Share

Chapter 80

“HAPPY BIRTHDAY!” sabay-sabay naming sigaw pagkabukas ng pintuan ng bahay.

Pagkatapos niyon ay bumungad sa aming paningin ang naka-wheelchair na si Jemuel. Sumabog din ang confetti na pinaputok namin at nagsiingay ang mga bata gamit ang torotot na humahaba ang dulo sa tuwing hinihipan.

Namilog ang mga mata ni Jemuel dahil sa labis na pagkagulat. Samantalang ang kaniyang ina na nasa likod niya, at may hawak ng hawakan ng wheelchair na sakay niya, ay malawak ang pagkakangiti.

“W-What the...” hindi niya halos mabigkas ang mga katagang iyon. Maya-maya’y isang liwanag ang kumislap sa harapan niya.

“Hey, Kheil. You look handsome on your photo,” komento ni Alas sa larawang nakuha  roon sa kamera na hawak-hawak niya habang naglalakad papalapit sa pinsan.

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status