Share

The Man I was Never Meant to Love
The Man I was Never Meant to Love
Auteur: mnwrites

Kabanata 1

Auteur: mnwrites
last update Dernière mise à jour: 2025-11-28 17:56:44

KIARA

Habang nakatingala sa kalangitan, doon ko napansin ang malalayang bituwin na nagniningning kasama ng buwan na nagbibigay liwanag sa gabing madilim. Kung iisipin, napakalaya nila, napakalaya silang makita ng lahat ng tao. Napakalaya silang gawin ang mga bagay na gusto nila–malayo sa kakayanan kong gawin ang bagay na gusto ko. 

Minsan naiingit na lang ako sa kalayaan na natatanggap nila, dahil may kalayaan din kaya ako? May kakayahan din ba akong gawin ang gusto kong gawin? Dahil sa pagkakataon na ito, para akong nakatali sa isang tanikala na ang tanging magagawa lamang ay ang sumunod sa utos na sasabihin nila sa akin. 

“Magpapakasal? Kanino naman po?” tanong ko sa kanila. 

“Sa anak nila Helena at Victor Alcantara na si Zoren.” Napapikit na lang ako nang marinig ang sinabi nilang iyon. Doon pa lang alam ko ng talo ako. Doon pa lang ay wala na akong kalayaan. 

“Mom, dad hindi ba sinabi ninyo ako na ang bahala sa buhay ko?” tanong ko sa kanila. 

“And we did,” sagot ni mom. “Ikaw ang namili ng gusto mong kurso, ikaw ang namili ng gusto mo maging. Hinayaan ka namin, pinalaya ka namin. Ngayon na ikaw naman ang magbabalik sa kagustuhan namin.”

“Hinayaan ka namin na gawin ang gusto mo kapalit ng magiging kagustuhan namin,” sambit ni dad. Para akong pinagbagsakan ng langit at lupa dahil sa narinig ko. Doon pa lang ay alam kong wala na. Wala na akong kalayaan pa na gustong makamtam. 

Pinalaya nila ako, pero muling tinali sa tanikala upang muling sundin ang utos nila at sa kagustuhan pa nilang ang hirap gawin. 

“Mom, dad hindi biro ang kasal. Hindi namin mahal ang isa’t isa kaya bakit kami magpapakasal?” tanong ko sa kanila. 

Napahawak na lang si Mom sa kaniyang ulo. “Kiara naiintindihan mo ba? Para ito sa iyo, mayaman ang pamilya ng Alcantara, matutulungan nila tayo sa business natin. Kaya bakit ba ang daming mong sinasabi. Pagmamahal? Sa panahon ngayon hindi ka mapapayaman ng pagmamahal.” Napatigil ako dahil sa sinabi niya.

Iyon ba talaga ang alam ni mom? Na hindi ka mapapayaman ng pagmamahal? Na hindi ka kayang buhayin ng pagmamahal? 

Dahil ba galing din sila mom sa isang arrange marriage kaya naiisip nila ang mga bagay na ito? 

“Tandaan mo, kami ang nagpaaral, nagpakain, at bumuhay sa ‘yo.” seryosong sabi ni dad. Doon pa lang talo na ako… sinumbat nila sa akin ang buhay na ni minsan ay hindi ko naman hiningi. Gusto na nilang kunin ang utang na loob na ni minsan ay hindi ko naman kinuha. 

Sabi-sabi ng iba na swerte ako sa pamilya ko, na swerte ako sa buhay ko. Pero ang totoo…hindi. Dahil ni minsan ay hindi ko naramdaman na swerte ako. Kung kaya ko lang humindi sa bagay na hinihingi nila ay ginawa ko na. Pero alam kong puno ng panghuhusga at panunumbat ang matatanggap ko. 

Kaya sa araw na nakilala ko na ang mapapangasawa ko ay wala na akong nagawa kung hindi ang sumunod sa gusto nilang mangyari. 

“Hindi ninyo sinama ang isa ninyong anak?” tanong ni dad sa kanila. 

“Huwag mo ng hanapin Santi, pinilit na namin na sumama para sa kapatid niya pero mas pinili ang kaibigan at pangbababae.” reklamo ni tita Helena. 

Naiisip ko lang na buti pa yung isang anak nila ay may kakayahan na makalaya sa kagustuhan nila. Kailan ko kaya magagawa yung gano’ng bagay?

“By the way I bought a penthouse for Zoren and Kiara, pwede na nilang lipatan. I think it’s good idea para magkakilala sila ng lubos.” napatigil ako sa pagkain at napatingin sa kanila. Hindi ko alam na kailangan ng umabot sa ganito. 

“Titira po kami sa iisang bahay?” tanong ko. 

“Kiara.” malalim lang na sabi ni dad dahilan para mapalunok ako. 

“Hindi ba parang mabilis ang pangyayari? You let us na magkasama sa iisang bahay? Hindi pa kaming dalawa. Hindi rin namin kilala ang isa’t isa.” pagsasalita ni Zoren. 

“That’s the point son, kaya kayo titira sa iisang bahay ay para malaman ninyo na ang gusto ninyo sa isa’t isa. Iyon ang time na kikilalanin ninyo ang isa’t isa. Kagaya ng gusto mong mangyari,” wika ni tita Helena sa kaniya. 

“But I want to do it to someone I—”

“Love?” tanong ni tita Helena. 

“You can learn how to love.” 

They are the same, talaga bang matutunan ang magmahal? O kailangan mo lang pilitin ang sarili mo na mahalin ang isang tao dahil iyon ang convenient?

“You don’t get it mom, iba ang tunay na pagmamahal sa tinuro lang na pagmamahal. There’s no happiness with the love that is forced and not true,” mahinahon na sabi ni Zoren. Doon ay napatigil ang lahat dahil sa sinabi niyang iyon. 

Parang may bumabang anghel na siyang dahilan ng katahimikan. “That’s final son,” sambit lang ni tito Victor. “Maybe maayos naman ang naging pag-uusap natin. It’s time to leave marami pa akong aasikasuhin,” wika niya. Tahimik siyang tumayo sa kinauupuan niya at sinundan naman siya ni Tita Helena. 

“Zoren, ikaw na ang maghatid kay Kiara, pupunta muna kami ng office, salamat,” wika ni dad at iniwan kaming dalawa ni Zoren na nakaupo at tahimik lang. 

Matagal din kaming nagpapakiramdaman lang at inaalam kung ano ang susunod na gagawin. “Pwede naman akong mag-grab na lang,” pagbasag ko ng katahimikan. 

“No, baka mapano ka pa.” tumingin siya sa akin at hilaw na ngumiti. “Ako na ang maghahatid sa ‘yo.” 

Buong biyahe namin ay tahimik lang kami. Walang imikan, walang pansinan. Nakatingin lang ako sa labas ng sasakyan niya at iniisip kung ano ang mangyayari matapos nito. 

Pagdating sa bahay namin, tahimik lang akong bumaba sa sasakyan niya. “Thank you,” iyon lang ang sinabi ko at pumasok na sa loob. 

“Wait,” napatigil ako dahil sa pagtawag niya sa akin. “Here look, I’m sorry about what happened earlier. Hindi ko alam na ganon, but hopefully magawan natin ng paraan, kasi I know we’re on the same boat. Ayaw ko rin sa kasalan na ito,” wika niya sa akin. 

Napangiti na lang ako sabay napatango-tango. 

“I’m going to visit the penthouse na sinasabi ni dad. Aayusin ko na yung gamit ko doon and probably better na madala mo na rin yung iyo doon. See you again,” tipid niyang sabi sabay pumasok sa sasakyan at umalis.

Tinignan ko lang siya na makaalis. Napabitaw na lang ako ng isang malalim na hinga. After what happened all night, talagang hindi ko na mapipigilan ang kagustuhan nila sa kasalan na kahit sino sa aming dalawa ay hindi kayang pigilan. 

Continuez à lire ce livre gratuitement
Scanner le code pour télécharger l'application
Commentaires (2)
goodnovel comment avatar
_08Daveshookt
Ang ganda po ng story ninyo, more power pa po author!!
goodnovel comment avatar
David Joshua
itong mga mayayaman na to hilig mag si ganyan larochiee, more author please...️...️...️
VOIR TOUS LES COMMENTAIRES

Latest chapter

  • The Man I was Never Meant to Love   Kabanata 68

    NOAHHindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko sa mga oras na iyon. Kakaibang galit ang nararamdaman ko… I wanted to fight pero paano ko gagawin? So all this time lahat ng nangyayari sa buhay ko noon lalo na ang plano ni tita Helena na saktan ako ay dahil sa kaniya. Ano ba ang reason niya bakit niya ginagawa ang bagay na ito.“Why are you doing this? Ang daming buhay na ng dinamay mo dahil sa ambisyon mo.” “Bakit ko ginagawa ito?” tanong niya sa akin. “Simple lang, I want power… sino ba ang hindi gusto ng kapangyarihan? Kaya tignan mo, dahil sa kapangyarihan at kayamanan nagawa ni Helena ang mga bagay na hindi niya kayang gawin.” wika niya habang naririnig ko ang nakakainis na tawa niya. “Nagsangay-sangay lang naman ang lahat, Noah. From your stepmom na gusto ang daddy mo. Pero pinakasalan ng dad mo yung mom mo. Dahil sa galit niya she drugged your dad and have a s*x with him, kaya nabuo si Zoren.” napatigil ako dahil sa sinabi niya. “Your dad wanted to keep you alive, kaya ang m

  • The Man I was Never Meant to Love   Kabanata 67

    NOAH“Akala ko ba ayos na?” tanong ko kay Zoren. Napahinga siya nang malalim. Kita sa mukha niya ang pagkadismaya. “Gaano na kalala diyan?” “Ang lala na. Ilang buwan na kayong hinahanap ng mom ni Kiara. I’m trying my best not to give your place pero mukhang natutunugan na nila.” Napahawak ako sa ulo ko habang hawak ko ang phone ko. Napatingin ako kay Kiara na mahimbing na natutulog sa kama. Hindi niya dapat ito marinig. Alam ko na matatakot at malulungkot siya sa oras na malaman niya ang mga bagay na ito. “Ano ang gagawin natin?” tanong ko sa kaniya. “What’s Elyse doing?” “Hindi ko alam, she’s trying to talk to their mom. Pero as if naman na makikinig iyon sa kaniya. Alam mo naman ang mom nila ni Kiara.” Hindi ko na alam kung ano ang mararamdaman ko ngayon. Hindi dapat fail ito, hindi dapat mauuwi sa ganito. “Mag-ingat kayo, jan Noah.” rinig ko na sabi niya. Halata sa kaniya ang pag-aalala. Alam ko na nagwo-worry siya sa sitwayon namin ngayon. Gaano ba kaimportante lahat ng ito

  • The Man I was Never Meant to Love   Kabanata 66

    KIARA“Good Morning,” bati niya sa akin. Napangiti naman ako sa kaniya sabay binigyan siya ng halik sa kaniyang labi.“Good morning.” wika ko pabalik sa kaniya. “Meron ka bang gustong kainin?” tanong niya sa akin. “Iluluto ko.” Napaisip naman ako sa sinabi niya. Parang hindi ko na rin alam kung ano ang kakainin ko dahil parang lahat naman ay binigay niya sa akin. “Mhh, hindi ko rin alam eh. Parang lahat naman ng dish mo natikman ko na.” napangiti naman siya sabay napabangon sa pagkakahiga. “Sige mamalengke muna ako para makabili ako ng mga pwede kong lutuin.” napatigil naman ako ng marinig ko iyon. Hindi ko alam kung bakit pero parang meron akong kakaibang naramdaman sa mga oras na iyon. “Bakit ka pa mamalengke, ang dami naman nating stock ng pagkain d’yan.” “Kasi, parang lahat naman ata natikman mo na. Kaya nga bibili ako ng mga bagong ingredients.” nakangiti niyang sabi. “Huwag na, baka mamaya matagal ka na naman.” Napangiti naman siya sa akin sabay hinawakan ang mukha ako at

  • The Man I was Never Meant to Love   Kabanata 65

    KIARAAkala ko hindi magiging successful ang ginawa naming pag-alis ni Noah. Pero hero na kami ngayon, nasa tapat ng bahay na sinasabi niyang pupuntahan namin. “Ito na yun, Kiara.” Bulong niya sa akin. Hindi ko maitago ang ngiti ko. May saya akong nararamdaman sa mga oras na ito. May takot pero iyon ay ikinubli ko. Andito na kami ni Noah sa buhay na ito. Ngayon pa ba kami matatakot?Nagtiwala ako kay Noah ng buong-buo. Siya ang pinagkatiwalaan ko sa bagay na ito. Alam ko na hindi niya ako ipapahamak. Ilang araw at buwan na lumipas at nakapag-adjust kami sa buhay na ito. Hindi ko inaasahan na mayroong ganitong buhay na talagang sasalubong sa akin… sa amin.Ang tagal na naming magkasama ni Noah. Wala kaming naging issue, walang pagtawag na mula sa pamilya namin. Wala lahat, parang na-isolate kaming dalawa sa lugar na walang nakakakilala sa amin at masaya ako doon. “Saan mo na naman ako dadalhin?” tanong ko sa kaniya. “Alam mo simula nung nandito tayo sa Batanes kung saan-saan mo na

  • The Man I was Never Meant to Love   Kabanata 64

    KIARANapaatras ako dahil sa sinabi niya. Hindi ko alam kung saan niya napulot ang bagay na iyon. Hindi ko alam kung ano ang nasa isip niya at inisip niya ang bagay na iyon. Magtatanan? “Kiara,” tawag niya sa akin. “Hindi ba napakadelikado kung gagawin natin iyon?” tanong ko sa kaniya. “Paano ka, paano yung tayo? For sure magagalit si mom once nalaman niya ang bagay na iyon.” Hinawakan niya ang kamay ko at tinignan ako ng diretso. “Listen to me, Kiara. Talaga bang magpapaalila ka lang sa mom mo? Hahayaan mo siyang masunod sa buhay mo?” tanong niya sa akin. Napalunok naman ako at napaiwas ng tingin sa kaniya.“Hindi niya tayo mahahanap. Kakayanin natin siya. Once na ginawa natin ito hindi ka na niya mapipigilan. Hindi na niya tayo mapipigilan.” May kaba na bumabagabag sa loob ko. Hindi ko alam kung tamang desisyon ito. Mali ito, magiging mali ito dahil parehas namin alam na magagalit silang lahat. “Paano kung mapahamak ka? Tayo?” Hinawakan niya ang kamay ko. Sobrang higpit ng pagka

  • The Man I was Never Meant to Love   Kabanata 63

    KIARA“Alam mo ang cheesy mo,” sambit ko sa kaniya matapos sabihin ang bagay na iyon. Hindi ko rin alam kung saan niya nakukuha iyon pero patagal nang patagal na nakakasama ko siya ay lagi niya akong binibigyan ng banat. “Para magkaroon ko ng energy na lumaban.” Napairap naman ako sa kaniya sabay napailing-iling. “Ewan ko sa ‘yo sige na pumunta ka na roon.”Hindi ko alam kung ano’ng kabaliwan ngayon ni Noah, pero kita ko kung gaano talaga siya ka-seryoso na kunin ang baboy na iyon. Dama ko rin ang kaba sa mga oras na iyon dahil ang co-competitive rin ng ibang kasali sa laro. Napapahawak ako ng mahigpit sa kaniyang tank top habang tahimik na pinagmamasdan siyang nakikipag-agawa ng baboy. “Go sir Noah!” sigaw ng ibang mga babae. Napapatingin na lang ako sa kanila dahil kita ko kung gaano nila kagusto na manalo si Noah. Sino ba naman ang hindi, pero dama ko na hindi ang naman iyon ang dahilan kaya nila chini-cheer si Noah. “Go Noah!” sigaw ko rin. Ayaw kong magpatalo sa kanila, dah

Plus de chapitres
Découvrez et lisez de bons romans gratuitement
Accédez gratuitement à un grand nombre de bons romans sur GoodNovel. Téléchargez les livres que vous aimez et lisez où et quand vous voulez.
Lisez des livres gratuitement sur l'APP
Scanner le code pour lire sur l'application
DMCA.com Protection Status