Share

Kabanata 5

Penulis: mnwrites
last update Terakhir Diperbarui: 2025-11-28 17:59:40

KIARA 

“Alam mo ang laki ng bahay ninyo, pero hindi mo man lang ako magawang makausap,” kulit na sabi niya. Hindi ko alam kung bakit andito pa rin itong lalaking ito? Gusto ba nito makikain din dito?

“Alam mo ang dami mong sinasabi? Bakit ba andito ka pa rin? Kanina mo pa kinukwento na pinadala ka ni Zoren dito kahit na meron kang party na pupuntahan? Bakit hindi ka pa umaalis, iwan mo na ako dito.” wika ko sa kaniya. Napatawa naman siya sa akin na para bang may nakakatawa sa sinabi ko. 

“Easy lang, parang lahat ng galit mo sa mundo ibinuhos mo sa akin?” patawa niyang sabi. “Besides andito na ako bakit hindi pa ako makikikain, sayang ang utos ni Zoren kung wala rin naman akong benefit.” Napairap na lang ako at napailing-iling. 

Tinuloy ko na lang ang niluluto ko dahil ano’ng oras na rin. Pero hindi ko alam kung tama ba ang ginagawa ko, dahil first time ko lang na gawin ang pagkain na ito. Sinusundan ko lang kung ano ang step na pinapanood ko. 

Kumuha ako ng kutsilyo para hiwain ang mga patatas, pero dahil sa dulas nito ay dumiretso ito sa daliri ko dahilan upang mahiwa ako. Napasigaw ako nang mahina, agad namang tumayo si Noah sa kinauupuan niya at lumapit sa akin para tignan ang nasugat kong daliri. “Tsk, marunong ka ba talagang magluto?” bigla niyang pagalit sa akin. 

Hinatak niya ako palapit sa faucet at hinugasan ang sugat ko. Hindi ko alam kung ano’ng ginagawa niya pero napapatitig na lang ako sa kaniya dahil kitang-kita sa mukha niya na concern siya sa nangyayari sa akin. 

Napahinga naman siya nang malalim sabay tumingin sa akin. Agad naman akong napaiwas ng tingin sa kaniya at binawi ang kamay ko. “Sige na ako na lang maglilinis at maglalagay ng band-aid kaya ko naman,” sambit ko sa kaniya. 

Naglakad na ako palayo sa kaniya at kumuha ng band-aid para takpan ang sugat na nalinis ko. Napatingin naman ako sa kusina kung asaan nakatayo si Noah na ngayon ay tinutuloy ang niluluto ko. 

Maybe masyado lang talaga akong judgemental sa kaniya. Mabait naman siya at mukhang maasahan. Siguro control niya lang ang sarili niyang buhay bagay na hindi ko naman kayang gawin sa sarili kong buhay. 

“Nalagyan mo na ba ng band-aid yung kamay mo?” tanong niya sa akin. Agad naman akong bumalik sa ginagawa ko at madali na nilagyan ang nahiwa kong daliri. 

“Yeah kakatapos lang,” sambit ko sa kaniya. Naglakad ako papunta sa kaniya upang tignan ang ginagawa niya. Looking at it talagang maayos niyang nagagawa kung ano ang gusto kong gawin. Hindi na niya need tumingin pa sa video dahil mukhang kabisado niya ang bawat steps. 

“Nagluluto ka?” tanong ko sa kaniya. 

“Nakasanayan lang, nakahiwalay na ako kila dad, kaya kung hindi ko kayang magluto magugutom ako,” wika niya sa akin. Napatango-tango naman ako habang pinagmamasdan siya na magluto.

“Pwede ka na pa lang mag-asawa, bakit babaero ka pa rin?” tanong ko sa kaniya ng diretso. Napatigil naman siya sa ginagawa niya at napatingin ng seryoso sa akin. 

“Why would I do that? Itatali ko ang sarili ko sa buhay na alam kong hindi ako masaya? No way, I’m better off than having someone in my life.” Napatingin naman siya sa akin. “Ikaw papayag ka ba na makulong sa relasyon na alam mong wala kang kasiguraduhan at hindi ka masaya?” tanong niya pabalik sa akin. 

Tama  naman siya, sino nga ba ang gusto na makulong sa relasyon na hindi ka masaya? Pero kaya ko bang gamitin kila dad iyon na rason para hindi na nila ituloy ang kasalan na ito? 

“Well I guess alam ko na rin naman ang sagot. The fact na nandito ka ngayon means na pumapayag ka sa kagustuhan nilang kasalan,” natatawa niyang sabi. Napatingin na lang ako sa kaniya ng seryoso habang siya ay nagpapatuloy sa ginagawa niya. 

“I don’t believe in that, ang hirap no’n kapag alam mong hindi ninyo mahal ang isa’t isa at pinipilit na lang ang sarili mo sa buhay na ginusto ng iba?” napatingin siya sa akin sabay napangiti. “Don’t get me wrong, hindi ko sinasabi yung bagay na ito para i-discourage ka sa bagay na napili ninyong dalawa ng kapatid ko.” 

Napalunok naman ako sabay napasandal sa kitchen counter. “Ganon na rin iyon. You’re indirectly saying na dapat hindi ako magpakasal dahil hindi ako magiging masaya. But I need to follow them, iyon naman ang tama hindi ba?” wika ko sa kaniya. “Like hindi ka rin ba nila pinilit na magpakasal for your own good?” 

Tinignan naman niya ako. “If gagawin nila iyon, bakit? Hindi sila ang magsu-suffer sa buhay ko. Besides I have my own life, I want to experience fun hanggang magsawa ako.” Napangiti naman ako at napatango-tango sa sinabi niya. Meron naman siyang point, kung sanang kaya ko lang din ang ginagawa niya. 

“Luto na yung meduno na pinaghihirapan mo kanina pa,” wika niya sa akin. Lumapit naman ako at doon ko naamoy ang bango ng pagkakaluto niya. Kumuha naman siya ng kutsara sabay inilapit sa bibig ko. “Tikman mo,” utos niya. Hinawakan ko naman ang kutsara na hawak niya upang alalayan ito sabay tinikman ang luto niya. Nanlaki ang mga mata ko at napatingin sa kaniya. 

“Masarap ba?” tanong niya sa akin. 

“Wow, masarap nga.” napangiti naman siya at inihanda na ang ulam. Ako naman ay naghanda na ng kanin para makakain na kaming dalawa. 

Tahimik kaming kumakain ng sabay, nilalasap ang niluto niya. Sa gitna ng pagkain namin ay napatingin ako sa kaniya. “Thank you sa pagsama sa akin,” wika niya sa akin. Napangiti naman siya. 

“Wala iyon, utos ni Zoren alangan namang hindi ko sundin. Besides, kung wala ako dito baka puro sugat nangyari sa darili mo dahil sa patatas,” wika niya. Napailing-iling na lang ako at nagpatuloy sa pagkain. 

“Pero you know what, maalaga ka kahit na ngayon lang kita nakasama ng ganito katagal naramdaman kong maalaga ka. Kaya swerte yung babaeng mapapangasawa mo,” wika ko sa kaniya. Napatawa naman siya sabay napailing-iling. 

“Hindi na mangyayari iyon dahil tinatak ko na sa sarili ko na wala na akong babaeng mamahalin at mamatay na lang akong mag-isa. It’s better than hurting them, hindi ba?” napakunot naman ang noo ko dahil sa sinabi niya. 

“Sa ginagawa mo lang, hindi ba’t parang sinasaktan mo na sila?” 

“Iba iyon, no commitment iyon, pure lust and pleasure lang iyon. What I mean is yung seryoso ayaw ko noon.” Napatawa naman ako dahil sa sinabi niya. 

“Huwag kang magsalita ng tapos kasi paano kung may dumating? Ano’ng gagawin mo?” tanong ko sa kaniya. 

“Kita mo yung malapit ng humaba kong buhok? Puputulin ko iyan tapos kakalimutan ko ang pangbabae ko.” Napataas naman ang kilay ko dahil sa isinumpa niya. 

“Then I guess, I'm looking forward to it.” 

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • The Man I was Never Meant to Love   Kabanata 5

    KIARA “Alam mo ang laki ng bahay ninyo, pero hindi mo man lang ako magawang makausap,” kulit na sabi niya. Hindi ko alam kung bakit andito pa rin itong lalaking ito? Gusto ba nito makikain din dito?“Alam mo ang dami mong sinasabi? Bakit ba andito ka pa rin? Kanina mo pa kinukwento na pinadala ka ni Zoren dito kahit na meron kang party na pupuntahan? Bakit hindi ka pa umaalis, iwan mo na ako dito.” wika ko sa kaniya. Napatawa naman siya sa akin na para bang may nakakatawa sa sinabi ko. “Easy lang, parang lahat ng galit mo sa mundo ibinuhos mo sa akin?” patawa niyang sabi. “Besides andito na ako bakit hindi pa ako makikikain, sayang ang utos ni Zoren kung wala rin naman akong benefit.” Napairap na lang ako at napailing-iling. Tinuloy ko na lang ang niluluto ko dahil ano’ng oras na rin. Pero hindi ko alam kung tama ba ang ginagawa ko, dahil first time ko lang na gawin ang pagkain na ito. Sinusundan ko lang kung ano ang step na pinapanood ko. Kumuha ako ng kutsilyo para hiwain ang mg

  • The Man I was Never Meant to Love   Kabanata 4

    KIARANakatingin lang ako sa mga gamit na dadalhin ko sa bahay na titirahan namin ni Zoren. Hindi ko na rin dinamihan lahat dahil hindi ko naman alam kung masasanay ako doon. Ang hinihintay ko na lang kung kailan darating si Zoren dahil siya ang maghahatid sa akin papunta sa penthouse. Sinabihan ko naman siya na kaya ko ng mag-isa, magbo-book na lang ako pero mapilit din siya, siguro gawa ng sinabi ni Tito sa kaniya. Hindi pa nagtatagal ay bigla na lang tumunog ang cellphone ko at doon ko nakita ang pangalan ni Zoren. “Andito ka na ba?” I asked politely. “Sorry Kiara, I can’t make it. Ang dami kong inaasikaso sa office. Pero meron na akong tao na pinapunta jan para sunduin ka,” wika niya sa akin. “No need na Zoren, sabi ko naman kasi sa ‘yo na kaya ko naman pumunta mag-isa doon. Magbo-book na lang ako,” sagot ko pabalik. “No I insist, sige na kita na lang tayo mamaya sa penthouse, bye.” Napahinga na lang ako nang marinig kong binaba niya ang tawag. Sigurado akong napipilitan lan

  • The Man I was Never Meant to Love   Kabanata 3

    KIARA Gusto ko ng umalis sa lugar na iyon ng bigla niyang hinawakan ang kamay ko para pigilan ako. “What’s wrong?” tanong niya sa akin. Bumibigat lalo ang hininga ko at gusto na makawala sa lugar na iyon. “Please, kailangan ko ng umalis, mali, mali yung ginawa nating dalawa.” Napakunot naman ang noo niya dahil sa sinabi ko. “What’s wrong with it?” tanong niya sa akin. “Ikakasal na ako! Mali yung ginawa natin,” sambit ko. Napatigil naman siya dahil sa sinabi ko, na parang siya rin ay nagkamali dahil sa ginawa naming dalawa. “Sorry, Lianne let’s go!” sambit ko kay Lianne. Agad naman siyang napatingin sa akin at kita sa mukha niya ang pagtataka. Nagmamadali akong lumabas hanggang sa makarating kami sa parking lot. “Wait lang Kiara, ang bilis mong maglakad. Ano bang nangyayari? Sino yung morenong lalaking iyon?” tanong niya sa akin. Napapikit na lang ako sabay napahawak sa aking ulo. “I did something wrong Lianne. Nakipaghalikan ako sa lalaking hindi ko kilala.” Napatigil naman si

  • The Man I was Never Meant to Love   Kabanata 2

    KIARAMinsan sa buhay ko ay wala talaga akong nilabag na kahit ano’ng ayaw nila dahil ayaw kong magalit sila. Kaya sa loob ko, nakabuo ako ng mga bagay na alam kong comfort ko at mga bagay na dapat kong iwasan. All of my life sinusunod ko ang kung ano’ng image ang gusto nilang magkaroon ako. Ayaw ko na magkaroon ako ng isang pagkakamali na magiging disappointed sila sa akin dahil sa buhay ko walang room ang pagkakamali. Ni minsan hindi ko pa nagawang maging wild, maging malaya. Sa decisions ko sa nung college about sa mga papasukan kong universities at program, doon lang ako naging malaya. Pero sa pinaka buhay ko, nakakulong pa rin ako sa kung ano’ng alam nilang tama. “Malalim na naman yung iniisip mo, spill it,” tanong ni Lianne sa akin. Napangiti naman ako at napailing-iling. “Ano sila tito at tita na naman? Ganyan ka naman lagi kapag meron silang pinapagawa sa ‘yo.” wika niya sa akin. “Ikakasal na ako,” walang prenong sambit ko. Napatigil siya at seryosong napatingin sa akin. “

  • The Man I was Never Meant to Love   Kabanata 1

    KIARAHabang nakatingala sa kalangitan, doon ko napansin ang malalayang bituwin na nagniningning kasama ng buwan na nagbibigay liwanag sa gabing madilim. Kung iisipin, napakalaya nila, napakalaya silang makita ng lahat ng tao. Napakalaya silang gawin ang mga bagay na gusto nila–malayo sa kakayanan kong gawin ang bagay na gusto ko. Minsan naiingit na lang ako sa kalayaan na natatanggap nila, dahil may kalayaan din kaya ako? May kakayahan din ba akong gawin ang gusto kong gawin? Dahil sa pagkakataon na ito, para akong nakatali sa isang tanikala na ang tanging magagawa lamang ay ang sumunod sa utos na sasabihin nila sa akin. “Magpapakasal? Kanino naman po?” tanong ko sa kanila. “Sa anak nila Helena at Victor Alcantara na si Zoren.” Napapikit na lang ako nang marinig ang sinabi nilang iyon. Doon pa lang alam ko ng talo ako. Doon pa lang ay wala na akong kalayaan. “Mom, dad hindi ba sinabi ninyo ako na ang bahala sa buhay ko?” tanong ko sa kanila. “And we did,” sagot ni mom. “Ikaw ang

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status