Share

Chapter Two

Author: WhiteGelPen
last update Last Updated: 2025-08-16 20:01:14

“LOVE YOU, MAMA...”

Napangiti ako bago muling lapitan ang anak ko saka ito hinalikan sa magkabilang pisngi. Pagkatapos ay kinuha ko na ang bag ko at nagpaalam sa kanila ni Inay. Masaya ako dahil bumuti na ang pakiramdam ni Inay. Nakakapaglakad-lakad na rin ito at unti-unting bumabawi ng lakas.

Kumaway ulit ako kay Pio at naglakad na palabas ng bahay. Pupunta akong muli sa health center na pinagta-trabahuan ko noon. Makikiusap ako na kung pwede ay mag-apply akong muli bilang assistant ng isang nurse na naroon gaya no'ng dati. 'Yon nga lang, kung bakante pa hanggang ngayon ang posisyon na iyon.

Kung hindi, siguro kailangan ko nalang maghanap ng panibagong trabaho. Ngayon kasing lumalaki na si Pio, kailangan ko ng maging mas praktikal. Dalawang taon nalang at mag-aaral na si Pio. Paano ko tutustusan ang mga pangangailangan naming mag-ina? May mga gamot rin si Inay na pang- maintenance nito para hindi ito muling atakihin ng high blood.

Nagpatuloy lang ako sa paglalakad. Napahinto lang ako ng biglang may tumawag sa pangalan ko. Si Mang Kanor, ang tatay ni Karolin, iyon habang nagbibisikleta. Huminto ito sa harapan ko kaya wala akong choice kundi huminto rin sa paglalakad at batiin ang matanda.

“Magandang umaga po, Mang Kanor...” bati ko sa matanda at nginitian ito. Ngumiti naman ito pabalik sa akin sabay abot ng isang supot ng puto at kutsinta.

Nanlaki naman ang mata ko.

“Naku, Mang Kanor! Huwag na po. Idagdag niyo nalang po iyan sa pagbebenta niyo. Pandagdag kita na rin. ”

Natawa naman ito at umiling-iling. Bumaba ito sa bisikleta saka siya na mismo ang naglagay ng supot sa kamay ko. Gustuhin ko mang ibalik iyon pero pinigilan ako nito.

“Ano ka ba naman, Paz? Sa katunayan, ipinapaabot 'yan ni Hilda sayo. Alam mo naman iyong esposa ko, sobrang malapit na malapit ang loob sa inyo ni Pio...” Muli itong sumakay sa bisikleta. “Sige na, hija. Mauna na ako sayo. Mag-iingat ka sa lakad mo.”

Napangiti nalang ako at tinanaw si Mang Kanor hanggang sa tuluyan na itong makalayo. Ipinasok ko ang supot sa bag ko. Napailing ako at nagpatuloy sa paglalakad.

Isang malayong kamag-anak ang pamilya ni Mang Kanor. Malapit itong kaibigan ni Itay noon kaya naman naging malapit na rin ang mga ito sa amin. Gaya namin, nalungkot rin ang mga ito no'ng mamatay si Itay.

Ilang minuto din ang ginugol ko sa paglalakad at narating ko rin ang health center ng Sitio Yakal. Kipkip ko ng mahigpit ang bag ko saka bumuga ng malalim na buntong-hininga. Inayos ko muna ang medyo nagulo kong buhok at naglakad na papasok sa health center.

Kung kailangan kong kapalan ang mukha ko para lamang matanggap muli sa trabaho, gagawin ko. Hindi ko naman ito ginagawa para lamang sa sarili ko kundi para kay Pio. Mahal na mahal ko ang anak ko at handa akong magsakripisyo para lamang sa ikabubuti niya.

Pagpasok ko sa loob ay agad akong sinalubong ni Marcy, isa ring midwife. Tipid ko itong nginitian at ngumiti rin naman ito pabalik. Lumapit ito sa akin. “O Paz! Nandito ka pala. May ipapa-check up ka ba?” usisa nito sa akin kaya agad naman akong umiling.

Lumunok muna ako ng dalawang beses bago magtanong. “Nasa loob ba si Dra. Fil? Uhmm, may importante lang kasi akong appointment sa kanya. Nandito ba siya?” alanganin ko pang tanong kay Marcy.

Nang tumango ito ay tila nagkaroon naman ng kaunting pag-asa ang puso ko. Agad akong nag-paalam kay Marcy saka tinungo ang isang silid na opisina ni Dra. Fil. Mabuti nalang at bukas ang pinto ng opisina nito  kaya di ko na kailangang kumatok pa.

Nakita ko naman itong abala sa pagbabasa ng isang makapal na libro. Dahan-dahan akong pumasok at nang maramdaman yata nito ang presensiya ko, agad itong nag-angat ng tingin saka ngumiti sa akin. Itinabi rin nito ang hawak na libro saka pinagsiklop ang mga palad sa ibabaw ng lamesa nito.

Muli itong ngumiti bago magsalita. “Ikaw pala, Paz! Maupo ka muna...” alok nito sa akin sabay turo sa upuang nasa harapan nito.

Tumango naman ako at naupo na rin.

Agad kong binuksan ang bag na dala ko at kinuha ang credentials ko roon. Inayos ko muna ito at i-aabot ko na sana kay Dra. Fil ng alinlangan itong ngumiti sa akin.

Napakurap-kurap naman ako saka nakagat ang pang-ibabang labi ko. Huli na ba ako?

Napabuntong-hininga muna ito bago magsalita. “I'm sorry, Paz... Halos mag-iisang taon na simula ng may pumalit sayo sa pagiging assistant ni Dina. Hindi naman kita masisisi dahil naiintindihan ko ang rason mo noon... Pasensiya na” malumanay na sabi nito sa akin.

Wala sa sarili akong tumango at pilit na ngumiti kay Doktora Fil. “A-Ayos lang po, D-Doktora... Maghahanap nalang po ako ng ibang pwedeng pasukan na trabaho.” Muli ko itong nginitian at tumayo na. “Sige po, Doktora... Alis na po ako. ”

Tumango ito sa akin at malungkot akong nginitian. Pagkatapos ay tumalikod na ako at lumabas na ng opisina nito. Tinanong pa ako ni Marcy kung anong nangyari pero ngiti lamang ang itinugon ko.

Siguro, uuwi nalang muna ako. Kung sakali, bukas nalang ulit ako maghahanap ng pwedeng mapagta-trabahuan. Hindi naman ako masyadong umasa na muli akong makababalik sa pinagatatrabahuan ko noon.

Akala ko lang talaga na bakante pa ito kasi nga sabi pa ni Karolin, ang anak nina Mang Kanor at Aling Hilda, wala naman daw siyang nakikita na kasama palagi ni Dina gaya ng palagi kong ginagawa noon.

Bigo akong humugot ng malalim na buntong-hininga at nagsimula na namang maglakad pauwi.

PAGPASOK ko pa lamang ng bahay ay ang anak kong si Pio agad ang una kong hinanap. Hinubad ko ang sandals na suot ko at agad na tinungo ang silid naming mag-ina. Inilapag ko ang bag sa ibabaw ng papag at muling hinanap si Pio.

'Asan na ba ang batang iyon? Hay... Siguro nakikipaglaro na naman sa kapatid ni Karolin na si Kiro.

Tinali ko muna ang buhok ko pero agad ring natigilan ng marinig ang mumunting hagulhol mula sa silid ni Inay. Dali-daling tinungo ko ang silid nito at naabutan ko naman itong umiiyak habang yakap-yakap ang litrato ni Itay.

“’N-Nay!”

Mabilis ko itong dinaluhan. Iyak ito ng iyak. Hindi ko alam kung anong nangyari pero kinabahan ako bigla. Hinaplos ko ang likuran nito upang patahanin.

“'Nay, ano po bang nangyari?” nag-aalalang tanong ko kay Inay. Nag-angat ito ng tingin sa akin, nakita ko ang labis na kalungkutan sa kanyang mga mata. Napatingin na rin ako sa litrato ni Itay na yakap-yakap niya. Nami-miss niya ba ang Itay kaya siya nagkakaganto? Iyak ng iyak?

Napabuntong-hininga ako at dahan-dahan siyang niyakap. Siguro miss na miss na niya si Itay.

Ako rin naman. Sobrang miss ko na rin ito pero hanggang doon na lamang iyon. Matagal na itong patay at tanging alaala na lamang nito ang mayroon kami.

“Sshh.. Kahit naman wala na si Itay, mananatili siyang buhay sa puso natin, 'nay. Kaya huwag na po kayong umiyak d'yan. Kung nandito pa si Pio, kanina ka niyon pinagsabihan, haha...” natatawang sabi ko kay Inay para pagaanin ang nararamdaman nito.

Nangunot naman ang noo ko ng umiling-iling ito at nagpunas ng mga luha. Tiningnan ako nito sa mga mata at malungkot akong nginitian.

Nagtaka naman ako. “Bakit?”

Bumuga ito ng malalim na buntong-hininga bago umiwas ng tingin at bumaling sa mga gamit nitong nagkalat sa itaas ng papag na higaan nito.

Mas lalo akong nagtaka. Anong nangyayari? Maglalayas ba ang Inay? “Aalis ka, 'nay? ” taka kong tanong sa kanya. Lumingon naman ito sa akin pagkuwan ay umiling.

“Hindi... Pero kasi, anak...” nag-aalinlangang saad nito at muling bumuntong-hininga.

Tumayo ako at sinimulang ligpitin ang mga nagkalat na gamit sa papag nito. Itinabi ko muna ang mga ito pero hindi ang brown envelope na nakita ko. Sinulyapan ko muna si Inay bago buksan ang envelope para tingnan kung ano ang lamang no'n.

Titulo.

Iyon ang titulo ng lupang kinatitirikan ng bahay namin ngayon dito sa Sitio Yakal. Nagtatakang tiningnan ko si Inay. Kilala ko siya. Hindi si Inay 'yong tipong mangangalkal ng mga mahahalagang gamit para lamang sa wala.

Huling beses kong nakita itong titulo ng lupa namin ay noong tuluyan nang naimpasan nila ni Itay ang bayarin ng lupa.

“'nay...” mahinang usal sa pangalan niya.

Umiling-iling ito at tumungo pagkuwan. Kitang-kita ko kung paano magtaas-baba ang dibdib nito sa labis na emosyong nararamdaman. “'Nay, anong ibig sabihin nito? At bakit...”

Muli niyang tingnan ang mga gamit na nakakalat kanina. “... nag-iimpake ka? Aalis ka ba, 'nay? Ibebenta mo ang lupa? 'Nay naman! ”

Tumingin ito sa akin saka sunod-sunod na umiling. “Paz, anak... Hindi ko ibebenta ang lupa... Hindi rin ako aalis. Pero, anak...” Muli itong humugot ng malalim na buntong-hininga bago magpatuloy sa pagpapaliwanag.

“Pinapaalis na tayo dito sa Sitio Yakal. Binili na raw ng mga Montallejo ang buong sitio. Anak, di ko na alam ang gagawin ko...” paliwanag ni Inay sa akin. Bigla naman nagsalubong ang kilay ko pagkarinig ko ng sinabi ni Inay.

Kami? Pinapaalis dito sa Sitio Yakal? Bakit sino ba sila para paalisin kami dito?

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • The Millionaire's Son (Montallejo #1)   Chapter Ten

    “MAMA! MAMA!”Nagmamadaling lumabas ako ng silid namin at sinalubong ang nagsisigaw na si Pio. “Bakit? May nangyari ba?”Umiling ito at nagmamadaling pumasok ng silid namin. Napa-pantastikuhang pinagmasdan ko ito hanggang sa lumapit ito sa drawer namin at kinuha ang paborito nitong avengers na maliit na bag. Tsaka nito sinimulang maghalungkat ng damit nito at inilagay sa bag. Doon lamang ako napakilos.“Anak, anong ginagawa mo?! Bakit ka naglalagay ng damit sa bag?” natatarantang tanong ko kay Pio sabay pigil sa ginagawa nito. Inosente naman itong tumingala sa akin. Ngumiti pa ito na para bang isang magandang ideya ang ginagawa. “Eh, kasi mama... Nag-iimpake na rin po si Lola sa kwarto niya. Mama, may pumuntang matanda dito kanina. Sabi niya, bibigyan niya raw tayo ng bagong house! 'Yong malaki at magandang house, mama!” masiglang sabi nito. Hindi ako nagsalita at pilit na pino-proseso sa aking isipan ang sinabi ni Pio.Si Inay? Nag-iimpake? Mabilis akong lumabas ng kwarto at puma

  • The Millionaire's Son (Montallejo #1)   Chapter Nine

    "SERYOSO ka ba?" pang-uusisa pa ni Karolin sa akin mula sa kabilang linya. Naisipan ko kasi siyang tawagan dahil hindi pa rin ako dinadalaw ng antok. Habang si Pio naman ay kanina pa tulog sa tabi ko.Bumuntong-hininga ako bago magsalita. "Seryoso nga sabi, eh!" Umayos ako ng upo sa papag saka isinandal ang likod ko sa dingding. "Bakit ba hindi kami nilulubayan ng mga Montallejo? Nitong nakaraan lang, tatlong Montallejo ang nakasalamuha ko. Tapos kanina, isa na namang Montallejo?!" problemado kong sabi kay Karolin. Narinig ko naman itong natawa sa kabilang linya. "Relax ka lang, girl. Malay mo hindi na masundan pa iyon. Baka ang Minerva Montallejo na ang pinakahuling Montallejo na makakatagpo mo..." natatawang komento nito. Napailing nalang ako saka bahagyang napairap."Sana nga. Kasi sa totoo lang, di pa talaga ako maka-get over sa Zionn Montallejo na iyon. Hindi ko alam baka isang araw, may ipadala na lamang itong tao para paalisin kami dito sa tinitirhan namin. Hanggang ngayon, h

  • The Millionaire's Son (Montallejo #1)   Chapter Eight

    TANGHALI na nang magising ako dahil halos inumaga na akong nakatulog kagabi. Hinintay ko kasing lumakas ang signal at hinintay ko rin kung may update si Karolin. Sabi niya kasi tulungan niya raw akong maghanap ng trabaho. Kahapon rin sila tuluyang umalis dito sa Sitio Yakal at lumipat sa ni-rentahang bahay ni Karolin doon sa Quezon.Sa ngayon, tanging kami nalang ang natitira dito sa Sitio Yakal. Nagsi-alisan na rin kasi ang iba at napilitang lumipat ng bagong tirahan. Binayaran naman sila ng mga Montallejo. And speaking of the devil, hindi ko alam kung nasaan na iyon. Ang huling kita ko rito, nakipaglaro pa ang mokong kay Pio kagabi.Kaya naman agad akong bumangon at nagligpit ng higaan. Inayos ko na rin ang hinigaan ni Inay. Simula kasi no'ng araw na napadpad dito si Zionn Montallejo ay nakikitulog muna kami ng anak ko sa silid ni Inay. Okupado kasi nito ang kwarto namin ni Pio.Pagkatapos kong mag-ayos ay lumabas na ako ng silid. Agad akong nagtungo sa pinaka-sala ng bahay namin a

  • The Millionaire's Son (Montallejo #1)   Chapter Seven

    NANGINGITING lumabas ako ng silid namin at nagtungo sa kusina. Baka kasi magising nalang bigla ang haring nasa loob ng kwarto naming mag-ina. Pag nagkataon, ako na naman ang masesermunan ni Inay. Hay! Ang isang iyon, nakakita lang ng gwapo, tinubuan agad ng pakpak at bilog sa ulo.Nagsaing na muna ako at nag-igib ng tubig para sa pampaligo ni Pio. Mamaya ko na rin ipagpapatuloy ang pagbabanlaw na na-pending kanina dahil kay poncio pilato. Pagkatapos kong maisalang ang bigas sa kalan ay hinintay ko muna hanggang sa maluto. Binuksan ko rin ang maliit na estante na laging pinaglalagyan ng ulam namin subalit wala palang itinabi si Inay. Siguro bibili nalang kami mamaya ng pang-ulam. Nakakaumay na kasi na puro nalang isda ang ulam namin. Naaawa na rin ako sa anak ko dahil minsan kakaunti nalang rin kinakain nito.Natigil ako sa ginagawa ko ng makita ang humahangos na si Pio, papasok sa kusina. Nanlalaki ang mga mata nito pero may kislap ng kasiyahan. Naguluhan naman ako. “Bakit? Anong

  • The Millionaire's Son (Montallejo #1)   Chapter Six

    SUNOD-SUNOD ang pagtulo ng luha ko pagkauwi ko pa lamang sa bahay. Tila ba ngayon lang ako nagkaroon ng lakas ng loob na ibuhos lahat ng emosyon at sakit na nararamdaman ko dahil sa nangyari kanina. Siguro nga tama si Inay na dapat hindi na ako nagpursige na pumunta pa sa lugar na iyon at pakiusapan ang walanghiyang iyon. Hindi sana ako makukutya at mapagsasalitaan ng gano'ng kasakit na mga salita. Kung hindi na rin sana ako nagpumilit na pumasok sa kompanya nito at nakinig na lamang kay Manong guard, edi sana hindi ako parang tanga na iyak ng iyak ngayon.Minsan kasi di ko rin makontrol ang katigasan ng ulo ko. 'Yon naman ang nararapat di ba? Ginawa ko lang din naman kung ano ang sa tingin ko ay tama. At iyon ang ipaglaban kung anong dapat naming ipaglaban. Nang marinig kong bumukas ang pinto ay mabilis pa sa alas onse akong napaupo sabay pahid ng mga luha ko. Akala ko pa naman si Inay ang pumasok pero ng makitang si Pio iyon ay napangiti nalang ako.“Pio, anak...” tawag ko sa ana

  • The Millionaire's Son (Montallejo #1)   Chapter Five

    KASABAY ng pagbukas ng elevator ay lumabas ako agad. Pero hindi pa man ako tuluyang nakakalayo ng magsalita ang ginang na nasa likuran ko na pala. “By the way, hija... I think this is yours. You dropped it awhile ago...” malumanay na sabi nito sabay abot ng brown envelope na nakalimutan kong nahulog pala kanina. “S-Salamat po...” nahihiyang tugon ko sa ginang. Kinuha ko mula sa kanya ang envelope at muling nagpasalamat. Tatalikod na ulit sana siya ng muli itong magsalita. “By the way, hija... Saan ka pupunta? Are you an employee here?” tanong pa nito. Mabilis akong umiling. “Hindi po, ma'am. May kailangan lang po akong kausapin...” sagot ko pa. “Sino?” Akmang sasagot na sana ako ng biglang bumukas ang pinto sa may bandang kanan ko. Medyo nagulat pa ako at bahagyang napaatras ng lumabas mula doon ang isang umiiyak na babae. May bitbit itong white folder. Dire-diretso itong lumabas hanggang sa makasakay sa isang elevator. Anong nangyari? Naguguluhan na napatingin ako sa gina

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status