Share

Chapter 1.1

“Bettina Alvarez! How about be mine?”

I groaned when my head hitted the table. Nakatulog pala ako. It's weird, bakit naman ngayon ko pa napanaginipan iyon. Sa ilang taong nakalipas ay sigurado akong nakalimutan ko na 'yon.

What a headache.

“Ma'am?” I heard a few knocks on my door. “Ariana Asuncion po.”

I cleared my throat. “Come in.”

Bumukas ang pinto at iniluwa noon ang sekretarya ko. Sa kamay niya ay isang envelope.

“Ito na po ang list of sales for december, Ma'am.” Tinaasan ko siya ng kilay. “Iyong ipinakuha niyo po kanina.”

Kinuha ko sa kaniya ang papel at saka binasa. As expected, tumaas ang sales ngayon dahil magpapasko. Nang makuntento ay isinara ko iyon.

“What about the list of investment, at mga bagong pasok na produkto?” tanong ko habang nakalahad ang mga kamay sa harapan niya.

“I-I'm sorry, ma'am. Nakalimutan ko po. Iyan lang po kasi ang inutos niyo.”

Nagsalubong ang dalawang kilay ko. “H'wag ka ng magpaliwanag, kuhanin mo na lang!” irita kong utos sa kaniya.

Nilinaw ko kaninang kunin niya lahat para makita ko. Hindi na nga niya inaayos ang trabaho, sa akin niya pa isisisi ang katangahan niya. Kaunti na lang talaga at tatanggalin ko na siya.

“Go, ano pa ang hinihintay mo?”

She almost stumbled, nang magmadali siyang lumabas. Napahilot na lamang ako sa sintido. Dumadagdag pa siya sa sakit ng ulo ko.

Inilabas ko ang telepono, ang nakangiting mukha ni Lorcan ang bumungad sa ’kin. It was a picture I've stolen the last we visited in Milan. He looked very happy in here.

“Are you happy? Way happier when you’re with her?” Hindi ko mapigilang itanong, kahit pa wala naman akong makukuhang sagot mula sa litrato niya. I rolled my eyes as I hit the delete button, pinalitan ko na lamang iyon ng isang napakagandang painting mula sa paborito kong pintor.

Natigil ang pagmumuni-muni ko nang bumukas ang pintuan ko nang walang katok-katok.

“How many times do I have to tell you to knock, Izzy?”

Ang matitinis niyang tili ang una kong narinig. “Betty! Betty! You know what’s good news?”

Inirapan ko siya bago pinagsalikop ang dalawang kamay ko. “Ano?”

“It's nearly eighteenth of December!”

I squinted my eyes. “What should I do then?” sarkasmo kong tanong sa kaniya.

“Oh, come on! H’wag mo sabihing nakalimutan mo?”

Akmang babatuhin ko siya nang hawak kong ballpen nang mauna na siyang tumili kahit pa hindi pa naman tumatama iyon sa kaniya. Sinasayang niya ang oras na dapat ay iginugugol ko sa trabaho.

She skipped the table then sat on my couch comfortably. Dumikwatro pa siya at niyakap ang unan na nakalagay doon.

“It’s Papa’s birthday! Isusumbong kita kinalimutan mo!” Magkasalikop ang mga brasong asar niya sa ’ka habang pinapalobo ang magkabilang pisngi. As if acting cute but ended up looking gross.

“So?”

“Anong so? Kailangan pareho tayong maganda ro'n. Mama will be the one assigned for invitations. Paniguradong maraming hotty do'n!” galak na galak niyang paliwanag na para bang talagang nakakatuwa iyon.

Hinayaan ko lang siyang magdadaldal sa harapan ko. Nagmana talaga siya kay mama pareho silang masakit sa tainga.

“Surely, you’ll go with Lorcan. Silly me, s’yempre asawa mo ang date mo roon!”

Nagpantig ang tainga ko sa sinabi niya. Kaagad nagbago ang mood ko. At some point I don’t want to go.

“What did you say earlier?” tanong ko matapos ay tinitigan siya ng mariin.

Pinanlakihan niya ako ng mga mata at saka nagisip. “You going with kuya Lorcan?”

I shook my head. “No, before that.” Nakataas ang dalawang kilay na saad ko sa kaniya. “Hotties? You say?” mahina kong bulalas pero alam ko namang narinig niya.

“Huh?” naguguluhan niyang saad pero itinulak ko na siya palabas.

“I'll go.” Bago pa siya makaangal ay sinaraduhan ko na siya ng pinto.

* * *

Isinuot ko ang coat sa balikat ko at saka naglakad palabas nang opisina. I took the elevator to the first floor. Pagkalabas na pagkalabas ko ay kaagad na tumahimik.

I made my way through the comfort room. As usual, kahit isa sa mga empleyado ko ay hindi manlang ako matingnan sa mata. Hindi ko nga alam kung dahil ba sa takot ay nakabisado na nila ang oras ng paguwi ko. To be honest it was convenient for me. Ang ayoko sa lahat ay iyong sinasayang nila ang oras sa mga walang kwentang bagay. I’m paying them, the first reason why they’re here.

I entered one of the cubicles. Mga ilang minuto ako roon hanggang sa tumunog ang alarm ko. Saktong alas sais, tapos na ang trabaho.

Akmang lalabas na ako, when I heard my two employees talking.

Nakaharap sila sa salamin at tila ba wiling wili sa pinaguusapan nila.

“Mabuti at natitiis mo pa sa sixteenth floor,” untag nang isa habang patuloy sa paglalagay ng pulbos sa mukha.

“Naku! Kung alam mo lang, kaunti na lang talaga at sasabunutan ko na ang babaeng 'yon.”

Isinandal ko ang likod sa pinto at saka sila pinanood na magchikahan. Napangiti ako. I am the girl on that sixteenth floor.

“Hindi ko nga alam kung paano siya nagawang pakasalan noong asawa niyang doctor. Napakasama ng ugali!”

“Maganda nga, sexy nga, matalino nga, pang bruha naman ang ugali.”

Napakagandang compliment naman niyan. Binuksan ko na ang pintuan at sinigurado kong tatama iyon sa pader tama lang para makuha ang atensiyon nila.

“M-Ma’am?” Nakayukong wika ni Ariana habang pinipilit ding payukuin ang kasama niya.

“You don't need to bow, hindi na oras ng trabaho. You can even yank my hair, gaya ng sinabi mo.” Humarap ako sa salamin at saka inayos ang mahaba kong buhok bago humarap sa kanilang dalawa.

“You can do whatever you want. You can gossip whatever you want,” I sarcastically stated while smiling from ear to ear.

Lumabas na ako ro'n at saka dumiretso sa sasakyan ko. Pinaandar ko iyon at ilang minuto lang ay nakarating na ako sa bahay.

The atmosphere felt light for some reason. Kung noon siguro ay baka tumakbo na ako papasok para lang makita ang nasa loob.

I know he's here.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status