Share

Kabanata 7

''What now?'' I asked Grey, angrily, dalawang araw matapos ang pagkikita namin nina Brent sa harap nang unit ko.

Nandito siya ngayon sa harap ko, sa Cafeteria, habang kumakain ako nang snack. Kami lang dalawa ang nandito dahil hindi sumama sakin sina Kara. Nagsa-submit na sila nang papers para sa company na in-applyan nila para sa OJT namin.

''I just wanted to eat,'' he said nonchalantly.

''Bakit dito ka pa sa table ko kumakain? Ang dami namang bakanteng table!'' I dramatically looked around, emphasizing the vacant seats around the room.

''Is it bawal? You don't own this table. I don't see your name carved anywhere here,'' he said, arching one of his eyebrows. Mas lalo tuloy na nadepina ang kanyang makapal na kilay, making him looked more mysterious and handsome.

Sandali ako na napatingin sa kanya, naibalik lang ako sa wisyo ko noong umismid siya sa akin, nahuli ang pagtitig ko. Tingin siguro nito, gwapong gwapo na naman ako sa kanya!

Padabog akong tumayo at lumipat nang table, malayong malayo sa upuan ko kanina. Grey suddenly looked confused. Hindi alam kung susunod sa akin o mananatili na lang doon.

Halos lunukin ko nang buo ang blueberry cheesecake na kinakain ko, makaalis lang agad dito. Luckily, Grey just stayed in his seat. Pasulyap sulyap siya sa akin, habang ako ay umiirap kapag nagtatama ang mga mata namin.

Ano naman ngayon ang kailangan niya? Bakit ba siya sunod nang sunod sakin? Akala ko ba ayaw niya sakin?

Nagmartsa ako palabas nang Cafeteria noong matapos ako. Sa sobrang paranoid na baka sundan niya ako, binilisan ko lalo ang lakad ko. Kaya lang, noong lumingon ako ay wala naman akong Grey na nakita.

Tss. Hindi man lang ako sinundan! 

I sashayed my way through the exit noong may magtext sa akin na unregistered number.

Unregistered Number:

I'm charging you my promised dinner if you're free.

Sino 'to? Anong dinner?

Me: Sino ka ba?

Unregistered Number:

This is Calum. I'm sorry, I forgot you don't have my number.

Calum? Sinong Calum? I was about to ask him kung anong last name niya nang maalala ko na isang Calum lang ang kilala ko. Yung dinner! Right! Si Calum yung taga-Tower II! Yung tumulong sa akin sa groceries ko!

Me: Oh. Sorry! Sige, free ako mamaya! Just text me the address, I'll make sure to be there. :)

Unregistered Number:

Okay, Ms. Sungit. See you later!

Natawa ako sa pagtawag niya nang sungit sakin. Maybe it's because I ask who he is in a rude way? Well, kahit naman ire-construct ko iyon, rude pa rin kapag tinanong ko siya kung sino siya. I was about to reply when Grey suddenly appeared in front of me. Literal na napatalon ako sa gulat. Hawak hawak ang d****b, I snapped at him.

''Bakit ka na naman ba nandito? Akala ko ba ayaw mo sakin?!''

''Sino 'yang ka-text mo?'' He asked, totally ignoring my question. Umirap ako sa kanya bago nagpatuloy sa paglalakad, ini-ignora rin ang tanong niya. Akala mo ikaw lang, ha!

Nararamdaman ko pa rin ang pagsunod niya, kahit na naka-labas na ako sa Campus. Akala ko ba busy ang mga BA students, bakit ba buntot nang buntot 'to sakin?

''Sumabay ka na sakin pauwi,'' utos niya, hindi na nanghingi nang permiso ko.

''Ayoko nga! Bakit ako sasabay sayo?'' He looked at me ridiculously na parang nababaliw na ako.

''Same condo tower? Cmon, Peyn, I brought my car,'' pake ko naman kung dala niya ang sasakyan niya? Tsaka bakit ba siya nandito? Nasa loob, sa kabilang dulo ang parking slots.

''Kaya mo naman umuwi nang mag-isa na hindi ako kasama, ah? Iniiwan mo nga ako dati,'' I accusingly looked at him with irritation, naaalala ang mga pang-iiwan niya sa akin dati. Alam kong sinasadya niya 'yon, meron naman siyang sidemirror para makita ako noon na tangang hinahabol ang sasakyan niya palabas nang School.

''At saka, bakit hindi na lang si Steffi ang isabay mo? Matutuwa pa yon sayo,'' I smirked at him bago pumara sa taxi na nakahinto sa harap. 

I'm so thankful na palaging may taxi sa labas nang School kapag gusto kong mag-grand exit. Iniwan ko si Grey doon sa labas pero halos magka-sabay pa rin kami na nakarating sa condo. Nasa likod ko siya noong nasa tamang floor na ako.

Hindi ko na nga lang siya kinausap katulad noong isang araw. Dire-diretso akong pumasok sa loob, hindi tumingin sa kaniya kahit saglit.

Sa isang sikat na hotel kami nag-dinner ni Calum. Nahihiya pa akong pumasok, nanliliit dahil hindi kasing elegante ang suot ko katulad nang mga nakain dito. I just wore a simple white dress, paired with my old white sneakers. 

He texted me the address naman kaya lang ay baka isipin niya na pinaghandaan ko nang mabuti yung dinner, kung magarbo ang susuotin ko. Calum, on the other side, is also wearing casual clothes. Kaya lang, kahit pa mas simple ang suot niya kumpara sa akin, mukha pa rin siyang mayaman. Nababagay lang sa lugar na ito.

Ang sosyal naman nang lalaking 'to para dito pa kami kumain. Puwede naman na sa isang fast food chain na lang, malapit doon sa condo namin.

''Ang sosyal mo naman, anak mayaman ka, ano?'' He laughed really hard at my question.

''Yes?'' Sagot niya, kunwari na hindi pa sigurado.

''Sigurado ka na hindi ako magbabayad dito? Ako dapat ang nanlilibre dahil ako ang may utang sayo.''

''You can pay next time, Elle,'' next time? May kasunod pa 'to?

''Sige, tutal ay sa mamahaling restaurant mo naman ako dinala.'' I playfully winked at him, pagkatapos ay isinubo ang pagkain, halos mapuno ang bibig ko. If I had known the food here's so delicious, I should've ask Daddy to dine here!

''You know, for a decent person, you are so weird,'' I truthfully confessed at him.

''Why?'' He laughed, which is weird again, because he should've asked curiously or offendedly.

''Because one day, you helped me with my groceries, and then the next day, you take me to this fancy dinner. For the record, I owe you. You don't have to treat me here.''

Calum nodded, knowingly. He stared at me for about a second and then resumed eating.

''You wont defend yourself? I just accused you of being weird.''

''Why? I am weird.''

''Okay? You're being really weird, right now.''

Calum laughed again. He looks entertained.

''That day outside the supermarket...that wasn't the first time that I saw you,'' he explained. Okay, what? Kung ganoon, saan niya pa ako nakita?

''We always bumped into each other sa supermarket sa baba, hindi mo lang ako napapansin because you were always focused on buying your grocery items,'' sagot niya na parang nahulaan na ang tanong ko sa isip ko.

''I also saw you a few times doon sa pool,'' sa pool? Ah! Doon sa pool nang condo namin!

''Talaga? Hindi kita napapansin.''

Sabagay, palagi naman akong occupied. Kung hindi sa studies, kay Grey. Sure ako don.

We continued eating, pero paminsan-minsan akong sumusulyap kay Calum. Kuryoso naman ngayon kung bakit niya ako nililibre nang dinner. Clearly, hindi ito dahil gusto niya akong maging kaibigan. I mean...he took me to a fancy dinner!

Ihinatid niya ako hanggang sa lobby nang tower ko. He insisted to take me upstairs but I declined. Nangako na lang ako nang pangalawang dinner. Sisiguraduhin ko talaga na ako na ang magbabayad sa susunod!

Magka-text kami ni Calum habang naglalakad ako paakyat. I politely replied because I do not want to look rude. Pagkatapos i-libre ay dedma na.

Holding my phone on my right hand, and rummaging my bag for the keys on my left hand, halos mapatakbo ako sa gulat noong biglang magsalita si Grey sa gilid ko.

Bastos na 'to! Pasulpot sulpot na lang bigla!

''Gabi na, gala ka pa nang gala,'' he started, kunot na naman ang noo.

''Pake mo ba? Don't tell me you waited outside just to tell me that? May sakit ka yata.''

His lips protuded, parang bata na napagalitan. I wanted to laugh at how cute he is pero naalala ko na galit nga pala ako sa kanya.

Peyn, do not forget the walk away and abandon Grey Mission.

''Ano, Grey? Wala ka nang sasabihin? Kung wala na, papasok na ako.''

''Saan ka galing?'' Tumaas ang kilay ko sa tanong niya. Ayos lang ba siya? Yan talaga ang sasabihin niya? Akala ko naman importante at mukhang hinintay niya pa ako dito sa labas.

''Bakit mo tinatanong?'' mataray ko na tanong din, unti-unti na namang naiinis. ''Ano ba talaga ang gusto mo? Kanina ka pa sunod nang sunod. Akala ko ba ayaw mo sa akin? Ha? Nalayo na ako, ikaw naman itong lapit nang lapit! Ang gulo gulo mo, ha!''

He looked shock at my sudden burst. Aba, dapat lang! Hindi na ako tuta para umamo sa kanya! Pagkatapos nang paulit-ulit niya na pagtataboy! At ano? Pag lumambot na ulit ako sa kanya, papalayuin niya na naman ako?

''Puwede bang alamin mo muna kung anong gusto mo? Hindi yung pati ako ginugulo mo. Gusto ko nalang manahimik, Grey. At hindi ako matatahimik kung lagi kang susulpot sa harap ko at manggugulo,'' pinanood niya lang ako, hindi kailanman sumabat sa mga sinasabi ko.

''I'm sorry,'' he hoarsely said after all the hateful things that I've said.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status