CHAPTER 1: Maagang dumating ang ulan sa Makati, bumabalot sa siyudad ng malamig na hangin at basang kalsada. Sa loob ng isang mataas na gusali ng kumpanya, tahimik ngunit mabigat ang atmospera sa opisina ng CEO.Si Caleb Montivano ay nakaupo sa dulo ng mesa, nakatitig sa mga papeles sa harap niya.Maayos ang postura, malamig ang ekspresyon, at tila walang emosyon sa bawat galaw. Kilala siya sa negosyo bilang batang CEO na walang puwang ang pagkakamali at lalo na, walang puwang ang kahinaan.“Sir, dumating na po ang final draft ng merger agreement,” sabi ng kanyang sekretarya.“Leave it,” sagot niya agad, hindi tumitingin.Sanay na ang lahat sa ganitong ugali niya. Direct, Cold, Efficient,pero ang araw na ito ay iba hindi dahil sa negosyo kundi dahil sa isang pangalan.Isabella Reyes.Sa kabilang bahagi ng lungsod, maingay ang isang café sa BGC. Doon, si Isabella ay nakaupo sa sulok, suot ang simpleng puting blouse at jeans, abala sa laptop habang may headset sa tenga.Hindi siya muk
최신 업데이트 : 2026-05-27 더 보기