IGINALA ni Michaela ang paningin sa kabuuan ng kwartong pinasukan. Namangha siya sa laki at ganda nito. Medyo nagtataka lang siya dahil parang sobra-sobra naman ang laki nito para sa isang tao, at naka-aircon pa.
Lumapit siya sa kama at umupo. Tatlong tao ang kasya rito kung tutuusin. Ipinagpapasalamat na lamang niya na kung hindi dahil sa lalaki kanina ay baka sa lansangan siya matutulog at hindi sa ganito kagandang kwarto.
Kahit naman para sa kanya ay hindi maganda ang ugali nito, hindi niya maitatangging ito pa rin ang dahilan kung bakit siya nagkaroon ng trabaho at magandang tirahan ngayon.
Patapos na siyang mag-ayos ng mga gamit nang may kumatok sa pintuan.
“Tuloy po, bukas ‘yan!”
Pumasok ang babaeng sumalubong at nag-asikaso sa kanya kanina nang dumating siya. Ito ang namamahala sa staff house ayon dito.
“Pagkatapos mo diyan ay dumiretso ka na lang sa pantry. Oras na kasi ng pananghalian. At kung may iba ka pang kailangan, magsabi ka lang at huwag kang mahihiya. Ibinilin ka sa ‘kin ni Sir Jacob,” nakangiting sabi nito.
“Sige po, susunod po ako. At maraming salamat po.”
“Ate Meeny na lang ang itawag mo sa ‘kin. Iyan din kasi ang tawag sa ‘kin ng karamihan dito. Paano, maiwan na kita dito?”
“Sige po, salamat ulit.”
Pagkatapos niyang maayos ang mga gamit ay agad din naman siyang pumunta ng pantry. Pagkatapos kumain ay agad din naman siyang bumalik sa kwarto para magpahinga. Gusto niyang matulog dahil sobra siyang napagod sa byahe nang nagdaang gabi.
Ipipikit na sana niya ang mga mata nang maalala niya ang dahilan ng lahat kung bakit nasa ganito siyang sitwasyon.
SIMULA pagkabata ay hindi na niya nasilayan ang mga magulang. Nakatira siya sa kanyang Tiya Mildred na kapatid ng kanyang ina. Malupit ito pati na rin ang pamilya nito. Kahit kailan ay hindi man lang siya nito itinuring na kadugo kundi isang utusan.
Pati pag-aaral ay ipinagkait nito sa kanya. Tama na raw na makapagtapos siya ng highschool. Lahat ng iyon ay ayos lang sa kanya basta huwag lang siyang palayasin ng mga ito. Ngunit naghihintay lang pala ito ng pagkakataon na maialis siya sa poder ng mga ito.
“Michaela, alam ko namang hindi lingid sa kaalaman mo na may gusto sa ’yo si Congressman Lagdameo. Ngayong disi-otso ka na, wala nang dahilan para hindi namin siya payagang pagbigyan sa hinihiling niya sa ‘min ng Tiyo Ronaldo mo. Kaya maghanda ka, dahil anumang oras ay puwede ka na niyang pakasalan,” sabi ng tiya Mildred niya habang nagluluto siya ng agahan.
Kilala niya si Congressman at ilang beses na rin itong nakita. Kanang kamay nito ang kanyang Tiyo Ronaldo, kaya madalas ay napapadaan ito sa kanilang bahay. Minsan naman ay iniimbitahan sila sa mansiyon nito kapag may pagdiriwang na nagaganap. Kaya pala, sa tuwing magbibigay-galang siya rito, kakaibang titig ang ibinibigay nito sa kanya na hindi naman niya binibigyang-pansin.
“Pe-pero, tiya, hindi naman po yata tama ‘yan. Hindi ko nga po siya pormal na nakakausap at walang ligawang nangyayari. At isa pa, hindi ko siya gusto. Masyado na siyang matanda para sa ‘kin,” lakas-loob niyang sagot dito.
Biglang sumabat sa usapan nila ang tiyuhin niyang si Ronaldo. Papasok ito sa kusina kasunod ang anak nito na si Julia.
“Michaela, hindi uso kay Congressman ang manligaw. Kaya kapag nagustuhan ka niya, wala kang magagawa. At kapag sumuway ka, alam mo na ang mangyayari. Hindi mo alam kung ano ang kayang gawin ng isang taong may mataas na posisyon sa pulitika.”
Nagsimulang magtubig ang dalawang mata ni Michaela. Pakiramdam niya’y ibinubugaw siya ng mga ito.
“Tiya, tiyo, nakikiusap ako sa inyo. Huwag niyo naman pong gawin sa ‘kin ito. Gagawin ko ang lahat, huwag niyo lang po akong ipakasal kay Congressman,” pakiusap niya sa mga ito sa pagitan ng paghikbi.
“Huwag mo kaming dramahan, Michaela! Sa ayaw at sa gusto mo, magpapakasal ka sa kanya! Naiintindihan mo ba!? Ito na lang ang magagawa mo para sa ‘min! Kapag naikasal ka sa kanya, magiging buhay-reyna ka at pare-pareho pa tayong magkakapera! Ang dami na naming nagastos sa ’yo mula nang iwan ka rito ng ina mong walang kwenta. Ito na ang pagkakataon para makabawi ka sa ‘min,” mahabang litanya ng kanyang Tiya Mildred, at halos pumutok na ang mga ugat sa leeg nito.
“Bakit ba kasi ang arte mo, Michaela! Ayaw mo no’n? Matutupad na ang pangarap mong makapag-kolehiyo. Hindi na ako makapaghintay na maikasal ka sa kanya dahil alam kong malaking halaga ng pera ang magiging kapalit mo,” tila nang-uuyam na sambit ng kanyang pinsang si Julia.
“Bilisan mong maghain dahil nagugutom na kami. Baka mahuli pa kami sa trabaho dahil diyan sa kabagalan mo. Hindi ka muna kakain ngayon; parusa ‘yan sa pagiging suwail mo. Umakyat ka muna sa kwarto mo para pag-isipan ang mga sinabi namin,” maawtorisadong sambit ng kanyang Tiyo Ronaldo.
Pagkatapos nga niyang paghainan ang mga ito, umakyat na siya sa kanyang silid. Nakita pa niya kanina ang tila nang-uuyam na ngisi ng pinsan habang paalis na siya. Doon, ibinuhos niya lahat ng sakit na nararamdaman niya.
Sa pagkakataong iyon, mukhang hindi na niya kayang tiisin ang gustong mangyari ng mga ito sa kanya. Napag-isip-isip niyang tama na ang pagtitiis; kailangan din niyang isipin ang kanyang dignidad.
Dahil doon, kinuha niya ang hindi kalakihang bag at isinilid ang mahahalagang gamit, pati na rin ang kaunting halaga ng pera na naitabi niya. Alam niyang sa oras na ito ay wala nang tao sa bahay nila.
Ang kanyang tiya at tiyuhin ay nasa kanya-kanyang trabaho, at si Julia naman ay nasa paaralan. Kaya walang pag-aalinlangan siyang lumabas ng silid at dire-diretsong lumabas ng bahay. Walang lingon-likod siyang lumakad palayo.
Pinunasan niya ang luhang dumaloy sa kanyang pisngi pagkatapos maalala ang pangyayaring iyon. Umaasa siya na balang araw, magbabago rin ang takbo nang kanyang buhay. Umaasa rin siya na sana, pagtagpuin sila ng pagkakataon nang kanyang mga magulang. Baka sakaling sa piling ng mga ito, ay makatagpo siya ng kakampi.
Dahil sa dami nang iniisip at dala na rin ng pagod, ay agad siyang iginupo nang antok.
MASAYA si Jacob habang pinagmamasdan sa garden ang isang munting nabuong pamilya— ang pamilya ni Michaela. Masayang nagkukwentuhan ang mga ito habang magkakatabing nakaupo sa isang pangtatluhang bench. Nasa gitna ng kanyang mga magulang si Michaela.Sa wakas, natupad na rin niya ang matagal nang inaasam at pinapangarap nito, ang makita at makilala ang mga tunay nitong mga magulang. Hindi lang basta nakita at nakilala, kundi makakasama pa nito habambuhay. Nakikita niya sa mga ngiti ng bawat isa ang matagal na pangungulila, na ngayon ay natuldukan na.“Hijo, anak. Alam mo bang proud na proud ako sa ‘yo? Kasi, maganda ang naging pagpapalaki ko sa ‘yo. At siguro, isa na rin sa dahilan ay ang mabubuting tao naman talaga ang mga magulang mo, at namana mo siguro iyon,” sambit ni nanay Minerva kapagkuwan sa kanyang tabi. Masaya rin itong nakatanaw sa masayang pamilyang pinagmamasdan niya.“Proud din naman ako sa inyo, nanay Minerva. Dahil tama ka, pinalaki ninyo akong isang mabuting tao, bonu
“NANAY! CLAIRE! Sagutin niyo naman ako! Ano po ba ang nangyari sa kanya? Nasaan ba siya?” umiiyak na si Michaela nung mga sandaling iyon.Wala siyang nakuhang sagot mula sa dalawa, bagkus ay yumuko lang si nanay Minerva, samantalang si Claire ay hindi matapos-tapos sa kung anong itinitipa nito sa cellphone.“Nanay! Claire! Nakikinig ba kayo?! Naririnig niyo ba ako?! Bakit parang wala kayong pakialam sa tanong ko?!” hindi niya maitago ang pinaghalong pagkataranta at pagkainis sa kanyang tono.Maya-maya ay napatingin siya sa pintuan nung bumukas iyon at iniluwa si Jacob. Mabilis siyang tumayo at sinugod ito ng yakap.“Jacob! Salamat at ligtas ka! Ano ba ang nangyari sa ‘yo? Saan ka ba nagpunta? Nasaktan ka ba? May sugat ka ba?” sunud-sunod niyang tanong habang sinisipat ang buo nitong katawan.“Sweetheart, huwag ka ng matakot at mataranta, dahil walang nangyaring masama sa ‘kin, okay?” marahan at malambing na sagot sa kanya ni Jacob, sabay haplos sa kanyang buhok.“Pero bakit nga hindi k
“ANO BA ang dapat naming gawin? Paano ka namin matutulungan?” kapagkuwan ay tanong ni nanay Minerva.“Kailangan ninyong magpahanda ulit ng mga pagkain para kina nanay at tatay, at kung maaari, ay pakibilisan. Sa mga maids niyo na lang ‘yon iutos. Dahil kayong dalawa ay pupunta sa silid namin para kausapin si Michaela. Ayaw ko naman kasi na masaksihan ng nanay at tatay niya na binubugbog niya ako. Nakakahiya naman kung malalaman nila na under ako ni Ela, ‘di ba? Kailangan niyo siyang kausapin, ‘yong mapapakalma siya para mawala ang galit niya sa ‘kin dahil hanggang ngayon ay akala niya ay wala rin pa ako rito, na hindi pa rin ako dumarating. Pag-okay na siya, ite-text niyo ako at doon pa lang kami papasok, okay?” bilin niya sa dalawa.“O, siya, sige. Masusunod, kamahalan!” biro sa kanya ni nanay Minerva at bahagya pa itong yumukod.“Salamat, Sir, ha? Kasi, tinupad mo ‘yong pangako mo sa ‘kin na hanapin ang mga magulang ni Micah, bilang regalo sa kanya. Kaya gagawin ko ang lahat para gum
MASAKIT ang ulo ni Michaela dahil hindi siya nakatulog magdamag kakahintay kay Jacob at kakaisip kung nasaan na ito at kung bakit hindi ito umuwi. Galit siya na may halong inis dahil naglalaway pa naman siya kakahintay sa pagdating nito dahil sa ibinilin niyang pinya para pasalubong sa kanya.Ni hindi man lang ito nag-text o tumawag man lang, para sana hindi siya nag-aalala. Alam naman nitong buntis siya at hindi siya pwedeng ma-stress at mapuyat. Kaya ngayon ay hinihintay niya ito para talakan, at hindi niya alam kung hindi niya ito masasaktan ng pisikal dahil iba talaga ang galit na nararamdaman niya. Gusto niyang manakit at magwala. Hinding-hindi talaga ito makakaligtas sa mapanakit niyang mga kamay.“Oy, Be. Ako ang kinakabahan sa ‘yo sa pagdating ni Sir Jacob. Huwag mo naman sana siyang bugbugin. Tanungin mo na lang muna kung ano ang nangyari at hindi siya nakauwi kagabi. Syempre, lahat naman ng mga nangyayari ay may dahilan,” sambit sa kanya ni Claire.Kasalukuyan siyang nakasan
“HI-HIJO, totoo ba ang lahat ng mga sinabi mo?” hindi makapaniwalang tanong sa kanya ng ginoo.Tumango-tango naman siya bilang pagtugon.“Gido, may asawa na pala ang anak natin! Magkakaapo na pala tayo!” sambit ng ginang na hindi mapigilan ang maiyak and at the same time, ay nakangiti.“Hindi po niya alam na hinahanap ko po ang tunay niyang mga magulang. Surprise ko po kasi sa kanya. Pero natatakot po ako dahil baka mabugbog ako pag-uwi. Kasi, nagpapabili ‘yon sa ‘kin ng pinya pasalubong sa kanya, pero mukhang hindi ako makakahabol dahil gagabihin kami sa daan,” paliwanag niya.“Ay, gano’n ba katapang ang anak namin? Eh, kawawa ka naman pala kung ganoon!” malakas na sambit ng ginoo.“Ngayon po na natagpuan ko na kayo, baka pwede po kayong sumama sa ‘kin paluwas. Para naman po may mairarason ako kapag pinagpaliwanag ako ni Michaela. At para na rin po may kakampi ako sakali man na bugbugin niya ako,” birong-totoo niya. Hindi kasi talaga biro ang ugali ngayon ng girlfriend niya. Ngayon t
MAGKATABING umupo ang mag-asawa sa harapan nila ng kanyang driver.“Ano nga ulit ‘yong sadya ninyo, mga hijo?” tanong ng ginoo.Inilabas naman niya mula sa dala niyang brown envelope ang isang larawan at iniabot iyon sa dalawa.“Gusto ko lang po sanang itanong sa inyo kung kilala niyo po ba ang mag-asawang iyan?” tukoy niya sa larawan ng tiyuhin at tiyahin ni Michaela na sina Ronaldo at Mildred.Ngunit hindi matatawarang takot ang rumehistro sa mukha ng mag-asawa, lalong-lalo na sa ginang na siya niyang ipinagtaka nung makita nito kung sino ang nasa larawan.“May problema po ba?”“Mga pulis ba kayo hijo na nagpapanggap na mayamang bisita? Pakiusap, huwag niyo naman sana kaming dakpin! Nangako sa ‘min si Mildred na hindi na niya kami ipapakulong kapalit na kabayaran ang anak ko! Pero bakit hindi siya tumupad sa usapan, Gido?” umiiyak na wika ng ginang kasabay ng pagbaling sa katabing asawa.“Hindi po kami mga pulis, nanay. Para po mapalagay na ang inyong kalooban. Ang gusto ko lang pong