Share

Chapter Three

Author: WhiteGelPen
last update Last Updated: 2025-08-16 20:01:27

NASAPO ko ang ulo ko at hinarap si Inay. “Teka... Tama ba ang narinig ko, 'nay? Tayo? Pinapaalis dito sa bahay natin? Ano sila sinuswerte?!” naiinis na sigaw ko.

Nakakainis naman kasi eh! Bakit nila kami paaalisin eh simula't sapul, amin naman itong lupang kinatitirikan ng bahay namin? May laban kami! May titulo kami! At hindi nila magagawang makuha ang lupang pag-aari namin dahil may patunay kaming amin ang lupang ito.

“Hindi, 'nay! Hindi tayo aalis dito sa Sitio Yakal kahit sabihin pa nilang binili na ang lugar na ito. Bilhin na nila lahat-lahat ng lupa sa buong Pilipinas pero hindi nila makukuha ang lupa namin!

Nakita kong umalma pa si Inay dahil sa sinabi ko. Napailing ito sa akin na para bang isang malaking kalokohan lang ang sinasabi ko.

Tumayo ito saka lumapit sa akin. “Paz, alam kong ayaw mong lisanin ang lugar na ito dahil sa lugar na ito kana nasanay. Pero Paz... Wala tayong laban. Malalakas ang mga Montallejo at kaya nilang gawin ang lahat para lamang makuha ang gusto nila...” mahinahong paliwanag nito sa akin.

Hindi ko maiwasang nakaramdam ng inis kay Inay. Gano'n nalang ba? Porket pinalalayas na kami dito ay aalis nalang kami bigla? Hindi ba siya nanghihinayang?

Pagak akong napatawa. “'Nay, kahit ano pang sabihin nila, may laban tayo! Eh ano naman ngayon kung mayaman sila? Eh ano naman ngayon kung makapangyarihan sila kumapara sa ating mahirap pa sa ipis?”

Bumuntong-hininga ako ng malalim at hinarap si Inay. “Atin ang lupang ito. Pinaghirapan niyo itong ipundar ni Itay noon... 'Nay, hindi ako papayag na pati ang lupang ito ay maagaw sa atin. Hindi 'nay...” sunod-sunod kong paliwanag kay Inay.

Aalamin ko kung sino ang poncio pilatong iyon na gustong magpalayas sa amin dito sa sitio.

Isang  Montallejo huh? Pwes! Sa oras na makita ko siya, ipapakain ko siya sa mga whale shark! O di kaya ay ipapatapon ko siya sa Bermuda triangle! Wala silang karapatang magpalayas sa amin dito.

Magsasalita pa sana ako ng biglang pumasok si Pio at lumapit sa amin. Nagsalubong na naman ang noo ko ng makitang pawisan ito. Agad kong kinuha ang towel na nasa likod ko at pinunasan ang mukha at leeg ng anak ko. Ano na naman bang ginawa nitong si Pio.

“Saan ka galing? At bakit pawis na pawis ka? Anak, naman! Di ba sabi ko sayo kanina na huwag kang aalis ng bahay at bantayan mo lang si Lola mo?” malumanay na sabi ko dito.

Lumamlam naman ang mata nito Saka ako niyakap. “Sorry po, Mama... Pinayagan naman ako ni Lola na makipagkaro eh! Sabi niya, matanda na raw siya at hindi ko na siya kailangang bantayan. Sabi niya pa, ako raw ang dapat bantayan kasi baby pa ako... Di ba, Lola?” inosenteng tanong nito kay Inay.

Natawa naman ako sa sinabi ni Pio. “Oo, nga. Baby ka pa kaya huwag ka basta-basta aalis ng bahay ng di nagpapaalam sa akin o di kaya kay Lola huh? Baka mamaya, awayin ka na naman ni Boknoy! Gusto mo ba 'yon?” pananakot ko pa.

Agad naman itong umiling-iling kaya natawa naman kami ni Inay.

Hinaplos ko ang ulo nito at nilingon si Inay. Kitang-kita ko ang lungkot sa mata nito.

Ngumiti ako kay Inay saka kinuha ang isang kamay nito. “Huwag kang mag-alala, 'nay... Gagawa ako ng paraan. Hindi nila makukuha sa atin ang lupang ito. Tiwala lang, 'nay...” pagpapalakas ko pa sa loob nito.

Pilit naman itong ngumiti sa akin. “Salamat, anak...”

NAPATINGALA ako sa napakalaking building na nasa harapan ko. Ang MontaVier Company. Halos araw-araw ay nababasa ko sa mga headline ng newspaper kung gaano kasikat ang MontaVier, the Montallejo and Devier Company.

Ito lagi ang nagra-rank 1 at masasabing sobrang yaman talaga nila. Lalong-lalo na ang mga Montallejo.

Kilalang-kilala ang angkan ng mga Montallejo sa buong mundo. Hindi lang dahil sa kayamanan ng mga ito kundi pati na rin sa kagandahan ng mga lahi nila. Mga mestizo at mestiza. Marahil ay may mga lahing banyaga.

Muli na naman akong bumuga ng malalim na buntong-hininga bago hinigpitan ang hawak sa bitbit kong brown envelope. Hindi credentials o resume ang laman niyon kundi titulo ng lupang kinatatayuan ng bahay namin sa Sitio Yakal. Hindi naman kasi ako mag-aaply ng trabaho.

Kagagaling ko lang sa health center no'ng nakaraang linggo nang naabutan ko ang Inay na umiiyak. No'ng una ay wala akong kaalam-alam sa mga nangyayari pero ng magsimulang magpaliwanag si Inay, hindi ko napigilan ang sarili kong mag-react.

Nalaman ko kasing pilit kaming pinapaalis sa tinitirhan namin dahil may bumili na raw ng lupang kinatitirikan niyon. Kung tutuusin nga, wala silang karapatan na gawin sa amin iyon. Pag-aari namin ang lupa at ang bahay namin sa Sitio Yakal. Matagal na panahon ang iginugol ng yumaong kong ama para lamang maipundar ang lupa na iyon tapos papaalisin kami dahil sa kadahilanang binili na ito?

Aba! Binili nila ang lupa namin ng hindi man lang namin alam? Joke ba 'yon? Gusto ko kasing matawa.

Walang respeto at taong  walang-awa lamang ang makakagawa ng mga bagay na iyon. Kaya naman ng malaman ko kung sino ang tinutukoy nilang bumili ng lupa namin ay kumulo bigla ang dugo ko.

Montallejo... Zionn Montallejo.

Nalaman ko na siya ang may pakana ng lahat ng ito. Si Mang Kanor mismo ang nagsabi na ito ang bumili ng buong Sitio Yakal kasama na ang lupa namin. Bwesit na lalaki! Ako pa ang lolokohin niya? Anong binili? Tae siya! Isang malaking B! Bwesit!

At anong karapatan nila para paalisin kami sa lupang tinitirhan namin? In the first place, may titulo at sketch kami na patunay na talagang pagmamay-ari namin ang lupang iyon. Kaya sino sila  para palayasin kami?

Palibhasa may pera sila kaya madali nilang mamanipula ang mga tao. Sinisilaw nila ang mga tao para pumanig sa kanila ang mga ito.

Hindi na ako nakatiis. Naglakad na ako papasok sa loob ng building pero napahinto ako ng bigla akong pigilan ng isa sa mga guard na naroon. Napairap ako sa hangin. Sa apat na beses kong pabalik-balik dito sa MontaVier, apat na beses rin nila akong pinipigilan. Kesyo raw ganito, ganyan. Busy raw ang boss nila at mailap sa mga tao kaya nagsasayang lang daw ako ng oras at panahon.

Para sa kanila, pagsasayang lamang ang ginagawa ko. Pero para sa akin, hindi. Kahit ilang beses pa akong bumalik dito sa kompanya nila, wala akong pakialam. Prinsipyo at tirahan namin ang nakasalalay dito kaya gagawin ko ang lahat para lamang matigil na ang kalokohang ito.

“Kayo na naman, Miss?!” medyo naiinip na tanong sa akin ni Manong ng makilala niya ako. Napaarko ang kilay ko sa tanong niya.

“Ako nga po. Bakit? May problema ka po ba?” paanas kong sagot kay Manong. Napailing naman ito saka napakamot sa ulo.

“Miss, hindi po talaga pwede. Ayaw ni Boss ang iniistorbo siya ng kahit sino. Sinabi ko naman na sobrang mailap ang boss namin kaya umuwi ka nalang...” paliwanag pa nito.

Natawa naman ako.

“Wow, huh? Manong, hindi po ako magpapabalik-balik rito ng apat na beses kung hindi importante ang pinupunta ko dito. Kaya kung ako po sa inyo, papasukin niyo na ako para makausap ko na ang boss niyo” sagot ko naman kay Manong.

Muli siyang napakamot sa ulo niya. Siguro marami siyang kuto kaya todo kamot siya sa ulo niya. Kung pinapasok niya na ako, kanina ko pa sana nakausap ang boss nila at kanina pa ako lumayas dito.

“Miss, bawal talaga eh... Ako ang mapapagalitan nito kung papapas—”

Hindi ko na siya pinatapos sa sasabihin niya. Hindi ko naman kailangan ng paliwanag niya. Sabihin niya lang na ayaw niya talaga hindi 'yong ang dami niya pang sinasabi. Nag-iinit na ang ulo ko at kanina pa ako nagugutom.

“Huwag na po, Manong. Salamat nalang po. Tutal hindi naman importante itong ipinunta ko rito kaya salamat nalang...” matigas kong sabi kay Manong guard.

“At siguro nga po tama kayo na sinasayang ko lang ang oras at panahon ko sa pagpapabalik-balik rito sa kompanya niyo! Eh, wala naman pala iyang mukha ang boss niyo. Isa pa, pakisabi nalang sa boss niyo na gago siya! Wala siyang puso! I*****k niya sa baga niya 'yang kayamanan nila tutal doon naman sila magaling, eh...” dagdag ko pa. Hindi ko na maiwasang maghimig sarkastiko.

Tumalikod na ako at nilisan ang lugar na iyon. Buo na ang desisyon ko, hindi kami aalis sa Sitio Yakal. Kung kailangan kong ipaglaban ang karapatan namin, lalaban kami. Hindi ako magpapatalo sa mga Montallejo.

Prinsipyo at karapatan namin ang nakasalalay dito. At isa pa, sa Sitio Yakal na ako halos lumaki at magkaisip.

Doon namulat ang isipan ko patungkol sa ibang mga bagay. At sa lugar ring iyon inilibing ang Itay kaya mahirap para sa amin ang basta na lamang isuko ang lupa namin.

Bahala na. Basta lalaban kami. At sisiguraduhin kong hindi nila makukuha sa amin ang lupang iyon.

Amin iyon at hindi sa kanila. Kaya may karapatan din akong lumaban.

“Kahit pumuti pa ang uwak, hinding-hindi mo kami mapapaalis sa tinitirhan namin ngayon, Zionn Montallejo...” mahinang bulong ko sa sarili ko bago tuluyang nilisan ang lugar na iyon.

“Sa oras talaga na makita kitang poncio pilatong Montallejo ka, matitiris talaga kita ng pinong-pino! Hindi ako pasisindak sayo!” nanggagalaiting bulong ko pa at pumara na ng isang taxi.

Babalik ako bukas. Akala yata nila basta-basta nalang ako susuko. Kung mayroon man akong isang bagay na natutunan ko kay Itay, iyon ay ang pagiging matatag sa kabila ng mga pagsubok.

Alam kong isa lamang pagsubok itong nararanasan namin ngayon. At gagawin ko ang lahat upang di kami mapalayas sa Sitio Yakal.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • The Millionaire's Son (Montallejo #1)   Chapter Ten

    “MAMA! MAMA!”Nagmamadaling lumabas ako ng silid namin at sinalubong ang nagsisigaw na si Pio. “Bakit? May nangyari ba?”Umiling ito at nagmamadaling pumasok ng silid namin. Napa-pantastikuhang pinagmasdan ko ito hanggang sa lumapit ito sa drawer namin at kinuha ang paborito nitong avengers na maliit na bag. Tsaka nito sinimulang maghalungkat ng damit nito at inilagay sa bag. Doon lamang ako napakilos.“Anak, anong ginagawa mo?! Bakit ka naglalagay ng damit sa bag?” natatarantang tanong ko kay Pio sabay pigil sa ginagawa nito. Inosente naman itong tumingala sa akin. Ngumiti pa ito na para bang isang magandang ideya ang ginagawa. “Eh, kasi mama... Nag-iimpake na rin po si Lola sa kwarto niya. Mama, may pumuntang matanda dito kanina. Sabi niya, bibigyan niya raw tayo ng bagong house! 'Yong malaki at magandang house, mama!” masiglang sabi nito. Hindi ako nagsalita at pilit na pino-proseso sa aking isipan ang sinabi ni Pio.Si Inay? Nag-iimpake? Mabilis akong lumabas ng kwarto at puma

  • The Millionaire's Son (Montallejo #1)   Chapter Nine

    "SERYOSO ka ba?" pang-uusisa pa ni Karolin sa akin mula sa kabilang linya. Naisipan ko kasi siyang tawagan dahil hindi pa rin ako dinadalaw ng antok. Habang si Pio naman ay kanina pa tulog sa tabi ko.Bumuntong-hininga ako bago magsalita. "Seryoso nga sabi, eh!" Umayos ako ng upo sa papag saka isinandal ang likod ko sa dingding. "Bakit ba hindi kami nilulubayan ng mga Montallejo? Nitong nakaraan lang, tatlong Montallejo ang nakasalamuha ko. Tapos kanina, isa na namang Montallejo?!" problemado kong sabi kay Karolin. Narinig ko naman itong natawa sa kabilang linya. "Relax ka lang, girl. Malay mo hindi na masundan pa iyon. Baka ang Minerva Montallejo na ang pinakahuling Montallejo na makakatagpo mo..." natatawang komento nito. Napailing nalang ako saka bahagyang napairap."Sana nga. Kasi sa totoo lang, di pa talaga ako maka-get over sa Zionn Montallejo na iyon. Hindi ko alam baka isang araw, may ipadala na lamang itong tao para paalisin kami dito sa tinitirhan namin. Hanggang ngayon, h

  • The Millionaire's Son (Montallejo #1)   Chapter Eight

    TANGHALI na nang magising ako dahil halos inumaga na akong nakatulog kagabi. Hinintay ko kasing lumakas ang signal at hinintay ko rin kung may update si Karolin. Sabi niya kasi tulungan niya raw akong maghanap ng trabaho. Kahapon rin sila tuluyang umalis dito sa Sitio Yakal at lumipat sa ni-rentahang bahay ni Karolin doon sa Quezon.Sa ngayon, tanging kami nalang ang natitira dito sa Sitio Yakal. Nagsi-alisan na rin kasi ang iba at napilitang lumipat ng bagong tirahan. Binayaran naman sila ng mga Montallejo. And speaking of the devil, hindi ko alam kung nasaan na iyon. Ang huling kita ko rito, nakipaglaro pa ang mokong kay Pio kagabi.Kaya naman agad akong bumangon at nagligpit ng higaan. Inayos ko na rin ang hinigaan ni Inay. Simula kasi no'ng araw na napadpad dito si Zionn Montallejo ay nakikitulog muna kami ng anak ko sa silid ni Inay. Okupado kasi nito ang kwarto namin ni Pio.Pagkatapos kong mag-ayos ay lumabas na ako ng silid. Agad akong nagtungo sa pinaka-sala ng bahay namin a

  • The Millionaire's Son (Montallejo #1)   Chapter Seven

    NANGINGITING lumabas ako ng silid namin at nagtungo sa kusina. Baka kasi magising nalang bigla ang haring nasa loob ng kwarto naming mag-ina. Pag nagkataon, ako na naman ang masesermunan ni Inay. Hay! Ang isang iyon, nakakita lang ng gwapo, tinubuan agad ng pakpak at bilog sa ulo.Nagsaing na muna ako at nag-igib ng tubig para sa pampaligo ni Pio. Mamaya ko na rin ipagpapatuloy ang pagbabanlaw na na-pending kanina dahil kay poncio pilato. Pagkatapos kong maisalang ang bigas sa kalan ay hinintay ko muna hanggang sa maluto. Binuksan ko rin ang maliit na estante na laging pinaglalagyan ng ulam namin subalit wala palang itinabi si Inay. Siguro bibili nalang kami mamaya ng pang-ulam. Nakakaumay na kasi na puro nalang isda ang ulam namin. Naaawa na rin ako sa anak ko dahil minsan kakaunti nalang rin kinakain nito.Natigil ako sa ginagawa ko ng makita ang humahangos na si Pio, papasok sa kusina. Nanlalaki ang mga mata nito pero may kislap ng kasiyahan. Naguluhan naman ako. “Bakit? Anong

  • The Millionaire's Son (Montallejo #1)   Chapter Six

    SUNOD-SUNOD ang pagtulo ng luha ko pagkauwi ko pa lamang sa bahay. Tila ba ngayon lang ako nagkaroon ng lakas ng loob na ibuhos lahat ng emosyon at sakit na nararamdaman ko dahil sa nangyari kanina. Siguro nga tama si Inay na dapat hindi na ako nagpursige na pumunta pa sa lugar na iyon at pakiusapan ang walanghiyang iyon. Hindi sana ako makukutya at mapagsasalitaan ng gano'ng kasakit na mga salita. Kung hindi na rin sana ako nagpumilit na pumasok sa kompanya nito at nakinig na lamang kay Manong guard, edi sana hindi ako parang tanga na iyak ng iyak ngayon.Minsan kasi di ko rin makontrol ang katigasan ng ulo ko. 'Yon naman ang nararapat di ba? Ginawa ko lang din naman kung ano ang sa tingin ko ay tama. At iyon ang ipaglaban kung anong dapat naming ipaglaban. Nang marinig kong bumukas ang pinto ay mabilis pa sa alas onse akong napaupo sabay pahid ng mga luha ko. Akala ko pa naman si Inay ang pumasok pero ng makitang si Pio iyon ay napangiti nalang ako.“Pio, anak...” tawag ko sa ana

  • The Millionaire's Son (Montallejo #1)   Chapter Five

    KASABAY ng pagbukas ng elevator ay lumabas ako agad. Pero hindi pa man ako tuluyang nakakalayo ng magsalita ang ginang na nasa likuran ko na pala. “By the way, hija... I think this is yours. You dropped it awhile ago...” malumanay na sabi nito sabay abot ng brown envelope na nakalimutan kong nahulog pala kanina. “S-Salamat po...” nahihiyang tugon ko sa ginang. Kinuha ko mula sa kanya ang envelope at muling nagpasalamat. Tatalikod na ulit sana siya ng muli itong magsalita. “By the way, hija... Saan ka pupunta? Are you an employee here?” tanong pa nito. Mabilis akong umiling. “Hindi po, ma'am. May kailangan lang po akong kausapin...” sagot ko pa. “Sino?” Akmang sasagot na sana ako ng biglang bumukas ang pinto sa may bandang kanan ko. Medyo nagulat pa ako at bahagyang napaatras ng lumabas mula doon ang isang umiiyak na babae. May bitbit itong white folder. Dire-diretso itong lumabas hanggang sa makasakay sa isang elevator. Anong nangyari? Naguguluhan na napatingin ako sa gina

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status