ng mga insekto sa gabi. Nagpa-music na lamang ako upang maibsan ang takot na nararamdaman ko. Kumakain ako nang biglang dumilim ang paligid. Nag-brown out. Ang kaninang takot na nararamdaman ko ay biglang dumoble, takot ako sa dilim, d

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status