Share

Kabanata 1

Malalakas at madiin ang bawat suntok na tumatama sa punching bag na nasa harapan ni Giovanni Lucchese. Mayroon siyang matikas na pangangatawan dala na rin ng pagiging babad niya sa gym. May kakapalan din ng buhok nitong akala mo ay hindi nasusuklay. Makakapal din ng kaniyang mga kilay na bumagay sa kulay brown nitong mga mata, at matangos na ilong. Manipis lang ang pinkish nitong mga labi na bumagay sa bagong ahit niyang bigote. Kanina pa siya roon at hindi niya alintana ang oras. He's just enjoying the moment dahil mayamaya lang ay aalis na siya kasama ang kaniyang grupo. Babalik na siya sa lugar kung saan nagsimula ang lahat... Where all the pain began...

"Boss..."

Napahinto siya sa pagsuntok nang marinig ang boses ni Luigi. He removed his gloves then turned his head on him.

"Is there a problem?" tanong niya kay Luigi.

"It's about Paolo," sagot naman ni Luigi sa kaniya at basa kaagad niya sa mga mata ng lalaki na mayroon ngang problema.

Naglakad siya para mas makalapit pa kay Luigi. "Say it."

"He's on the run."

He frowned. It's not a thing that Paolo would do.

"Why would he? Run from what?" may pagtataka niyang tanong.

"Well, have you heard about this girl, Chloe?"

"Yeah... Iyong anak ng isang judge?" parang alam niya na kaagad kung ano ang dahilan ni Paolo nang marinig niya ang pangalang Chloe.

Bahagyang tumango si Luigi.

"Okay, I understand," He sighed. "No change of plans, though. We'll be leaving tonight."

"B-boss?"

"You heard me," saad niya at iniwan na roon si Luigi.

Naglakad siya pakanan at bumaba sa hagdanang naroon. Binuksan niya ang pinto na nagsisilbing private room niya sa gym na iyon. Rosso Gym, iyon ang pangalan ng gym na pag-aari niya mismo. Habang nagpupunas siya ng pawis ay nasa isip niya si Paolo.

"Women," He smiled.

He really understand Paolo. Paolo fell in love with Chloe. And maybe, hindi na nito kayang iwan pa ang babae at sumama sa kanila sa pag-alis mamayang gabi. Pero alam niya na hindi lang naman ang tungkol sa pag-alis nila ang dahilan. Ang matinding dahilan ay ang gagawin nila. Hindi na gustong ipagpatuloy pa ni Paolo ang pinagplanuhan nila sa loob nang matagal na panahon. Because of what Paolo did, he doesn't think he can just let Paolo live the life he wanted. Baka maging sagabal o problema pa nga naman niya ito sa Rosso.

Rosso is his own gang name. He prefer it to call a gang only, malayo sa kinamumuhian niyang mga mafia organization. Paolo is one of his trusted men, next to Luigi. But Paolo left. And he can't just let him. Nang dahil sa babae, kinalimutan na kaagad ni Paolo ang posisyon nito sa Rosso. Kaya naman may nakaplano na siyang gawin kay Paolo.

"Boss..."

Napalingon siya sa pinto nang marinig ang boses ni Luigi. Kapag may mga kailangang gawin o asikasuhin ay si Paolo ang inaatasan niyang mag-utos sa mga tauhan niya kung ano ang kaniyang ipinagagawa. Pero dahil wala na nga si Paolo, mukhang si Luigi na ang magsisilbing kanang kamay niya. Ang ipinagkaiba lang, hindi abogado si Luigi na kagaya ni Paolo kaya naman mawawalan siya ng may alam sa batas at madalas magbigay ng legal advice sa kaniya.

"Come in," sapat lang ang lakas ng boses niya para marinig ni Luigi.

"Pasensiya na boss, pero, nandito si Chloe..." Saad ni Luigi pagkabukas nito ng pinto.

Sandali siyang natigilan bago tinanguan si Luigi. "Susunod na ako."

Ilang sandali pa ay kaharap niya na si Chloe. Naroon ang babae para pakiusapan siya na hayaan na umano si Paolo.

"Bakit ikaw ang nandito? Bakit hindi siya?" matiim ang mga matang tanong niya kay Chloe.

"He's ashamed to show up," sagot naman ni Chloe.

Hindi man lang nagbigay ng reaksiyon ang mukha niya sa sinabi ni Chloe.

"I wanted you to know that he's not afraid. He keeps telling me that you're a good man. Hindi siya nagpakita sa 'yo dahil nahihiya siya, hindi dahil natatakot siya," pagpapatuloy ni Chloe.

"Does he know you're here?" tanong niya kay Chloe.

Umiling si Chloe.

"What do you want?" pagtatanong niyang muli.

"I don't know... Minsan ko nang nakita ang ginawa ninyo sa buong ABC Gang... S-siguro, natatakot lang ako na baka hindi basta-basta ang pag-iwan sa 'yo ni Paolo. I know who he is to you. How important he is. But I promise you, Paolo and I will never be a hindrance or threat to what you're planning to do. We're leaving too. And we will make sure that no one, as in no one will know who he is to you or to Rosso..." mahabang saad ni Chloe.

"Kapag may isang bagay na nangyayaring hindi umaayon sa gusto ko, kumikilos kaagad ako. So you have until tonight only to leave or to do what you're talking about," aniya at tumayo na siya mula sa pagkakaupo.

"T-thank you!" nailapat ni Chloe ang dalawang palad sa sariling mukha sa sobrang tuwa.

"Luigi, pakihatid na siya palabas," tawag niya kay Luigi.

Pagkatapos makaalis ni Chloe ay kaagad niyang kinausap si Luigi.

"Sabihan mo ng mga maiiwan dito na balitaan kaagad ako kung aalis nga talaga sina Paolo," saad niya kay Luigi.

"Sigurado na ba kayo sa desisyon niyo, boss?" paninigurado naman ni Luigi.

"Paolo is one of our close friends. Let's give him a chance to live the life he always wanted to be," pagtatapos niya at iniwan na roon si Luigi.

**********

Kalahating oras na lamang ay lalapag na sa Italy ang private plane na kinalululanan nina Giovanni kaya naman ginising na siya ni Luigi. Ibinilin kasi ni Giovanni kay Luigi na gisingin ito kapag malapit na sila.

"Tawagan mo na sila kapag nakababa na tayo and let me know what happened," sabi kaagad ni Giovanni kay Luigi pagkadilat na pagkadilat ng mga mata niya.

"Yes boss," tango naman kaagad ni Luigi.

Isinukbit na lamang ni Giovanni sa kanang balikat ang kulay pula niyang coat habang pababa sa eroplano. Kasunod niya si Luigi at ang iba pa nilang kasamahan.

"Tawagan ko lang muna sila, boss," paalam ni Luigi.

Tumango lang siya habang nakatingin sa paparating na kulay pulang kotse. Iyon ang sundo nila papunta sa tutuluyan nila roon sa Italy.

Bago naman tuluyang nakalapit doon ang pulang kotse ay tapos ng makipag-usap si Luigi sa cellphone nito. May iniabot din munang pulang maskara si Luigi sa kaniya at kaagad niya rin iyong isinuot.

"Boss... Chloe's father stopped them," wika ni Luigi kay Giovanni.

Napabuntonghininga si Giovanni sa narinig.

"Hindi ba alam ni Judge Ibarra ang planong pag-alis dapat ng anak niya at ni Paolo?" tanong niya kay Luigi.

"Base sa pagpigil ni Judge Ibarra, mukhang wala nga siyang ideya na aalis ng Pinas ang anak niya at si Paolo," sagot ni Luigi.

"Welcome to Italy, Mr. Conti!" masayang lumapit kina Giovanni ng lalaking bumaba sa driver's seat ng pulang kotse.

Hindi naman kailangang ngumiti ni Giovanni dahil nga sa nakamaskara ito. Tanging ang ang mga mata at bibig niya lamang ang kita at ang maliit na butas sa bandang ilong upang makahinga pa rin siya nang ayos.

"Thank you, Mr. De Luca," inilahad ni Giovanni ang palad sa lalaki upang makipagkamay.

"Sa wakas ay nagkita rin tayo, Mr. Conti..." alanganing ngumiti ang lalaking nasa mid 50's na. "Pero bakit ka nakamaskara?"

"I really don't want to show my face right now, Mr. De Luca. So pardon me. I don't mean to be rude or whatever, may mga bagay lang talagang hindi ko pa puwedeng ilabas o ipakita," malumanay na paliwanag ni Giovanni.

"Oh, it's not a problem at all, Mr. Conti. Hindi ko naman ugaling manghimasok sa kung anong business ng ibang tao. Ang importante ay matitirhan niyo na ang ipinatayo ninyong mansiyon dito," nakatawa namang tugon ni Mr. De Luca.

"Ang mabuti pa ay puntahan na natin ang mansiyon na iyan dahil excited na rin akong makita iyon," sagot ni Giovanni.

Pinagbuksan ni Luigi ng pinto sa backseat si Giovanni. Si Mr. De Luca at Luigi naman ang magkasamang nakaupo sa harapan. Kasunod nila ang dalawa pang sasakyan na kulay pula rin kung saan naman nakasakay ang mga tauhan niya. Nag-overtake sa kanila ng isa roon upang mapagitnaan ang kotseng kinalululanan niya.

"Luigi, send Paolo to Rosso..." tila mabigat ang kaloobang saad ni Giovanni kay Luigi.

Nakakaintindi namang tumipa sa cellphone niya si Luigi. Maging ito ay may bigat ding nararamdaman sa utos na iyon ni Luigi. Ang ibig sabihin kasi ng 'send to Rosso' ay ipapapatay na ito. Iyon ang secret message na ginagamit nila kapag may ibang nakakarinig...

Tumanaw naman sa labas ng sasakyan si Giovanni kasabay ng pagsandal niya. Ikinatuwa niya na kinausap siya ni Chloe at sinabi ng planong pag-alis ng mga ito. Ngunit hindi niya akalaing kakailanganin niya pa rin palang iligpit si Paolo. Dahil kasi kumalas na si Paolo sa Rosso ibig sabihin ay hindi na nila alam ang mga magiging ganap sa buhay nito. Ibig sabihin ay maaari itong magamit ng kalaban laban sa kanila. At ang kalabang iyon ay ang ipinunta niya roon sa Italy, ang pinakamakapangyarihang mafia roon, ang King of Knives...

He's about to start his vengeance. He will never forget what the King of Knives did to his family and to the new family he found. He will never forget the face of the man who killed Lia...

He's there as the masked mafia boss who's about to get his retribution...

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status