Mag-log inTHE MAYOR’S SINFUL AFFAIR
KABANATA 4
AUBRIELLE ALLISON’S POINT OF VIEW.
“Na-enjoy mo ba ang pamamasyal mo sa labas, anak?” tanong sa akin ni Mommy nang makauwi ako sa bahay.
Nandito siya sa aking kwarto ngayon, sinusuklayan ang mahaba kong buhok. Katatapos lang din ng dinner namin at kami lang dalawa ni Mommy ang nasa hapagkainan dahil busy si Dad. Nasa kanyang condo unit din ngayon si Kuya Hugo, kaya hindi siya umuwi sa bahay, kaya kami lang ni Mommy ang nandito. Kaya rin siguro sobrang saya na niya na nandito na ako dahil hindi na siya mag-iisa.
Tumingin ako kay Mommy at naalala ko ‘yung sinabi kanina ni Emilio sa akin tungkol sa pamilya ko. Totoo ba ‘yun? Na ang pamilya ko ang pumatay sa Mom niya, o dala lang ‘to ng galit niya sa pamilya ko?
Huminga ako nang malalim bago ako magsalita at sagutin ang tanong ni Mom.
“Nag enjoy po ako, Mom. Lalo na po sa pamamasyal sa parke. Masaya ako na may park na dito sa Andalucia. May bago na namang papasyalan ang mga tao rito,” nakangiti kong sabi kay Mommy.
Ngumiti rin pabalik si Mommy at tumango siya.
“Buti at nagustuhan mo, anak. Nagpapasalamat nga ako at sa wakas, sinunod na rin ng Dad mo ang proposed project ko sa park. Ilang ulit akong nag-request niyan sa dad mo, pero hindi nagagawa dahil may priorities siya. Pero nang makita niyang need na rin ‘to sa mga mamamayan ng Andalucia ay ginawa na rin niya naman, at maganda pa!” nakangiti na sabi ni Mommy sa akin.
Napatango ako sa sinabi ni Mommy at muli akong napangiti. Nagkakamali si Emilio sa pag-iisip na lahat ng mga Caballero ay corrupt at sakim sa kapangyarihan. Si Mommy ay nagtatrabaho nang maayos at may malasakit siya sa mga tao sa Andalucia. Sana nga ay siya na ang tumakbong mayor sa susunod eh at hindi na si Daddy. Alam ko na maraming boboto kay Mom dahil maayos siya sa kanyang pagtatrabaho.
“Mom… may tanong sana ako sa’yo,” mahina kong sabi kay Mommy.
Napatingin sa akin si Mom at hinaplos niya ang aking pisngi at nginitian niya ako.
“Yes, anak? Ano ang tanong mo?” sabi ni Mommy sa akin.
Pwede naman akong magtanong kay Mom tungkol sa pamilya ni Emilio, right? Gusto ko lang malaman kung totoo ba o hindi ang paratang niya sa pamilya ko.
“Uhm, Mommy… kilala niyo ba ang mga Valencia?” mahina kong tanong kay Mom ngayon.
Ang kaninang nakangiti na si Mommy ay unti-unting naging seryoso.
“Bakit mo natanong, Aubrielle?” seryosong sabi ni Mom ngayon sa akin.
Napalunok ako sa aking laway at nakaramdam ako ng kaba dahil first time kong nakitang ganito kaseryoso si Mommy.
“N-Narinig ko lang po… may sabi-sabi po kasi akong narinig,” mahina kong sabi kay Mommy.
Napakunot ang noo ni Mommy at hinawakan niya ang magkabilang balikat ngayon at nagsalita siya.
“Ano ang sabi-sabi na narinig mo galing sa kanila, anak?” tanong ni Mommy sa akin habang nakatingin siya sa aking mga mata.
Napakurap-kurap ako sa aking mga mata bago ako magsalita at sabihin sa kanya ang narinig ko mula kay Emilio.
“A-Ang pamilya daw natin ang pumatay sa ina ni Emilio Valencia… totoo ba ‘yun, Mommy?” mahina kong tanong sa kanya.
Nakita ko ang gulat sa kanyang mukha at nabitawan niya ako ngayon at napaiwas siya ng tingin sa akin. Bigla akong nanlamig at kinabahan ako bigla sa naging reaksyon ni Mommy nang sabihin ko ‘yun sa kanya.
“M-Mommy, may problema po ba?” mahina kong tanong sa kanya. Nag-aalala ako kay Mommy ngayon dahil hindi pa rin siya nagsasalita.
Huminga siya nang malalim bago siya muling tumingin sa akin at hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko at nagsalita siya.
“Aubrielle, ang lalaking si Fidel Valencia ba ang nagsabi niyan sa’yo? Nagkita ba kayo kanina sa parke habang namamasyal ka? Magsabi ka ng totoo sa akin,” seryosong sabi ni Mommy sa akin ngayon.
Nakakaramdam na ako ng takot ngayon. Wala akong magawa kundi ang tumango kay Mommy dahil hindi ko kayang magsinungaling sa kanya. Mariin siyang napapikit sa kanyang mga mata bago siya huminga nang malalim at muli siyang tumingin sa akin at nagsalita siya.
“Brielle, huwag na huwag kang makinig sa batang ‘yun. Puro galit lang ang pinapakain ng pamilya niya sa kanya. Hindi ang pamilya natin ang pumatay sa kanyang ina. Naintindihan mo ba ‘yun, Aubrielle? Inosente ang pamilya natin. Wala tayong pinapatay na tao,” seryosong sabi ni Mommy ngayon habang nakatingin siya sa aking mga mata.
Hindi ko na mapigilan ang aking sarili ngayon na maging emosyonal dahil hindi ko kayang tanggapin ang sinabi ni Mommy… na inosente ang pamilya namin. Hindi man ako nagsasalita, pero alam ko ang baho ng pamilya namin—simula pa sa pamilya ni Lolo.
Alam ko na ginagawa lang ‘to ni Mommy dahil mahal na mahal niya si Daddy.
“M-Mom, sigurado ka ba talaga na inosente ang pamilya natin?” nasasaktan kong tanong sa kanya.
Nakita ko ang lungkot sa kanyang mukha ngayon nang sabihin ko ‘yun sa kanya. Malungkot siyang ngumiti sa akin at hinaplos niya ang aking pisngi at nagsalita siya muli.
“Hindi, anak. Pero alam ko na hindi tayo mamamatay-tao. Hindi tao ang pumatay sa Valencia na iyon. Kaya ikaw, huwag kang lalapit sa lalaking ‘yun. Para na rin sa kaligtasan mo, anak. Hindi ko kayang mapahamak ka, okay? Please, layuan mo ang mga Valencia,” mahinang sabi ni Mommy ngayon habang nakatingin siya sa aking mga mata.
Ang bigat ng dibdib ko ngayon habang sinasabi niya iyon sa akin.
Huminga ako nang malalim at wala akong magawa kundi ang tumango.
Hinaplos ni Mommy ang aking pisngi at hinalikan niya ako sa aking noo at niyakap niya ako.
“Thank you, anak. Marami ka pang maririnig na mga pambabatikos sa pamilya natin. Sana ay patuloy mo pa ring piliin ang pamilya natin dahil isa kang Caballero. Kami pa rin ang kakampi mo kahit anong mangyari,” wika ni Mommy habang yakap niya ako ngayon.
Napapikit ako sa aking mga mata at hindi na ako nagsalita pa.
Hindi ko alam… pero naninikip ang dibdib ko habang sinasabi ‘yun ni Mommy sa akin.
Parang ang hirap naman maging parte ng pamilyang ‘to. Hindi ko nararamdaman ang pagiging masaya.
Parang ang hirap na sabihin na isa rin akong Caballero. Pwede bang iba na lang ang apelyido ko?
Sigurado akong magagalit din sa akin si Emilio kapag nalaman niyang isa akong Caballero. Iniisip ko pa lang ang magiging reaksyon niya ay nasasaktan na ako.
TO BE CONTINUED...THE MAYOR’S SINFUL AFFAIRKABANATA 7AUBRIELLE ALLISON’S POINT OF VIEW. HINDI MAWALA sa isipan ko ang sinabi sa akin ni Mia noong nasa mall kaming dalawa, iyong time na nakita namin sa mall si Emilio. Natatakot ako… natatakot ako na malaman niyang isa akong Caballero—lalo na’t magiging magkaklase kaming dalawa ngayon sa new school ko. “Kaya habang maaga pa, mag-move on ka na kay Fidel, Aubrielle. Hinding-hindi ka niya magugustuhan once malaman niyang isa kang Caballero.” Naalala ko na naman ang eksaktong mga sinabi sa akin ng aking kapatid na si Mia tungkol kay Emilio. Natatakot akong makita siyang magalit sa akin. Hindi ko ata kakayanin kapag nangyari ang bagay na ‘yun. “Aubrielle anak?” Napakurap-kurap ako sa aking mga mata nang marinig ko ang boses ni Mommy. Napalingon ako at nakita ko siyang nakasilip ngayon sa labas ng aking kwarto habang nakangiti. “Can I come inside?” tanong niya sa akin. Nginitian ko naman si Mommy at tumango ako. “Yes po, Mom.” Nang sabihin ko ‘yun s
THE MAYOR’S SINFUL AFFAIRKABANATA 6AUBRIELLE ALLISON’S POINT OF VIEW. TOTOO NGA… kapatid ko si Mia. I asked Mom about this, at kinumpirma niya sa akin na kapatid ko si Mia sa ama, pero hindi ko dapat sabihin sa ibang tao ang tungkol dito. Hindi pa rin ako makapaniwala sa mga nalaman ko na may kapatid pala ako sa ama. Nahihirapan ako, pero alam ko na mas nahihirapan si Mia sa sitwasyon niya ngayon lalo na’t hindi siya tanggap ng mga tao dito. Kailangan na may isang taong tumanggap sa kanya… at ako dapat ‘yun. “Mia?” tawag ko sa kanya. Nandito kami ngayon sa mall, bumibili ng mga gamit para sa pasukan. Three days na lang kasi ay magsisimula na ang pasukan sa community college. At final na rin, susundin ko ang utos ni Dad na Education ang kukunin ko at major in Social Studies ang kukunin ko. Ang reason ni Dad sa akin ay puwede ko na rin itong gawing pre-law course para makapasok ako sa law school sa susunod pagkatapos ko ng four years sa college. Hindi ako makapaniwala na ipapasok
THE MAYOR’S SINFUL AFFAIRKABANATA 5AUBRIELLE ALLISON’S POINT OF VIEW. “AUBRIELLE, this is your personal assistant, Mia Rodriguez. Magiging kaklase mo rin siya sa kolehiyo sa kursong education. Wala kasing ibang course sa community college dito, kaya iyon na lang ang kunin mo for the meantime,” wika ni Dad sa akin. Nandito kami ngayon sa may living room at pinatawag ako ni Dad, kaya lumabas ako sa aking kwarto at bumaba sa hagdan. Nanlaki ang mga mata ko sa gulat sa kanyang sinabi. Nasa harapan ko ngayon ang babaeng kaedad ko na rin. Nakangiti siya sa akin at bahagya siyang kumaway nang salubong ang paningin namin dalawa. Gusto ko sana siyang batiin ngayon, pero masyadong occupied ang utak ko sa sinabi ni Dad sa course ko. Hindi naman ako against sa course ng education dahil I respect the teachers so much, pero hindi ko talaga ito gusto. I don’t want to be a teacher, I want to be a doctor! May courses naman sa medicine sa college sa kabilang bayan at puwede naman na mag-commute n
THE MAYOR’S SINFUL AFFAIRKABANATA 4AUBRIELLE ALLISON’S POINT OF VIEW. “Na-enjoy mo ba ang pamamasyal mo sa labas, anak?” tanong sa akin ni Mommy nang makauwi ako sa bahay. Nandito siya sa aking kwarto ngayon, sinusuklayan ang mahaba kong buhok. Katatapos lang din ng dinner namin at kami lang dalawa ni Mommy ang nasa hapagkainan dahil busy si Dad. Nasa kanyang condo unit din ngayon si Kuya Hugo, kaya hindi siya umuwi sa bahay, kaya kami lang ni Mommy ang nandito. Kaya rin siguro sobrang saya na niya na nandito na ako dahil hindi na siya mag-iisa. Tumingin ako kay Mommy at naalala ko ‘yung sinabi kanina ni Emilio sa akin tungkol sa pamilya ko. Totoo ba ‘yun? Na ang pamilya ko ang pumatay sa Mom niya, o dala lang ‘to ng galit niya sa pamilya ko? Huminga ako nang malalim bago ako magsalita at sagutin ang tanong ni Mom. “Nag enjoy po ako, Mom. Lalo na po sa pamamasyal sa parke. Masaya ako na may park na dito sa Andalucia. May bago na namang papasyalan ang mga tao rito,” nakangiti ko
THE MAYOR’S SINFUL AFFAIRKABANATA 3AUBRIELLE ALLISON’S POINT OF VIEW. EMILIO… LIO… napakagandang pangalan. Hindi ko kakalimutan ang pangalan na iyon. Hindi ako makapaniwala na nakasalubong kami at nakilala ko siya. Ang bait niya pala, pero paano kaya kung malaman niya ang totoo kong pagkatao? Na isa akong Caballero? Sigurado akong lalayuan niya ako. “Gusto mo bang samahan kita ngayon sa pamamasyal mo dito sa parke?” tanong sa akin ni Lio. Nanlalaki ang mga mata ko sa gulat ng sabihin niya iyon sa akin. Did he just volunteer to come with me today?! Oh my Gosh! Hindi ako makapaniwala. Para akong nababaliw dito. Crush ko na talaga siya. Yes, crush ko na si Lio! Para akong na love at first sight. Hindi ko pa naramdaman ‘to noong nasa ibang bansa ako kahit na ang gwapo naman ng mga kaklase kong mga foreigners, pero iba pa rin talaga kapag pinoy. Iba pa rin talaga si Lio. “H-Huh? Hindi ka ba busy?” nauutal ko na tanong sa kanya ngayon. Ngumiti siya sa akin at umiling siya. “Hindi n
THE MAYOR’S SINFUL AFFAIRKABANATA 2AUBRIELLE’S POINT OF VIEW. “SIMULA NGAYON ay dito ka na mag-aaral sa Andalucia, Brielle. Sa Andalucia Community College ka mag-aaral. Makakatulong ‘to sa pagtakbo namin sa susunod na eleksyon,” seryosong sabi ni Dad habang kumakain kami ng aming dinner ngayon. Kompleto na kami ngayon dahil nakauwi na rin si Kuya galing sa kanyang work. May work din siya sa kumpanya namin kahit na isa siyang SK Chairman. Para ngang walang work lagi si Kuya dahil nagagawa pa niyang pumunta sa mga clubs every night. Bakit ko alam? Nakikita ko ang mga mukha niya sa mga mutuals ko sa social media. Kitang-kita ko ang mga mukha ng kapatid ko habang nakikipaghalikan sa iba’t ibang babae sa bar. Hindi nga ako makapaniwala na nanalo siya sa eleksyon dahil nakikita naman ng mga tao kung anong klaseng tao ‘tong kapatid ko. Ngumiti ako kay Dad at napatango ako. “Thank you po sa pagpayag sa akin na dito na po ako mag-aral, Dad,” mahina kong sabi. Napa buntong-hininga siya ba







