Share

Chapter 1.2

Pagkapasok ko ay sumalubong sa akin ang lounge. Maraming rose petals ang nagkalat sa sahig. Sa isang couch ay may nakita pa akong bouquet of roses. Inamoy ko iyon. “Plastic . . .”

Mula rito ay amoy na amoy ko ang niluluto niya. Ang paborito kong putahe. Adobo.

Kung noon siguro ay kinilig na ako dahil ipinagluto niya ako. He even made the effort for this petal thingy, na hindi ko alam kung effort nga bang matatawag.

“Hon? You’re early?”

Napalingon ako sa kusina. “Y-Yeah,” I answered trying my very best for it not to sound like a mock.

“I cooked your favorite for dinner, let's eat?” aniya sa malambing na tono.

Same as the caring husband I knew, hangang hanga talaga ako sa ’yo napakagaling mo talagang umarte.

All these years, I've seen him as husband material. Oo maasikaso siya sa akin mula pa noon. He always made me feel loved, at para sa kaniya ay ginawa ko ang lahat, kahit ang mga hindi ko gusto, so that I can please him and his standards. Pero anong nangyari?

Anong ginawa mo? Anong isinukli mo?

“Hmm.” Tango ko bago ibinaba ang bag.

“Cramps?” tanong niya nang hilot-hilutin ko ang mga binti ko.

Hindi ko siya sinagot at pinagpatuloy lang ang ginagawa ko.

“Bakit hindi ka na lang muna mag flat shoes bukas?” aniya habang tinatanggal ang magkabilang stilletos ko.

I flinched when he slightly massaged my feet. This isn’t the first time he touched me pero napapaso ako sa ginagawang paghawak niya. Hindi ko alam kung dahil sa galit o pandidiri. Hindi ko alam, hindi ko na talaga alam. . .

Hinawi ko ang mga kamay niya at saka tumungo sa lamesa. Nagulat pa nga siya sa ginawa ko, but I don't care—I don't care anymore.

“What is this for?” tukoy ko sa inihanda niya.

“I think it’s been a while since I’ve done this for you.”

Parang gusto kong matawa sa tinuran niya. “Yeah, it’s been a while. Sobrang tagal na. Mahal mo pa ba ako?” sarkasmo kong wika na ikinatahimik niya pati ako ay nagulat sa sinabi ko pero hindi ko pinagsisihang itanong iyon.

Mahal mo pa ba ako? Minahal mo nga ba ako?

“Oh, I'm sorry,” bawi ko kaagad. "Masakit lang siguro ang ulo ko.”

Tiningnan ko ang telepono, at kunwari ay nagtipa roon. “Izzy called for me, I need to go and fetch her out.”

Dali-dali kong kinuha ang bag ko at saka lumabas. Nang makapasok ako sa kotse ay kaagad akong napabuga ng hangin. Doon ko lang din napansin na wala pala akong sapin sa paa. I ran over here bare footed, para lang makaalis doon. I’ve never been this desperate.

Ihinilig ko ang ulo sa manibela. Ilang minuto kong kinalma ang sarili, before starting the engine. Saka pinaandar iyon sa lugar na hindi ko kailanman inisip na pupuntahan ko.

Bumaba ako nang sasakyan, walang pakialam kahit pinagtitinginan na ako dahil nakapaa lang ako.

Dumiretso ako sa counter. “I need a hard one,” utos ko sa isang barista.

Inilapag niya ang isang alak sa harapan ko at kapagkuwan ay naglahad ng kamay. “Can I get your ID, ma'am?”

Ibinigay ko sa kaniya ang buo kong wallet matapos ay tinungga ang boteng inilapag niya sa counter. Nakita ko pa ang akma niyang pagpigil sa ’kin pero napakamot na lang siya sa ulo nang hindi niya na rin ako napigilan.

“Bettina Alvarez—Duchman.” Kaagad akong naiirita ng basahin nito sa harapan ko ang ID ko at binanggit pa ang buo kong pangalan. “So, you're thirty-one, ma'am?”

Tinaasan ko siya ng kilay. “What do you think?”

“Akala ko po sixteen pa lang kayo, you look young,” pagbibiro niya na imbis na ikatuwa ko ay mas lalo kong ikinainis.

Tiningnan ko ang bote, pati ang barista ay napatingin din doon. Kalahati na pala ang naiinom ko. Ibinalik ko ang tingin sa kaniya at sa hindi inaasahan ay nagdalawa ang paningin ko.

“Mrs. Duchman ayos lang po kayo?”

I gritted my teeth. “Stop calling me that! Fuck!”

Napasubsob ako sa lamesa. Ano ba ’yong ininom ko? Sobrang sakit sa ulo. Nadagdagan na naman ang listahan ng mga rason ko para kainisan ang alak. Ano nga bang pumasok sa isip ko para uminom?

“Hala! Anong ginawa mo Chiza? Sabi ni Boss h'wag daw munang i-serve iyan!”

“Ano?” Naningkit ang mga mata ko nang agawin nito ang bote mula sa pagkahahawak ko. “Na-Nagkamali yata ako ng kinuhang bote.”

“It’s hot, could you high up the aircondition?” pagdaing ko habang hindi makali sa stool.

I can’t see straight. Hindi ko na rin maintindihan ang pinaguusapan ng dalawang barista sa harapan ko.

“Ma'am! Anong ginagawa niyo?”

Naramdaman ko ang pagbalik ng strap ng suot kong sando nang tangkain ko iyong tanggalin. Pilit kong hinawi ang kamay nitong pumipigil sa ’kin. “Ang init, putangina!”

“What's going on here?”

Despite my bleary eyes. I saw a man standing beside me. I smirked. He's biceps look so delectable.

My hands meet together for a clap. Sumunod doon ay siyang pagtawa ko. “I don’t mind you giving me a head lock,” seryoso kong wika pero hindi ako nito pinansin.

I’m forcing my way out of the bartender’s so that I could take off my clothes but a rough hand cope both of my shoulders. “How much did she take?”

“K-Kalahating bote, boss.”

His hand is big and I felt a tingling sensation whenever he touched me. Narinig ko itong nagmura.

“I'll take care of her.”

Naramdam ko ang pagangat ko sa lupa. Ilang sandali lang ay may naramdaman akong malambot sa likod ko.

“What did you do, Bettina?”

I felt a shiver, when he called my name. His voice is somewhat familiar and definitely a music to everyone’s ears. “Baritono . . . makalaglag vagina.”

Hindi ko mapigilang humagikhik ngunit napalitan iyon ng d***g nang may kung anong tumusok sa balikat ko.

“It will help to stop the doze from stimulating.”

Humigpit ang kapit ko sa nahawakan kong bedsheet. Ilang beses rin akong nagpabaling baling. Napakainit ng pakiramdam ko, mas dumoble iyon kumpara kanina. Sobrang sakit tila may kung anong hinihigop sa katawan ko.

“Damn, you need to let the heat out.”

Napaawang ang mga labi ko nang magsimulang maglakbay ang mga kamay nito sa buong katawan ko. He's just using his hands, at sa bawat haplos niya ay puno ng pagiingat. Ilang minuto niyang ginawa iyon, as if like a magic the heat subsided.

“Hah. . .” Habol ko ang hininga, nakita ko pang ibinaba niya ang suot kong skirt.

“I'm sorry.” Huli kong narinig bago sumara ang pinto.

Pinilit kong aninagin ang nakatalikod nitong pigura pero sadiyang bumibigat na ang talukap ng mga mata ko.

* * *

Dahan dahan kong iminulat ang mga mata. “Ouch,” d***g ko matapos maramdaman ang sobrang sakit ng ulo.

“Ma'am, gising na po pala kayo?”

Mukha ng isang babae ang bumungad sa ’kin.

“Why are you crying?” tanong ko, umiiyak itong lumapit sa akin.

“Sorry po talaga kagabi, kasalanan ko po. Bago lang po kasi ako sa trabahong ’to. Hindi po dapat talaga iyon ang ibibigay ko sa inyo kasi blacklisted na iyon, pasensiya na po talaga!” Halos lumuhod na ito sa harapan ko pero wala akong ideya sa pinagsasabi niya.

“Okay,” nasabi ko na lamang. Hindi ko maintindihan kung nahihilo lang ba ako dala ng hangover, o kung ano man, I know I'm sober enough but I still can’t think straight.

Ano bang ginawa ko kagabi?

Ipinakuha ko sa kaniya ang bag ko. Thankfully, wala namang nawala roon. I drove home like nothing happened.

Wait.

Did something happen? Napasampal ako sa noo. Ilang beses kong pinilit na alalahanin kung anong katangahan ang ginawa ko kagabi.

Alak, madilim, mainit. That’s the only thing I could recall.

Ano nga ba ang nangyari?

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status