Share

Chapter Three

Penulis: Serene Hope
last update Terakhir Diperbarui: 2024-12-02 19:05:19

HINDI mapigilang mapangiti ni Jacob habang inaalala ang nangyari kanina sa kanyang opisina nang interview-hin niya ang dalaga. Pangalan lang talaga nito ang gusto niyang malaman, at higit sa lahat, kung may kasintahan na ba ito.

Kaya nang makuha niya ang sagot na gusto niya ay agad niyang tinapos ang interview at agad din itong pinalabas kahit na hindi pa niya nasasabi rito kung ano ang magiging posisyon nito sa trabaho. Alam niyang nagtataka ang babae kung bakit ganoon ang naging takbo ng interview.

Para siyang may sayad sa utak na nakangiti habang nagsa-shower. Hanggang sa pagtulog, ay ang tagpong iyon pa rin ang nasa kanyang isipan.

Kinabukasan ay maganda ang naging gising ni Jacob na ipinagtaka naman ng mga kasambahay sa mansyon. Pasipol-sipol pa siya habang naghahanda papuntang opisina at nakangiti ring umalis.

Pagdating niya sa restaurant ay agad niyang namataan ang babaeng laman ng kanyang isipan. Naka suot ito ng white polo shirt na naka tacked-in sa pang ibaba nitong black pants. Nakaupo ito ng tuwid sa isa sa mga upuang para sa bisita. Napakasimple ngunit napakaganda.

“Good morning, Sir,” bati nito sa kanya nang mapatapat siya rito.

“Good morning,” ganting bati niya rito. “Sumunod ka sa ‘kin sa opisina.”

Agad naman itong tumayo at walang imik na sumunod sa kanya.

“You may sit down. Mayroon lang akong iba pang mga bagay na idi-discuss sa ‘yo na hindi ko nasabi kahapon,” sambit niya sa dalaga pagkapasok nila sa opisina.

Umupo naman ito at tila naghihintay lang nang sasabihin niya.

“Actually, mayroon akong pinapagawang private resorts na may kasamang fine dining restaurants. At hindi magtatagal ay matatapos na rin ang mga ‘yon. Pero naisip ko, mas magandang dito ka na lang muna mag-umpisa para pag inilipat na kita roon ay may karanasan ka na. So, papayag ka ba sa ganoong set-up?”

Sandaling kumunot ang noo nito bago sinagot ang tanong niya.

“Sir, ikaw po ang dapat na masusunod kung anong set-up ang gusto ninyo. Kasi kayo ‘yong may-ari at nagpapasahod. Ni hindi niyo pa nga po sa ‘kin nasasabi kung ano ang magiging trabaho ko.”

Siya naman ang napakunot noo. Kahapon niya pa napapansin, ang hilig nitong mangbara.

“Ah, tungkol diyan, marami kaming available na positions. Dishwasher, waitress, utility at cashier. Alin ba ang mga gusto mo diyan? Since ‘yan lang ang posisyong pwede sa natapos mo.”

Mas lalong dumoble ang kunot sa noo nito na ipinagtaka niya.

“Alam ko naman po Sir na highschool lang ang natapos ko, hindi niyo naman po kailangang ipagdiinan dahil alam ko naman ‘yon. At diyan sa tanong mo, natural ikaw pa rin po ang masusunod. Bakit ako ang tinatanong niyo, eh, kayo ang may kakayahang magdesisyon kung saang posisyon ako nababagay. At saka, kahit saan niyo naman po ako ilagay, eh, lahat ko naman kayang gawin ‘yan kaya huwag kang mag-alala, hindi masasayang ang ipapasahod ninyo sa ‘kin.”

Napabuntung-hininga siya at lihim na napatiim bagang. Kababaeng tao, ang angas magsalita. Hindi naman niya minamaliit ang natapos nito. Nagpapaalala lang naman siya. Ito pa naman ang dahilan kung bakit maganda ang tulog niya kagabi at paggising niya kanina. Ngunit tila ito rin ang magiging dahilan ng pagka-badtrip niya ngayong araw.

“Ms. Gomez, kaya nga ikaw ‘yong tinatanong ko kasi binibigyan kita ng kalayaang mamili. Hindi ko ito ginagawa sa ibang empleyado ko rito kaya maswerte ka dahil ginagawa ko sa ‘yo.”

Tumaas ang kaliwang kilay nito sa sinabi niya.

“Sir Jacob, hindi ko naman po hinihiling sa inyo na gawin ‘yan. Hindi ko rin po alam kung ano ang ibig sabihin ninyo na maswerte ako dahil lang sa ako ang gusto niyong magdesisyon na pumili ng magiging trabaho ko. Ang sa ‘kin lang naman, kung saan niyo gusto, eh di, doon ako. Hindi naman po ako ang boss dito, kundi ikaw. At ayoko rin po sa gusto ninyong mangyari, mas gusto ko pa rin ang tamang proseso ng pag-hired ng isang empleyado sa tamang paraan. Nahihirapan ka po bang maintindihan ang ipinupunto ko?”

Tuluyan na ngang uminit ang ulo niya sa babaeng kaharap. Aba ‘t parang siya pa ang hindi makaintindi ngayon? Eh, ito nga ang hindi makaintindi na pinapaboran niya ito dahil interesado siya rito. Akmang magsasalita na siya para sagutin ang dalaga nang may kumatok mula sa labas.

“Come in! It’s open!” pasigaw niyang tugon dala na rin ng init ng ulo.

Pumasok naman ang manager ng restaurant nang nakayuko. Takot ang mga ito kapag ganoon na ang tono nang pananalita niya.

“Good morning po, Sir Jacob. Na-received ko po ang tawag ninyo kahapon mula sa supervisor na may bago tayong hired na empleyado. Kaya po ako nandito para ipaalam sa inyo na io-orient ko na siya ngayong araw at ililibot sa buong restaurant,” magalang na sambit ng manager niya sa kanya.

“Ikaw na ang bahala kay Ms. Gomez, Glydel. Kung saan mas nangangailangan ng tao ngayon ay doon mo siya ilagay,” maikling tugon niya rito.

Bumaling ang manager niya sa babaeng kaharap.

“Ready ka na ba, Ms. Gomez?”

“Yes, Ma’am.”

“So, let’s go? Ililibot muna kita sa iba’t ibang parte ng restaurant para ma-familiarize mo ang lugar at ipakikilala muna kita sa lahat ng empleyado rito bago ko sa ‘yo i-discuss ang tungkol sa history ng restaurant. At ang pang huli, tuturuan na kita kung anuman ang posisyong available at nararapat para sa ‘yo. Okay ba?”

“Yes, Ma’am. Thank you.”

Pagkalabas ng mga ito ay isang mahabang buntung-hininga ang pinakawalan niya. Mukhang araw-araw siyang magsusungit at madali rin siyang tatanda dahil sa babaeng kinaiinteresan. At mukhang ma cha-challenge rin siya rito dahil sa kakaibang ugali nito. Hindi siya papayag na maulit muli ang ganoong tagpo. Tuturuan niya ito ng leksyon kung kinakailangan.

Wala pang babaeng naglakas loob na sumagot sa kanya ng ganoon kundi ito lamang. At ang kinaiinisan niya sa lahat, mukhang hindi dito tumatalab ang karisma niya. Mukhang hindi nito napapansin ang kagwapuhan niyang taglay.

Ito lang ang namumukod tanging babaeng hindi interesado sa kanya magmula nang una silang magkita. Gagawa siya ng paraan para mapansin nito, at hindi siya titigil hangga ‘t hindi niya nakukuha ang atensyon nito.

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • The Missing Piece   Chapter Two Hundred-Five

    MASAYA si Jacob habang pinagmamasdan sa garden ang isang munting nabuong pamilya— ang pamilya ni Michaela. Masayang nagkukwentuhan ang mga ito habang magkakatabing nakaupo sa isang pangtatluhang bench. Nasa gitna ng kanyang mga magulang si Michaela.Sa wakas, natupad na rin niya ang matagal nang inaasam at pinapangarap nito, ang makita at makilala ang mga tunay nitong mga magulang. Hindi lang basta nakita at nakilala, kundi makakasama pa nito habambuhay. Nakikita niya sa mga ngiti ng bawat isa ang matagal na pangungulila, na ngayon ay natuldukan na.“Hijo, anak. Alam mo bang proud na proud ako sa ‘yo? Kasi, maganda ang naging pagpapalaki ko sa ‘yo. At siguro, isa na rin sa dahilan ay ang mabubuting tao naman talaga ang mga magulang mo, at namana mo siguro iyon,” sambit ni nanay Minerva kapagkuwan sa kanyang tabi. Masaya rin itong nakatanaw sa masayang pamilyang pinagmamasdan niya.“Proud din naman ako sa inyo, nanay Minerva. Dahil tama ka, pinalaki ninyo akong isang mabuting tao, bonu

  • The Missing Piece   Chapter Two Hundred-Four

    “NANAY! CLAIRE! Sagutin niyo naman ako! Ano po ba ang nangyari sa kanya? Nasaan ba siya?” umiiyak na si Michaela nung mga sandaling iyon.Wala siyang nakuhang sagot mula sa dalawa, bagkus ay yumuko lang si nanay Minerva, samantalang si Claire ay hindi matapos-tapos sa kung anong itinitipa nito sa cellphone.“Nanay! Claire! Nakikinig ba kayo?! Naririnig niyo ba ako?! Bakit parang wala kayong pakialam sa tanong ko?!” hindi niya maitago ang pinaghalong pagkataranta at pagkainis sa kanyang tono.Maya-maya ay napatingin siya sa pintuan nung bumukas iyon at iniluwa si Jacob. Mabilis siyang tumayo at sinugod ito ng yakap.“Jacob! Salamat at ligtas ka! Ano ba ang nangyari sa ‘yo? Saan ka ba nagpunta? Nasaktan ka ba? May sugat ka ba?” sunud-sunod niyang tanong habang sinisipat ang buo nitong katawan.“Sweetheart, huwag ka ng matakot at mataranta, dahil walang nangyaring masama sa ‘kin, okay?” marahan at malambing na sagot sa kanya ni Jacob, sabay haplos sa kanyang buhok.“Pero bakit nga hindi k

  • The Missing Piece   Chapter Two Hundred-Three

    “ANO BA ang dapat naming gawin? Paano ka namin matutulungan?” kapagkuwan ay tanong ni nanay Minerva.“Kailangan ninyong magpahanda ulit ng mga pagkain para kina nanay at tatay, at kung maaari, ay pakibilisan. Sa mga maids niyo na lang ‘yon iutos. Dahil kayong dalawa ay pupunta sa silid namin para kausapin si Michaela. Ayaw ko naman kasi na masaksihan ng nanay at tatay niya na binubugbog niya ako. Nakakahiya naman kung malalaman nila na under ako ni Ela, ‘di ba? Kailangan niyo siyang kausapin, ‘yong mapapakalma siya para mawala ang galit niya sa ‘kin dahil hanggang ngayon ay akala niya ay wala rin pa ako rito, na hindi pa rin ako dumarating. Pag-okay na siya, ite-text niyo ako at doon pa lang kami papasok, okay?” bilin niya sa dalawa.“O, siya, sige. Masusunod, kamahalan!” biro sa kanya ni nanay Minerva at bahagya pa itong yumukod.“Salamat, Sir, ha? Kasi, tinupad mo ‘yong pangako mo sa ‘kin na hanapin ang mga magulang ni Micah, bilang regalo sa kanya. Kaya gagawin ko ang lahat para gum

  • The Missing Piece   Chapter Two Hundred-Two

    MASAKIT ang ulo ni Michaela dahil hindi siya nakatulog magdamag kakahintay kay Jacob at kakaisip kung nasaan na ito at kung bakit hindi ito umuwi. Galit siya na may halong inis dahil naglalaway pa naman siya kakahintay sa pagdating nito dahil sa ibinilin niyang pinya para pasalubong sa kanya.Ni hindi man lang ito nag-text o tumawag man lang, para sana hindi siya nag-aalala. Alam naman nitong buntis siya at hindi siya pwedeng ma-stress at mapuyat. Kaya ngayon ay hinihintay niya ito para talakan, at hindi niya alam kung hindi niya ito masasaktan ng pisikal dahil iba talaga ang galit na nararamdaman niya. Gusto niyang manakit at magwala. Hinding-hindi talaga ito makakaligtas sa mapanakit niyang mga kamay.“Oy, Be. Ako ang kinakabahan sa ‘yo sa pagdating ni Sir Jacob. Huwag mo naman sana siyang bugbugin. Tanungin mo na lang muna kung ano ang nangyari at hindi siya nakauwi kagabi. Syempre, lahat naman ng mga nangyayari ay may dahilan,” sambit sa kanya ni Claire.Kasalukuyan siyang nakasan

  • The Missing Piece   Chapter Two Hundred-One

    “HI-HIJO, totoo ba ang lahat ng mga sinabi mo?” hindi makapaniwalang tanong sa kanya ng ginoo.Tumango-tango naman siya bilang pagtugon.“Gido, may asawa na pala ang anak natin! Magkakaapo na pala tayo!” sambit ng ginang na hindi mapigilan ang maiyak and at the same time, ay nakangiti.“Hindi po niya alam na hinahanap ko po ang tunay niyang mga magulang. Surprise ko po kasi sa kanya. Pero natatakot po ako dahil baka mabugbog ako pag-uwi. Kasi, nagpapabili ‘yon sa ‘kin ng pinya pasalubong sa kanya, pero mukhang hindi ako makakahabol dahil gagabihin kami sa daan,” paliwanag niya.“Ay, gano’n ba katapang ang anak namin? Eh, kawawa ka naman pala kung ganoon!” malakas na sambit ng ginoo.“Ngayon po na natagpuan ko na kayo, baka pwede po kayong sumama sa ‘kin paluwas. Para naman po may mairarason ako kapag pinagpaliwanag ako ni Michaela. At para na rin po may kakampi ako sakali man na bugbugin niya ako,” birong-totoo niya. Hindi kasi talaga biro ang ugali ngayon ng girlfriend niya. Ngayon t

  • The Missing Piece   Chapter Two Hundred

    MAGKATABING umupo ang mag-asawa sa harapan nila ng kanyang driver.“Ano nga ulit ‘yong sadya ninyo, mga hijo?” tanong ng ginoo.Inilabas naman niya mula sa dala niyang brown envelope ang isang larawan at iniabot iyon sa dalawa.“Gusto ko lang po sanang itanong sa inyo kung kilala niyo po ba ang mag-asawang iyan?” tukoy niya sa larawan ng tiyuhin at tiyahin ni Michaela na sina Ronaldo at Mildred.Ngunit hindi matatawarang takot ang rumehistro sa mukha ng mag-asawa, lalong-lalo na sa ginang na siya niyang ipinagtaka nung makita nito kung sino ang nasa larawan.“May problema po ba?”“Mga pulis ba kayo hijo na nagpapanggap na mayamang bisita? Pakiusap, huwag niyo naman sana kaming dakpin! Nangako sa ‘min si Mildred na hindi na niya kami ipapakulong kapalit na kabayaran ang anak ko! Pero bakit hindi siya tumupad sa usapan, Gido?” umiiyak na wika ng ginang kasabay ng pagbaling sa katabing asawa.“Hindi po kami mga pulis, nanay. Para po mapalagay na ang inyong kalooban. Ang gusto ko lang pong

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status