“Hi tito, tita. You must be the trio, Mia, Maria, and Heiden. Hi Ate Melissa!” Ipinagsalikop ko ang mga braso habang pinapanood siyang batiin ang pamilya ko na tila ba’y kabilang siya sa aming pamilya. Natawa na lang ako sa pagiging feeling close niya. Nginitian siya ni Ate Melissa pagkatapos ay inilayo ang tatlo. Gusto kong humagalpak ng tawa pero hindi ko ginawa, pahiya ang gaga.Dahil hindi niya nakuha ang gusto, ay kay Lorcan siya lumapit nagpapaawa na tila ba ay inaapi siya. Satingin ko ay napansin iyon ni Izzy. “Akala ko ba ay bisperas pa lang ng pasko ngayon? At saka nagpakabait naman ako buong taon, ang aga naman tayong bigyan ni Santa ng uling,” anito sa nangaasar na tono. As if it was my cue, lumapit ako kay Sarah at hinawakan ito sa balikat. Kunwari ay tiningnan ko ng masama si Izzy. “Stop being rude to our guest Izzy she’s a friend, right hon?” I said emphasizing the word friend. Hindi matanggal ang ngiti ko nang tumango nga si Lorcan naging dahilan iyon nang palihim n
“Guys, it’s 11:30 twenty minutes na lang count down na,” saad ng bagong dating na si Kuya. Nanatiling nasa tabi ko si Izzy. Tinawanan ko siya. “Hoy, pumunta ka na roon. Ayos lang ako.” Nginusuan niya ako at pinanlakihan ng mga mata. “Sigurado ka ha?” Hindi ko na siya sinagot at tinanguan na lang siya. Matapos kasi ng nangyari kanina ay hindi na siya humiwalay sa akin kung saan man ako pumaroon. Hindi gaya kanina, ayos na ako ngayon. Masakit oo, pero anong magagawa ko? It is what it is, besides I was thankful that the they're testing my patience. Mas dinadagdagan nila ang galit ko sa kanilang dalawa. Dala nang pagkaburyo ay tumikhim ako sa salad na niluto ni Mama. Masarap iyon kaya naman dinagdagan ko pa ang subo. Sarap na sarap ako sa pagkain ng maramdaman ko ang tawag ng kalikasan, naiihi ako. Tutal mayroon pa naman akong ilang minuto bago magsimula ang count down ay bumalik muna ako sa hotel para umihi. Wala kasing Cr itong cabin, at ang loob ay open space lang na puno ng lames
“Bett, I’m really sorry,” Sinaid ko muna ang laman ng baso ko bago hinarap si Ate Larra, magkadikit ang mga palad niya at kanina pa paulit-ulit na humihingi ng tawad. What for? Nangyari na ang nangyari. It's not like she can take back what she did at the beach last night.“You’re forgiven,” seryosong saad ko at lumapit sa lamesa na may nakahanda nang almusal. I won't say it's fine, because it's not. “Siguro dala lang ng kalasingan ko kagabi, sorry na talaga,” aniya nagpapaawa na siya ay pagbigyan ko. Napansin yata ni Kuya ang pangungulit nito kaya’t lumapit ito sa akin.“Larra, hinahanap ka ni Tito Morgan,” saad nito na alam ko namang hindi totoo. I really appreciate it, ayoko nang pag-usapan pa ang nangyari kagabi. I don't want to ruin my whole Christmas this year.Walang ibang nagawa si Ate Larra kung hindi ang umalis.“Thanks, I owe you one.” Tapik ko sa balikat ni Kuya.Hindi na ako nagtagal pa sa tabi niya at lumapit sa lamesang naglalaman ng almusal. Nagsimula na rin silang
Ilang sandali pa ay kaagad akong nabalik sa ulirat nang umalon ang bangka dahil sa naging paghinto noon. Sumalubong ang mukha ni Freed sa akin. Kitang-kita ang kunot sa kaniyang noo maging ang nagaalala niyang mga mata. “Are you okay?” nagaalalang tanong niya. “Did I go overboard?” pagtukoy niya sa pilit na pangungulit sa akin kanina pa.Inilibot ko ang paningin sa paligid. Nakahinto na pala kami sa isang bahagi nang karagatan.“You did, and you will never be forgiven,” saad ko sa kaniya bago inis na mahinang sinampal ang pisngi niya. “Really? Even if I do this?” Nanlaki ang mga mata ko ng haplos haplusin niya ang hita ko. “Tigilan mo ‘yan.” Tapik ko sa malikot niyang kamay. Hindi siya nakinig at ipinasok pa iyon sa loob ng summer dress ko. “Ititigil mo ‘yan o ihuhulog kita rito?” banta ko sa kaniya, kaagad siyang ngumuso. Nakahinga ako ng maluwag dahil tumigil na siya sa kalokohan niya pero akala ko lang pala iyon. He pulled me even closer for a kiss, napakalalim noon at nakak
It’s been four days since that Christmas. Ibinaba ko ang salamin at saka pinunasan ang mga mata. Sumandal ako sa upuan matapos ay pinaikot iyon. Hanggang ngayon ay hindi pa rin kami nagkakausap ni Freed. Hindi naman na ako galit sa kaniya pero gusto ko ay siya ang unang lumapit sa akin. Of course, it's his fault, he should be the one to reach out not me. Bakit ba kahit wala naman siya rito ay binibigyan pa rin niya ako ng sakit sa ulo.Napabuga muna ako ng hangin bago ibinalik ang salamin sa mata. Tambak ang trabaho ko ngayon kaya kailangan kong mag-over time. Sasabay pang malapit na ang New year, at paniguradong maraming pasok na mga bagong produkto. Hinawakan ko ang baso ng kape sa lamesa pero kaagad ring napabuntong hininga nang makitang wala na iyong laman. Kaagad akong lumabas nang opisina. I need a coffee at dahil nga alas dies na ay walang magbibigay noon sa akin sapagkat nag-uwian na ang mga empleyado ko’t ako na lamang mag-isa rito. Pumasok ako sa pantry at nagtimpla ng ka
Ipinilig ko na lamang ang ulo at nagkibit balikat. Pumasok na ako sa loob nang opisina at naupo sa upuan doon kung saan inuupuan ng mga pasyenteng kinokunsulta niya. Ilang sandali pa ay mula sa banyo ay lumabas si Lorcan. "Hon? What are you doing here?" aniya. He was a bit stunned but still managed to maintain his composure. Mukhang hindi niya inaasahang makikita niya ako rito. "Why? Hindi na ba ako welcome rito?” pabalik kong tanong, mahahalata ang pagka-sarkasmo sa tono. Hindi ako nakatingin sa kaniya pero alam kong nakatingin siya sa akin at hinihintay ang susunod na gagawin ko. Inabot ko ang house miniature na nakapatong sa kaniyang lamesa at nilaro-laro iyon. Sa pagkakataong iyon ay nag-angat na ako nang tingin. I watched him as he loosened up his tie and faced me. Ilang segundo niya akong pinakatitigan. And I suddenly felt conscious. Kaagad akong nagiwas ng tingin at inilibot na lamang sa buong silid ang mga mata ko.I used to be always in here whenever I got off from wo
Ipinarada ko ang kotse. Mabibigat ang mga paghakbang ko nang sandaling bumaba ako mula roon. Tiningala ko ang matayog na gusali nang Montagne Liquor Corporation. Naningkit ang mga mata kong tumitig doon. Kung may laser lamang ako sa mata ay baka gumuho na ito dahil sa sama ng titig ko. Pinagbuksan ako ng pintuan ng gwardiya nang sandaling pumasok ako sa gusali. “Thank you,” pagpapasalamat ko at ngumiti naman ito sa akin. “Hi, ma'am Bettina.” Kaagad akong napalingon nang mayroong tumawag sa pangalan ko. Nagsalubong ang dalawang kilay ko nang hindi makilala kung sino iyon. “I’m sorry, but do I know you?” She chuckled a bit. “Hindi po. I'm Calista po, sir Freed’s secretary. Nasabi niya nga po na baka po dumalaw kayo kapag na-miss niyo siya,” aniya. Nangunot ang noo ko at mas lalong naguluhan. “Why would he tell you that. And I'm not here because I miss him, that jerk!” asik ngunit tumawa lamang siya. “Hindi niyo po ba alam?” inosente tanong niya sa akin. “Alam ang alin?” pabalik
“Hala, sorry po!” Mabilis akong nabuwal mula sa pagkakatayo nang may bumunggo sa akin. Hindi naman ako natumba ng tuluyan sapagkat naitukod ko pa ang paa ko bago tuluyang tumumba. Pinasadahan ko ng tingin ang mga batang nagtatakbuhan kanina, matapos ay huminto ang paningin ko sa isa sa kanila na siyang bumunggo sa akin. “Sorry po,” paghingi nito ng tawad. Bumuntong hininga muna ako at saka ito tinanguan. “It’s fine, h’wag na lamang kayong tumayo at baka kayo ang madapa,” pagsaway ko sa kanila. Kaagad naman silang sumunod at naglakad na lamang paalis. Inayos ko ang pagkakatayo at mabilis na ibinalik ang paningin sa isawan. Nagsalubong ang dalawang kilay ko nang makitang wala na roon ang anak ni Sarah at sa halip ay iba na ang nagpapaypay sa isaw na iniihaw doon. Nagpalinga-linga pa ako ngunit hindi ko na ito namatahan pa. Siguro ay namamalikmata lamang ako. Paano namang narito ang anak ni Sarah hindi ba? Paano namang hahayaan ni Sarah na magtinda ng isaw ang anak niya habang bi