Share

KABANATA 1

Author: Josie M
last update Last Updated: 2026-03-03 22:07:18

KABANATA 1

AUBRIELLE’S POINT OF VIEW.

“EXCITED ka na bang umuwi ng Pilipinas, anak? I’m sure your Daddy will be happy to see you!” nakangiti na sabi ni Mom habang tinutulungan niya akong mag-impake sa aking mga kagamitan ngayon na dadalhin pabalik sa Pilipinas.

It’s been 6 years since I stayed here in the USA. Dito ako nag-high school at ngayon ay babalik na ako sa Pilipinas at doon ko na ipagpatuloy ang aking pag-aaral sa kolehiyo. 

Masaya ako na sa wakas, makakauwi na ako sa bayan namin sa Andalucia at makakasama ko na ang pamilya ko. Ako lang kasi mag-isa rito sa USA at wala akong kamag-anak dito. Dumadalaw lang sa akin ang pamilya ko dito 4 to 5 times a month. Kaya nakakalungkot talaga tumira rito.

Buti na lang at pinayagan na ako ng dad ko na bumalik na sa Pilipinas.

Kaya ngayon ay nandito si Mommy upang sunduin ako kahit na busy siya sa work niya. 

She’s the vice-mayor in our municipality. While my Dad is the Mayor of Andalucia. Yes, sa government nagtatrabaho ang family ko. Family ng mga Politiko ang pamilya Caballero. Ang Kuya ko nga ngayon ay SK Chairman at SK federation na rin. Iyong uncle ko naman na kapatid ni Dad ay isang Governor. Iyong asawa naman ng Uncle ko ay ang Vice Governor at ang Congressman naman sa district 1 kung saan kami ay ang aking Grandpa. 

Yes, we have a political dynasty in our place.

Nakaka-pressure sila sa totoo lang dahil ayokong pumasok sa politika at alam na iyon ni Mom kaya galit sa akin si Daddy.

Gusto niyang sumunod ako sa yapak nila pagkatapos ko sa kolehiyo, pero ayoko. Ang gusto ko ay maging isang doctor at iyon ang pangarap ko na trabaho.

“Sigurado ba talaga na masaya si Dad, Mom? Baka gawa mo lang ‘yan,” mahina kong sabi sa kanya.

Natigil siya sa kanyang ginagawa at lumapit siya sa akin. Hinawakan ni Mom ang aking kamay at bahagya niya itong pinisil bago siya magsalita habang nakatingin sa akin.

“Anak, nagtatampo lang naman ang Daddy mo. Pero mahal ka nun at miss na miss ka na niya. Siyempre gusto niya lang naman na sumunod ka sa yapak namin eh—ang maglingkod sa mga tao,” wika ni Mom at ngumiti siya sa akin.

“Maglilingkod pa rin naman ako sa mga tao, Mom. Hindi nga lang sa politics, kundi sa medical field dahil gusto ko pong maging doktor. Sana po ay suportahan niyo ako sa gusto ko,” seryoso kong sabi kay Mommy.

Nakita ko na para siyang nahihirapan ngayon sa sasabihin niya sa akin. Alam ko naman na under si Mommy kay Daddy eh. Si Daddy ang laging nasusunod sa pamilya namin at wala na kaming magagawa kung magdesisyon si Dad.

Kaya kahit na sabihin ni Mom sa akin ngayon na suportado siya sa akin, si Dad pa rin ang huling magdedesisyon.

“Alam mo naman kung gaano kita kamahal, Brielle, right?”

Ngumiti ako kay Mom at tumango.

Hinawakan niya ang aking pisngi at ngumiti siya sa akin bago magsalita ulit.

“Susubukan ko pa rin na kausapin ang Dad mo tungkol sa gusto mong course sa college, okay? Pero hindi ako mangangako. Kilala mo naman ang dad mo… Siya pa rin ang masusunod.”

Nakaramdam ako ng labis na saya sa sinabi ni Mom. Lumapit ako sa kanya at niyakap ko siya.

“Maraming salamat, Mommy! I love you so much!” Masayang sabi habang yakap ko siya. Hinalikan ko rin ang kanyang magkabilang pisngi, kaya mahina siyang napatawa.

“I love you, rin, anak ko.”

Nang matapos na kaming mag-ayos ng mga gamit ko ay umalis na kami. May private jet ang pamilya ko, kaya iyon na ang aming ginamit. Tahimik lang ako ngayon dito sa loob ng eroplano habang si Mommy naman ay busy sa kanyang mga paperwork. Pati dito ay may dala-dala siyang trabaho, kaya masasabi ko talaga na napaka-dedicated ni Mommy sa work niya. Next election nga ay tatakbo si Mommy na governor at alam kong mananalo siya dahil mahal siya ng mga tao.

Nakarating na kami ng Pilipinas at ngayon ay nakasakay na kami sa Van habang pauwi sa probinsya cy namin. Nakatingin lang ako sa labas ng bintana at tinitingnan ang bawat madadaanan namin. Napangiti ako nang makita ko ang karatola na WELCOME TO ANDALUCIA. Nasa bayan na talaga kami!

Tumigil muna ang sasakyan namin nang huminto ang traffic light. Napatingin uli ako sa labas at naningkit ang mga mata ko nang may nakita akong parang galing sa rally na mga kabataan, parang kaedad ko lang.

Kita ko ang nakalagay sa mga karatola na dala nila at lahat ng ito ay tungkol sa pamilya ko—pagpapatalsik sa pamilya Caballero.

“MGA CABALLERO MANLOLOKO!”

“CORRUPT KAYO, MGA CABALLERO!”

“NO TO POLITICAL DYNASTY! NO TO FAMILY CABALLERO!”

Iyon ang mga nababasa ko sa mga dala nila ngayon at hindi ko maiwasan na makaramdam ng sakit dahil pamilya ko ang binabatikos nila.

Habang binabasa ko ang mga nakalagay sa mga dala nila, hindi ko mapigilan na mapatingin sa lalaking nandoon din kasama ng ibang mga kaedaran ko. Matangkad ito, maputi at gwapo. 

Hindi ko alam kung bakit hindi ko maalis ang tingin sa lalaking iyon.

“Aubrielle, ‘wag mo nang tingnan ang rally na iyon. Propaganda lang yan ng kalaban ng pamilya natin,” wika ni Mommy na nasa aking tabi ngayon.

Wala akong magawa kundi ang umiwas ng tingin.

Ano kaya ang pangalan ng lalaking ‘yun? 

Unang araw ko pa lang sa bayan namin ay may crush na ako. Pero sana magkita pa ulit kami ng lalaking iyon at malaman ko ang kanyang pangalan.

“WELCOME BACK HOME, AUBRIELLE!”

Agad akong sinalubong ng pagbati ng mga tao sa bahay namin. Nandoon si Dad na nakangiting nakatingin sa akin at nakita ko rin si Kuya na nakatayo lang sa malayo habang seryoso ang tingin sa akin.

“My unica hija is finally home! I missed you, anak!” Wika ni Dad at niyakap niya ako ng mahigpit.

Napangiti ako at napayakap pabalik kay Dad dahil na-miss ko rin talaga siya.

“I missed you, too, Dad!”

Nang matapos kaming nagyakapan ay inakbayan niya ako at bahagya niyang kinurot ang pisngi ko.

“Dahil nandito ka na, madadagdagan na ang Caballero na maglilingkod sa bayan!” sabi ni Dad na ikinatahimik ko.

Hindi na lang ako nagsalita at pinilit ko na lang na ngumiti kay Daddy.

Ayokong pumasok sa politika.

At ayokong sundin ang yapak ng pamilya ko.

TO BE CONTINUED...

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • The Mayor's Sinful Affair   KABANATA 7

    THE MAYOR’S SINFUL AFFAIRKABANATA 7AUBRIELLE ALLISON’S POINT OF VIEW. HINDI MAWALA sa isipan ko ang sinabi sa akin ni Mia noong nasa mall kaming dalawa, iyong time na nakita namin sa mall si Emilio. Natatakot ako… natatakot ako na malaman niyang isa akong Caballero—lalo na’t magiging magkaklase kaming dalawa ngayon sa new school ko. “Kaya habang maaga pa, mag-move on ka na kay Fidel, Aubrielle. Hinding-hindi ka niya magugustuhan once malaman niyang isa kang Caballero.” Naalala ko na naman ang eksaktong mga sinabi sa akin ng aking kapatid na si Mia tungkol kay Emilio. Natatakot akong makita siyang magalit sa akin. Hindi ko ata kakayanin kapag nangyari ang bagay na ‘yun. “Aubrielle anak?” Napakurap-kurap ako sa aking mga mata nang marinig ko ang boses ni Mommy. Napalingon ako at nakita ko siyang nakasilip ngayon sa labas ng aking kwarto habang nakangiti. “Can I come inside?” tanong niya sa akin. Nginitian ko naman si Mommy at tumango ako. “Yes po, Mom.” Nang sabihin ko ‘yun s

  • The Mayor's Sinful Affair   KABANATA 6

    THE MAYOR’S SINFUL AFFAIRKABANATA 6AUBRIELLE ALLISON’S POINT OF VIEW. TOTOO NGA… kapatid ko si Mia. I asked Mom about this, at kinumpirma niya sa akin na kapatid ko si Mia sa ama, pero hindi ko dapat sabihin sa ibang tao ang tungkol dito. Hindi pa rin ako makapaniwala sa mga nalaman ko na may kapatid pala ako sa ama. Nahihirapan ako, pero alam ko na mas nahihirapan si Mia sa sitwasyon niya ngayon lalo na’t hindi siya tanggap ng mga tao dito. Kailangan na may isang taong tumanggap sa kanya… at ako dapat ‘yun. “Mia?” tawag ko sa kanya. Nandito kami ngayon sa mall, bumibili ng mga gamit para sa pasukan. Three days na lang kasi ay magsisimula na ang pasukan sa community college. At final na rin, susundin ko ang utos ni Dad na Education ang kukunin ko at major in Social Studies ang kukunin ko. Ang reason ni Dad sa akin ay puwede ko na rin itong gawing pre-law course para makapasok ako sa law school sa susunod pagkatapos ko ng four years sa college. Hindi ako makapaniwala na ipapasok

  • The Mayor's Sinful Affair   KABANATA 5

    THE MAYOR’S SINFUL AFFAIRKABANATA 5AUBRIELLE ALLISON’S POINT OF VIEW. “AUBRIELLE, this is your personal assistant, Mia Rodriguez. Magiging kaklase mo rin siya sa kolehiyo sa kursong education. Wala kasing ibang course sa community college dito, kaya iyon na lang ang kunin mo for the meantime,” wika ni Dad sa akin. Nandito kami ngayon sa may living room at pinatawag ako ni Dad, kaya lumabas ako sa aking kwarto at bumaba sa hagdan. Nanlaki ang mga mata ko sa gulat sa kanyang sinabi. Nasa harapan ko ngayon ang babaeng kaedad ko na rin. Nakangiti siya sa akin at bahagya siyang kumaway nang salubong ang paningin namin dalawa. Gusto ko sana siyang batiin ngayon, pero masyadong occupied ang utak ko sa sinabi ni Dad sa course ko. Hindi naman ako against sa course ng education dahil I respect the teachers so much, pero hindi ko talaga ito gusto. I don’t want to be a teacher, I want to be a doctor! May courses naman sa medicine sa college sa kabilang bayan at puwede naman na mag-commute n

  • The Mayor's Sinful Affair   KABANATA 4

    THE MAYOR’S SINFUL AFFAIRKABANATA 4AUBRIELLE ALLISON’S POINT OF VIEW. “Na-enjoy mo ba ang pamamasyal mo sa labas, anak?” tanong sa akin ni Mommy nang makauwi ako sa bahay. Nandito siya sa aking kwarto ngayon, sinusuklayan ang mahaba kong buhok. Katatapos lang din ng dinner namin at kami lang dalawa ni Mommy ang nasa hapagkainan dahil busy si Dad. Nasa kanyang condo unit din ngayon si Kuya Hugo, kaya hindi siya umuwi sa bahay, kaya kami lang ni Mommy ang nandito. Kaya rin siguro sobrang saya na niya na nandito na ako dahil hindi na siya mag-iisa. Tumingin ako kay Mommy at naalala ko ‘yung sinabi kanina ni Emilio sa akin tungkol sa pamilya ko. Totoo ba ‘yun? Na ang pamilya ko ang pumatay sa Mom niya, o dala lang ‘to ng galit niya sa pamilya ko? Huminga ako nang malalim bago ako magsalita at sagutin ang tanong ni Mom. “Nag enjoy po ako, Mom. Lalo na po sa pamamasyal sa parke. Masaya ako na may park na dito sa Andalucia. May bago na namang papasyalan ang mga tao rito,” nakangiti ko

  • The Mayor's Sinful Affair   KABANATA 3

    THE MAYOR’S SINFUL AFFAIRKABANATA 3AUBRIELLE ALLISON’S POINT OF VIEW. EMILIO… LIO… napakagandang pangalan. Hindi ko kakalimutan ang pangalan na iyon. Hindi ako makapaniwala na nakasalubong kami at nakilala ko siya. Ang bait niya pala, pero paano kaya kung malaman niya ang totoo kong pagkatao? Na isa akong Caballero? Sigurado akong lalayuan niya ako. “Gusto mo bang samahan kita ngayon sa pamamasyal mo dito sa parke?” tanong sa akin ni Lio. Nanlalaki ang mga mata ko sa gulat ng sabihin niya iyon sa akin. Did he just volunteer to come with me today?! Oh my Gosh! Hindi ako makapaniwala. Para akong nababaliw dito. Crush ko na talaga siya. Yes, crush ko na si Lio! Para akong na love at first sight. Hindi ko pa naramdaman ‘to noong nasa ibang bansa ako kahit na ang gwapo naman ng mga kaklase kong mga foreigners, pero iba pa rin talaga kapag pinoy. Iba pa rin talaga si Lio. “H-Huh? Hindi ka ba busy?” nauutal ko na tanong sa kanya ngayon. Ngumiti siya sa akin at umiling siya. “Hindi n

  • The Mayor's Sinful Affair   KABANATA 2

    THE MAYOR’S SINFUL AFFAIRKABANATA 2AUBRIELLE’S POINT OF VIEW. “SIMULA NGAYON ay dito ka na mag-aaral sa Andalucia, Brielle. Sa Andalucia Community College ka mag-aaral. Makakatulong ‘to sa pagtakbo namin sa susunod na eleksyon,” seryosong sabi ni Dad habang kumakain kami ng aming dinner ngayon. Kompleto na kami ngayon dahil nakauwi na rin si Kuya galing sa kanyang work. May work din siya sa kumpanya namin kahit na isa siyang SK Chairman. Para ngang walang work lagi si Kuya dahil nagagawa pa niyang pumunta sa mga clubs every night. Bakit ko alam? Nakikita ko ang mga mukha niya sa mga mutuals ko sa social media. Kitang-kita ko ang mga mukha ng kapatid ko habang nakikipaghalikan sa iba’t ibang babae sa bar. Hindi nga ako makapaniwala na nanalo siya sa eleksyon dahil nakikita naman ng mga tao kung anong klaseng tao ‘tong kapatid ko. Ngumiti ako kay Dad at napatango ako. “Thank you po sa pagpayag sa akin na dito na po ako mag-aral, Dad,” mahina kong sabi. Napa buntong-hininga siya ba

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status