Share

KABANATA 3

Author: Josie M
last update Huling Na-update: 2026-03-03 22:09:05

THE MAYOR’S SINFUL AFFAIR

KABANATA 3

AUBRIELLE ALLISON’S POINT OF VIEW. 

EMILIO… LIO… napakagandang pangalan. Hindi ko kakalimutan ang pangalan na iyon. Hindi ako makapaniwala na nakasalubong kami at nakilala ko siya. Ang bait niya pala, pero paano kaya kung malaman niya ang totoo kong pagkatao? Na isa akong Caballero? Sigurado akong lalayuan niya ako. 

“Gusto mo bang samahan kita ngayon sa pamamasyal mo dito sa parke?” tanong sa akin ni Lio. 

Nanlalaki ang mga mata ko sa gulat ng sabihin niya iyon sa akin. Did he just volunteer to come with me today?! Oh my Gosh! Hindi ako makapaniwala. Para akong nababaliw dito. Crush ko na talaga siya. Yes, crush ko na si Lio! Para akong na love at first sight. Hindi ko pa naramdaman ‘to noong nasa ibang bansa ako kahit na ang gwapo naman ng mga kaklase kong mga foreigners, pero iba pa rin talaga kapag pinoy. 

Iba pa rin talaga si Lio. 

“H-Huh? Hindi ka ba busy?” nauutal ko na tanong sa kanya ngayon. 

Ngumiti siya sa akin at umiling siya. 

“Hindi naman. Hindi pa naman ako hinahanap ni Lola. Ikaw lang ba mag-isa?” nakangiti niya na sabi sa akin. 

Mas lalo lang akong nahuhulog sa mga ngiti niya ngayon. Ang gaan din ng pakiramdam ko habang kausap ko siya ngayon. Ang sarap niyang kasama. 

 Bahagya akong umiling bilang sagot sa kanyang tanong. 

“Ganun ba? Samahan na kita!” sabi niya sa akin. 

Wala akong magawa kundi ang pumayag sa kanyang sinabi. Nagsimula na ulit kaming maglakad ngayon. Napasulyap ako sa bodyguard na kasama ko at nakita ko siya sa malayo habang nakatingin sa akin. Bahagyang ngumiti sa akin si Kuya Bodyguard at tumango siya sa akin. Napangiti naman ako sa kanya at tumango ako. Buti na lang talaga at pinagbigyan ako ni Kuya Bodyguard. Hindi ko pa alam ang kanyang pangalan, pero mamaya ay kikilalanin ko siya dahil ang bait niya sa akin. 

Sinabayan na ako ni Emilio ngayon dito sa park at marami siyang mga pinakita sa akin ngayon. Ang dami na rin palang mga pinagbago dito sa Andalucia at masaya ako na marami na talagang mga bago dito na pasyalan sa bayan kung saan ako lumaki. 

Pagkatapos naming maglibot ni Lio ay napagpasyahan namin na maupo na muna sa may swing. Nakaupo kami sa dalawang swing na magkalapit ngayon. Napangiti ako at nagsalita ako sa kanya. 

“Ang ganda na pala ng Andalucia, ‘no? Ang galing din ng pamamalakad ng mga government officials dito,” masaya ko na sabi kay Emilio. 

Nang sabihin ko iyon sa kanya ay bigla siyang nag make face at natawa siya na para bang may nakakatawa akong sinabi sa kanya ngayon. Nawala ang ngiti sa aking labi at napalitan ito ng pagkakunot sa aking noo habang seryoso na nakatingin sa kanya. 

May nakakatawa ba akong sinabi kay Emilio ngayon? 

“Are you being sarcastic, Ali?” natatawa niyang tanong sa akin ngayon. 

Napailing naman ako bilang sagot sa kanyang tanong at nagsalita ako. “Hindi naman. May nakakatawa ba sa sinabi ko?” nagtataka kong tanong sa kanya. 

Natigil siya sa kanyang pagtawa ngayon at nawala na rin ang ngisi sa kanyang mukha. Napalitan ito ng seryosong ekspresyon sa mukha at nagsalita siya.

“Yes, lahat ng sinabi mo ay nakakatawa, Allison. Maganda ang pamamalakad ng government dito? It’s the biggest joke I’ve ever heard. Siguro ay dahil bago ka pa lang dito kaya hindi mo pa alam ang nangyari sa Andalucia, pero hindi… hindi maganda ang pamamalakad ng mga opisyal sa gobyerno dito sa bayan namin. Ginawa na nila itong dinastiya na hindi naman dapat. Inangkin na ng mga Caballero ang bayan na ‘to kahit hindi naman sa kanila ang Andalucia,” seryosong sabi ni Emilio sa akin habang nakatingin siya nang seryoso sa aking mga mata. Kitang-kita ko sa kanyang mga mata ngayon ang galit—galit sa mga Caballero… galit sa pamilya ko. 

Napalunok ako ng aking laway at ang lakas na rin ng tibok ng aking puso ngayon. 

Ayokong mahalata niyang kinakabahan ako. Ayokong magtaka siya sa aking reaksyon ngayon dahil baka paghinalaan niya ako. 

“B-Bakit ka pala galit sa mga Caballero, Lio? Sa nakikita ko dito sa Andalucia ay okay naman ang bayan,” mahina kong sabi sa kanya. 

Mahina siyang tumawa at huminga siya nang malalim at bahagya siyang napatingala sa may langit bago siya muling tumingin sa akin at nagsalita. 

“Lahat ng nakikita mo ngayon sa bayan ng Andalucia ay bare minimum lang na ginagawa ng isang opisyal ng gobyerno, Allison. Dapat naman talaga may park ang isang bayan, di ba? Pero nagawa lang ‘to two years ago na dapat ay matagal nang mangyari dahil matagal nang nasa posisyon ang mga Caballero sa munisipyo. Every election ay walang kumakalaban sa kanila, kaya walang choice ang mga tao… sila pa rin ang nananalo,” seryoso na sabi ni Emilio ngayon sa akin, at ramdam ko ang galit sa kanyang boses habang sinasabi niya iyon sa akin. 

Hanggang ngayon ay ang bigat pa rin ng dibdib ko habang sinasabi iyon ni Emilio. Naintindihan ko ang nararamdaman niya—kung bakit siya galit sa pamilya ko. Oo, alam kong sakim sa kapangyarihan ang ama ko, pero si Mommy… magaling siyang politician. May malasakit siya sa mga tao. Kaya hindi lahat ng mga Caballero ay masama at sakim. 

Mabait si Mommy at hindi siya sakim. 

At nandito pa ako… Mabait na Caballero. 

“At kung sino man ang magtanka na kumalaban sa kanila sa eleksyon… pinapatay nila,” muling sabi ni Emilio. 

Napasinghap ako at nanlaki ang mga mata ko sa gulat sa kanyang sinabi.

“W-What?” Hindi ko makapaniwala sa sinabi ko sa kanya. 

Bahagyang ngumiti si Emilio sa akin, at kita ko ang lungkot sa kanyang mukha ngayon bago siya magsalita at tumingin sa akin ulit. 

“Ganyan sila kasamang tao, Allison. Kaya ‘wag kang magtiwala sa mga Caballero. Pareho lang silang lahat… mga demonyo,” seryosong sabi ni Emilio sa akin.

Nang sabihin niya iyon sa akin ay tumagos ito sa puso ko at nasaktan ako nang sobra. Parang gusto kong umiyak ngayon at sabihin sa kanya na hindi lahat ng mga Caballero ay masama… Nandito pa ako. 

“H-Hindi naman siguro lahat ng Caballero ay masama—” 

“They are all evil, Allison!” ang pagputol ni Emilio sa aking pagsasalita, kaya napatigil ako at bahagya akong napatalon sa gulat nang bahagyang tumaas ang boses niya. 

Muli siyang tumingin sa akin at kitang-kita ko na ang galit sa kanyang mga mata ngayon… at mas lalo pa itong lumala. 

“Lahat sila ay demonyo. Pinatay nila ang nanay ko. At hinding-hindi ko sila mapapatawad sa ginawa nila.” 

TO BE CONTINUED...

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App

Pinakabagong kabanata

  • The Mayor's Sinful Affair   KABANATA 7

    THE MAYOR’S SINFUL AFFAIRKABANATA 7AUBRIELLE ALLISON’S POINT OF VIEW. HINDI MAWALA sa isipan ko ang sinabi sa akin ni Mia noong nasa mall kaming dalawa, iyong time na nakita namin sa mall si Emilio. Natatakot ako… natatakot ako na malaman niyang isa akong Caballero—lalo na’t magiging magkaklase kaming dalawa ngayon sa new school ko. “Kaya habang maaga pa, mag-move on ka na kay Fidel, Aubrielle. Hinding-hindi ka niya magugustuhan once malaman niyang isa kang Caballero.” Naalala ko na naman ang eksaktong mga sinabi sa akin ng aking kapatid na si Mia tungkol kay Emilio. Natatakot akong makita siyang magalit sa akin. Hindi ko ata kakayanin kapag nangyari ang bagay na ‘yun. “Aubrielle anak?” Napakurap-kurap ako sa aking mga mata nang marinig ko ang boses ni Mommy. Napalingon ako at nakita ko siyang nakasilip ngayon sa labas ng aking kwarto habang nakangiti. “Can I come inside?” tanong niya sa akin. Nginitian ko naman si Mommy at tumango ako. “Yes po, Mom.” Nang sabihin ko ‘yun s

  • The Mayor's Sinful Affair   KABANATA 6

    THE MAYOR’S SINFUL AFFAIRKABANATA 6AUBRIELLE ALLISON’S POINT OF VIEW. TOTOO NGA… kapatid ko si Mia. I asked Mom about this, at kinumpirma niya sa akin na kapatid ko si Mia sa ama, pero hindi ko dapat sabihin sa ibang tao ang tungkol dito. Hindi pa rin ako makapaniwala sa mga nalaman ko na may kapatid pala ako sa ama. Nahihirapan ako, pero alam ko na mas nahihirapan si Mia sa sitwasyon niya ngayon lalo na’t hindi siya tanggap ng mga tao dito. Kailangan na may isang taong tumanggap sa kanya… at ako dapat ‘yun. “Mia?” tawag ko sa kanya. Nandito kami ngayon sa mall, bumibili ng mga gamit para sa pasukan. Three days na lang kasi ay magsisimula na ang pasukan sa community college. At final na rin, susundin ko ang utos ni Dad na Education ang kukunin ko at major in Social Studies ang kukunin ko. Ang reason ni Dad sa akin ay puwede ko na rin itong gawing pre-law course para makapasok ako sa law school sa susunod pagkatapos ko ng four years sa college. Hindi ako makapaniwala na ipapasok

  • The Mayor's Sinful Affair   KABANATA 5

    THE MAYOR’S SINFUL AFFAIRKABANATA 5AUBRIELLE ALLISON’S POINT OF VIEW. “AUBRIELLE, this is your personal assistant, Mia Rodriguez. Magiging kaklase mo rin siya sa kolehiyo sa kursong education. Wala kasing ibang course sa community college dito, kaya iyon na lang ang kunin mo for the meantime,” wika ni Dad sa akin. Nandito kami ngayon sa may living room at pinatawag ako ni Dad, kaya lumabas ako sa aking kwarto at bumaba sa hagdan. Nanlaki ang mga mata ko sa gulat sa kanyang sinabi. Nasa harapan ko ngayon ang babaeng kaedad ko na rin. Nakangiti siya sa akin at bahagya siyang kumaway nang salubong ang paningin namin dalawa. Gusto ko sana siyang batiin ngayon, pero masyadong occupied ang utak ko sa sinabi ni Dad sa course ko. Hindi naman ako against sa course ng education dahil I respect the teachers so much, pero hindi ko talaga ito gusto. I don’t want to be a teacher, I want to be a doctor! May courses naman sa medicine sa college sa kabilang bayan at puwede naman na mag-commute n

  • The Mayor's Sinful Affair   KABANATA 4

    THE MAYOR’S SINFUL AFFAIRKABANATA 4AUBRIELLE ALLISON’S POINT OF VIEW. “Na-enjoy mo ba ang pamamasyal mo sa labas, anak?” tanong sa akin ni Mommy nang makauwi ako sa bahay. Nandito siya sa aking kwarto ngayon, sinusuklayan ang mahaba kong buhok. Katatapos lang din ng dinner namin at kami lang dalawa ni Mommy ang nasa hapagkainan dahil busy si Dad. Nasa kanyang condo unit din ngayon si Kuya Hugo, kaya hindi siya umuwi sa bahay, kaya kami lang ni Mommy ang nandito. Kaya rin siguro sobrang saya na niya na nandito na ako dahil hindi na siya mag-iisa. Tumingin ako kay Mommy at naalala ko ‘yung sinabi kanina ni Emilio sa akin tungkol sa pamilya ko. Totoo ba ‘yun? Na ang pamilya ko ang pumatay sa Mom niya, o dala lang ‘to ng galit niya sa pamilya ko? Huminga ako nang malalim bago ako magsalita at sagutin ang tanong ni Mom. “Nag enjoy po ako, Mom. Lalo na po sa pamamasyal sa parke. Masaya ako na may park na dito sa Andalucia. May bago na namang papasyalan ang mga tao rito,” nakangiti ko

  • The Mayor's Sinful Affair   KABANATA 3

    THE MAYOR’S SINFUL AFFAIRKABANATA 3AUBRIELLE ALLISON’S POINT OF VIEW. EMILIO… LIO… napakagandang pangalan. Hindi ko kakalimutan ang pangalan na iyon. Hindi ako makapaniwala na nakasalubong kami at nakilala ko siya. Ang bait niya pala, pero paano kaya kung malaman niya ang totoo kong pagkatao? Na isa akong Caballero? Sigurado akong lalayuan niya ako. “Gusto mo bang samahan kita ngayon sa pamamasyal mo dito sa parke?” tanong sa akin ni Lio. Nanlalaki ang mga mata ko sa gulat ng sabihin niya iyon sa akin. Did he just volunteer to come with me today?! Oh my Gosh! Hindi ako makapaniwala. Para akong nababaliw dito. Crush ko na talaga siya. Yes, crush ko na si Lio! Para akong na love at first sight. Hindi ko pa naramdaman ‘to noong nasa ibang bansa ako kahit na ang gwapo naman ng mga kaklase kong mga foreigners, pero iba pa rin talaga kapag pinoy. Iba pa rin talaga si Lio. “H-Huh? Hindi ka ba busy?” nauutal ko na tanong sa kanya ngayon. Ngumiti siya sa akin at umiling siya. “Hindi n

  • The Mayor's Sinful Affair   KABANATA 2

    THE MAYOR’S SINFUL AFFAIRKABANATA 2AUBRIELLE’S POINT OF VIEW. “SIMULA NGAYON ay dito ka na mag-aaral sa Andalucia, Brielle. Sa Andalucia Community College ka mag-aaral. Makakatulong ‘to sa pagtakbo namin sa susunod na eleksyon,” seryosong sabi ni Dad habang kumakain kami ng aming dinner ngayon. Kompleto na kami ngayon dahil nakauwi na rin si Kuya galing sa kanyang work. May work din siya sa kumpanya namin kahit na isa siyang SK Chairman. Para ngang walang work lagi si Kuya dahil nagagawa pa niyang pumunta sa mga clubs every night. Bakit ko alam? Nakikita ko ang mga mukha niya sa mga mutuals ko sa social media. Kitang-kita ko ang mga mukha ng kapatid ko habang nakikipaghalikan sa iba’t ibang babae sa bar. Hindi nga ako makapaniwala na nanalo siya sa eleksyon dahil nakikita naman ng mga tao kung anong klaseng tao ‘tong kapatid ko. Ngumiti ako kay Dad at napatango ako. “Thank you po sa pagpayag sa akin na dito na po ako mag-aral, Dad,” mahina kong sabi. Napa buntong-hininga siya ba

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status