/ Romance / The Marriage Agreement / The Marriage Agreement

공유

The Marriage Agreement
The Marriage Agreement
작가: meisha

The Marriage Agreement

작가: meisha
last update 게시일: 2026-05-27 14:39:13

CHAPTER 1: 

Maagang dumating ang ulan sa Makati, bumabalot sa siyudad ng malamig na hangin at basang kalsada. Sa loob ng isang mataas na gusali ng kumpanya, tahimik ngunit mabigat ang atmospera sa opisina ng CEO.

Si Caleb Montivano ay nakaupo sa dulo ng mesa, nakatitig sa mga papeles sa harap niya.

Maayos ang postura, malamig ang ekspresyon, at tila walang emosyon sa bawat galaw. Kilala siya sa negosyo bilang batang CEO na walang puwang ang pagkakamali at lalo na, walang puwang ang kahinaan.

“Sir, dumating na po ang final draft ng merger agreement,” sabi ng kanyang sekretarya.

“Leave it,” sagot niya agad, hindi tumitingin.

Sanay na ang lahat sa ganitong ugali niya. Direct, Cold, Efficient,

pero ang araw na ito ay iba hindi dahil sa negosyo kundi dahil sa isang pangalan.

Isabella Reyes.

Sa kabilang bahagi ng lungsod, maingay ang isang café sa BGC. Doon, si Isabella ay nakaupo sa sulok, suot ang simpleng puting blouse at jeans, abala sa laptop habang may headset sa tenga.

Hindi siya mukhang tulad ng tipikal na babaeng anak mayaman pero anak siya ng pamilyang Reyes, isang malaking pangalan sa real estate industry.

“Isabella,” tawag ng kanyang assistant habang papalapit. 

“Pinapatawag ka sa headquarters. Emergency daw.”

Hindi siya agad sumagot.

Tumipa pa siya ng ilang linya sa laptop bago dahan-dahang nag-angat ng tingin.

“Again?” malamig niyang tanong.

“Important daw. Regarding the merger.”

Napahinto siya.

Pagdating niya sa headquarters ng Reyes Corporation, agad siyang sinalubong ng malamig na presensya ng boardroom. 

Nandoon na ang lahat ang kanyang ama, ilang executives, at… si Caleb Montivano.

Nagkatinginan sila.

Isang segundo lang, pero parang may biglang tension na hindi maipaliwanag.

“Isabella, sit down,” utos ng kanyang ama.

Umupo siya, hindi inaalis ang tingin kay Caleb.

Si Caleb naman ay nanatiling kalmado, nakatingin lang sa dokumento sa harap niya.

“Let’s proceed,” malamig niyang sabi.

Tumikhim ang CEO ng Reyes Corporation.

“This merger is not just business. It’s strategic. To secure both companies’ future, a contractual agreement will be made.”

Napakunot ang noo ni Isabella.

“A contractual agreement?” ulit niya.

Tumigil ang lahat.

Dahan-dahang inilapag ng abogado ang isang folder sa gitna ng mesa.

“Marriage contract.”

Parang biglang huminto ang mundo niya.

Napatingin siya kay Caleb.

“Excuse me?” malamig niyang sabi, pero halatang may galit na unti-unting sumisikat.

Caleb finally looked at her.

Walang emosyon, walang pagkabigla parang matagal na niyang alam.

“It’s just business,” sagot niya.

Tumawa si Isabella nang mahina, hindi makapaniwala. “Business? 

You’re treating marriage like a corporate deal?”

“Because it is,” sagot niya agad.

Nag-init ang mata niya.

“Hindi ako produkto.”

“Neither am I,” sagot ni Caleb, 

malamig pa rin. “Pero pareho tayong bahagi ng problemang kailangang ayusin.”

Tahimik ang buong silid.

Naririnig lang ang malakas na tibok ng puso ni Isabella.

“Kung hindi ako pumayag?” mariin niyang tanong.

“Then both companies lose the deal,” sagot ng ama niya.

Napalingon siya dito.

“Dad—”

“Isabella,” putol nito, “this is for the company. For the family. Napahawak siya sa mesa, pinipigilan ang galit.

Sa unang pagkakataon, hindi niya alam kung ano ang mas masakit ang ideya ng kasal na wala siyang kontrol, o ang katotohanang parang wala siyang choice.

Tumayo si Caleb.

“Wala akong intensyon na sirain ang buhay mo,” malamig niyang sabi, nakatingin sa kanya.

“Talaga ba?” sarcastic niyang sagot.

Sandaling katahimikan.

“Pero kung papayag ka,” dagdag niya, “we set rules. No emotions. No interference. Just contract.”

Parang mas lalo siyang nainis sa sinabi nito.

“Hindi ka ba marunong magmahal?” bigla niyang tanong.

Natigilan si Caleb.

Isang segundo ng katahimikan.

“Hindi kailangan sa business,” sagot niya.

At sa sandaling iyon, may kung anong bumigat sa dibdib ni Isabella na hindi niya maintindihan.

Lumabas siya ng boardroom na hindi lumilingon, umuulan pa rin sa labas, pero mas malamig ang pakiramdam niya ngayon kaysa sa ulan.

Sa likod niya, nakatayo si Caleb sa glass window, nakatingin sa paglayo niya hindi niya alam kung bakit pero sa unang pagkakataon sa buhay niya hindi siya basta produkto ng negosyo sa paningin niya.

CHAPTER 2:

Ang kundisyong nakasulat sa nakaraan,

Umagang-umaga pa lang ay maulan pa rin sa lungsod pero sa loob ng Montivano Tower, mas malamig pa ang hangin kaysa sa labas.

Si Isabella Reyes ay nakatayo sa harap ng glass window, nakatingin sa mga ulap na mabigat sa kalangitan, hindi siya nakatulog nang maayos buong gabi paulit-ulit sa isip niya ang salitang “contract marriage.”

Sa likod niya, pumasok si Caleb Montivano.

Tahimik.

Walang paalam.

“Pumirma ka na,” malamig niyang sabi habang inilapag ang folder sa mesa.

Hindi siya lumingon agad.

“Akala mo ba gano’n lang kadali ‘yon?” sagot niya, malamig rin ang tono.

“Walang complicated dito. Business agreement lang.”

Dahan-dahan siyang humarap “Marriage is not business.”

Saglit siyang tinitigan ni Caleb, parang may gustong basahin sa mukha niya.

“Sa mundo natin, everything is business,” sagot niya.

Tumawa si Isabella nang mahina, pero walang saya. “You’re insane.”

“Maybe.”

Sandaling katahimikan.

Hanggang sa kinuha ni Isabella ang folder at binuksan ito.

Pero habang binabasa niya, may napansin siyang kakaiba.

Hindi lang ito simpleng marriage contract.

May naka-attach na legal clause na sealed at dated 15 years ago.

Napakunot ang noo niya.

“What is this?” tanong niya.

Hindi sumagot si Caleb.

Binasa niya ulit, mas mabagal ngayon.

At doon niya nakita ang isang pangalan sa ilalim ng dokumento:

Isabella Reyes – Minor Ward Declaration

Biglang nanlamig ang buong katawan niya.

“Bakit may ganito?” mariin niyang tanong.

Sa unang pagkakataon, hindi agad sumagot si Caleb.

Lumapit siya sa mesa, pinindot ang intercom, at sinara ang blinds ng buong opisina.

“Hindi mo alam?” mahinang tanong niya.

“Anong hindi ko alam?!”

Tumigil si Caleb.

Tumingin siya sa kanya nang diretso sa mata.

“Hindi ito simpleng kasal, Isabella.”

Humigpit ang hawak niya sa papel.

“Explain.”

Sandaling katahimikan.

Hanggang sa binitawan ni Caleb ang isang salita na gumulo sa lahat.

“Will.”

Napahinto siya.

“Ang mama mo… bago siya namatay, gumawa siya ng legal will.”

Nanigas si Isabella.

“Hindi totoo.”

“Pero totoo,” sagot niya. “At kasama ka sa kondisyon.”

Parang bumagsak ang mundo niya.

“Ano’ng kinalaman ko sa testamento ng nanay ko?”

Huminga si Caleb nang mabigat.

“Kapag hindi ka nagpakasal sa taong nakasaad sa will… mawawala ang buong inheritance mo. 

Lahat ng shares ng Reyes Corporation, mapupunta sa ibang partido. Nanlaki ang mata niya.

“Sinong naglagay ng clause na ‘yan?!”

Dahan-dahang inilapag ni Caleb ang isang lumang envelope sa mesa.

Sa sulok nito, pamilyar na pamilyar ang handwriting.

Nanlamig siya.

Handwriting ng mama niya.

Hindi siya agad nakapagsalita.

Parang may bumara sa lalamunan niya.

“Hindi… hindi ito totoo,” bulong niya.

Pero si Caleb, nanatiling seryoso.

“May isa pang kondisyon.”

Doon siya natigilan.

“Hindi lang basta kasal.”

Tumitig siya sa kanya.

“Kailangan mong magpakasal sa akin.”

Parang biglang huminto ang hangin sa loob ng silid.

Napaatras si Isabella.

“Why you?”

Isang mahabang katahimikan ang sumunod.

Hanggang sa nagsalita si Caleb.

“Because I was there.”

Napakunot ang noo niya.

“Anong ibig mong sabihin?”

Tumayo si Caleb, lumapit sa glass window, nakatalikod sa kanya.

“Fifteen years ago… may nangyari sa’yo.”

Nanlaki ang mata niya.

Biglang sumakit ang ulo niya sa alaala na hindi malinaw.

Isang aksidente, isang batang lalaki.

Isang kamay na humawak sa kanya habang umiiyak siya pero mabilis din itong naglaho sa isip niya.

“Hindi ko maalala,” mahina niyang sabi.

Tumango si Caleb. “Hindi mo na talaga maalala”

Humarap siya ulit.

At sa unang pagkakataon, may emosyon sa mata niya hindi malamig, kundi mabigat.

“Pero ako, naaalala ko.”

Lumapit siya nang bahagya.

“Pinangako ko sa sarili ko noon… na kung darating ang araw na kailangan mo ng proteksyon, hindi ako lalayo.”

Nanigas si Isabella.

Hindi niya maintindihan.

“Proteksyon?” mahinang tanong niya.

Tumango si Caleb.

“Ang kasal na ‘to… hindi para sa business lang.”

Sandaling katahimikan.

“Para ito para hindi ka mawala sa sarili mong pamilya.”

Biglang bumigat ang dibdib niya.

“Sinong nagbanta sa akin?”

Hindi sumagot si Caleb.

Pero ang katahimikan niya ang sagot.

Sa unang pagkakataon, hindi na galit ang nararamdaman ni Isabella.

Kundi takot.

At isang kakaibang damdamin na hindi niya maipaliwanag.

Parang may parte ng buhay niya na matagal nang nakatago

at si Caleb ang susi

Habang hawak niya ang contract, nanginginig ang kamay niya.

“Kung pipirma ako…”

Tumingin si Caleb sa kanya.

“Hindi ito magiging simple.

Sandaling katahimikan.

“Hindi rin ito magiging kasal na walang epekto.”

Tumitig siya.

At doon niya naramdaman.

Hindi lang ito kontrata.

Hindi lang ito negosyo.

Ito ay isang bagay na nagsimula, bago pa man sila nagkita muli.

CHAPTER 3: 

Ang unang pirma

Mabigat ang katahimikan sa loob ng Montivano penthouse.

Hindi ito tulad ng mga ordinaryong condo sa lungsod, malawak, malamig, at halos walang bakas ng buhay maliban sa maayos na pagkakaayos ng mga gamit. Para itong espasyong ginawa para sa isang taong sanay mag-isa.

Si Isabella Reyes ay nakatayo sa gitna ng sala, hawak pa rin ang kontratang ilang oras na niyang paulit-ulit binabasa.

 Sa bawat pagbasa, mas lalo lang lumalalim ang bigat sa dibdib niya.

Sa harap niya, si Caleb Montivano ay nakaupo sa leather sofa, nakasandal nang bahagya, parang walang emosyon pero hindi na ganoon kasimple ang tingin niya sa kanya ngayon.

“Hindi ko alam kung mas nakakatakot ka bilang tao o bilang kontrata,” malamig na sabi ni Isabella.

“Pareho lang,” sagot ni Caleb, hindi man lang kumukurap.

Napairap siya. “Ang lakas ng loob mong sabihin ‘yan.”

“Hindi kita pinipilit,” diretsong sagot nito. “May choice ka pa rin.

“Choice?” tumawa siya nang mahina, mapait. “Anong choice? 

Mawalan ako ng lahat o magpakasal sa’yo na parang kasunduan sa negosyo?”

Tumayo si Caleb.

Dahan-dahan.

At sa bawat hakbang niya papalapit, unti-unting bumigat ang hangin sa pagitan nila.

“Hindi mo pa rin naiintindihan,” sabi niya, malamig pero mas mababa ang tono ngayon. “Hindi ka ligtas kung tatanggi ka.”

Natigilan siya.

“Anong ibig mong sabihin diyan?

Hindi agad sumagot si Caleb. 

Tumingin siya sa malayong bahagi ng glass wall, kung saan tanaw ang buong lungsod.

“May mga taong gustong makuha ang parte mo sa Reyes Corporation,” sabi niya. “At hindi sila tulad ng pamilya mo.”

Biglang nanlamig ang kamay ni Isabella.

“Pinapaniwala mo ba akong may threat sa buhay ko ngayon?

“Matagal na,” sagot niya.

Sandaling katahimikan.

Parang biglang lumiit ang buong penthouse.

“Bakit ako?” mahinang tanong niya, pero mas emosyonal na ngayon. “Bakit kailangan ako lagi ang nasa gitna ng lahat?”

Huminga si Caleb nang mabigat.

“Dahil ikaw ang huling lehitimong tagapagmana ng lahat ng shares na hindi pa nakokontrol.”

Napahigpit ang hawak niya sa kontrata.

“Hindi ako bagay sa ganito,” bulong niya.

“Pero nandito ka,” sagot ni Caleb.

Tumigil ang oras sa pagitan nila.

Hanggang sa inilapag ni Isabella ang papel sa mesa.

“Pipirma ako.”

Natigilan si Caleb..

“Pero hindi dahil sa’yo,” dagdag niya agad. “Kundi dahil gusto kong malaman kung anong totoo sa lahat ng ‘to.

Tumitig si Caleb sa kanya.

Isang sandaling katahimikan.

“Fair,” sagot niya.

Kinuha niya ang ballpen at inilagay sa harap niya.

Habang pinipirmahan ni Isabella ang kontrata, parang may bagay sa loob niya na unti-unting bumabagsak.

Hindi ito simpleng kasal.

Hindi ito simpleng desisyon.

Ito ay simula ng isang bagay na hindi niya kontrolado.

Pagkatapos niyang pumirma, ibinaba niya ang pen.

“Happy now?” malamig niyang tanong.

“Hindi ito tungkol sa happiness,” sagot ni Caleb.

“Then what is it about?”

Sandaling tumigil si Caleb.

At sa unang pagkakataon, may bahagyang pagbabago sa mata niya.

“Survival.”

Kinagabihan.

Nasa loob na si Isabella ng kanyang bagong silid sa penthouse.

Malawak, Malamig, at hindi kanya.

Umupo siya sa gilid ng kama, nakatitig sa kisame.

Hindi pa rin niya maintindihan kung bakit ganito ang nangyayari sa kanya.

Hanggang sa marinig niya ang mahinang katok sa pinto.

“Open,” 

boses ni Caleb.

Hindi siya sumagot, pero hindi rin niya pinigilan.

Pumasok ito.

May hawak siyang isang folder.

“Ito ang schedule ng kasunduan,” sabi niya.

Tinignan niya lang ito. “Parang trabaho.”

“Ganun talaga.”

Tumayo si Isabella.

“Hanggang saan ba ‘to?” tanong niya.

Tumingin si Caleb sa kanya nang diretso.

“At least one year.”

Napasinghap siya.

“Isang taon? Gagawin mo akong hostage sa kasal na ‘to?”

“Hindi hostage,” sagot niya agad. “Protektado ka.”

“Protektado?” ulit niya, mas mataas na ang boses. “Sa loob ng sarili mong bahay?”

Tahimik si Caleb.

Hanggang sa dahan-dahan niyang inilapag ang folder.

“Hindi kita hahawakan kung ayaw mo,” mahinang sabi niya.

Natigilan siya, iba ang tono noon.

Hindi malamig, hindi business.

Parang…

may limitasyon.

Sandaling katahimikan.

Nakatitig si Isabella sa kanya, parang sinusubukang basahin kung ano talaga siya.

“Bakit ganito ka?” mahinang tanong niya.

Hindi agad sumagot si Caleb.

Hanggang sa sinabi niya:

“Dahil may mga bagay na hindi mo pa alam tungkol sa akin… at sa’yo.”

Natigilan siya.

“Anong ibig mong sabihin?”

Pero bago pa siya makakuha ng sagot, tumalikod na si Caleb.

“Rest,

” sabi niya. “Mahaba pa ang laban.”

At lumabas na siya ng kwarto.

Iniwan niya si Isabella sa katahimikan.

Pero ngayon, hindi na ito pareho.

Dahil sa unang pagkakataon…

hindi na lang siya nalilito.

Nagtatanong na siya kung gaano kalalim ang koneksyon niya sa lalaking pinakasalan niya.

At kung bakit pakiramdam niya…

hindi ito unang beses na magkalapit 

CHAPTER 4:

Ang ngiti sa harap ng kamera,

Maagang nagising si Isabella, pero hindi dahil sa pahinga, kundi dahil sa bigat ng bagong realidad niya.

Sa labas ng malawak na glass window ng penthouse, abala na ang lungsod. Pero sa loob, pakiramdam niya ay parang siya lang ang hindi makasabay sa pag-usad ng lahat.

Hindi pa rin niya lubos maintindihan kung paano siya napunta sa ganitong sitwasyon.

isang kontratang kasal, isang lalaking halos walang emosyon, at isang buhay na parang kontrolado na ng ibang tao.

Sa kabilang silid, maririnig ang mahinang kaluskos.

Lumabas si Caleb Montivano, suot ang maayos na suit, parang handa na agad sa mundo ng negosyo.

“May event ngayon,” sabi niya, diretso agad sa punto.

Hindi siya lumingon. “Anong event?”

“Public introduction.”

Natigilan si Isabella.

“Public?” ulit niya.

Tumango si Caleb. “We need to make it official.”

Napairap siya. “Hindi ba’t official na ang pirma natin?”

“Sa mata ng publiko, hindi pa.”

Isang oras ang lumipas, nasa loob na sila ng itim na sasakyan.

Tahimik, Mabigat.

Si Isabella ay nakatingin sa labas ng bintana,

habang si Caleb ay abala sa tablet niya, parang walang nangyayari.

“Alam mo ba,” bigla niyang sabi, 

“pakiramdam ko parang nag-aartista ako sa palabas na hindi ko sinulatan.”

Hindi siya tumingin sa kanya.

“Sanayan lang ‘yan,” sagot ni Caleb.

“Sanayan?” tumaas ang kilay niya. 

“Ikaw ba, sanay ka na maging puppet?”

Sandaling katahimikan.

“Hindi ako puppet,” sagot niya, malamig.

“Eh ano ka?”

Tumigil si Caleb sa pagta-type.

Tumingin siya sa kanya.

“Yung taong hindi pwedeng magkamali.”

Natigilan si Isabella.

Pagdating nila sa hotel ballroom, agad silang sinalubong ng mga camera.

Flashes..

Boses ng reporters.

“Mr. Montivano! Is this true about the contract marriage?”

“Miss Reyes! How do you feel about this arrangement?”

Si Isabella ay bahagyang napaatras.

Pero bago pa siya tuluyang kabahan, naramdaman niya ang kamay ni Caleb sa kanyang braso.

Hindi mahigpit.

Pero sapat para patigilin siya.

“Smile,” 

mahinang sabi nito.

“Hindi ako marunong magsinungaling sa harap ng camera,” bulong niya.

“Hindi mo kailangan magsinungaling,” sagot niya. “Just don’t show weakness.”

At sa unang pagkakataon, magkatabi silang lumakad sa gitna ng mga tao.

Perfect couple, Elegant, Controlled.

Pero sa loob ni Isabella, parang gusto niyang kumawala.

Hanggang sa isang boses ang sumingit mula sa gilid.

“Caleb.”

Isang babae ang lumapit.

Elegant. Confidence. At halatang sanay sa atensyon.

Si Vanessa Lim

business partner ng Montivano Group.

Napatingin si Isabella sa kanya.

“Finally,” sabi ni Vanessa, nakangiti pero may laman ang tingin. “So this is her.”

Tumingin si Caleb kay Vanessa, walang pagbabago sa ekspresyon.

“Vanessa,” malamig niyang bati.

Lumapit ang babae nang bahagya, masyadong close para sa business greeting.

“Hindi mo man lang sinabi na magpapakasal ka pala bigla,” 

malambing pero may diin ang tono niya.

Napatingin si Isabella kay Caleb.

“Bigla?” ulit niya sa isip niya.

Sandaling katahimikan.

Hanggang sa ngumiti si Vanessa kay Isabella.

“Take care of him,” sabi niya, parang biro pero hindi biro ang dating.

Isabella smiled back pero pilit.

“Don’t worry,” sagot niya. “Kaya ko.”

At sa sandaling iyon…

dumilim ang tingin ni Caleb sa pagitan nilang dalawa.

Sa gitna ng event, habang busy ang lahat, naiwang magkasama si Caleb at Isabella sa isang tahimik na terrace.

Malayo sa ingay, malayo sa camera.

“Hindi mo sinabi na may ganitong 

babae ka pala sa buhay mo,” malamig na sabi ni Isabella.

Tumingin si Caleb sa kanya.

“Wala akong relasyon sa kanya.”

“Pero parang kabisado niya ang 

bawat galaw mo.”

Tahimik si Caleb.

At ang katahimikang iyon ang sumagot.

Biglang sumikip ang dibdib ni Isabella.

“Bakit ako ang pinili mo?” mahinang tanong niya.

Tumingin si Caleb sa lungsod.

“Hindi kita pinili.”

Natigilan siya.

“Ha?”

Dahan-dahan siyang humarap.

“Ang kontrata ang pumili.”

Parang may malamig na tumagos sa dibdib niya.

“Anong ibig mong sabihin?”

Sandaling katahimikan.

Hanggang sa sinabi ni Caleb ang bagay na mas lalong gumulo sa kanya.

“May mas mataas na kondisyon ang kasunduang ‘to… at hindi ako ang gumawa.”

Napaatras si Isabella.

“Kung hindi ikaw… sino?

Hindi agad siya sinagot.

Sa halip, inilabas ni Caleb ang isang lumang litrato mula sa bulsa niya.

Isang larawan ng isang batang babae.

At isang batang lalaki sa tabi niya.

Nanigas si Isabella.

“Bakit…” bulong niya.

Tumingin si Caleb sa kanya.

“At ikaw ‘yan.”

Parang huminto ang mundo niya.

Hindi niya maalala.

Hindi niya matandaan.

Pero ang mukha sa litrato…

pamilyar sa isang bahagi ng isip.

niya na matagal nang nakatago.

“Hindi ito maaaring totoo,” 

mahinang sabi niya.

“Pero totoo,” sagot ni Caleb.

At sa unang pagkakataon…

hindi na negosyo ang tingin niya sa kanya.

Kundi isang tanong na matagal niyang iniwasan.

CHAPTER 5: 

Ang alaala na hindi na dapat bumalik, tahimik ang gabi sa Montivano penthouse, pero sa loob ng silid ni Isabella, parang may ingay na pilit kumakawala sa kanyang isipan.

Nakaupo siya sa gilid ng kama, hawak ang lumang litrato na ibinigay ni Caleb.

Paulit-ulit niyang tinititigan.

Isang batang babae. Isang batang lalaki. Magkasama sa ilalim ng puno sa lumang bakuran ng isang bahay na hindi niya maalala.

Pero bakit…

bakit parang ang sakit-sakit tingnan?

Sa kabilang dulo ng penthouse, si Caleb Montivano ay nakatayo sa may bintana. Nakapamulsa, nakatingin sa mga ilaw ng lungsod.

Pero hindi doon nakatuon ang isip niya.

Nasa loob siya ng nakaraan.

Isang nakaraan na matagal na niyang tinatago.

Biglang may kumatok sa pinto.

“Pasok,” malamig niyang sabi.

Pumasok si Isabella.

Tahimik.

Walang yabang. Walang galit.

Ibang Isabella.

“Hindi ako makatulog,” mahinang sabi niya.

Tumingin si Caleb sa kanya.

“Bakit?”

Humigpit ang hawak niya sa litrato.

“Dahil parang… may parte ng utak ko na sumisigaw na kilala kita,” sagot niya.

Sandaling katahimikan.

Dahan-dahang lumapit si Caleb.

“Hindi lang ‘yan pakiramdam,” sabi niya.

Natigilan siya

.

“Then what is it?”

Huminga siya nang mabigat.

At sa unang pagkakataon, parang nabasag ang kontrol niya.

“Isabella… nakalimutan mo ako.”

Parang may huminto sa mundo niya.

“Hindi ko…” napailing siya. “Hindi ko alam ang sinasabi mo.”

Lumapit si Caleb nang kaunti pa.

“Fifteen years ago,” mahinang sabi niya, “may nangyari sa isang compound sa Davao.”

Biglang sumikip ang dibdib niya.

Davao.

“Isang sunog,” dagdag niya.

Nanlalamig ang kamay ni Isabella.

“Hindi…”

Pero bago pa siya makatanggi, may mga imahe na biglang sumabog sa isip niya—

Usok.

Sigaw.

Isang kamay na humihila sa kanya.

Isang batang lalaki na nakatayo sa gitna ng apoy, ayaw siyang iwan.

Napahawak siya sa ulo niya.

“Stop…” bulong niya.

Pero hindi tumigil.

Si Caleb ay hindi gumalaw.

“Pinangako ko sa’yo noon,” 

mahinang sabi niya, “na hinding-hindi kita iiwan.”

Napatingin siya sa kanya, nanginginig.

“Hindi ko maalala…”

“Dahil pinabura nila,” sagot niya.

Natigilan siya.

“Who?”

Tumigil si Caleb.

At sa katahimikang iyon, mas mabigat pa kaysa anumang sagot.

“Ang pamilya mo,” sabi niya sa wakas.

Parang biglang bumagsak ang mundo niya.

“Liar…” bulong niya, pero hindi sigurado.

“Kung kasinungalingan yan,” sagot ni Caleb, 

bakit ako ang laging nasa panaginip mo na hindi mo maintindihan?

Natigilan siya.

Dahil totoo.

May mga panaginip siya.

Isang batang lalaki.

Isang pangako.

Isang pangalan na hindi niya matandaan… pero pamilyar sa puso niya.

Dahan-dahang lumapit si Caleb sa kanya.

Hindi siya umatras.

Hindi siya sigurado kung bakit.

“Hindi ito kasal lang,” mahinang sabi niya.

“Hindi ito kontrata lang.”

Tumitig siya sa kanya.

“Isa ka sa dahilan kung bakit ako nabubuhay nang ganito ngayon.”

Napaluha si Isabella.

Hindi dahil sa takot.

Kundi dahil sa pagkalito.

“Bakit mo ako pinilit sa kasal na ‘to?” bulong niya.

Sandaling katahimikan.

At sa wakas, sinabi ni Caleb ang bagay na nagpabago ng lahat.

“Para hindi ka nila maulit na mawala.”

Biglang bumukas ang pinto ng penthouse.

Isang lalaki ang pumasok.

Sir, may nangyayari sa labas,

Pero natigilan siya nang makita si Isabella.

Agad nagbago ang atmosphere.

“May kumikilos na,” dagdag ng lalaki.

Nag-iba ang tingin ni Caleb.

Malamig. Protective.

“Ngayon na,” sabi niya.

Humarap siya kay Isabella.

“Simula ngayon, hindi ka na pwedeng lumabas mag-isa.”

Natigilan siya.

“Hindi ako bata.”

“Hindi ito tungkol sa edad,” sagot niya. 

“Ito ay tungkol sa buhay mo.”

Tahimik.

Hanggang sa ibinaba ni Isabella ang litrato.

“Kung totoo lahat ng ‘to…” 

mahinang sabi niya, “sino ba talaga ako?”

Tumingin si Caleb sa kanya nang diretso.

“At iyon ang tanong na ayaw nilang masagot mo.”

Sa labas ng penthouse, may mga ilaw ng sasakyang hindi pa nila napapansin.

May mga taong matagal nang nagmamasid.

At sa unang pagkakataon…

hindi na simpleng kontrata ang kasal nila.

Kundi isang simula ng bagay na matagal nang nakatago sa dilim.

CHAPTER 6:

 Ang lalaking hindi marunong matakot, madaling-araw na ngunit gising pa rin si Isabella.

Tahimik ang buong penthouse, pero magulo ang isip niya.

Hindi mawala sa utak niya ang mga sinabi ni Caleb noong nakaraang gabi.

Hindi ka ligtas.

May gustong kumuha sa’yo.

Pinabura nila ang alaala mo.

Pakiramdam niya ay unti-unting gumuho ang mundo niya. 

Ang dating simple niyang buhay bilang anak ng isang mayamang pamilya ay tila isa lamang palamuti sa mas malaking lihim na matagal nang itinatago sa kanya.

Nakatayo siya ngayon sa harap ng malaking bintana ng kanyang silid, yakap ang sarili habang pinapanood ang mga ilaw ng siyudad.

Pero kahit gaano kaganda ang tanawin…

hindi niya maalis ang pakiramdam na may nagmamasid sa kanya.

Sa kabilang bahagi ng penthouse, nasa study room si Caleb Montivano.

Nakaharap siya sa laptop habang seryoso ang mukha.

“Double the security,” malamig niyang sabi sa telepono. 

“At ayokong may makalapit sa kanya nang hindi ko nalalaman.”

Tahimik siyang nakinig bago ibinaba ang tawag.

Maya-maya ay pumasok si Marco, ang kanang kamay niya.

“May kahina-hinalang sasakyan na naman sa ibaba,” seryoso nitong sabi.

Nag-angat ng tingin si Caleb.

“Same people?”

Tumango si Marco.

“At mukhang alam nilang kasama mo na si Isabella.”

Napahigpit ang panga ni Caleb.

“Damn it.”

Tahimik muna si Marco bago nagsalita.

“Hanggang kailan mo itatago sa kanya ang buong katotohanan?”

Tumayo si Caleb at tumingin sa malayo.

“Hangga’t kaya ko.”

“Pero habang tumatagal, mas nagiging target siya.”

Huminga siya nang mabigat.

“At iyon ang dahilan kung bakit hindi ako pwedeng lumayo sa kanya.

Kinabukasan, hindi naging komportable si Isabella nang makita ang mga bodyguard sa paligid ng penthouse.

“Hindi ako preso,” inis niyang sabi habang umiinom ng kape.

Kakapasok lang ni Caleb sa dining area.

“Precaution lang.”

“Precaution?” napatawa siya nang mapait.

 “May bodyguards sa pinto, sa elevator, pati sa lobby!”

Tahimik lang si Caleb habang nagtitimpla ng kape.

“Hindi mo pa rin naiintindihan ang sitwasyon.”

“At ikaw naman hindi mo naiintindihan na ayokong kontrolado!”

Biglang tumingin si Caleb sa kanya.

Malamig.

Pero may kung anong bigat sa mga mata nito.

“Mas gugustuhin kong magalit ka sa akin kaysa makita kang nasasaktan.”

Natigilan siya.

Hindi niya alam kung bakit biglang bumilis ang tibok ng puso niya.

Bandang gabi, dumalo sila sa charity event ng Montivano Group.

Punong-puno ng cameras at media ang hotel ballroom.

Pagpasok pa lang nila, agad nang nagsimulang mag-flash ang mga camera.

“Mr. Montivano!”

“Miss Reyes!”

“Look here!”

Napahigpit ang hawak ni Isabella sa clutch niya.

Hindi siya sanay sa ganitong pressure.

Pero agad niyang naramdaman ang kamay ni Caleb sa likod niya.

Mabigat.

Mainit.

Protective.

“Relax,” mahinang sabi nito.

“Madaling sabihin para sa’yo.”

“Trust me.”

Natigilan siya nang marinig iyon.

Trust me.

Hindi niya alam kung kaya ba niya.

Pero sa paraan ng paghawak nito sa kanya…

parang gusto niyang subukan.

Lumipas ang ilang oras.

Habang abala ang lahat sa event, lumabas muna si Isabella sa terrace para magpahangin.

Hindi niya napansin na may lalaking nakatingin sa kanya mula sa malayo.

“Miss Reyes?”

Napalingon siya.

Isang staff ng hotel.

“Pinapatawag po kayo ni Mr. Montivano sa parking area. 

Emergency raw po.”

Napakunot ang noo niya.

“Parking?”

Tumango ito.

Nagdalawang-isip siya.

Pero dahil mukhang staff naman ito ng hotel, sumunod siya.

At iyon ang pinakamalaking pagkakamali niya.

Tahimik ang underground parking.

Masyadong tahimik.

“Caleb?” tawag niya.

Walang sumagot.

At bago pa siya makalakad palayo

may biglang humawak sa kanya mula sa likod.

Napasinghap siya.

“Bitawan mo ako!”

Pero mas lalo siyang hinila ng lalaking naka-black hoodie.

“Tumahimik ka kung ayaw mong masaktan.”

Nanlaki ang mata niya.

Dalawa sila.

At hindi hotel staff.

Nanlamig ang buong katawan niya.

Totoo si Caleb.

May gustong kumuha sa kanya.

Sinubukan niyang sumigaw.

Pero mabilis siyang tinakpan ng isa sa mga lalaki.

“Move.”

Nagsimula siyang manginig habang pilit kumakawala.

Biglang may malakas na suntok ang tumama sa lalaking humahawak sa kanya.

Bumagsak ito sa sahig.

Natigilan si Isabella.

At sa susunod na segundo—

si Caleb.

Malamig ang mukha nito.

Pero ang mga mata niya…

punong-puno ng galit.

“Touch her again,” malamig niyang sabi, “and I’ll bury you alive.

Hindi iyon tunog pagbabanta.

Parang pangako.

Mabilis na sumugod ang isa pang lalaki, pero mas mabilis si Caleb.

Isang suntok.

Isang sipa.

At agad bumagsak ang lalaki sa semento.

Napaatras si Isabella.

Hindi niya pa nakikitang ganito si Caleb.

Hindi CEO.

Hindi businessman.

Kundi isang lalaking handang manakit para protektahan siya.

“Caleb!”

Napalingon ito nang makita niyang may baril ang isa sa mga lalaki.

At bago pa man siya makasigaw—

PUMUTOK.

Napasinghap si Isabella.

Pero sa halip na siya ang tamaan…

si Caleb.

“NO!”

Parang huminto ang mundo niya.

Nakita niyang napaatras si Caleb habang tumutulo ang dugo mula sa balikat nito.

Pero kahit sugatan—

hindi ito huminto.

Parang wala itong nararamdamang sakit habang sinugod nito ang lalaking may hawak ng baril.

Hanggang sa tuluyang bumagsak ito.

Pagdating ng security team, mabilis na tumakas ang ibang lalaki.

Pero wala nang pakialam si Isabella roon.

Mabilis siyang lumapit kay Caleb.

“Caleb…”

Nanginginig ang kamay niya habang nakikita ang dugo sa suit nito.

Pero ang mas ikinagulat niya…

si Caleb pa rin ang unang humawak sa mukha niya.

“Are you hurt?”

Napaluha siya.

“Binaril ka!”

“Answer me first.”

Nanginginig siyang umiling.

At doon lang siya nakitang huminga nang maayos.

Parang mas mahalaga pa ang kaligtasan niya kaysa sa sarili nitong buhay.

Sa loob ng sasakyan papuntang ospital, tahimik silang dalawa.

Pero hindi mapigilan ni Isabella ang panginginig.

Paulit-ulit sa isip niya ang eksena.

Kung paano siya pinrotektahan ni Caleb.

Kung paano ito humarang sa bala.

Kung paano parang handa itong mamatay para sa kanya.

“Stop shaking,” mahina nitong sabi.

Napatingin siya rito.

Maputla na ito dahil sa pagkawala ng dugo, pero kalmado pa rin.

“Bakit mo ginawa iyon?” nanginginig niyang tanong.

Sandaling katahimikan.

Hanggang sa mahina itong nagsalita.

“Because I failed once before.”

Natigilan siya.

“Ano’ng ibig mong sabihin?

Dahan-dahang pumikit si Caleb.

“At hindi ko hahayaang mangyari ulit iyon sa’yo.”

Biglang sumikip ang dibdib niya.

Hindi niya maintindihan kung bakit…

pero parang may parte sa kanya na gustong umiyak.

Pagdating sa ospital, agad dinala si Caleb sa emergency room.

At sa unang pagkakataon matapos ang maraming taon…

natakot si Isabella na mawalan ng isang tao.

Tahimik siyang nakaupo sa labas ng ER habang nanginginig pa rin ang mga kamay niya.

Hanggang sa may umupo sa tabi niya.

Si Marco.

“Hindi siya mamamatay,” sabi nito.

Hindi siya sumagot.

“Sanay si Caleb sa sugat.”

Napatingin siya rito.

“Anong ibig mong sabihin?”

Tahimik muna si Marco bago nagsalita.

“Hindi mo talaga alam kung sino siya, ano?”

Napakunot ang noo niya.

“At ano naman ang ibig sabihin no’n?”

Huminga nang malalim si Marco.

“Hindi lang ikaw ang may tinatagong nakaraan.”

Nanlamig siya.

“At si Caleb?”

Tumingin si Marco sa emergency room.

“At one point… siya ang naging dahilan kung bakit muntik siyang mamatay.”

Natigilan siya.

Parang may bumara sa lalamunan niya.

Hindi niya maintindihan.

Pero mas lalong bumigat ang pakiramdam niya.

Makalipas ang ilang oras, pinayagan siyang makita si Caleb.

Tahimik ang hospital room.

Mahina ang ilaw.

At ngayon, mas mukhang tao si Caleb kaysa sa malamig na lalaking nakilala niya.

Maputla.

Mahina.

Pero nang maramdaman nito ang presensya niya, agad itong nagmulat ng mata.

“You should rest,” mahina niyang sabi.

Bahagyang ngumiti si Caleb.

“Hindi ka nasaktan?”

Biglang nanikip ang dibdib niya.

Bakit iyon pa rin ang una nitong iniisip?

Lumapit siya sa kama.

“Bakit mo ako pinoprotektahan nang ganito?” bulong niya.

Matagal bago sumagot si Caleb.

At nang magsalita ito…

halos pabulong na lamang.

“Kasi ikaw lang ang natitirang dahilan kung bakit gusto ko pang mabuhay.”

Parang huminto ang paghinga niya.

Hindi niya alam kung ano ang isasagot.

Pero habang hawak niya ang malamig na kamay ni Caleb…

unang beses niyang naramdaman na baka hindi na lang kontrata ang namamagitan sa kanila.

At iyon ang pinakanakakatakot sa lahat.

CHAPTER 7: Ang Alaala ng Apoy

Malamig ang gabi sa ospital.

Tahimik ang buong VIP floor maliban sa mahinang tunog ng makina sa loob ng silid ni Caleb. Sa labas ng pinto, nakaupo si Isabella habang hawak ang mainit na kape na hindi naman niya iniinom.

Hindi pa rin siya makapaniwala sa nangyari.

Kung ilang segundo lang siyang na-late…

baka siya ang tinamaan ng bala.

At si Caleb—

handa talaga itong harangin iyon para sa kanya.

Napapikit siya.

Bakit?

Bakit parang mas nasasaktan siya ngayong sugatan ito kaysa noong siya ang nasa panganib?

“Hindi ka pa rin natutulog?”

Napalingon siya nang makita si Marco na papalapit.

Umiling siya.

“Hindi ako mapakali.”

Tahimik na umupo si Marco sa tabi niya.

“Sanay ka bang ganito si Caleb?” tanong niya.

Bahagyang natawa si Marco.

“Actually… mas malala pa siya noon.”

Napakunot ang noo niya.

“Anong ibig mong sabihin?”

Tumingin si Marco sa glass window ng hospital room.

“Before you came back into his life… para na siyang walang pakialam kung mabuhay siya o hindi.”

Nanlamig ang dibdib ni Isabella.

Hindi niya alam kung bakit sobrang bigat marinig noon.

“Anong nangyari sa kanya noon?” mahinang tanong niya.

Tahimik si Marco sandali.

Parang nagdadalawang-isip kung magsasalita.

Hanggang sa bumuntong-hininga ito.

“After the fire fifteen years ago… may nangyari kay Caleb.”

Biglang sumikip ang dibdib niya.

Apoy.

Muli na namang sumakit ang ulo niya.

“Anong nangyari?” pilit niyang tanong.

“Halos mamatay siya.”

Natigilan siya.

“At simula noon,” dugtong ni Marco, “para bang may parte sa kanya na naiwan sa gabing iyon.”

Hindi agad nakapagsalita si Isabella.

Hindi niya maintindihan kung bakit parang may bumibigat sa puso niya sa bawat detalye na nalalaman niya tungkol kay Caleb.

Hanggang sa bumukas ang pinto ng hospital room.

Lumabas ang doktor.

“You can see him now.”

Agad siyang tumayo.

Tahimik ang loob ng silid.

Mahina ang ilaw.

Nakahiga si Caleb sa kama habang may benda sa balikat nito. Mukha itong pagod, pero nang maramdaman nito ang presensya niya, agad itong nagmulat ng mata.

“You’re still here,” mahina nitong sabi.

Napairap siya kahit nanginginig pa rin ang dibdib niya.

“May choice ba ako? Ikaw itong mahilig sumalo ng bala.”

Bahagyang ngumiti si Caleb.

At sa unang pagkakataon…

mas lalo siyang kinabahan dahil doon.

Lumapit siya sa kama.

“Masakit ba?”

“Hindi naman.”

“Sinungaling.”

Tahimik na tumitig lang si Caleb sa kanya.

At sa titig na iyon, pakiramdam ni Isabella ay parang may gustong sabihin ang lalaki na hindi nito magawa.

“Why are you looking at me like that?” mahinang tanong niya.

Matagal bago sumagot si Caleb.

“Iniisip ko lang kung hanggang kailan bago mo maalala lahat.”

Nanlamig siya.

“Caleb…”

Biglang sumakit ang ulo niya.

At sa pagkakataong iyon—

may mabilis na alaala ang sumingit sa isip niya.

Usok.

Sunog.

Isang batang lalaki na duguan ang noo.

At isang maliit na kamay na mahigpit na nakahawak sa kanya.

Napahawak siya sa ulo niya.

Agad nagbago ang ekspresyon ni Caleb.

“Isabella?”

“Wait… wait…”

Huminga siya nang mabigat habang pilit hinahabol ang alaala.

“May… may batang lalaki noon…”

Tahimik si Caleb.

“Umiiyak siya…”

Unti-unting nanlaki ang mata niya.

“At ayaw niya akong bitawan…”

Biglang bumilis ang tibok ng puso ni Caleb.

“Anong mukha niya?” mahinang tanong nito.

Nanginginig siyang tumingin rito.

“Hindi ko makita…”

At doon tuluyang naglaho ang alaala.

Napahawak siya sa dibdib niya habang pilit humihinga nang maayos.

“Damn it…”

Agad siyang inalalayan ni Caleb kahit sugatan ito.

“Easy.”

“Bakit parang may humaharang sa alaala ko?” nanginginig niyang tanong.

Tahimik si Caleb.

Hanggang sa dahan-dahan nitong sinabi—

“Because someone made sure na hindi mo iyon maaalala.”

Nanlamig siya.

“Who?”

Pero bago pa siya makakuha ng sagot—

biglang bumukas ang pinto.

Pumasok si Marco.

At seryoso ang mukha nito.

“Caleb.”

Nag-iba agad ang atmosphere.

“Ano?” malamig na tanong ni Caleb.

“May problema.”

Tahimik ang buong silid.

Hanggang sa inilapag ni Marco ang isang folder sa mesa.

“Nahanap namin kung sino ang nag-utos ng pagdukot kay Isabella.”

Biglang nanlamig ang katawan niya.

“At sino?” tanong ni Caleb.

Tahimik si Marco sandali.

Parang kahit siya ay hindi makapaniwala.

Hanggang sa dahan-dahan niyang sinabi—

“Someone from the Reyes family.”

Parang huminto ang mundo ni Isabella.

“What?”

Hindi siya agad makahinga.

“No… impossible…”

Pero nanatiling seryoso si Marco.

“At mukhang matagal ka na nilang gustong alisin.”

Unti-unting nanghina ang tuhod niya.

Hindi niya maintindihan.

Pamilya niya.

Sarili niyang pamilya.

Napatingin siya kay Caleb.

At ngayon niya lang naintindihan…

kung bakit ganoon ito ka-protective sa kanya.

Hindi siya nito kinukulong.

Pinoprotektahan siya nito.

Tahimik ang buong silid.

Hanggang sa dahan-dahang hinawakan ni Caleb ang kamay niya.

Mainit.

Mahigpit.

“At ngayon,” malamig nitong sabi habang nakatingin diretso sa kanya, “hindi na kita pwedeng pakawalan kahit isang segundo.”

Biglang bumilis ang tibok ng puso niya.

Hindi dahil sa takot.

Kundi dahil sa paraan ng paghawak nito sa kanya.

Parang natatakot itong mawala siya ulit.

Pero bago pa siya makapagsalita—

biglang tumunog ang cellphone ni Marco.

Agad nagbago ang mukha nito nang makita ang caller ID.

“Caleb…”

“Ano na naman?”

Tahimik si Marco bago nagsalita.

“May sunog.”

Nanlamig ang buong katawan ni Isabella.

“At kung saan iyon nagsimula…”

Tumingin ito sa kanya.

“…doon din nangyari ang sunog fifteen years ago.”

Parang may sumabog sa isip niya.

At sa unang pagkakataon matapos ang matagal na panahon—

may pangalan na biglang lumitaw sa alaala niya.

“C-Caleb…”

Napatigil ang lalaki.

Nanginginig siyang tumingin dito.

“At that night…”

Unti-unting nanlaki ang mata ni Caleb.

Dahil sa unang pagkakataon—

tinawag siya ni Isabella sa pangalang matagal na niyang hinihintay marinig.

“Tinawag kitang… Kuya.”

이 작품을 무료로 읽으실 수 있습니다
QR 코드를 스캔하여 앱을 다운로드하세요

최신 챕터

  • The Marriage Agreement    ANG PUMASOK SA DILIM

    Tumitilaok ang alarma sa buong safehouse.WARNING. BREACH DETECTED.Paulit-ulit ang pulang ilaw sa kisame, parang kumikislap na babala ng panganib na papalapit na sa kanila.Nanigas si Isabella sa likod ni Caleb.Hindi niya alam kung saan titingin.Sa pinto? Sa mga bintana? Sa lalaking nakatayo sa harap niya na parang hindi man lang apektado ng gulo?Pero si Caleb…kalmado.Masyadong kalmado.Parang ito ang mundong sanay na siyang mabuhay.“Marco!” sigaw niya sa intercom.Walang sagot.Biglang may malakas na kalabog mula sa labas.BANG!Napapitlag si Isabella.“Caleb…” mahina niyang tawag.“Stay behind me,” ulit nito, mas malamig ngayon.Hinila siya ni Caleb papunta sa likod ng couch, pinapailalim siya sa proteksyon ng katawan nito.At doon niya naramdaman ulit—yung bigat ng pagiging malapit sa kanya.Pero hindi na iyon comfort lang.Ngayon…takot.Isa pang kalabog.Mas malakas.CRASH.Bumigay ang isang bahagi ng glass panel sa gilid ng safehouse.Pumasok ang malamig na hangin.At ka

  • The Marriage Agreement    ANG KATAHIMIKAN SA GITNA NG LIHIM

    Tahimik ang safehouse.Mas tahimik kaysa sa kahit anong lugar na napuntahan na ni Isabella sa buong buhay niya.Walang ingay ng siyudad. Walang tao. Walang boses na nagsasabing “kumalma ka lang.”Ang meron lang—siya.At ang sarili niyang isip na ayaw tumahimik.Nakaupo siya sa dulo ng kama, yakap ang sarili habang nakatingin sa malamlam na ilaw ng kwarto. Ilang oras na ang lumipas mula nang umalis si Caleb.Pero pakiramdam niya…parang iniwan siya sa gitna ng bangungot.“Subject…”“Memory suppression…”“Experiment…”Paulit-ulit sa isip niya ang mga salitang iyon.Hindi niya alam kung ano ang mas masakit—ang posibilidad na totoo ito, o ang ideyang buong buhay niya ay isang kasinungalingan.Biglang bumukas ang intercom.“Miss Isabella.”Napalingon siya.Boses ni Marco.“May dala akong pagkain sa labas. Pwede mong kunin kung gusto mo.”Hindi siya sumagot.Tahimik lang siya.Hanggang sa mahinang sagot niya:“Hindi ako gutom.”Tahimik sa kabilang linya.“Okay,” sagot ni Marco. “Pero nandi

  • The Marriage Agreement    ANG KATAHIMIKAN SA GITNA NG LIHIM

    Tahimik ang safehouse.Mas tahimik kaysa sa kahit anong lugar na napuntahan na ni Isabella sa buong buhay niya.Walang ingay ng siyudad. Walang tao. Walang boses na nagsasabing “kumalma ka lang.”Ang meron lang—siya.At ang sarili niyang isip na ayaw tumahimik.Nakaupo siya sa dulo ng kama, yakap ang sarili habang nakatingin sa malamlam na ilaw ng kwarto. Ilang oras na ang lumipas mula nang umalis si Caleb.Pero pakiramdam niya…parang iniwan siya sa gitna ng bangungot.“Subject…”“Memory suppression…”“Experiment…”Paulit-ulit sa isip niya ang mga salitang iyon.Hindi niya alam kung ano ang mas masakit—ang posibilidad na totoo ito, o ang ideyang buong buhay niya ay isang kasinungalingan.Biglang bumukas ang intercom.“Miss Isabella.”Napalingon siya.Boses ni Marco.“May dala akong pagkain sa labas. Pwede mong kunin kung gusto mo.”Hindi siya sumagot.Tahimik lang siya.Hanggang sa mahinang sagot niya:“Hindi ako gutom.”Tahimik sa kabilang linya.“Okay,” sagot ni Marco. “Pero nandi

  • The Marriage Agreement    ANG LIHIM SA PANGALAN NG AMA

    Humahampas ang malamig na hangin habang mabilis silang tumatakbo sa emergency stairwell ng gusali.Si Isabella ay halos hinihila na ni Caleb, ang kamay nito mahigpit na nakapulupot sa kanya na parang ayaw na nitong bitawan kahit isang segundo.Sa likod nila, naririnig pa rin ang kaguluhan—sigawan, yabag, at putok na unti-unting lumalapit.“Caleb… saan tayo pupunta?” hingal niyang tanong.“Sa labas,” maikling sagot nito.“Hindi ‘yan sagot!”Hindi siya sinagot.Mas lalo lang humigpit ang hawak ni Caleb sa kamay niya.Pagdating nila sa lower level, biglang humarang ang dalawang lalaki sa exit door.Parehong naka-itim.Parehong armado.Natigilan si Isabella.“Diyan ka lang,” mahinang sabi ni Caleb.“Caleb—”“Now.”At sa unang pagkakataon, hindi iyon pakiusap.Utang na loob.Bago pa makagalaw ang mga lalaki—sumugod si Caleb.Isang mabilis na galaw.Isang suntok sa unang lalaki.Isang sipa sa ikalawa.Bumagsak silang dalawa sa sahig.Nanigas si Isabella.Hindi pa rin siya sanay makita si C

  • The Marriage Agreement    CHAPTER: ANG LALAKING HINDI DAPAT NANDIYAN

    Nanatiling nakatitig si Isabella kay Caleb.Parang hindi umaabot sa utak niya ang sinabi nito.“Buhay?” paulit-ulit niyang tanong. “Sabi nila patay na siya…”Tahimik si Caleb.Pero mas seryoso kaysa kanina.“Sinabi sa’yo na patay na siya,” malamig niyang sabi, “pero hindi iyon ang buong katotohanan.”Biglang bumigat ang hangin sa loob ng kwarto.Hindi makagalaw si Isabella.Parang may bumabalik na parte ng utak niya na matagal nang pinatay.Mga alaala ng isang lalaking hindi niya maaninag ang mukha.Isang boses na minsang tumatawag sa kanya.At isang gabi na puro usok at sigaw.“Bakit… ngayon lang?” mahinang tanong niya.Huminga nang mabigat si Caleb.“Dahil ngayon lang natin siya natunton.”Biglang tumayo si Isabella.“Natunton?” ulit niya, mas mataas ang boses. “Parang bagay lang siya na hinahanap?”Tahimik si Caleb.At ang katahimikang iyon ang sagot.Napaatras siya.“Hindi ako bagay na hinahanap lang,” nanginginig niyang sabi.“Alam ko,” sagot ni Caleb.“Then bakit parang gano’n a

  • The Marriage Agreement    CHAPTER: DELIKADONG DISTANSYA

    Tahimik ang biyahe pabalik ng penthouse.Pero sa loob ng sasakyan, mabigat ang hangin sa pagitan nina Caleb at Isabella.Hindi pa rin mawala sa isip niya ang huling alaala na bumalik sa kanya.Kuya.Iyon ang itinawag niya rito noon.At sa paraan ng pagtitig ni Caleb sa kanya kanina…parang matagal na nitong hinihintay na maalala niya iyon.Pagdating nila sa penthouse, agad nagsalita si Caleb.“Hindi ka muna lalabas.”Napairap si Isabella kahit pagod na pagod na siya emotionally.“Again with the controlling attitude.”“Hindi ito laro, Isabella.”“At hindi rin ako bata.”Biglang humarap si Caleb sa kanya.Malamig ang tingin nito, pero mas mabigat kaysa dati.“At muntik ka nang dukutin.”Natigilan siya.Tahimik.Hanggang sa umiwas siya ng tingin.“Alam ko…”Huminga nang mabigat si Caleb.Parang gusto nitong magsalita pero pinipigilan ang sarili.Papasok na sana siya sa kwarto niya nang bigla nitong hawakan ang braso niya.Mainit ang palad nito.At agad bumilis ang tibok ng puso niya.“An

더보기
좋은 소설을 무료로 찾아 읽어보세요
GoodNovel 앱에서 수많은 인기 소설을 무료로 즐기세요! 마음에 드는 작품을 다운로드하고, 언제 어디서나 편하게 읽을 수 있습니다
앱에서 작품을 무료로 읽어보세요
앱에서 읽으려면 QR 코드를 스캔하세요.
DMCA.com Protection Status