Share

The Moment I Knew
The Moment I Knew
Author: Allen

Kabanata 1

"Grey," pag-uulit ko nang tawag sa kanya. The man in front of me just looked at me...pissed. 

"Is this your way of greeting your new neighbor?" I teased him kahit alam ko na hindi siya natutuwa. 

Grey is my long time crush and childhood friend. Nang malaman ko na lumipat siya sa Condo, agad akong nag-pabili sa parents ko. Hindi lang basta Condo, Condo na katabi mismo ng unit n'ya. 

Dahil hindi lihim ang pagkagusto ko sa kaniya, alam ko na may ideya na agad siya kung bakit ako nandito.

"What the fuck are you doing here, Peyn?" he finally said, eyebrows almost touching because of so much irritation. Well...he's not that mad, right? He called me by the nickname he gave me when we were a child!

Sa tagal na namin na magkakilala, alam ko na galit siya talaga kapag tinatawag n'ya ako sa tunay kong pangalan. He rarely calls me by my true name, though.

"I also wanted to move out and be independent...like you," palusot ko kahit alam kong alam niya kung bakit. Gusto niya lang talaga na makumpirma sa akin.

"Be independent? You thought buying a unit beside mine is being independent? Really?"

Hindi agad ako nakasagot. Kinagat ko ang labi ko at hindi na tumingin sa kanya. Okay? How do I respond to that?

"Why did you follow me here?" Humakbang siya palapit, alam na agad na guilty ako at tiklop sa kanya. 

"W-what? It's just a coincidence! I told Mom that I wanted a condominium, so she bought me one. Hindi ko naman alam na katabi pala ng unit mo yung binili niya." I ran out of words to say. Kahit alam ko na alam niya, pinilit ko pa rin ang magdahilan. I have to keep the conversation going!

Kahit anong makukuha ko kay Grey, kukunin ko. Bad reactions are still interaction!

"Isn't this great? We're neighbors!" I said in a high-pitched voice. Halata na tinatawid ko lang ang mga palusot ko sa kanya.

Grey looked at me for about a minute or so. Nang mapagtanto n'ya na hindi ako aamin, hindi na siya sumagot. What?! Suko ka na agad? C'mon, talk to me!

Suminghap lang siya bago tumalikod sa akin. He went to his door and opened it without inviting me in. 

"Grey!" I called him para sana sumama sa kanya sa loob. He looked at me, annoyed, so I backed off. 

"Wala! Wala! See you soon, neighbor!" I smiled, assuring him that it's fine if he don't invite me in. Sa sobrang awkward ay ikinumpas ko pa ang kamay ko para magpatuloy siya sa pagpasok. 

Pabagsak niyang isinarado ang pinto. I smiled, not because of what happened, but because I'm living next to him! 

I am not usually this aggressive, pero nang nalaman ko na lilipat siya, lumipat din ako. I know it's wrong but who cares? Mom and Dad didn't protest at my decision, kahit pa alam nila kung bakit ako nandito. 

I went overboard this time, afraid that he'll find someone kapag hinayaan ko siya na mapalayo.

Dahil gabi na at hindi pa ako naghahapunan, I decided to eat at a fastfood chain nearby. Pinili ko ang kumain mag-isa sa sulok, medyo nahihiya dahil mag-isa lang akong kakain.

I know I'm so stupid to move out of our house without even thinking of the consequences. I didn't even know how to cook!

Speaking of cooking, kumain na kaya si Grey?

It's 7 pm already. Ang alam ko, ganitong oras sila nagdi-dinner nina Tita Sam.

After two minutes of battling whether to ask him or not, I picked up my phone to text him. 

Me: Kumain ka na?

Should I take out some foods for him? Tatanggapin niya kaya?

Natapos na ako sa pagkain ay hindi pa rin nagre-reply si Grey. I opened my iMessage and saw that he already read my text. Sungit. Seen lang ako? Really?

Me: I'll order some foods for you. Kainin mo ha. :)

 I texted him again kahit alam ko na hindi n'ya ako re-replayan. He's always like that, anyway. Bihira lang mag-reply sa texts ko. I sighed. Bahala na! Kung hindi niya tatanggapin, puwede ko pa naman siguro kainin 'to bukas.

After ordering some foods for Grey, bumalik na ako agad sa condo. 

I knocked on his unit, a big smile plastering on my stupid face. Bumukas naman kaagad ang pinto at bumungad agad sa akin ang supladong mukha ni Grey.

He's wearing a white shirt and gray cotton shorts, medyo magulo ang buhok at naniningkit ang mga mata na nakatingin sa'kin.

"I bought you foods! Dinner?" I happily said, proud of what I did. 

"Thanks," tipid lang na sagot n'ya pagkatapos kunin ang dala ko.

I tried to take a peek at his unit. I wanted to go inside! Ano kaya ang itsura nang unit niya? Kahapon lang siya lumipat. Tapos na kaya siya sa pag-aayos?

A minute had passed, nakatayo pa rin ako sa harap ng pinto, naghihintay na papasukin n'ya. 

"I said thanks already," masungit at supladong sagot niya. 

"You're welcome!" Abot langit ang ngiti, hindi pa rin ako umaalis. Parang nakuha ni Grey ang gusto kong mangyari nang irapan n'ya ako. 

"Fine. Come on in." Niluwagan n'ya ang pagkaka-bukas ng pintuan para makapasok ako. 

I secretly smiled bago agad na inilibot ang mga mata sa kabuuan ng unit n'ya. Spacious ang unit. May isang bedroom, isang common bathroom,kulay puti ang paint ng walls, malinis at may kalakihan na kitchen, dining table na para sa tatlong tao at isang couch. Halatang kakalipat n'ya pa lang dahil hindi pa ganoon karami ang gamit, tanging mga basic needs lang. Walang masyadong decoration at may mga naka-box pa na gamit sa sulok. 

"Do you need some help? I can help you with the decorations," I offered him kahit hindi ako sigurado kung balak n'ya ba na maglagay 'non. Nakasunod ako sa kanya nang magpunta siya sa dining area. Binuksan n'ya ang paper bag at isa-isang nilabas ang mga pagkain.

"Why? Maayos na ang unit mo?"

"Hindi pa," medyo napahiyang sagot ko. Silly me. Why would I help him when I am not even finish with mine?

"Then I don't need your help," he said with finality. Tumango lang ako kahit hindi niya nakikita.

Pinanood ko siya habang binubuksan ang mga pagkain na binili ko. So, hindi pa nga siya kumakain? I smiled, knowing that I did great at buying him food. See? May silbi ako sa'yo.

Naagaw ko ang atensyon ni Grey nang galawin ko ang upuan sa harap n'ya. Unti-unting kumunot ang noo nang titigan ako habang prenteng naka-upo sa kanyang harapan.

"Saan ka kumain? Dine-in?" 

Nalilito akong tumango, clueless kung bakit niya tinatanong.

"Wearing that?" He pointed his finger at my chest. Napatingin din ako doon at na-realize na ang suot ko ang tinutukoy n'ya.

I'm wearing a black spaghetti top. Kahit kulay itim ang suot ay nahalata pa rin na wala akong suot na bra sa loob.

I sheepishly smiled at him.

"Wala naman nakapansin. Wala naman tumitingin sa'kin," I reasoned out kahit baluktot na naman. 

Grey laughed without humor. 

"You think so?"

"Y-yeah," tipid na sagot ko dahil medyo nahihiya at nainsulto sa pagtawa n'ya.

"It's kinda normal to go out without wearing a bra. International models do that. It's no big deal."

"Are you a supermodel, then?" He teased, dahilan kung bakit ako agad pinamulahan nang mukha.

"No," mahina ang boses na sagot ko. Napalunok ako at ini-urong ang upuan, ready to leave.

"Uwi na muna ako?" Hindi sinasadya na patanong kong ipaalam sa kanya ang pag-alis ko. Lalo lang tuloy akong napahiya nang tumawa ulit s'ya. This time, I know his laugh is not intentional.

"Okay?" sagot niya, sinasadya na patanong din.

"Seriously, uuwi na ako." I said with finality, hindi na kayang magtagal pa. Maybe I'll try again tomorrow? Marami pa naman akong oras para magpapansin sa kanya, lalo pa ngayon na magkatabi lang kami ng unit.

"Well, okay." 

Hindi na ako sumagot, dumiretso na agad ako sa front door at dali-daling lumabas. 

Stupid me! Sa kapal ng mukha ko, ngayon pa talaga ako nahiya? Kung kailan nakapasok na ako sa condo n'ya!

Padabog akong pumasok sa unit ko, hindi matanggap na pagkakataon ko na sana 'yon para makasama siya nang medyo matagal. Kung kailan naman ako pinapasok at pinansin, tsaka pa ako mag-iinarte.

Ayos lang naman na mapahiya, Elle. Mas marami ka pang nakakahiyang ginawa sa harapan ni Grey! Jusmiyo!

Ano bang nakakahiya doon? He just pointed out that I am not wearing a bra! But he laughed without humor, parang nang-iinsulto?

Napasabunot ako sa buhok ko sa sobrang inis. Ang tanga ko naman, sayang din 'yon!

I wonder kung makakapasok pa ulit ako sa unit n'ya?

Naging abala ako kinabukasan dahil sa pag-aayos ng unit ko. Dumating na kasi ang mga inorder kong appliances, at dahil wala naman akong pasok, inayos ko na kaagad.

Pareho kaming graduating ni Grey. Different course but same school. He took Business Administration while I took Bachelor of Arts in Communication. Close din ang parents namin dahil magkapit-bahay lang kami. Iisa kami ng Village at dahil deds na deds ako kay Grey, palagi akong nakasunod sa kanya.

The reason why we were in a same school and now, in a same condo tower.

Hapon na nang matapos ako sa pag-aayos ng buong unit. I decided to eat outside again. I should learn how to cook, seriously. I'm also thinking of doing my groceries later but I'm too tired.

Pabalik na ako sa condo tower nang makita ko si Grey. Naglalakad siya papasok sa building, may dalawang kasama. Isang lalaki at isang babae. I figured it's his blockmates.

May dala kasi silang bags and folders. The other one looks familiar though. Binilisan ko ang lakad ko hanggang maabutan ko sila.

"Grey!" I called him at kahit hindi na ako lingunin, alam kong alam niya na ako ang tumawag sa kanya.

Naunang lumingon ang dalawa niyang kasama. I saw Brent, yung bestfriend ni Grey simula first year college.

"Brent! Hi!" I excitedly ran towards him.

"El! What are you doing here? Are you here to visit Grey?" Makahulugan na tanong n'ya. Brent knows me and my "Grey antics". He's never a fan of my obsession with Grey but he is still kind and friendly, though. 

Nakilala ko si Brent dahil palagi siyang pumupunta sa bahay nina Grey. At dahil lagi akong nakabuntot kapag may pagkakataon, halos araw-araw ako sa bahay nila. 

"Let's go," pagyaya ni Grey doon sa kasama nilang babae. Nagpatuloy sila sa paglalakad at naiwan kami nang bahagya ni Brent.

"Who's that girl?" I curiously asked. I raised an eyebrow when I saw the girl laughing and slightly touching Grey's arm. I can't see Grey's reaction, though. Nakatalikod ito samantalang ang kasama niya ay nakatagilid. 

"Oh. That's Steffi, ka-group namin." Nanatili pa rin ang tingin ko sa dalawa habang nakasunod kami ni Brent sa kanila.

"Pft. You look like you're ready to murder Stef."

"I am not!"

"Well, quit looking at her like that! It really looks like you're planning something bad to her, El."

Something bad? That's insulting! I am not that stupid to strangle someone just because I don't like them being around with the one I like!

Inis kong hinarap si Brent. Kahit alam n'ya na napipikon na ako ay nakangiti pa rin siya, halatang nae-entertain pa lalo sa reaksyon ko.

"What? Now you're planning to murder me, too?" Ikinunot ko lalo ang noo ko at sinimangutan si Brent.

Tumawa siya sa reaksyon ko bago tinakpan ang mukha ko nang kamay niya.

"Brent!" I cried in a muffled voice. 

"Sasakay ba kayo ng elevator o magha-harutan lang diyan?" Napatigil kami at napaharap kay Grey. His annoyed expression is very evident while still holding the elevator button. 

Nauna akong pumasok, pilit iniiwan ang siraulong si Brent. Itutulak ko sana siya palayo sa elevator kaya lang ay masyado nang naiinip at napipikon sa amin si Grey.

I don't know Steffi's reaction, though. I didn't put an effort to look at her.

"You still have that same look on your face, Elle." Brent teased me, hindi pa rin natitigil sa mga kalokohan niya.

Hindi ko na pinatulan pa ang pang-aasar ni Brent. Pumwesto ako sa pinaka-likod, dumi-distansya sa kanilang tatlo.

"Why are you here, anyway?" Brent asked me curiously.

"I own a unit here," I simply said so Brent can now shut his mouth.

"Yayamanin!"

"Shut up, Brent." Maarte kong sagot, iniisip kung bakit ko pa hinabol si Grey kanina. Kung alam ko lang na si Brent ang kasama niya, siguro sana nag-grocery na lang ako.

Nakatitig ako sa likod ni Grey at hindi na pinapansin ang pabulong-bulong na kaibigan niya dito sa tabi ko. Tahimik lang si Grey at 'yung si Steffi hanggang sa mapunta na kami sa tamang palapag nang elevator.

I stared at them like a hawk. Naunang lumabas si Grey,  kasunod siya. Nanliit ang mga mata ko nang makita kung paano humawak si Steffi sa dulo nang t-shirt ni Grey, pinipigilan sa mabilis na paglakad nito.

Dahil sa ginawa ni Steffi, binagalan ni Grey ang paglalakad niya. Idinistansya ko ang sarili ko sa dalawa, takot na may hindi magandang marinig sa pinag-uusapan nila.

"They're just friends," muntik na akong mapahawak sa d****b dahil sa gulat nang biglang magsalita si Brent.

"How are you so sure?" Supladang sagot ko sa kanya, nabigyan nang kaunting pag-asa dahil sa sinabi niya.

They're friends. I'm still jealous, though. My relationship with Grey is not that even close to call it friendship. I am just his childhood-annoying-neighbor-slash-admirer.

"Well, I've never seen Grey act extra different with girls. He treats girls just how he treats us. Platonic."

"Then why is he acting like a gentleman? If it were me, baka hindi siya magbabagal nang lakad, kahit kuwelyo niya pa ang hawakan ko."

Brent just laughed at me. Aba! Seryoso ako dito, oh.

"I don't know. Steffi likes him, I know you know. But I don't think Grey likes her. Or any other girl..." Brent looked at me longer, parang pinaparating na kahit sa akin ay walang gusto si Grey.

"I liked him first. Sabihin mo sa kaibigan mo pumila sya ha!"

Tumawa si Brent nang malakas, halos marinig na sa buong hallway. Gusto ko sana na takpan ang bibig niya o busalan. Anong tingin nito sakin...clown?

"Do you want to go inside and start doing our projects or not?" Grey snapped at Brent. Agad natigil sa pagtawa si Brent at nawalan nang kulay ang mukha.

Ha! Takot ka pala kay Grey, eh!

Naghihintay naman si Steffi na buksan ni Grey ang pintuan niya, mukhang naiinip na din dahil nagtagal pala kami ni Brent.

"Sorry. Let's go?" sagot ni Brent na seryoso na. Dapat lang! Mahiya siya sa mga ka-group niya!

Nanonood lang ako sa kanila habang binubuksan ni Grey ang front door niya.

"Sama ka?" bulong ni Brent, niyayaya ako sa loob. Kulang nalang ay pumalakpak ako nang yakagin niya ako.

May mabuti rin pa lang dulot ang pagiging close ko sa isang 'to!

I excitedly nodded at Brent while smiling from ear to ear. Yes! Kasama ako! 

"She's not coming," masungit na sagot ni Grey. 

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status