Share

Chapter Five

Author: Serene Hope
last update Last Updated: 2024-12-02 19:09:06

HINDI makapaniwala si Michaela na magiging magkaibigan at malapit sila sa isa’t isa ng kanyang boss na si Jacob. Hindi naman pala talaga masama ang ugali nito katulad nang iniisip niya. Sadyang iyon lang ang naging tingin niya rito katulad nang tingin nito sa kanya nang una silang magkita.

Halos araw-araw ay inihahatid na siya nito sa kanyang tinutulayang staff house at kung minsan naman, ay dinadaanan na rin siya nito sa umaga para sabay silang pumasok sa restaurant. Hindi tuloy niya maiwasang makaramdam nang kaunting pag-asa na baka may nararamdaman din ito sa kanya. Na baka pareho sila nang nararamdaman sa isa’t isa.

Malapit nang matapos ang kanyang shift at ilang minuto na lang ay out niya na, pero wala pa ang kanyang magiging kapalitan kaya hindi siya pwedeng basta na lang umuwi lalo’t napakaraming customer. Sa waitress siya napiling i-assign ng manager dahil ito ang pinaka kailangan sa restaurant.

Mag-a-alas siyete na nang dumating ang kanyang kapalitan na babae. Dapat ay hanggang alas singko lang siya dahil eight to five ang regular na oras niya sa pagpasok. Humahangos pa ito at halatang nagmamadali. Agad siya nitong nilapitan habang hinihintay ang cook na matapos sa pagluluto nang ise-serve niyang pagkain.

“Micah, pasensya ka na ha, nagkaroon kasi ng emergency sa bahay. Si nanay kasi, inatake na naman ng asthma kaya isinugod namin sa hospital kaya na-late ako sa pagpasok. Pwede ka namang magpa-late bukas para mabayaran ko ‘yong oras na kulang ko sa ‘yo.”

“Ano ka ba, Claire. Okay lang ‘yon, hindi na kailangan. Naiintindihan ko ang nangyari sa nanay mo. Mabuti nga at nakapasok ka pa. sigurado ka bang mag du-duty ka ngayon?”

“Oo, kailangan eh. Nandoon naman si papa at ang kapatid ko. Kailangan kong pumasok para may maipandagdag kami sa bayarin sa hospital. Pasensya ka na talaga. Hayaan mo, baka makabawi ako sa ‘yo sa ibang paraan.”

“Mabuti na lang pala at naisipan mong umuwi kanina. Basta okay lang sa ‘kin ‘yon. Huwag mo nang isipin. Pagka-serve ko nito ay uuwi na rin ako. Ikaw na ang bahala rito.”

“Oo, sige. Magpapalit lang ako ng uniform.”

Ilang saglit pa ay natapos na rin ang cook sa pagluluto. Agad niya naman itong dinala sa naghihintay na customer. Kailangan niyang magmadali dahil nakakahiya naman sa boss niya na paghintayin ito sa labas. Siguradong kanina pa ito naghihintay sa kanya.

NANGANGALAY na ang dalawang binti ni Jacob sa halos dalawang oras na pagtayo habang hinihintay si Michaela. Nagtataka siya kung bakit hindi pa ito lumalabas. Papasok na sana siya sa restaurant nang mamataan niyang palabas na ito. Hinintay niyang makalapit ito bago niya ito tinanong.

“Bakit parang sumobra ka yata sa oras nang duty mo? Nag request ka ba ng over time?” tanong niya rito sa mahinahong tinig.

“Hindi po, Sir. Kanina ka pa po ba naghihintay dito? Pasensya ka na ha. Kasi Sir, ‘yong kapalitan ko, si Claire, nagkaroon daw kasi ng emergency sa bahay nila. Isinugod daw sa hospital ‘yong nanay niya, kaya siya na-late sa pagpasok kaya late na rin akong nakalabas ngayon. Nakakaawa nga, eh.”

Mukhang pati ang dalaga ay apektado rin sa nangyari sa nanay ng kapalitan. Pansin ni Jacob ang kalungkutan sa mukha nito, at ‘yon ang hindi niya kayang tiisin, ang makita itong malungkot at namomroblema kaya nag-isip siya nang paraan kung paano mawawala ang pag-aalala ng dalaga.

“Hayaan mo, bukas ipapatawag ko siya sa opisina para personal ko siyang makausap. Tatanungin ko siya kung ano ba ang pwede kong maitulong sa kanya. Kaya huwag ka nang mag-alala, magiging okay din ang lahat sa kanya.”

Dahil doon ay biglang lumiwanag ang kanina’y malungkot at makulimlim nitong mukha. Nakangiti na rin ito, at ito ang gusto niyang nakikita sa tuwing magkasama sila.

“Ta-talaga, Sir? Aba! Napakabait niyo talaga! Gwapo na mabait pa. Nasa ‘yo na talaga ang lahat!” bulalas nito at bahagya pang nakamulagat ang dalawang mata.

Pero maya-maya ay na-realize siguro nito ang sinabi kaya napatakip ito ng bibig. Ngunit huli na dahil malinaw na malinaw sa kanyang pandinig ang bawat katagang sinambit nito. Hindi siya makapaniwala na napapansin pala nito ang mga katangian niya.

Ilang minuto ring hindi nakaimik ang dalaga dahil siguro sa pagkapahiya. Kaya para mawala ang awkwardness sa pagitan nila ay siya na ang unang nagsalita.

“Hmmm. Ahm, diretso na ba tayo uuwi, o mamasyal muna tayo? Ano ba sa palagay mo ang magandang gawin? Mamasyal, kumain sa labas or somewhere else?”

“Ahm, ako po ang mag de-decide, Sir?” sabay turo nito sa sarili.

“Oo, kaya nga ikaw ang tinatanong ko, eh.” nakangiti niyang tugon dito.

“Ano kaya Sir kung, kumain muna tayo at saka tayo mamasyal? Para may energy tayo. Anong oras na po kasi, nagugutom na rin po ako.”

“O siya, sige, tara na.” iminuwestra niya ang kamay sa pinto ng sasakyan.

Kumunot naman ang noo ng dalaga sa sinabi niya. May mali ba sa sinabi niya?

“Sir, sabi ko, kakain muna tayo.” Nakalabi nitong turan. Halata ang pagkayamot sa mukha.

“Kaya nga, kakain muna tayo. Kaya sumakay ka na at hahanap pa tayo nang makakainan.”

“Bakit pa po tayo hahanap eh, andito na sa tapat natin ‘tong restaurant mo? Wala naman siguro ‘tong pinagkaiba sa ibang restaurant?”

“Ano ka ba, mas magandang sa iba na lang tayo. Hindi ka pa ba nagsasawa rito? Halos araw-araw kang nandito at walong oras na nag se-serve sa mga customer.”

“Sabagay, may point ka, Sir.” Kibit-balikat nitong tugon.

Sa wakas ay nagkasundo rin sila nang desisyon. Hindi pala talaga gano’n kadali manuyo ng babae. At lalong hindi madali ang manligaw. At sa tingin niya, maraming oras at panahon pa ang kailangan niyang ilaan sa dalaga para makuha ang tiwala at pagmamahal nito.

Pero ang tanong, gano’n din ba kaya ang nararamdaman nito para sa kanya o isang kaibigan lang? Pero kahit alin pa man sa dalawa ang nararamdaman ng dalaga, hindi siya susuko. Gagawin niya ang lahat para makuha ang atensyon at pagmamahal nito. At kapag dumating ang panahon na ‘yon, siya na siguro ang pinakamasayang lalaki sa buong mundo.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • The Missing Piece   Chapter Two Hundred-Three

    “ANO BA ang dapat naming gawin? Paano ka namin matutulungan?” kapagkuwan ay tanong ni nanay Minerva.“Kailangan ninyong magpahanda ulit ng mga pagkain para kina nanay at tatay, at kung maaari, ay pakibilisan. Sa mga maids niyo na lang ‘yon iutos. Dahil kayong dalawa ay pupunta sa silid namin para kausapin si Michaela. Ayaw ko naman kasi na masaksihan ng nanay at tatay niya na binubugbog niya ako. Nakakahiya naman kung malalaman nila na under ako ni Ela, ‘di ba? Kailangan niyo siyang kausapin, ‘yong mapapakalma siya para mawala ang galit niya sa ‘kin dahil hanggang ngayon ay akala niya ay wala rin pa ako rito, na hindi pa rin ako dumarating. Pag-okay na siya, ite-text niyo ako at doon pa lang kami papasok, okay?” bilin niya sa dalawa.“O, siya, sige. Masusunod, kamahalan!” biro sa kanya ni nanay Minerva at bahagya pa itong yumukod.“Salamat, Sir, ha? Kasi, tinupad mo ‘yong pangako mo sa ‘kin na hanapin ang mga magulang ni Micah, bilang regalo sa kanya. Kaya gagawin ko ang lahat para gum

  • The Missing Piece   Chapter Two Hundred-Two

    MASAKIT ang ulo ni Michaela dahil hindi siya nakatulog magdamag kakahintay kay Jacob at kakaisip kung nasaan na ito at kung bakit hindi ito umuwi. Galit siya na may halong inis dahil naglalaway pa naman siya kakahintay sa pagdating nito dahil sa ibinilin niyang pinya para pasalubong sa kanya.Ni hindi man lang ito nag-text o tumawag man lang, para sana hindi siya nag-aalala. Alam naman nitong buntis siya at hindi siya pwedeng ma-stress at mapuyat. Kaya ngayon ay hinihintay niya ito para talakan, at hindi niya alam kung hindi niya ito masasaktan ng pisikal dahil iba talaga ang galit na nararamdaman niya. Gusto niyang manakit at magwala. Hinding-hindi talaga ito makakaligtas sa mapanakit niyang mga kamay.“Oy, Be. Ako ang kinakabahan sa ‘yo sa pagdating ni Sir Jacob. Huwag mo naman sana siyang bugbugin. Tanungin mo na lang muna kung ano ang nangyari at hindi siya nakauwi kagabi. Syempre, lahat naman ng mga nangyayari ay may dahilan,” sambit sa kanya ni Claire.Kasalukuyan siyang nakasan

  • The Missing Piece   Chapter Two Hundred-One

    “HI-HIJO, totoo ba ang lahat ng mga sinabi mo?” hindi makapaniwalang tanong sa kanya ng ginoo.Tumango-tango naman siya bilang pagtugon.“Gido, may asawa na pala ang anak natin! Magkakaapo na pala tayo!” sambit ng ginang na hindi mapigilan ang maiyak and at the same time, ay nakangiti.“Hindi po niya alam na hinahanap ko po ang tunay niyang mga magulang. Surprise ko po kasi sa kanya. Pero natatakot po ako dahil baka mabugbog ako pag-uwi. Kasi, nagpapabili ‘yon sa ‘kin ng pinya pasalubong sa kanya, pero mukhang hindi ako makakahabol dahil gagabihin kami sa daan,” paliwanag niya.“Ay, gano’n ba katapang ang anak namin? Eh, kawawa ka naman pala kung ganoon!” malakas na sambit ng ginoo.“Ngayon po na natagpuan ko na kayo, baka pwede po kayong sumama sa ‘kin paluwas. Para naman po may mairarason ako kapag pinagpaliwanag ako ni Michaela. At para na rin po may kakampi ako sakali man na bugbugin niya ako,” birong-totoo niya. Hindi kasi talaga biro ang ugali ngayon ng girlfriend niya. Ngayon t

  • The Missing Piece   Chapter Two Hundred

    MAGKATABING umupo ang mag-asawa sa harapan nila ng kanyang driver.“Ano nga ulit ‘yong sadya ninyo, mga hijo?” tanong ng ginoo.Inilabas naman niya mula sa dala niyang brown envelope ang isang larawan at iniabot iyon sa dalawa.“Gusto ko lang po sanang itanong sa inyo kung kilala niyo po ba ang mag-asawang iyan?” tukoy niya sa larawan ng tiyuhin at tiyahin ni Michaela na sina Ronaldo at Mildred.Ngunit hindi matatawarang takot ang rumehistro sa mukha ng mag-asawa, lalong-lalo na sa ginang na siya niyang ipinagtaka nung makita nito kung sino ang nasa larawan.“May problema po ba?”“Mga pulis ba kayo hijo na nagpapanggap na mayamang bisita? Pakiusap, huwag niyo naman sana kaming dakpin! Nangako sa ‘min si Mildred na hindi na niya kami ipapakulong kapalit na kabayaran ang anak ko! Pero bakit hindi siya tumupad sa usapan, Gido?” umiiyak na wika ng ginang kasabay ng pagbaling sa katabing asawa.“Hindi po kami mga pulis, nanay. Para po mapalagay na ang inyong kalooban. Ang gusto ko lang pong

  • The Missing Piece   Chapter One hundred-ninety-nine

    PAGBALIK ng lalaki ay kasunod na nito ang babaeng sa tingin niya ay mas bata ng ilang taon dito. Bigla na lang sinalakay ng matinding kaba ang kanyang dibdib nang masilayan niya ng malapitan ang babae. Kahit may edad na ito ay kitang-kita ang pagkakahawig nito sa kanyang girlfriend at mahal na mahal na si Michaela.Marami siyang inutusan para magsaliksik at mag-imbestiga patungkol sa mga tunay na magulang ng dalaga. At dahil sa kanyang pera at koneksyon, ay napabilis ang pagkakaroon ng resulta. Kaya heto siya sa harap ng mga taong itinuturo ng imbestigasyon na posibleng totoong mga magulang ng dalaga.“Mano po, nanay. Mano po, tatay,” magkasunod niyang inabot ang tig-isang kamay ng mga ito para magmano at pinagbigyan naman siya.“Kaawaan ka ng Diyos, anak! Aba’y napakagalang at napakabait mo namang bata!” masayang sambit ng ginang.“Papasukin mo na muna sila, Meling. At nang makapagkape man lang sila,” wika rito ng ginoo.Tatanggi na sana siya dahil mukhang gagabihin sila kapag nagtag

  • The Missing Piece   Chapter One hundred-ninety-eight

    SIGURADO ka na ba riyan sa desisyon mo? Tingin mo ba, hindi ka magsisisi?” tanong niya sa dalaga matapos nitong sabihin ang gusto nitong mangyari na pagbigyan si Vanessa na pansamantalang makalaya alang-alang sa ipinagbubuntis nito.“Oo, Jacob. Gusto ko siyang makalaya pansamantala hindi para sa kanya, kundi para sa anak niya. Alam ko naman na maiintindihan mo ako sa part na ‘yon dahil buntis din ako. Para sa ‘kin, anak ko lang ang pinakaimportante sa ngayon, at alam kong ganoon din si Vanessa. Pero syempre, pagkatapos niyang manganak, papalipasin lang natin ang tatlong buwan, at saka natin siya ulit papabalikin sa kulungan.”“Sige, ikaw ang masusunod. How about you’re tito and tita?”“Wala akong pakialam sa kanila, masyado silang masasama! Ang iitim ng mga budhi nila! Akala ko pa naman ay magpapakumbaba na sila dahil nakakulong na sila, pero mas lalo pa silang tumatapang at sumasama na parang kasalanan ko pa kaya sila nakulong. Pinagbabantaan rin nila ako, may record ako kaya gusto ko

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status