Share

The Mayor's Sinful Affair
The Mayor's Sinful Affair
Author: Josie M

SIMULA

Author: Josie M
last update publish date: 2026-03-03 22:06:36

THE MAYOR’S SINFUL AFFAIR

SIMULA

“Anong gagawin mo, Aubrielle?! Babalik ka sa Pilipinas? Doon sa bayan niyo na maraming galit sa pamilya niyo? Brielle, mapapahamak ka lang!” 

Napatingin ako sa aking kaibigan na si Alfred nang sabihin niya iyon sa akin. Naisip ko na rin iyon, pero wala na akong choice. Kailangan kong makuha ulit ang mga ari-arian ng pamilya ko lalo na’t importante ito sa aking ina.

Gagawin ko ‘to para kay Mama. At gusto ko rin na bumawi sa mga tao sa bayan namin. Gusto kong ipakita sa kanila na ibang-iba ako sa pamilya ko—na hindi ako katulad ng aking Papa na dating mayor sa bayan namin na sakim sa kapangyarihan.

Huminga ako nang malalim bago ako mapatingin sa aking kaibigan na si Alfred at nginitian ko siya.

“After ko naman makuha ang mga properties namin ay babalik na ako rito sa Australia, Alfred. Ayoko na rin naman mag stay doon eh.”

Ayoko nang stay doon sa Andulencia lalo na’t nandoon ang taong sinaktan ko nang sobra. Ayoko na rin na maalala pa ang mga alaala ng nakaraan. Gusto kong move forward. 

“Or baka ayaw mo lang na makita si Mayor?”

Nanlaki ang mga mata ko ng sabihin iyon ni Alfred.

“S-Shut up, Alfred!”

Humalakhak siya ng malakas.

“I knew it! Iba pa rin talaga ang epekto ng isang Mayor Emilio kay Aubrielle Caballero!” Nakangisi na sabi ng aking kaibigan habang tinutukso niya ako ngayon.

Napanguso na lang ako at napaisip kay Emilio. Kumusta na kaya siya? Sigurado akong kinalimutan na niya ako lalo na’t ako ang dahilan kung bakit siya nasaktan ng sobra. Alam kong nasa mabuti na siyang kalagayan at natupad niya na rin ang kanyang pinapangarap simula pa noon na maging Mayor sa lungsod namin sa Andulencia.

“Hindi na ako aasa pa, Alfred. Ang alam ko ay may asawa na si Emilio eh,” mahina kong sabi.

Kasal na siya… may pamilya na siya, kaya wala na akong karapatang pasukin ulit ang buhay niya.

“Hala! Hindi ka talaga updated sa news, Aubrielle, ano?!”

Napakunot ang noo ko sa sinabi ng aking kaibigan at bahagya akong naguluhan.

“Anong ibig mong sabihin, Alfred?” Tanong ko sa kanya.

“Girl! May kumakalat sa news na nagche-cheat daw ang asawa ni Mayor Emilio sa kanya! May kinikitang lalaki sa ibang bansa! Grabe ‘yung babaeng ‘yun! Ang swerte na nga niya na si Mayor Emilio ang asawa niya dahil hindi lang matalino—macho at super pogi pa!”

Natigilan ako sa sinabi ni Alfred at napaisip ako. Sana naman hindi totoo iyong news na iyon dahil nakakaawa si Emilio. Hindi niya deserve na maloko siya dahil mabuti siyang tao.

Huminga na lang ulit ako nang malalim at hindi na ako nagsalita.

Makalipas ang ilang linggo na paghahanda sa pagbabalik ko ng Pilipinas ay sa wakas ay pabalik na talaga ako. Kasama ko ngayon si Alfred sa pagbabalik ko dahil wala na akong pamilya at siya na lang talaga ang maaasahan ko. Nasa Australia rin ang pamilya ni Alfred at wala rin naman daw siyang gagawin, kaya sasamahan na niya ako.

“Welcome back to us sa Pilipinas!” nakangiti na sabi ni Alfred nang makalapag na ang eroplano namin sa airport.

May sumundo sa amin na van at hinatid na kami papunta sa hotel na pagsastayhan namin ngayong gabi. Tatlong oras pa kasi ang biyahe para makarating kami sa bayan namin sa Andalucia, kaya magpapalipas na muna kami ng gabi dito sa syudad.

Isa lang na hotel room ang binook namin ni Alfred dahil wala naman kaming malisya dalawa dahil bakla itong kaibigan ko. Pero walang ibang nakakaalam na bakla siya kundi ako lang at ang kanyang secret boyfriend na isang Latino na nakatira sa Mexico.

“Anong gagawin mo pagkarating natin bukas doon sa Andalucia, Brielle?” tanong sa akin ng aking kaibigan.

Napatingin naman ako sa kanya at napaisip.

“S-Syempre pupuntahan ko muna ang bahay namin.”

Tinaasan niya ako ng kanyang kilay.

“May posibilidad na magkita kayo ni Mayor, Brielle. Handa ka na bang makita muli ang TOTGA mong si Mayor Emilio?” nakangisi na tanong ni Alfred sa akin na halatang nanunukso.

Bahagya akong ngumiti sa aking kaibigan at sinagot ang kanyang tanong nang totoo. “E-Ewan ko, Alfred. Kinakabahan akong makita muli si Lio. Tatanggapin ko na lang kung ano man ang kanyang pakikitungo sa akin kung magkita kaming dalawa,” mahina kong sabi.

Lumapit sa akin si Alfred at hinawakan niya ang aking kamay at nginitian niya ako.

“Hindi ka naman nag iisa, beshy. Nandito naman ako for you! Kaya mo ‘yan!”

Napangiti ako kay Alfred at tumango ako.

“Salamat sa pagsama sa akin pabalik dito sa Pilipinas, Alfred. Hindi ko talaga kayang bumalik nang mag-isa, eh.”

Natulog na kami ni Alfred dahil maaga pa ang biyahe namin bukas papuntang Andalucia. Nang sumunod na bukas ay naghanda na kami ni Alfred. May van kaming nirent na maghahatid sa amin sa Andalucia. Habang nagbabyahe kami ngayon ay tahimik lang ako na nakatingin sa labas ng sasakyan.

Ang lakas ng kabog ng aking dibdib sa kaba.

After 8 years ay makakabalik na ulit ako sa Andalucia. 20 years old pa lang ako ng umalis kami ng buo kong pamilya sa bayan na naging buhay na rin ng pamilya Caballero.

At ngayon ay magbabalik ako upang kunin ang dapat ay para sa amin.

Ipinikit ko na lang ang aking mga mata at hinintay ko na lang na makarating kami sa Andalucia dahil tatlong oras pa ang byahe namin.

Tanghali na nang makarating kami sa Andalucia at agad kaming dumiretso sa dati naming bahay. Nagtataka naman ako ng makita kong may tao sa loob na parang may nakatira.

“Hala, Sis! May nakatira na sa mansion niyo?” Tanong ni Alfred.

Nagmamadali akong bumaba at agad akong magtanong sa guard na nagbabantay sa harapan ng gate ng bahay namin.

“H-Hello po! Pwede ba magtanong?”

Napatingin sa akin ang guard at lumapit siya.

“Yes po, Miss! Ano ang tanong niyo?”

“Uhm, kami kasi ang dating nakatira dito sa mansion ng mga Caballero 8 years ago. Gusto ko lang po sanang matanong kung sino ang nakatira dito ngayon?” kinakabahan kong tanong sa guard.

Ang alam kasi namin ay nakatambak lang itong mansion at hinihintay na lang namin na may kumuha sa pamilya namin. Kaya nagtataka talaga ako ngayon kung bakit may nakatira na rito.

“Nako! Ma’am, si Mayor na po ang nakatira rito!”

Nanlaki ang mga mata ko sa gulat nang sabihin iyon ng guard.

“P-Po? Sinong mayor ang sinasabi niyo?”

“Ako ang mayor na tinutukoy niya…”

Bago pa makasagot ang guard ay may nagsalita na sa aking likuran. Nagulat ako nang marinig ko ang boses na iyon.

After 8 years ay narinig ko ulit ang boses na iyon.

Unti-unti akong napaharap sa likuran ko at nanlaki ang aking mga mata nang makita ko si Emilio sa aking harapan. Parang kagagaling niya pang mag-jogging dahil pinagpapawisan pa siya at nakapag-jogging attire pa.

Malamig ang ekspresyon sa mukha niya ngayon habang nakatingin sa akin.

“L-Lio…” mahina kong banggit sa kanyang pangalan.

“Mayor Fidel! Buti nandito ka na po. Ito kasing si Ma’am Ganda, hindi ko alam ang pangalan, nagtatanong kung sino raw ang nakatira dito sa bahay niyo,” wika ng guard.

Nakita kong napataas ang kilay ni Emilio bago siya muling tumingin sa akin.

Humakbang siya palapit sa akin at ako naman ay parang naestatwa lang sa aking kinatatayuan ngayon.

“I bought this mansion 3 years ago, Miss Caballero. And I am the new owner of this house, if you didn’t know,” malamig niyang sabi sa akin.

Natulala ako sa kanyang sinabi at napailing-iling ako.

“N-No way…” mahina kong sabi.

Bahagya siyang ngumisi at tumango.

“Yes, way, Miss Caballero. Wala na ang properties niyo sa lugar namin. Kagaya ng pagtakas niyo at pag-iwan sa bayan na ito, ganoon din ang nangyari sa mga properties niyo na para talaga sa mamamayan ng Andalucia. Kaya bumalik ka na kung saan ka nakatira ngayon. You’re not welcome here in my municipality,” malamig at seryoso na sabi ni Emilio bago niya ako nilagpasan at iniwan sa aking kinatatayuan.

Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa aking katawan nang sabihin iyon ni Emilio sa akin.

Hindi puwede.

Kailangan kong bawiin ang mga properties namin.

Sa pamilya ko ‘yun!

Sa mga Caballero ‘yun at babawiin ko ito!

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • The Mayor's Sinful Affair   KABANATA 54

    THE MAYOR’S SINFUL AFFAIRKABANATA 54AUBRIELLE ALLISON’S POINT OF VIEW.WALA NA AKONG balita kay Emilio, kaya para na rin akong mababaliw dito sa New York. Dalawang araw na siyang hindi nakokontak at nag-aalala na talaga ako nang sobra sa kanya. Kaya ngayon ang ginawa ko na lang ay tawagan ang kapatid ko na si Mia na malapit din kay Emilio. Noong una ay hindi kaagad nasagot ng kapatid ko ang aking tawag. Siguro ay dahil natutulog na ito, o hindi naman ay busy? Umaga kasi ako tumawag sa kanya, kaya probably ay gabi na doon sa Pilipinas.Makalipas ang ilang minuto ng pagtawag sa kapatid ko, sinagot na talaga ni Mia ang aking tawag.“Mia!” Masayang nabanggit ko ang kanyang pangalan ngayon nang masagot niya ang tawag ko sa phone. Matagal na nakakapagsalita ang kapatid ko sa kabilang linya, pero hindi ko na ‘to binigyan ng malisya dahil baka nagising ko siya sa tawag ko.“Hello, Brielle? Kumusta ka dyan sa New York?” tanong ni Mia sa akin sa kabilang linya. Nang itanong iyon ng aking kapa

  • The Mayor's Sinful Affair   KABANATA 53

    THE MAYOR’S SINFUL AFFAIRKABANATA 53AUBRIELLE ALLISON’S POINT OF VIEW. SOBRANG MISS KO na si Emilio! Wala akong ibang ginawa kundi makipag plastikan sa mga pinsan ko at sa buo kong pamilya. Wala akong close sa mga pinsan ko kahit na magkasing-edad lang kaming lahat. Mas lalo lang din akong nainis dahil katabi ko si Sean sa loob ng eroplano papuntang New York. Ang layo pa naman ng biyahe namin, kaya nakakairita talaga!Mas lalo akong nairita nang makita ko ulit ang pagmumukha ng kapatid ko na si Kuya Hugo. Ilang beses ko na siyang tiningnan, pero iniiwas niya ang tingin sa akin.“Anak, kanina ka pa tahimik…”Napatingin ako kay Mommy nang marinig ko ang kanyang boses. Nandito na kami sa bahay namin sa New York. Mas ginusto kong lumabas na muna sa bahay kaysa naman makipag plastikan sa mga pinsan ko. Ayoko na talaga rito, gusto ko nang umuwi.Kapag kasi nandito ako sa New York ay naaalala ko ang mga karanasan ko noon nang ipinatapon nila ako dito sa New York. Wala akong ibang kakampi

  • The Mayor's Sinful Affair   KABANATA 52

    THE MAYOR’S SINFUL AFFAIRKABANATA 52AUBRIELLE ALLISON’S POINT OF VIEW. NAGPATULOY ANG ganung setup naming dalawa ni Emilio—ang pagpunta niya rito sa aking kwarto ng walang nakakalam na ibang tao maliban sa akin, kay Mia, at kay Kuya Edgar. Oo, kasabwat namin si Kuya Edgar sa aming ginagawa. Kaya malaki rin talaga ang utang na loob namin para sa kanya, at nangako namin ni Emilio na babawi kami kay Kuya Edgar.Ngayon ay term break namin, at isang linggo kaming walang klase. Magiging masaya na sana ako dahil mas may oras na kaming dalawa ni Emilio sa isa’t isa, pero bigla na lang sinabi ni Mommy na pupunta kami ng New York dahil magbabakasyon kami ng pamilya namin. Wala akong magagawa dahil reunion na rin ito ng mga Caballero dahil pupunta rin ang grandparents ko, at ang mga kapatid din ni Daddy.Ayoko sana na sumama dahil mas gusto ko pa na nandito ako sa Andalucia at makasama si Emilio, pero alam ko na hindi papayag ang pamilya ko kapag sinabi ko iyon sa kanila.“Okay lang naman. Is

  • The Mayor's Sinful Affair   KABANATA 51

    SA: 511104 wordsTHE MAYOR’S SINFUL AFFAIRKABANATA 51AUBRIELLE ALLISON’S POINT OF VIEW. SOBRANG SAYA ko na makita ko si Emilio dito sa loob ng aking kwarto. Siya na talaga ang gumawa ng paraan para lang makita ako muli, lalo na’t delikado ang sitwasyon ko ngayon at marami akong mga guards na nakapalibot kapag lumalabas ako ng bahay. Noon kasi ay hindi siya mahigpit sa akin, at okay lang sa kanila na si Kuya Edgar lang ang kasama ko. At si Kuya Edgar naman ay mapagkakatiwalaan ko ng sobra kaya walang problema sa akin.At dahil sa nangyari sa akin, mas naging mahigpit na silang lahat. Kaya nagpapasalamat din talaga ako na hindi ako iniwan ni Emilio at nandyan siya para sa akin.“Lumayo na kaya tayo?”Natigilan ako ng sabihin iyon ni Emilio. Nag angat ako ng tingin sa kanya ng sabihin niya iyon sa akin. May gulat akong ekspresyon sa mukha ng sabihin niya iyon sa akin, pero may excitement din akong nararamdaman ng sabihin niya rin iyon sa akin. Gusto niya ba na lumayo na kami dito? Na

  • The Mayor's Sinful Affair   KABANATA 50

    THE MAYOR’S SINFUL AFFAIRKABANATA 50AUBRIELLE ALLISON’S POINT OF VIEW. NAKALABAS NA ako ng hospital, pero nang dahil sa nangyari ay mas humigpit pa ang securities ko kapag lumalabas ako ng bahay, kaya hindi na ako nakakapunta doon sa bukid ni Emilio upang magkita kaming dalawa. At ngayon din ay mas lalong dumidikit lalo si Sean sa akin kaya nakakaramdam na ako ng inis sa kanya. Kagaya ngayon, gusto ko sanang mapag-isa dito sa cafeteria at hinihintay ko si Mia na pumunta rito, pero bigla na lang umupo si Sean sa harapan ng inuupuan ko.“What do you want, Sean?” malamig ko na sabi sa kanya.Ngumiti siya sa akin at naglagay siya ng milkshake sa aking harapan ngayon na para bang sinasabi niya na akin na iyon. Pero wala akong pakialam sa milkshake niya. Gusto kong tigilan niya ako.“Wala lang, gusto lang kitang samahan. Alam mo naman, delikado ang buhay mo, Aubrielle. Baka may bigla na lang manakit sayo rito—o baka may biglang bumaril kagaya ng nangyari sayo. Ayoko ng mangyari iyon sayo

  • The Mayor's Sinful Affair   KABANATA 49

    THE MAYOR’S SINFUL AFFAIRKABANATA 49AUBRIELLE ALLISON’S POINT OF VIEW. MASAYA NA AKO na makita si Mia dito sa ospital habang nagpapagaling ako. Marami siyang naging kwento sa akin at nalaman ko na may boyfriend na pala siya, at kaibigan pa ito ni Emilio. Masaya ako para sa aking kapatid dahil nakikita ko ang saya sa kanyang mukha habang nagkukwento siya sa akin tungkol sa kanyang boyfriend.Na-sad lang ako ng magpaalam na sa akin si Mia at hindi siya pwedeng mag stay dito sa ospital dahil may klase pa siya para bukas. Nangako naman siya sa akin na babalik siya rito sa ospital kaya ito na lang ang panghahawakan ko. Ako lang kasi mag-isa dito ngayon sa kwarto ko dahil busy rin si Mommy. Si Dad? Isang beses lang siyang dumalaw dito sa akin. Si Kuya Hugo naman ay never pang dumalaw dito kaya hindi na ako mag e-expect na pumunta siya. Si Sean naman—wag na siyang pumunta rito. Naiirita lang ako sa mukha niya kaya huwag na siyang pumunta.Dahil hindi pa ako makagalaw dito sa hospital bed,

  • The Mayor's Sinful Affair   KABANATA 31

    THE MAYOR’S SINFUL AFFAIRKABANATA 31AUBRIELLE ALLISON’S POINT OF VIEW. DAHIL NAGHIHINALA na sa akin si Kuya Hugo, kailangan muna namin maging extra careful ni Emilio sa relasyon naming dalawa. Si Sean pala ang mata at tainga ni Kuya Hugo dito sa campus kaya mas kailangan kong mag doble ingat. Hi

  • The Mayor's Sinful Affair   KABANATA 30

    THE MAYOR’S SINFUL AFFAIRKABANATA 30AUBRIELLE ALLISON’S POINT OF VIEW. “KAKAYANIN BA natin ‘tong dalawa, Emilio?” mahina kong tanong sa kanya habang nakasandal ako sa kanyang dibdib, at siya naman ay nakayakap mula sa aking likuran at nakapulupot ang kanyang braso sa aking beywang. Nandito kami

  • The Mayor's Sinful Affair   KABANATA 29

    THE MAYOR’S SINFUL AFFAIRKABANATA 29AUBRIELLE ALLISON’S POINT OF VIEW. “AKIN KA LANG, ALI.”Hindi mawala sa aking isipan ang sinabi sa akin ni Emilio kanina nang ipasok niya ako sa isang room. And we kissed again! Oh my Gosh. Hindi ako makapaniwala na gagawin niya iyon sa akin.“Aubrielle, gusto

  • The Mayor's Sinful Affair   KABANATA 28

    THE MAYOR’S SINFUL AFFAIRKABANATA 28AUBRIELLE ALLISON’S POINT OF VIEW. HINDI KO MAPIGILAN ang bibig ni Sean kung ano ang mga sasabihin niya sa mga kaklase ko at pati na rin sa mga professors namin. Isa rin talaga ‘to sa mga hindi ko nagustuhan noon kay Sean ng magkarelasyon pa kaming dalawa—ang

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status