Share

Chapter 2.1

Nasa punto na siguro ako ng buhay ko na gustong gusto ko ng manaksak nang isang bruhildang walang ginawa kung hindi ang manggulo.

Irita kong binura ang nagulong sinusulat ko, matapos ay padabog na ihinampas iyon sa lamesa.

“What is it this time, Izzy?” tanong ko sa kapatid ko na dire-diretsong pumasok sa opisina ko.

Mabuti at lapis ang gamit ko. Kung hindi ay masasakal ko talaga siya.

“Let's go.” Kalabit niya sa balikat ko, ani mo’y isa maamong tupa.

“To where?” I asked between my sighs. Napakarami ko pang gagawin. Ano na naman ba ang kailangan niya?

“Shopping! Puro ka na lang trabaho riyan. Hindi mo na ba ’ko love?” Nakanguso niyang saad.

“Ayoko,” pagtanggi ko at saka pinagpatuloy ang ginagawa.

“Dali na please? Ngayon lang naman e,” pagpapaawa niya habang magkasalikop pa ang mga kamay, my tongue clicked from what she says.

I stared at her seriously. “Tigil tigilan mo ako, iyong huling ngayon mo ay halos mamatay matay ako!”

“Ih, hindi naman kaya!” she hissed. “At saka bibili na rin tayo ng susuotin natin para sa party ni papa,”

“No!”

Is what I said. Pero heto ako ngayon at kinakaladkad nang magaling kong kapatid. Kailan ba ako makakatanggi sa isang ito?

“Rolly! Here!”

Kaagad na kumunot ang noo ko nang may kawayan siyang lalaki na kinawayan rin siya pabalik. Muli akong hinila ni Izzy palapit dito.

“Kanina ka pa rito?” pabebeng tanong ng kapatid ko naramdaman ko pa ang pasimple niyang pagpisil sa balikat ko, parang sinisilihan ang puwit niya.

“Just a minutes earlier,” nakangiting sagot noong Rolly.

My eyes squinted. He’s wearing a shirt partnered with a denim short. Nakahawi ang kulay brown na buhok nito pakanan. Well, he's kind of cute.

Nakaramdam ako ng pagkurot sa tagiliran ko. “He's Rolly, my date,” pakilala niya na ikinakunot ng noo ko.

“So you're saying na isinama mo ako rito para maging third wheel?”

Kung alam ko lang na ganito ay sana hindi na ako sumama. Kaunti na lang talaga at masasakal ko na siya.

“Of course not!” kunyare ay tanggi niya. “Sabi mo sasama ka to buy a dress, right? You insisted!”

Nakagat ko ang pang-ibabang labi. I really, really want to yank her hair hard hanggang sa makalbo siya. Ako pa ngayon ang nagmukhang masama.

“You can buy your dress na, we'll stroll muna ni Rolly, bye!” Pinanlakihan niya pa ako ng mga mata na para bang siya ang mas nakatatanda sa aming dalawa.

“Hindi kasi ako papayagan ni Papa na lumabas kaya ikaw ang ginawa kong palusot. Don't worry, I'll pay you later, thank you ate mwah!” she whispered bago ako iniwanan magisa roon.

I even saw the Rolly guy bowed his head to me before catching up to her.

Damn, you wench! Sabi ko na, kapag talaga siya iyong nagaya ay palaging ako ang naaagrabyado. Humanda ka talaga sa akin mamaya.

Inilibot ko ang paningin sa buong mall. “What now?”

Tutal ay narito na rin naman ako, might as well lubos lubosin ko na.

Pumasok ako sa isang clothing shop. Maybe I should start from here. Gumawi kaagad ako sa women’s wear. Naglibot libot ako at sa isa’t kalahating oras na iginugol ko sa paghahanap ay wala manlang akong natipuhan.

Napakamot na lang ako sa ulo. Why am I even here?

I was about to walk out when I passed over the undies stall.

“Maybe this will suit you well.”

Biglang sumulpot ang malilikot na kamay sa harapan ko. Placing a pair of thongs in front of me.

Kaagad na tumaas ang isang kilay ko. “Ano satingin mo ang ginagawa mo?”

Nagangat ito ng tingin at bakas sa mukha niya ang pagkagulat. “I-I'm sorry.”

Nakayuko ito at nakasumbrero kaya naman hindi ko makita at paniguradong siya rin dahil napagkamalan niya ako sa kung sino. Who would wear a cap inside a freaking mall?Malamang sa malamang ay mapagkakamalan itong holdaper.

I probably don't know this guy.

Itinaas niya ang sumbrero, at sapat na iyon para makita ko ang mukha niya. Up to his scintillating eyes, to his nose, familiar lips, and his sharp jaw line.

Wait, I take that back. I know him. Hinding hindi ko makakalimutan ang lalaking ito.

“Isn't it Mr. Montagne?” Kaagad akong nasiyahan ng ilang beses siyang mapamura. “Omg! Tama ba ako sa nakikita ko? Ang Isang Freed Montagne ay namimili ng swimsuit? How sweet!” I exclaimed, at talagang sinigurado kong malakas ang boses ko para marinig ng iba.

He glared at me. Ipinakita ko sa kaniya ang pinakamatamis kong ngiti na sa sobrang tamis ay halatang plastic.

He's Freed Alluri Montagne, a Liquor company owner. Rising with his weird title ‘Mr. Thick and Hard’ he's kind of famous. I can’t wait to see him again on top of the news’ headlines raging with another scandal.

To be honest, I just hate his guts. Gaya ng pagsumpa ko sa alak ay siya ring pagsumpa ko sa lalaking ito. Hindi ko alam pero inis na inis talaga ako sa pagmumukha niya. On the contrary, he do the same. Every time he see me, palagi niya akong pinagiinitan. Quits lang kami.

“Freed?”

Napalingon ako sa bagong dating na babae. Mukhang siya iyong kasama niya.

I plastered a smile while wrinkling my nose. “Bye, Mr. Montagne. It's nice, teasing you.”

Hindi mapawi ang ngiti sa mukha ko Hanggang sa makarating ako sa parking lot. His face is priceless, and I love it so much.

* * *

It’s now the day of the party. I picked out my pouch, and then made my way out of the car.

“I hate you!” rinig ko pang sigaw ni Izzy sa akin.

She was devastated, for I cut my hair short between my neck and shoulder blades. Ang gaga mas nalulungkot pa yata sa akin. Nang makita niya ako kanina ay kulang na lang sabunutan niya ako.

Nagmartsa siya papasok at napailing na lang ako sa kakulitan niya.

I'm wearing a cocktail dress, hapit na hapit sa baywang ko at ibinabalandra ng mahabang slit ang mapuputi kong hita. Kailan na ba iyong huling nagsuot ako ng ganito?

Elegante akong naglakad papasok. Everyone looked surprised, alam kong hindi lang dahil sa bagong style ko ngayon dahil na rin wala tabi ko ang lalaking nasanay na silang palaging kasama ko. Sa tuwing a-aattend ako sa bawat party man o gathering ay kasama ko siya. Nakaangkla ang mga braso na ani mo’y gwardiya.

I used to be possessive over him, but not anymore. Hindi na ngayon. For now, ako muna.

I brushed my hair upwards. Mula sa gilid ng mga mata ko ay nakita ko ang isang pares nang mga matang nakatitig sa akin. It's Lorcan, he's staring at me. Siguro ay iniisip na niya ngayon ang dahilan kung bakit hindi ako sumabay sa kaniya.

“Ma!” tawag ko kay Mama at saka siya hinalikan sa pisngi.

“You look gorg' as always my dear.” Pagyakap niya sa ’kin.

“Where's papa?” tanong ko dahilan ng pagirap niya.

“Over there,” aniya habang nakaturo sa isang lamesa na kinaroroonan nila Lorcan. “Kanina pa umiinom iyan, naku!”

Nagpaalam muna ako kay Mama bago lumapit sa kinaroroonan nila Papa. “Pa, Happy Birthday!” pagbati ko bago siya halikan sa pisngi.

“Bern, napakagaganda talaga niyang mga anak mo. Kung wala lang asawa itong si Bett ay baka pinikot ko na ito para sa anak kong si Marcus,” natatawang biro ni Tito Froilan.

I felt an arm hugged my waist, at kapag kuwan ay pumisil pisil doon. It's as if he's guarding his territory. What a load of bullshit.

Tiningala ko ito. “Hello, hon.” I faked a smile then clung into him.

“You're dazzling,” rinig kong bulong nito.

I faced him. Napangiti ako. Ipinulupot ko ang mga kamay sa batok niya, at saka siya siniil ng halik. “Of course, it's for you! You're my husband after all,” I said emphasizing every word.

“Ang mga kabataan talaga ngayon ay nakakainggit na. A-ayaw na nga magpahawak nitong si Flora,” reklamo ni Tito Nilo tinutukoy ang asawa niyang si Tita flora na kaagad naman siyang binatukan.

“Pa, tito, punta po muna ako kay Izzy,” pagpaalam ko bago inalis ang pagkakapulupot ng kamay ni Lorcan sa baywang ko. “Hon, wait for me,” ani ko rito at saka pabiro siyang kinurot sa tagiliran. Narinig ko pa ang tawanan nila papa bago ako makaalis.

Mabilis ang ginawa kong paglalakad still managing to maintain my poise. Pasimple kong pinunasan ang mga labi gamit ang kanang kamay at saka ipinunas iyon sa nakita kong mattress na nakapatong sa isang lamesa. “Disgusting,”

“How rude, Betty . . .” Nilingon ko kung sino ang nagsalitang iyon. Sumalubong sa akin ang nakakainis na mukha ni Montagne. “Boop.”

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status